Thank you very much Atty. Jojo Perez for sharing to us your legal expertise on matters concerning the HOA! I am looking forward for your future #UsapangHOA in the near future.
good pm po Atty, mag aasked lang po sana ako ng legal assistances about po sa tie up ng water service and Homeowners Association. meron po kasing arrears si home owner from before na dues years na po ang binilang ngaun po nagbabayad na po ng monthly dues(current) plus water bill. naiwan po si arrears pero may intention naman po to pay but not the lumpsum. from the past years po, ngaun lang po nagbigay ng disconnection si water provider to collect ung arrears and threated na kapag di nabayaran before due date puputulin po ang tubig kahit bayad and water bill in which wala naman po din na cascade na info and board of directors. ask lang po sana if they are violating some laws incase putulina ng water service ni homeowners. salamat po sa sasagot
Atty good day Ask ko lng po kung may power ang mga current officers na may kaso na show cause order.over staying 5 yrs terms.hindi nag sumite ng annual reports since 1998,un official receipt ang ini issue sa mo.dues.mag amyenda daw cla ng bylaws,babaguhin nila na pwede tumakbo sa election ang caretaker at renter.f ever na ma amyendahan ano.po ang proper procedure para maging valid..need pa po ba ipa alam sa dhsud.. Ayaw po nila gamitin ang old bylaws.maraming salamat atty.God bless
Hi Atty Jojo. Maraming salamat po sa mga payo po ninyo. Sana po ay masagot po ang katanungan na ito. Puede po ba maging opisyales ang anak ng owner kapag senior na ang owner at willing n syang ibigay ang membership nya sa anak niya? Sana po masagot ang aking katanungan. God bless.
@@REALTTORNEY pano po kung nasa skwater po at wlapo sa subdivision hindi po sa amin ang lupa lat may assasasion puede po bang hindi kmi sumali matagal napo since birth pa pokmi dto sa lupa naitokung po bang mag bigay ngbiyaya ang may ari ng lupa maoasama ba kmi fahil wla kmi sa assosasion.
I just saw your You Tube Channel and subscribed immediately, watching your other episodes as well. Thank you for your generosity in sharing your expertise with problematic homeowners and lot owners. Hope I found you earlier. More power to you Atty. Jojo!
Thank you for subscribing and watching the videos. By God's grace, we hope we can file more videos this 2022, to provide more information to homeowners desperately in need of it. Please share the video to your friends who you think may benefit from watching the content made so far. God bless always.
Hi po. Magtatanong lang po. Katatapos lang po ng HOA Election namin this February 2023. Ang tanong ko po, ano po ang requirements ng DHSUD para mapa update namin ang new set of Officers sa records nila at mapa renew na din po namin ang aming HOA Regustration sa DHSUD? Salamat po.
Magandang araw po. Sir Roderick Salamat sa inyong katanungan. Hindi po pwede na ang developer ang maningil ng association dues. Dapat po bumuo muna ang developer ng isang HOA at ang Board of Directors or Trustees ang siyang mangongolekta ng monthly dues pagkatapos po na ma-rehistro ang HOA sa DHSUD at sa BIR. Panghuli, dapat din po sundin ng HOA Board ang sinasaad ng ByLaws at rules and regulations sa pagpapataw ng monthly dues sa mga miyembro. Sana po nakatulong ito sa inyong sitwasyon. God bless po.
Gud morning po ang homeowners po namin ay hindi naka registered sa HLURB pero naniningil sila ng monthly dues na kasama sa bill ng tubig po monthly. Gusto po namin na magkanya kanya ng tubig for residential kasi sobrang laki po ang sinisingil nila ang sabi ng Maynilad na bundle po ang tubig kaya di pwede kami magkanya kanya
Good afternoon. Salamat po sa inyong katanungan. Meron talagang ganyang sitwasyon na ang Maynilad ang kausap lang ng HOA. At may standard charge lang po kada homeowner sa tubig. Kung gusto ninyo baguhin ito makipag usap po kayo sa HOA Board para sila ang kakausap para magkaroon ng metro ang bawat homeowner. Pero baka po may malaking paunang gastos ang pagpapalagay ng sariling metro sa bawat bahay ng homeowner. Timbangin po ninyo ang inyong mga options. Good luck.
Sir ako po ay nakatira sa isang subdiv sa avida sta catalina salawag ang problema po nmin ang ayala po ay binitaan na po at iddonate n lng sa lgu kaso d pumayag ang hoa at cla ang umako na magshoulder ng bayarin sa clubhaus or sa spine road, ano ang dahilan bakit inako ng hoa kz ayaw n makapasok ang iba, kaya napilitan ang 3 phase na mangolekta ng fee na binase sa laki ng lupa ng mga member, per sqr mtr, 6pesos so kung malaki lote mas malaki ang fee, bkit binase sa lote hindi po doon sa laki ng spine road o expenses ng club haus,ang problem po hindi po nagpatupad ang isang phase bastat inapprove n ln ng hoa officers without the voting of the members , at wala pa pong final turn over, legal poba un at sobang taas po
Magandang araw po Sir Joseph. Salamat sa inyong katanungan. Ayon po sa SEC. 30 ng PD 957, ang may-ari o developer ng isang subdivision project ay obligado na magpasimula ng isang Homeowners' Association na binubuo ng mga mga nakabili at nakatira sa nasabing subdivision project. Yung timing lang po ng pagsisimula ng isang HOA ay hind naklaro ng PD 957. Ngunit ang sabi ng batas ay ang pagsapi sa HOA ay voluntary at hind pwede pilitin ang isang homeowner na sumali sa binubuong HOA puwera na lang kung ang pagsali sa HOA ay nakasaad sa Deed of Absolute Sale na pinirmahan ng mga buyers o kung ang pagsali sa HOA ay nakasaad sa Deed of Restrictions at ito ay naka annotate sa land title ng nabiling bahay at lupa. Paki tignan lang po ang nasabing dokumento para sa inyong kaalaman at patnubay. God bless po.
Kapag hindi po ba nakka pag updated sa pagbabayad ng monthly due wala ka pong karapatan n magtanong kong saan napupunta ang mga pera na pumapasok sa HOA,lalo na po dun sa sticker na nakokoleksyon nila
Good morning atty,I'm from Antipolo city, Rizal,where can we file our complaints against our past officers? Issue is non submission of FINANCIAL STATEMENT for the past 5 years
di bo ba ang deeds of restrictions is an agreement between the developer and the buyer? and when the developer is left the develop project meaning the agreement in deed of restrictions are not considered valid
Good morning Atty! kami po ay palipat ng gobyerno sa northville1 at sakop ng NHA. Ang aming mga HOA ay nagpatupad ng vehicle sticker na may kaukulang bayad. Ito po ay hindi dumaam sa general assemble or public consultation. Hindi rin ipinaalam sa mga miyembro na dapat kinakailangan para simple majority bilang kanilang pagsangayon. Tama po ba ang kanilang naging habang atty. Maraming salamat po
Atty. ako po ay may tanong. Ako po ay may nabiling townhouse ng cash, inner unit po ito. Ngunit may konti lamang akong binago, ang bubong po ng terrace ay kalahati at nakaharap sa kanan. Ngaun po ng magbubong kami ng kalahati pareho na naming pinaharap sa kalsada. Pinababaklas po sa amin dahil bawal daw po ang ginawa namin?
Here in Villa Elena the officers was not elected by the mambers as such appointed by the realty co. Start their operation prior to the approval Hlurb as well reg with BIR is now issuing payment with aknowledgement receipt are the legal in thier operation and imposing rules that if you have accountability on monthly dues the prevent installation internet provider in in your residential place to have this facilities as work at home employee to have an income for your family pls help us to handle this problem thank you.
