𝟏𝟎 𝐚𝐫𝐚𝐰 𝐧𝐚 𝐥𝐚𝐧𝐠! 𝐵𝑎𝑔𝑜 𝑎𝑛𝑔 𝑈𝑛𝑎𝑛𝑔 𝐿𝑢𝑝𝑖 𝑛𝑔 𝑀𝑎ℎ𝑎𝑙 𝑛𝑎 𝐵𝑖𝑟ℎ𝑒𝑛 𝑛𝑔 𝑇𝑢𝑟𝑢𝑚𝑏𝑎!

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 9 ม.ค. 2025
  • 𝟏𝟎 𝐚𝐫𝐚𝐰 𝐧𝐚 𝐥𝐚𝐧𝐠! 𝐵𝑎𝑔𝑜 𝑎𝑛𝑔 𝑈𝑛𝑎𝑛𝑔 𝐿𝑢𝑝𝑖 𝑛𝑔 𝑀𝑎ℎ𝑎𝑙 𝑛𝑎 𝐵𝑖𝑟ℎ𝑒𝑛 𝑛𝑔 𝑇𝑢𝑟𝑢𝑚𝑏𝑎!
    Naririnig mo na ba ang Awit ng Turumba? Sapagkat malapit na tayong muling magkasama-sama sa pagsisimula ng pinakamahabang relihiyosong pagdiriwang sa bansa! Alamin natin ang pinagmulan nito.
    Ang musika at titik ng unang dalawang saknong ng Awit ng Turumba ay likha ng Pakileñong kompositor na si Prof. Julian Celis Balita. Base ito sa linyang kinakanta noon ng mga deboto tuwing may Turumba na kanyang nilapatan ng nakagigiliw na musika noong 1969. Noong dekada '80, idinagdag ni G. Iñigo Galing Vito ang huling dalawang saknong ng Awit ng Turumba. Binabanggit dito ang kasaysayan ng pagkakatagpo sa larawan ng Mahal na Birhen ng Turumba.
    Ang kasalukuyang Awit ng Turumba ay may pagkakahawig sa awiting La Procesion de Tarumba en Paquil (1911) ni Maestro Marcelo Adonay, ang tinaguriang Prinsipe ng Musikang Pansimbahan ng Pilipinas na tubong-Pakil, Laguna. Handog niya ito sa Mahal na Birhen ng Turumba.
    Sa Birhen! Sa Birhen! Sa Birhen!
    Sanggunian:
    Rivera, M. (2018). Birhen ng Turumba. Philippines: El Guapo Printing Press.
    Awit sa Nuestra Señora de los Dolores de Turumba
    Turumba, turumba Mariangga
    Matuwa tayo't magsaya
    Sumayaw ng tuturumba
    Puri sa Birheng Maria.
    (Sa Birhen!)
    Turumba, turumba sa Birhen
    Matuwa tayo't mag-aliw
    Turumba'y ating sayawin
    Puri sa Mahal na Birhen.
    (Sa Birhen!)
    Biyernes nang makita ka
    Linggo nang i-ahon ka
    Sumayaw ng tuturumba
    Puri sa Birheng Maria.
    (Sa Birhen!)
    Turumba, turumba sa Birhen
    Turumba, turumba sa Birhen
    Turumba'y ating sayawin
    Puri sa Mahal na Birhen.
    (Sa Birhen!)
    Sa Birhen! Sa Birhen! Sa Birhen!
    #236YearsofTurumba #Lupi2024
    #InaNgLawaNgLaguna
    #ReginaPakileña #Coronada
    #SPAPPakil #PakilChurch
    #TurumbaShrine #SaBirhen
    #TurumbaSocCom

ความคิดเห็น • 3

  • @virgendelcarmen716
    @virgendelcarmen716 9 หลายเดือนก่อน +1

    SA BIRHEN❤!!!!!!!

  • @MarissaMangali
    @MarissaMangali 9 หลายเดือนก่อน

    Viva la virgen los Dolores de turumba

  • @jonathanisorena5856
    @jonathanisorena5856 8 หลายเดือนก่อน

    Wala bang live sa youtube na mass? Para sa smart TV NAMEN