Magandang araw po Sir Lito. Salamat sa inyong katanungan. It seems that your HOA is not duly registered with DHSUD and BIR. If this is the case then you can file a complaint with the DHSUD (Human Settlements Adjudication Commission). That is the only you can stop the wrongdoings committed to all the homeowners in your subdivision. You can also file a complaint against illegal collection with the barangay, if you so choose. But, going directly to DHSUD is best for the situation of the homeowners. Good luck. and God bless.
Hi Atty Jojo. Tanong ko lng po kasi yung mga officers sa subdivision namin ay in practice sila na sumasahud pero hindi nila sinasabing sahud sabi lng nila honorarium lng daw. Pero monthly sila lahat tumatanggap at may proposal na naman daw sila na mag increase at meron pang sinasabi na magkaroon ng discount sa kanilang monthly dues pa. Legal po ba ito Atty?
Atty ano po ang mga hakbang na kailangan gawin upang ipetisyon na tanggalin ang isang hoa officer na simulat sapul eh hindi po umaattend ng meeting ng hoa officers at hindi din po active?
Gudam sir ask k lng po ilang % po b pwedeng magkaroon ng hoa at hal.500 unit capacity ng subd.nmin pero 150 plang ang nakatira s amin ang sabi po s amin ng filinvest wla raw kming karapatang tumanggi
Legal po ba na ang LGU mismo ang naginitiate ng HOA sa isang street ng isang brangay( hindi subdivision) ang sinsabi nla kpag hndi ka member ay wlang mttnggap n ayuda sa govt
Good evening. Tanong lang po. Bagong bili ko lang nang 20 year old condo at nagbabayad ako nang HOA dues every month. Napansin ko ay ang property management is not maintaining the property. I’ve asked kung kelan ang HOA meeting. Ang sabi ay wala daw HOA committee established by condo owners. All decisions are being done by developers and they don’t invite condo owners to attend their meetings. I have been writings letters to property management to implement their house rules and make some repairs but I am being ignored. Other owners feel the same way but I am more passionate about correcting the issues. Ano po ba ang dapat ko or namin gawin para ayosin nang property management ang condo namin? Thank you.
I apologize for the late reply. I was sick for about 2 weeks. I hope I have answered all your concerns in an earlier thread just now. Good luck a d God bless. I hope all Unit Owners are as passionate as you in upholding your rights as Unit Owner. God bless always. Atty. Jojo
Realttorney TV thank you so much for the info. I’ve already mailed a letter to Hlurb and just waiting for their reply. I would like to suggest if you can make a segment similar to my situations as I know a lot of condo owners experiencing the same issues (not worst as mine). Again, thank you.
Magandang hapon po Atty.Gusto ko lang po itanong sa nyo kung papano ko po mallaman kung legal po ba itong aming association location po namin dito sa barangay ngapayong pasig city mangga 3 Tuazon home owners name nya may mga buwanang payad kami,pwede ko po bang verify sa bir ang resibo binibigay nila?malaman lang namin kung totoo kasi madalas bayad po ng bayad pag dating ng oras pag nagpalit ng president wala na din ang mga collection
Good evening po. Salamat po sa inyong tanong. Ang isang HOA na rehistrado sa dating HLURB (ngayon ay Homeowners Associations and Community Development Bureau) ay meron Articles of Association at By-Law na nasumite sa HACDB. Para malaman kung ang inyong HOA ay rehistrado pwede po ninyo hanapin sa website ng www.hlurb.gov dahil wala pa pong website ang Department of Human Settlements & Urban Development, kung saan ang HACDB ay isang bahagi. Bukod dito pwede din po kayo na lumiham sa RDO-BIR kung saan lugar ang inyong HOA para malaman kung ang inyong HOA ay rehistrado sa BIR o hindi. Kung ang inyo HOA officers ay kolekta lang ng kolekta ng monthly dues at hindi kayo binibigyan ng O.R. na rehistrado sa BIR (ibig sabihin ay meron TIN ang inyong HOA), malamang hindi po rehistrado ang HOA sa BIR. Sana makatulong ang impormasyon na ito sa iyo. God bless always.
Good Day Atty. Jojo may tanong lang sana ako sayo about sa statement nang (Contract To Sell).. WARRANTIES: Legal Title and Tax Declaration of the lot as well as Tax Declaration of the house shall transfer to the BUYER only upon full payment of the Total Contract Price and execution of the Deed of Sale. The title so conveyed shall be subjected to, and the BUYER hereby agrees to be bound by, a Deed of Restriction and by-laws of the Homeowner's Association, it's rule and regulations, and other restrictions as may be imposed by governmental and other authorities having jurisdiction thereon and restriction. Tanong??.. Kami po ba ay Automatic Member sa (HOA) base sa statement..
Good afternoon. Salamat po sa inyong katanungan. Base po sa nakasaad sa WARRANTIES, kayo po ay magiging automatic member ng HOA upon full payment of the Total Contract Price.
Sir how about nmn po sa nabiling lupa na rights lang at may nagclaim na wala nmn siyang titulo ng lupa. Sanay mapansin tong coment ko at mgawan ng kasagutan. Maraming salamat.
Hello Atty. pag nangungupahan ka lng po ba sino responsible sa pagbabayad ng HOA. Owner or naguupa? Required po ba kmi magbayad monthly even wala sa contract nmin ang HOA fees? TIA
good pm po.. mag koconduct napo kami ng hoa election ngayong feb.. ok lang po ba na wag naming sundin yung sa hlurb kasi po ang gusto ng majority eh per partylist... sa hlurb po kasii base sa ranking ng mga tumakbo ang magiging posisyon nila.. pag 1 ka automatic president kana.. sana po mapansin ninyo ang tanong ko.. salamat po and god bless
Ask lang po, iba po ba ang Neighborhood Association at Homeowners Association? Kung oo po, need po ba itong iregister din? San po ito makikita kung legal?
Good Evening po attorney beneficiary po ako at Wala masyado alam sa Hoa salamat at may video na ganito. Awarded po lupa sa amin at neto lng sa panahon ng pandemic ay gumawa ng Board of resolution ng patakaran na ang mga miyembro na nagpapaupa ng bahagi ng bahay nila ay pinagbabayad ng 10 percent monthly sa halaga ng paupa nila..sa tingin ko po ay napaka laki ng 10 percent at Monthly po eto at hindi makatarungan... Part lng naman po ng bahay ang pinapaupa paramagkaroon ng karagdagang kita. Sana po ay matugunan nyo ang katanungan ko. tnx po
Good afternoon. Salamat po sa inyong katanungan. Bago po magpatupad ng kahit na anong guidelines ang HOA Board kailangan po na dumaan ito sa masusing pag aaral at mas maganda kung aprubado ng mga miyembro bago ipatupad ito, lalo na kung ang regulation ay may fee na babayaran. Bukod dito, dapat meron legal na basehan kung bakit ipapatupad ang nasabing regulation. Kung sa tingin ko po hindi makatarungan ang nasabing patakaran kaya dapat po kayo sumulat sa Board para ipaalam ang inyong saloobin at para ipatigil ang nasabing regulasyon. Kung magmamatigas ang inyong HOA Board, pwede po kayo magreklamo sa Department of Human Settlements & Urban Development (DHSUD). Ito po ang dating HLURB. Good luck po.
Sir bumubuo kami ng hoa kaya lang ayaw aprubahan kelangan daw pumunta muna kami ng dshud Phase 1 to 5 phase 5 kme Hindi na kami inaabot ng tulong May nakita kaming batas na once himdi ka dumadaan sa nasasakupan nila may kalayaan kaming bumuo ng sariling hoa at hindi kami na seserbisyuhan ?? Ano po ba pwedeng gawin kelanga. Po ba talaga punta pa kmi ng hoa
Ask ko lang po atty, paano po kapag hindi po registered yung HoA sa SEC or sa HLURB? Kini-claim po nila na registered po sila sa BIR, pero hindi naman po yun ang tamang department for registration. In fact po, may monthly dues po sila na hinihingi samin at meron din pong mga kinukuhang entry fees para sa deliveries, e sa mga residence din naman po yung mga pupuntahan nung mga deliveries na yun
Magandang araw po EM. Salamat sa inyong katanungan. Ang unang hakbang po na ginagawa ng HOA ay ang pagpaparehistro sa Department of Human Settlement & Urban Development (DHSUD). Ang dating HLURB ay DHSUD na po ngayon. Pangalawa po, tsaka pa lang magpaparehistro sa BIR ay HOA kapag lumabas na ang certificate of registration ng HOA mula sa DHSUD. Ang patunay po na nakarehistro na sa BIR ang isang HOA ay ang pag-iisyu sa mga miyembro ng official receipt na may valid Tax Identification Number kada bayad ng month dues, etc. Kung hindi po sumunod ang inyong HOA sa prosesong ito, pwede po ninyo ireklamo sa DHSUD ang mga tao sa likod ng inyong unregistered HOA. Good luck po.
nakatira po ako sa labas ng subdivision entrance gate. meron pong homeowners association ang nasa loob ng carmel 3 subdivision. pwede po ba nila akong singilin ng homeowners association dues kahit ako ay wala sa enclosed area ng subdivision?
Ang aming HOA po ay gumagamit ng Provisionary Receipt lalo na sa pag singil ng Special Assessment at ibat ibang bayarin tulad ng stickers at mga permits.
Gud day po... Atty, Jojo. Taking Lang po... Bakit po inaward Sa naupa ang aking bahay, na wala man Lang letter notice, Sa may-ari ng bahay.... Nagbabayad naman ako ng monthly due... Na late nga Lang ng pagbabayad???. Pakisagot po. Salamat...
Hi po. Matatanong lang po. Pwede po ba mag increase ang HOA ng Monthly Dues without calling for a General Membership Assembly ng Homeowners? Please advice. Thank you.
Gooday...sa pg entrnce po nmn sa sub kelangn po ng sticker..ngyn po 2021 may bago rules ang po na kailangn mg fill up ng form at bibigyan k lng ng form kpag updated ka sa monthly due...at kpag hindi po kelangn mo mg bayad ng 5 pesos..sa main gate nmn..makatwiran po ba iyon...salamat po.
Sir, legal po ba na magputol ng water connection ang homeowner's association ng isang subdivision during this time of pandemic? Tapos ngayon na need ho yung water nag sisingil po ng reconnection fee para ikabit ulit yung linya?
Atty.,kung hindi ko po gusto na magmember ng HOA,may right po ba ang board of director na pilitin akong magbayad ng monthly dues at ano po ang mawawala sa aking mga karapatan sa pagtira ko sa subdv ito?
Can the developer impose a homeowner monthly due to a single dwelling house constructed over four lots considering that the one lots is only 90 SQ M. Also the developer is imposing a lot monthly dues without any house built on it? Please enlighten us about this matter if illegal or legally allowed?
Good day atty..Marami sa amin na HOA member ang iba hindi makapag voice out at hindi alam ang rights.. Ang tanong ko po ay ganito.. ang aming subd.po ay pinasok na ng govt.proj.basketball court 1.hindi po ba dapat meron etong pag uusap bitween sa HOA at LGU. 2.ilan po ba ang required numbers ng HOA na voting para makapasok etong ganitong proj. 3.napapansin ko po dito sa pilipinas, hindi nasusunod ang standard distance sa paglalagay ng amenities or govt proj. Sa residential houses which is dapat yun ang unang concerned, yung wellness ng residente. Tulad dito sa amin.halos 2 meters lang ang setback sa basketball court..sobrang ingay at abala sa gabi 4.kung titignan naten sa ibang bansa..sobra higpit nila sa ganitong mga amenities or govt proj..lagi iniisip ang kapakanan ng mga mamayan.. malayo sa kabahayan ang sports amenities. 5. At wala rin nilabas na bylaws ang subd namen..wala rin general.meeting ng pinasok nila anh ganitong proj. At binuhay daw nila ang HOA officers..pero wala sila mapakitang registration from HLURB at registration sa BIR. Since nagbabayad na kame ng monthly dues..hoping po atty makagawa kayo ng vlog for this .God bless
Hanggang ngayon po dalawang resibo ung isa official receipt which is 300 pesos tapos 'yong isa printed lang na resibo which is 200 pesos ..sa palagay ko po walang legality ung 200 pesos.
Paano po nagta-transition ang HOA BOD from HLURB to DHSUD? Saan na po dapat nagpapasa ng requirements ang elected BOD? HLURB ba or DHSUD? salamat po Atty.
Magandang araw po. Salamat sa inyong katanungan. Wala pong bagong requirements na ipapasa sa DHSUD. Yung listahan ng mga registered HOA na nakatala sa HLURB, ay pareho pa rin po sa talaan ng DHSUD. Ang mga reportorial requirements na dapat ipasa ng HOA kada taon ayon sa alituntunin na nakasaad sa RA 9904 at IRR nito, ay ipapasa na po ngayon sa DHSUD, in particular sa Homeowners Associations and Community Development Bureau (HOACDB). Sana po nakatulong ito sa inyong sitwasyon. God bless po.
Good morning atty. Ang village po nmin ay mga problema pa na dapat solusyonan ng developer pero gusto ng iturn over sa HOA, 70 percent ay gusto na iaccept at magkaroon ng election 30 percent ng residents ay ayaw pa po. Pwede na po ba iturn over at bumuo ng officer khit may 30percnt na ayaw pa? Sana masagot po agad atty.
Magandang araw po Sir Toffy. Salamat sa inyong katanungan. Ang HOA po ay parang isang bansa na demokrasiya ang namamayani. At dahil dito, the rule of majority will be followed po. Dapat po idaan sa referendum ang nasabing issue sa general membership meeting or assembly. At kung ang pagpayag sa turn over ng HOA community facilities at parks, playgrounds and open spaces ay 70% then kailangan po sundin ng 30% ang pasya ng nakararami. Sana po nakatulong ito sa inyong sitwasyon. God bless po.
sir good evening po.. Sir tanong ko lang po sana matulungan niyo ako.. pano at saan ko po ba maveverify kung legir or totoo at hindi scam ang isang HOA? kasi sa lugar namin nagbabayad na po kmi direct sa owner ta nag pirmahan naman sa CITYHALL.. pero may agam2 padin po kasi madaming nagsasabing hindi daw totoo ang HOA namin.. hindi ko naman po alam kung saan at kung papaano ko maveverify kung totoo po ba ang HOA namin.. More power sir.. Godbless
Magandang araw po. Salamat sa inyong katanungan. Ang pagbabayad po ng monthly HOA dues ng isang nangungupahan ay depende po sa kasunduan ng dalawang panig sa Contract of Lease. Wala pong sinasabi ang batas kung sino po ang magbabayad nito. Kadalasan po ang pagbabayad ng HOA dues ay nakatoka sa Lessee (yung naupa ng baha). Kung ang may-ari po ang magbabayad ng dues, kadalasan po nakasama yung halaga ng monthly dues sa kabuuang renta na babayaran ng Lessee. Sana po nakatulong ito sa inyong sitwasyon. God bless po.
Magandang araw po. Salamat sa inyong katanungan. Ang bawat subdivision project ay may right-of-way palabas sa public road (barangay road, municipal road, city road or national highway. Kung sa private road po naka konekta ang main road ng inyong subdivision, pwede po masabi na nakikiraan lang ang subdivision sa may-ari ng lote sa harap. Sana po nakatulong ito sa inyong sitwasyon. God bless po.
Atty.,magandang hapon po, how about,nag elect na sila ng officers last January 2020, tapos hindi alam ng ibang homeowners(lack of communication), tapos until now hindi pa rin nalilipat sa amin ng developer ang HOA, please help Atty.
Good evening po! Ask ko lang po meron po kasi ngtayo ng association sa amin naniningil po sila ng monthly dues at car sticker pero wala pong resibo na naiibibigay dahil ang katwiran po nila ay pakikisama nalang daw po para mi ipambayad sa nagbabantay sa gate. Ok lang po ba yun kahit na hindi po develop at marami pong ibang nadadaanan bukod sa gate at nagbibigay din po ng sticker sa mga hindi residente ng walang resibo. Ok lang po ba na ipagpatuloy nila ang paniningil ng monthly dues at car sticker kung hindi naman po pabor ang lahat sa association nila kaya lang po wala nalang sila magawa kaya nagbabayad nalang po sila. Slamat po
Good afternoon. Salamat po sa inyong katanungan. Ang una pong dapat gawin ay alamin kung totoong rehistrado ang inyong nasabing HOA sa Department of Human Settlements & Urban Development (DHSUD). Kung hindi po nakarehistro ang nasabing HOA, ang paniningil ng monthly dues at car sticker ay bawal po. Kahit rehistrado ang HOA, dapat po nagbibigay ng O.R. ang mga naniningil sa inyo. Ang O.R. po ay dapat BIR-registered at may pangalan ng HOA sa ibabaw. Hindi po pwede yung O.R. na nabibili sa National Bookstore o kahit saan man. Pwede po kayo magreklamo sa barangay kung hindi rehistrado sa DHSUD ang HOA o sa DHSUD kung rehistrado ito at hindi nagbibigay ng resibo. Sana po makatulong ito sa inyong sitwasyon.
Atty.Good morning po 2012 pa registered ang Hoa at ang nagparehistro nito ang Drveloper at I bang officer tao nila di nakatira sa subdivision at naningil ng monthly dues tama po ba ito? Marami di nagbbayad now ang sabi nila Lahat ng Di nagbbayad pwedi icharge sa pagkuha ng Titulo di daw makkuha ang Titulo if Di bbayaran all monthly dues mula ng cmula ano po tama?
Good afternoon. Salamat po sa inyong katanungan. Ang isang kasapi ng HOA ay dapat po homeowner sa isang subdivision project. Sabi po sa Section 3(j), RA 9904, ang HOMEOWNER ay isang "owner or purchaser of a lot in a subdivision/village." Base po sa batas dapat po ang mga members ng HOA ay may-ari ng lote sa subdivision project. Ang may-ari ng lote ay pwede po nakatira o hindi nakatira sa loob ng nasabing subdivision. Ang hindi ho pagbabayad ng HOA monthly dues ay wala pong kinalaman sa pag iisue ng titulo sa pangalan ng may-ari ng lupa. Basta fully paid na po ang lote, ayon sa PD 957 ay dapat na pong ibigay ang kopya ng titulo sa lupa sa nasabing may-ari. Sana po makatulong ito sa inyong sitwasyon.
Atty gdpm paano po kung ang binibigay nila resibo sa monthly dues is peti cash at hindi resibo ng bir pwde po ba ako hindi magbayad..hindi na din nag sumite ng annual report sa DHSUD since na rehistro.salamat.po
Magandang araw po Sir Alex. Salamat sa inyong katanungan. Pwede po kayong hindi magbayad kung hindi BIR-registered official receipt ang binigay sa mga miyembro kapag nagbabayad ng monthly dues. Pero, mas mainam po kung irereklamo ng mga homeowners ang mga officers na nasa likod ng illegal na pagkolekta ng monthly dues. Hanggang sila po ang nangongolekta ng monthly dues, pahihirapan po nila kayo kahit kayo ang nasa tama. Good luck po.
Good AM po attorney, subdivsion pi namin dito is hindi naman private, at hindi naman HOA tapos biglang isang iglap naging HOA agad, at may mga officers na, tapos biglang isinara ang mga gates, so dalawang gates lang ang open, tapos mga guard pa mga hindi naman talaga lehitimong gwardya, since birth karamihan dito pati mga lolo ko angkan namin ay taga rito na talaga, tapos oobligahin ka na kumuha ng sticker nila para pagbukasan ka ng gwardya, without our consents, so ang sistema sila sila lang or pili lang sila na nag plano at nagpatupad nang ganito dito, legal po kaya ang ginagawa nila? Kasi parang kami ang kawawa dito eh, basta lang sila makapag disisyon nang di man lang nagtatanong sa lahat ng mga owners ng bahay dito gaya namin.
Good afternoon. Salamat po sa inyong katanungan. Malalaman ninyo kung legal ang pag tatatag ng inyong HOA ay kung may Certificate of Registration galing HLURB (o Department of Human Settlements and Urban Development). Kung wala ito pwede ninyo ireklamo ang mga opisyales ng HOA sa DHSUD. Good luck po.
Magandang araw po. Salamat sa inyong katanungan. Ang mga informal settlers po ay pwede magtayo ng HOA. Meron lang pong proseso na susundin. Makipag ugnayan po kayo sa Urban Poor Affairs Office ng inyong LGU. Hindi po pwede sumali ang informal settlers sa isang HOA kasi po hindi po sila ang may-ari ng lupa kung saan sila nakatirik. Sana po nakatulong ito sa inyong sitwasyon. God bless po.
Hi again atty. Gusto ko rin po malaman kung paano mabubuwag yung association kung illegal po yung ginagawa nila? Naghihikayat po kasi sila ng mga tao sa lugar namin para maging members at pinapangakuan po ng libreng titulo ang magiging miyembro ng HOA ang nakakapagtaka lang po may kasama pa po silang taga denr pag nagiikot po sa brgy namin? Ano po sa tingin niyo po sa ganitong case? Hoping po sa inyong response. Thanks po and God bless atty.🙏
Good morning po. Salamat po sa inyong katanungan ulit. Before you can determine if the HOA was created illegal, you have to check if it is registered sa Department of Human Settlements & Urband Development (formerly, HLURB). If it is duly registered then you go through the process of revoking the certificate of registration of the HOA. If it is not regiatered then no need to file a revocation case. However, you cannot stop the activity of these people if they insist on recruiting "members". Sabihan na lang po ninyo yung mga tao na baka wala pong mapala yung pag recruit sa kanila. Good luck.
Magandang gabi po tanong ko pag hinde ba nka bayad ng monthly dues ng tatlong buwan ay may karapatan na ibenta ang aming bahay at lupa.pero wla naman nabanggit sa deed of sale namin ang HOA.pero nirehistro nila kya may karapatan daw ang mga board of director. Na ibenta kasama ang HLURB.
Magandang araw po Ms. Cristina. Salamat sa inyong katanungan. Kung hindi po makabayad ang isang homeowner ng monthly dues sa tatlong nakalipas na buwan, wala pong karapatan ang HOA board na ibenta ang bahay at lupa ninyo. Ang taninging kapangyarihan ng inyong HOA Board (kung sila ay legal na rehistrado sa DHSUD at BIR) ay ideklara kayong "delinquent member" ayon sa Section 9 ng RA 9904 at sa provisions ng HOA ByLaws. Kung magpipilit sila na kanilang mga sinasabi sa inyo na walang basehan sa batas, pwede po ninyo sila ireklamo sa barangay at sa DHSUD. Sana po nakatulong ito sa inyong sitwasyon. God bless po.
Good day po Atty. Gusto ko lang po sana i-clarify yung binanggit po ninyo na "automatic" membership na nakasaad sa contract to sell, ibig po bang sabihin nun ay "mandatory" na silang magiging member ng hoa hanggat nakatira sila sa village na yun? At kapag na-declare na pong delinquent ang isang member, nangangahulugan po bang hindi na sila miyembro ng hoa? Naguguluhan po kasi ako sa issue na yun. Sana po mapansin at matugunan ninyo ang aking katanungan.. Maraming salamat at God bless po.
Good afternoon. Salamat po sa inyong katanungan. Ang pagiging kasapi ng HOA ay hindi base kung ang isang tao ay nakatira sa subdivision o hindi. Basta ang isang tao ay may-ari ng lote sa subdivision project, sila po ay miyembro ng HOA. Ang pagiging deliquent member po ay hindi ibig sabihin na hindi na miyembro ang isang homeowner. A member declared as delinquent normally is a person who has not paid monthly dues for a certain period of time. Hence, as a delinquent member he loses certain privileges like the right to participate in the election as well as the right to become a candidate for the election. I hope this clarifies things for you.
Atty. Jojo kailangan po na ang monthly fees or monthly due's ay dapat magbigay ang officers ng official receipt? Dito kasi sa san carlos Villa 1 subd.noong mga nakaraan ang binigay samin na resibo official receipt na ang nakalagay na halaga 500 pesos tapos ng sumunod na buwan dalawang resibo na ang binigay ,tinanong namin kung bakit dalawa?ang sagot samin hindi daw kasi pwede mag declear ng 500 pesos ng monthly fees sa BIR, kaya ayon po ang ginawa ng treasurer dalawang resibo.'yong isa 300 pesos para sa official receipt tapos ung isa 200 pesos na hindi naman official receipt.
Hi Maribel. Ang pag bibigay ng 2 resibo ay pandaraya sa inyong mga miyembro at sa BIR. Ang pag issue ng O.R. ay pagsisigurado na alam ng lahat (mga miyembro at gobyerno) kung magkano ang nalilikom na pondo para gamitin ng HOA. Tax evasion po ang ginagawa ng inyong treasurer at ito po ay isang kasong kriminal at may karamptang kulong kapag na-convict.
may karapatan din po ba na maningil ng bond ang developer wala po kaming hoa officers sapagkat hindi po kami iniendorse ng developer pero may mga volunteers po kami naniningil sa basura sapagkat hindi naman po kami iniintindi ng developer...
Good afternoon. Salamat po sa inyong katanungan. Ano po kaya yung bond na sinisingil sa inyo? Kung construction bond po ay ligal na naman po iyan. Ito po ay sumasagot king may masisira na kalsada o improvement dahil sa paglabas at pasok ng mga construction materials sa subdivision. Also, kung may deed of restrictions at setbacks na hindi nasunod pwede po i-forfeit ng developer ang construction bond. Ngunit king wala naman pong nasira at sumunod kayo sa lahat ng nakasaad sa Deed of Restriction dapat po agad ibalik ang construction bond kaagad.
ano ano po ba ang mga kelangan bago makpagparehistro ang HOA sa HLURB ? kelangan bang may mga miyembro na ang HOA o pwede bang magrehistro muna ang HOA bago sumali ang mga myembro ?
Good evening po. Salamat po sa inyong tanong. Ang listahan kung anu-ano ang mga requirements para makapag rehistro ang isang bagong HOA sa ahensiya ng pamahalaan (HLURB dati, ngayon ay Homeowners Association & Community Development Bureau ng Department of Human Settlements & Urban Development) ay naka paloob sa Rule 5 ng Implementing Rules & Regulation ng RA 9904 (HLURB Board Resolution No.877, Series of 2011). Basic requirement po na meron na dapat mga tao na sasapi sa HOA. Itatala nila ang kanilang pangalan at pipirmahan ang isang INFORMATION SHEET, na isusumite kasama ng ibang requirements na nakasaad sa Section 22, Rule 5 ng IRR. Sana makatulong ang impormasyon na ito sa iyo. God bless always.
may mga guidelines po b sa pag gamit ng sattelite disc within residential used? and how HOA will act to regulate it or it is necessary to limit this by HOA?
Good afternoon. Salamat po sa inyong katanungan. Bago po magpatupad ng kahit na anong guidelines ang HOA Board kailangan po na dumaan ito sa masusing pag aaral at mas maganda kung aprubado ng mga miyembro bago ipatupad ito, lalo na kung ang regulation ay may konting fee na babayaran. Finally, dapat meron pong matinding rason kung bakit ipapatupad ang nasabing regulation. Kung sa tingin ninyo na hindi makatarungan ang nasabing patakaran sumulat po kayo sa Board para ipaalam ang inyong saloobin.
Ms. Girlie, hindi po malinaw kung ano ang tinatanong ninyo. Paki message na lang po ulit king ano ang nais ninyo na aming bigyan ng kasagutan. Salamat po.
Magandang araw po. Pasensiya na po at mukhang wala nga yung Episode 3. Hindi po naupload. Hanapin po namin kung saan siya nai-save at i-upload agad. God bless po.
Good morning po attorney ask ko po may batas po ba na nag sasaad sa batas patungkol sa pag lagpas ng bubong mga gamit pag luluto sa daanan pag papatugtog ng lampas sa 10pm to 8am. Para na rin po sa kaalaman niyo 1 meter lang po kasi nag daanan namin at dead end pa po. 😢
Good morning Raphael. I hope all is well with you. Than you for your question. May mga restrictions po regarding your concern na nasa Building Code of the Philippines. Hindi ko lang alam kung anong exact provision po. Pwede po ninyo itanong sa Office of the Building Official sa inyong LGU. Yung pagpapatugtog o pagkanta ng malakas sa disoras ng araw o gabi ay sakop po ng ordinansa ng inyong LGU. Kung wala pa pong ordinansa patungkol dyan, pwede po kayo magreklamo sa barangay o sa munisipyo ng inyong LGU. Good luck po.
Magandang araw po. Tanong ko po attorney, ang aming subdivision may hoa na, pero hindi pa turn over, at ang problem ay dalawa ang binabayarang garbage fees, una ay sa receipt ng developer and ang pangalawa ay sa nakatayong hoa. Nagbabayad kami for almost 6years sa developer ng 100pesos na monthly hoa dues pero wala naman silang ginagawang aksyon para mamaintain ang mga basura, mga butas sa mga pader na dinadaanan ng masasamang loob, walang ilaw mga poste. At ang nakatayong hoa naman na hindi pa rehistrado ay nagawa ng paraan para maayos ang mga pagkukulang ng developer as legal na hoa since di pa kasi fully turn over ang subdivision.
San po ba kya kami dapat lumapit kasi kaming mga nakatira ang nahihirapan sa sitwasyon. Need bayaran ang dues na mula sa developer kaso notarized yun pero wala naman silang aksyon sa mga pangangailangan ng mga homeowner.
Good afternoon. Salamat po sa inyong katanungan. Pwede po kayo mag sampa ng kaukulang reklamo sa Housing Association and Comminity Development Bureau ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD). Ang office po nila ay matatagpuan sa Kalayaan Avenue. Katapat po ito ng Quezon City Compound. Kung wala po kayo sa NCR, pwede po kayo mag sampa ng reklamo sa Regional Office ng dating HLURB. Ito po ngayon ay Regional Offices ng DHSUD. Good luck po.
Pwede po bang humingi ng payo. Hindi po ba cover ng garbage disposal and hoa association fee bakit po pinag babayad parin ako ng garbage fee kahit nag bayad na ako ng association fee?
Magandang araw po Ms. Yvaine. Salamat sa inyong katanungan. Ang mga HOA po ngayon ay nangongolekta ng "garbage disposal fee" na bukod sa monthly HOA dues. Ang fee pong ito ay special assessment (sa ilalim ng "environmental protection fee") under Section 9.2. ng HLURB RESOLUTION No. 001, Series of 2017. Ngunit dapat ang proseso sa pag kolekta ng garbage disposal fee ay nakasaad sa isang Board Resolution na pinasa ng inyong HOA Board at naka itemize sa official receipt ng HOA, na rehistrado sa BIR, at binibigay sa inyo pagkatanggap ng inyong bayad. Sana po nakatulong ito sa inyong sitwasyon. God bless po.
Tnx for the info.paano po Kung Ang among samahan ay wla pa title Ang lot.at iyon po Ang layunin ng ass.mandatory po b na sumali Ang lahat ng nkatira?at Tama po ba na kahit wlang bahay at Hindi lihitimong nkatira sa lugar ay maaring sumali sa HOA?
Pwede po bang pigilin ng president ng hoa ang pagpapalabas ng mga personal na gamit ng isang member sa labas ng subdividion kung hindi siya nag babayad ng hoa dues?
Good evening. Salamat po sa inyong katanungan. Hindi po pwede pigilan ng HOA President ang paglalabas ng personal na gamit ng isang kasapi ng HOA na hindi nagbabayad ng monthly dues. Hindi po tama iyan at hindi po makatarungan yan.
Magandang araw po. Salamat sa inyong katanungan. Ang pagpasa ng Board Resolution ng HOA ay wala pong required number of days para ang Resolution ay maging epektibo. Once the Board Resolution has been adopted by a majority vote of the Board Members, it becomes effective immediately, unless there is a specific time period that is indicated on the Board Resolution itself. Sana po nakatulong ito sa inyong sitwasyon. God bless po.
Gud day atty Jojo.nakabili po kami NG lote na walang papel,I mean entry pass.excess lot po.bininta NG katabi namin bahay.may kasulatan Lang po kami,Pina-register namin sa Hoa,ang ginawa same PA din NG number my - A Lang.ex.B-22 L-99-A po. Pwd q PA ba ipa-iba at gawan kami NG sarili na number?
Magandang araw po Ms. Josephine. Salamat sa inyong katanungan. Ang excess lot po ay may ligal na proseso na sinusunod para marehistro sa inyo. Kung wala pong kasulatan ang bentahan ng nasabing lupa, hindi po ninyo magigiit na ipa-iba at gawan kayo ng sariling lot number. Kung gusto ninyo ng mas malilim na kasagutan, pwede po kayo sumangguni sa PAO. General information lang po ang aming binibigay sa mga nagtatanong. Sana po nakatulong ito sa inyong sitwasyon. God bless po.
Good day po.. sir ask ko lng po paano po kaya singilin ang mga member ng hoa in a good way.. malaki po kc ang dpt kolektahin sakanilng obligasyon sa monthly dues.. at kng sakali hnd sila mgbyd ano pwdng kaharapin nilng violation na pwdng ipataw?
Hi Mark. Ang una dapat gawin ng HOA Board ay ipakita sa mga miyembro na nagtatrabaho sila para sa kapakanan ng buong HOA. Clean Up Drive sa bawat kalye, paggawa ng community vegetable garden at ronda patrol ang ilan pwede gawin para mapakita sa mga kasapi ng HOA na may ginagawa para sa buong komunidad. Ngayon, sa pag singil ng arrears sa monthly dues, mas mainam kung papadalhan ng sulat ang mga miyembro na nakasaad duon kung ano ang utang nila sa HOA. Tapos ang Board ay dapat maglabas ng mga alituntunin na magbibigay ng tulong sa mga miyembro na hindi kaya bayaran ng isang beses ang kanilang utang -- installment payments, na pwede weekly o bi-weekly, 20% discount kapag nabayaran buo ang utang, etc.. Pag natanggap na ang sulat mag personal follow up po after 1 week siguro para malaman kung sang-ayon sila sa payment scheme. Mahirap at nakakapagod ang trabahong ito pero kailangan tiyagain lang ng mga namumuno. Ang RA 9904 ay nagsasaad kung paano masasabi kung sino ang delinquent members ng isang HOA (Section 9). Kapag hindi nagbabayad ng monthly dues ang isang kasapi pwede siya matawag na delinquent member. Ang sabi ng batas ay ang ByLaws ng HOA ang magsasaad ng patakaran o alituntunin kung paano magiging delinquent ang isang kasapi ng HOA. At nakasaad din dapat sa ByLaws kung ano ang mga parusa na ipapataw sa delinquent member. Ano ang halimbawa ng parusa na pwede ipataw? Kung may centralized garbage collection system ang HOA pwede na hindi kunin ang basura ng miyembro para dalhin sa lugar kung saan ang pick up point ng garbage truck ng LGU. Hindi pwede tumakbo bilang Board Member sa halalan ng HOA ang isang deliquent member. Ang importante po ay ang mga administrative sanctions na ito at iba pa para sa delinquent members ay dapat nakasaad o nakapaloob sa ByLaws ng HOA. Kung hindi bawal po na ipataw ang mga sanctions na nabanggit. Mahirap pong gawin ang pag-a-amend ng HOA ByLaw, pero iyan po ang nakasaad sa batas.
Sir tanongko po kung pede b maningil ang presidente ng home owner....para magpagawa lng ng kalsada ang mga dumadaan n sasakyan... Hndi poh sya rehistrado ng hlurb... Ang dokumento lng n ipinapakitq ay ordinaryong papel n may pirm lng ng land owner... Pero wala certification ng baranggay.. Sealed nito
Good evening. Maraming salamat sa iyong katanungan. Ang isang HOA ay dapat muna magparehistro sa Department of Housing & Urban Develoment at sa BIR bago ito magkaroon ng karapatan at kapangyarihan na maningil ng special assessment para sa pagpapagawa ng kalsada sa subdivision project. Lahat ng sisingilin sa mga miyembro ay dapat ma-isyuhan ng official receipt na rehistrado sa BIR. At ang pondo ay kontrolado ng HOA at hindi ng developer. Sana makatulong ito sa iyong sitwasyon. Good luck. God bless always. Atty. Jojo
Hi Atty. Jojo. Nakalagay po sa contract to sell dito sa aming subdivision na kami ay automatic member ng hoa kapag bumili ng property dito. Meron pong ilang homeowners dito (anim po sila) na gustong magwithdraw ng kanilang membership dahil hindi raw po sila satisfied sa pamumuno ng mga officers. Maaari po ba ito? Pwede po ba silang magwithdraw ng kanilang membership sa hoa?
Good afternoon. Salamat po sa inyong katanungan. Pwede po maging non-member ang isang current member ng HOA. Subalit meron po muna dapat na mga alituntunin na nakasaad sa inyong HOA ByLaws kung paano ang pagbibigay serbisyo sa mga magiging non-members. Kung wala po ang mga naturang alituntunin na nabanggit, hindi po pwede na "umalis" sa membership ng HOA ang mga nasabing tao. Kausapin po muna nila ang inyong HOA Board.
Good day Sir. Tanong ko lang po, ang lugar namin ay hindi subd. At hindi rin village. Sitio lamang at meron nagtayo ng HOA dito sa amin naniningil sila ng monthly due at car sticker. Hindi rin ito membro ng HLURB at hindi register sa B.I.R. Ano pweding gawing asksyon dito.
Good evening po. Salamat po sa inyong katanungan. Ireklamo po ninyo sa Office of the Mayor, sa BIR at sa Department of Human Settlements & Urban Development (ang dating HLURB). Pwede po magsampa ng kasong administrative, civil at criminal laban sa mga "officers" ng inyong HOA na hindi rehistrado.
Magandang araw po Sir Leandro. Salamat sa inyong katanungan. Ang mga informal settlers po ay pwede magkaroon ng sariling bahay sa pamamagitan ng Community Mortgage Program ng National Home Mortgage Finance Corporation (NHMFC). Meron lang pong proseso na susundin. Makipag ugnayan po kayo sa Urban Poor Affairs Office ng inyong LGU at sa NHMFC. Kailang po kasi nila ng "originator". At ang LGU, kung papayag po ang Sanggunian, ay pwede maging "originator". Sana po nakatulong ito sa inyong sitwasyon. God bless po.
good day attorney! tanong ko lang po. hindi po kami bayad sa monthly dues. dahil dito hindi kami pinayagan ng HOA na makapagpakabit ng internet na gagamitin dapat namin sa WORK FROM HOME dahil sa lockdown sa aming lalawigan. pwede po ba o tama po ba yung ginawa ng HOA
Magandang araw po Sir Laezar. Salamat sa inyong katanungan. Wala pong karapatan ang inyo HOA na pagbawalan kayo na magpakabit ng internet connection sa inyong bahay. Ang una po dapat gawin ng inyong HOA ay ideklara kayo bilang isang delinquent member. Tapos po nuon, kayo po ay magbabayad ng "BENEFICIAL USER DUES" base sa HLURB Resolution No. 001, Series of 2017. Kung hindi po sinunod ng inyong HOA yung prosesong ito, labag po sa inyong karapatan na ipagkait sa inyo na magpakabit ng internet. Pwede po kayo magreklamo sa DHSUD diretso kung wala pong Grievance Committee ang inyong HOA para iresolba ang issue na ito. Sana po nakatulong ito sa inyong sitwasyon. God bless po.
Thank you very much Atty. Jojo Perez for sharing to us your legal expertise on matters concerning the HOA! I am looking forward for your future #UsapangHOA in the near future.
Maraming salamat po. 😁
Thank you po
good pm po Atty, mag aasked lang po sana ako ng legal assistances about po sa tie up ng water service and Homeowners Association. meron po kasing arrears si home owner from before na dues years na po ang binilang ngaun po nagbabayad na po ng monthly dues(current) plus water bill. naiwan po si arrears pero may intention naman po to pay but not the lumpsum. from the past years po, ngaun lang po nagbigay ng disconnection si water provider to collect ung arrears and threated na kapag di nabayaran before due date puputulin po ang tubig kahit bayad and water bill in which wala naman po din na cascade na info and board of directors. ask lang po sana if they are violating some laws incase putulina ng water service ni homeowners. salamat po sa sasagot
Atty good day
Ask ko lng po kung may power ang mga current officers na may kaso na show cause order.over staying 5 yrs terms.hindi nag sumite ng annual reports since 1998,un official receipt ang ini issue sa mo.dues.mag amyenda daw cla ng bylaws,babaguhin nila na pwede tumakbo sa election ang caretaker at renter.f ever na ma amyendahan ano.po ang proper procedure para maging valid..need pa po ba ipa alam sa dhsud..
Ayaw po nila gamitin ang old bylaws.maraming salamat atty.God bless
Hi Atty Jojo. Maraming salamat po sa mga payo po ninyo. Sana po ay masagot po ang katanungan na ito. Puede po ba maging opisyales ang anak ng owner kapag senior na ang owner at willing n syang ibigay ang membership nya sa anak niya? Sana po masagot ang aking katanungan. God bless.
salamat sir sa info.. highly recommend p channel ninyo.. Godbless. we will support ur channel sir..
Maraming salamat po.
@@REALTTORNEY pano po kung nasa skwater po at wlapo sa subdivision hindi po sa amin ang lupa lat may assasasion puede po bang hindi kmi sumali matagal napo since birth pa pokmi dto sa lupa naitokung po bang mag bigay ngbiyaya ang may ari ng lupa maoasama ba kmi fahil wla kmi sa assosasion.
I just saw your You Tube Channel and subscribed immediately, watching your other episodes as well. Thank you for your generosity in sharing your expertise with problematic homeowners and lot owners. Hope I found you earlier. More power to you Atty. Jojo!
Thank you for subscribing and watching the videos. By God's grace, we hope we can file more videos this 2022, to provide more information to homeowners desperately in need of it. Please share the video to your friends who you think may benefit from watching the content made so far. God bless always.
Sir napakalaking tulong nitong video ninyo salamat po sa inyo and God bless.
Very helpful. Thanks!
Maraming salamat po. Keep safe and stay healthy always.
@@REALTTORNEY kayo rin po, stay healthy and safe. God bless.
Hi po. Magtatanong lang po. Katatapos lang po ng HOA Election namin this February 2023. Ang tanong ko po, ano po ang requirements ng DHSUD para mapa update namin ang new set of Officers sa records nila at mapa renew na din po namin ang aming HOA Regustration sa DHSUD? Salamat po.
Attorney, ask ko lang po if tama ba na wala pa kaming HOA pero naniningil na ng association due ang developer
Magandang araw po. Sir Roderick Salamat sa inyong katanungan.
Hindi po pwede na ang developer ang maningil ng association dues. Dapat po bumuo muna ang developer ng isang HOA at ang Board of Directors or Trustees ang siyang mangongolekta ng monthly dues pagkatapos po na ma-rehistro ang HOA sa DHSUD at sa BIR. Panghuli, dapat din po sundin ng HOA Board ang sinasaad ng ByLaws at rules and regulations sa pagpapataw ng monthly dues sa mga miyembro.
Sana po nakatulong ito sa inyong sitwasyon. God bless po.
Gud morning po ang homeowners po namin ay hindi naka registered sa HLURB pero naniningil sila ng monthly dues na kasama sa bill ng tubig po monthly. Gusto po namin na magkanya kanya ng tubig for residential kasi sobrang laki po ang sinisingil nila ang sabi ng Maynilad na bundle po ang tubig kaya di pwede kami magkanya kanya
Good afternoon. Salamat po sa inyong katanungan. Meron talagang ganyang sitwasyon na ang Maynilad ang kausap lang ng HOA. At may standard charge lang po kada homeowner sa tubig. Kung gusto ninyo baguhin ito makipag usap po kayo sa HOA Board para sila ang kakausap para magkaroon ng metro ang bawat homeowner. Pero baka po may malaking paunang gastos ang pagpapalagay ng sariling metro sa bawat bahay ng homeowner. Timbangin po ninyo ang inyong mga options. Good luck.
Sir ako po ay nakatira sa isang subdiv sa avida sta catalina salawag ang problema po nmin ang ayala po ay binitaan na po at iddonate n lng sa lgu kaso d pumayag ang hoa at cla ang umako na magshoulder ng bayarin sa clubhaus or sa spine road, ano ang dahilan bakit inako ng hoa kz ayaw n makapasok ang iba, kaya napilitan ang 3 phase na mangolekta ng fee na binase sa laki ng lupa ng mga member, per sqr mtr, 6pesos so kung malaki lote mas malaki ang fee, bkit binase sa lote hindi po doon sa laki ng spine road o expenses ng club haus,ang problem po hindi po nagpatupad ang isang phase bastat inapprove n ln ng hoa officers without the voting of the members , at wala pa pong final turn over, legal poba un at sobang taas po
Atty mag kano po b ang membership at monthly dues ng mga pabrika na nasa loob ng hoa....
Magandang buhay Atty. Sa mga bagong subdivision, required ba na magkarun ng Homeowners Association? Meron kasi mga HO na tutol na magkarun ng HOA.
Magandang araw po Sir Joseph. Salamat sa inyong katanungan.
Ayon po sa SEC. 30 ng PD 957, ang may-ari o developer ng isang subdivision project ay obligado na magpasimula ng isang Homeowners' Association na binubuo ng mga mga nakabili at nakatira sa nasabing subdivision project. Yung timing lang po ng pagsisimula ng isang HOA ay hind naklaro ng PD 957. Ngunit ang sabi ng batas ay ang pagsapi sa HOA ay voluntary at hind pwede pilitin ang isang homeowner na sumali sa binubuong HOA puwera na lang kung ang pagsali sa HOA ay nakasaad sa Deed of Absolute Sale na pinirmahan ng mga buyers o kung ang pagsali sa HOA ay nakasaad sa Deed of Restrictions at ito ay naka annotate sa land title ng nabiling bahay at lupa.
Paki tignan lang po ang nasabing dokumento para sa inyong kaalaman at patnubay. God bless po.
Slamat po.. Dagdag kaalaman sa aming karapatan
Most welcome po Ms. Malou.
Gd day atty. Pano po ang proseso sa street names ng isang village o subdivision. Anong mga docs ang dapat ihanda o isumite.
Kapag hindi po ba nakka pag updated sa pagbabayad ng monthly due wala ka pong karapatan n magtanong kong saan napupunta ang mga pera na pumapasok sa HOA,lalo na po dun sa sticker na nakokoleksyon nila
Good morning atty,I'm from Antipolo city, Rizal,where can we file our complaints against our past officers? Issue is non submission of FINANCIAL STATEMENT for the past 5 years
sir punta po kyo sa dhusd calamba . for dissolution na po ang hoa pag ganun po
di bo ba ang deeds of restrictions is an agreement between the developer and the buyer? and when the developer is left the develop project meaning the agreement in deed of restrictions are not considered valid
Good morning Atty! kami po ay palipat ng gobyerno sa northville1 at sakop ng NHA. Ang aming mga HOA ay nagpatupad ng vehicle sticker na may kaukulang bayad. Ito po ay hindi dumaam sa general assemble or public consultation. Hindi rin ipinaalam sa mga miyembro na dapat kinakailangan para simple majority bilang kanilang pagsangayon. Tama po ba ang kanilang naging habang atty. Maraming salamat po
kami din po
nang gigipit itong Hoa namin
Ilan buwan,taon? Kng meron protest Ang Isang matalong candidates
Ano po ba ang kapangyarihan ng president ng HOA at ng Board of trustees
Atty. Papano po ayaw nila magbigay ng bir na resibo?? Tapos gusto nila lahat ng delivery 10pesos isa isa .kung anong dala ng motor
Atty. ako po ay may tanong. Ako po ay may nabiling townhouse ng cash, inner unit po ito. Ngunit may konti lamang akong binago, ang bubong po ng terrace ay kalahati at nakaharap sa kanan. Ngaun po ng magbubong kami ng kalahati pareho na naming pinaharap sa kalsada. Pinababaklas po sa amin dahil bawal daw po ang ginawa namin?
Hi po. Ask ko lang po kung nawawalang bisa ang isang MOA sa pagitan ng dalawang HOA pag nagkaroon na ng panibagong set of HOA Officers? Salamat po.
Hello sir may tanong po ako. May lupa kasi ako na nabili na 300sqmtr ngaun po kahit po ba wala pang bahay kailangan ako mag bayad ng lupa.
Here in Villa Elena the officers was not elected by the mambers as such appointed by the realty co. Start their operation prior to the approval Hlurb as well reg with BIR is now issuing payment with aknowledgement receipt are the legal in thier operation and imposing rules that if you have accountability on monthly dues the prevent installation internet provider in in your residential place to have this facilities as work at home employee to have an income for your family pls help us to handle this problem thank you.
Magandang araw po Sir Lito. Salamat sa inyong katanungan.
It seems that your HOA is not duly registered with DHSUD and BIR. If this is the case then you can file a complaint with the DHSUD (Human Settlements Adjudication Commission). That is the only you can stop the wrongdoings committed to all the homeowners in your subdivision. You can also file a complaint against illegal collection with the barangay, if you so choose. But, going directly to DHSUD is best for the situation of the homeowners.
Good luck. and God bless.
Hi Atty Jojo. Tanong ko lng po kasi yung mga officers sa subdivision namin ay in practice sila na sumasahud pero hindi nila sinasabing sahud sabi lng nila honorarium lng daw. Pero monthly sila lahat tumatanggap at may proposal na naman daw sila na mag increase at meron pang sinasabi na magkaroon ng discount sa kanilang monthly dues pa. Legal po ba ito Atty?
Atty ano po ang mga hakbang na kailangan gawin upang ipetisyon na tanggalin ang isang hoa officer na simulat sapul eh hindi po umaattend ng meeting ng hoa officers at hindi din po active?
sir ano po pwede gawin kung ayaw mag turnover ng previous officers ng mga account at assets to new elected officers since march 21 2021,
Thank you po!new subscriber here.
Gudam sir ask k lng po ilang % po b pwedeng magkaroon ng hoa at hal.500 unit capacity ng subd.nmin pero 150 plang ang nakatira s amin ang sabi po s amin ng filinvest wla raw kming karapatang tumanggi
Legal po ba na ang LGU mismo ang naginitiate ng HOA sa isang street ng isang brangay( hindi subdivision) ang sinsabi nla kpag hndi ka member ay wlang mttnggap n ayuda sa govt
Good evening. Tanong lang po. Bagong bili ko lang nang 20 year old condo at nagbabayad ako nang HOA dues every month. Napansin ko ay ang property management is not maintaining the property. I’ve asked kung kelan ang HOA meeting. Ang sabi ay wala daw HOA committee established by condo owners. All decisions are being done by developers and they don’t invite condo owners to attend their meetings. I have been writings letters to property management to implement their house rules and make some repairs but I am being ignored. Other owners feel the same way but I am more passionate about correcting the issues. Ano po ba ang dapat ko or namin gawin para ayosin nang property management ang condo namin? Thank you.
I apologize for the late reply. I was sick for about 2 weeks. I hope I have answered all your concerns in an earlier thread just now. Good luck a d God bless.
I hope all Unit Owners are as passionate as you in upholding your rights as Unit Owner. God bless always.
Atty. Jojo
Realttorney TV thank you so much for the info. I’ve already mailed a letter to Hlurb and just waiting for their reply. I would like to suggest if you can make a segment similar to my situations as I know a lot of condo owners experiencing the same issues (not worst as mine). Again, thank you.
Thank you for your suggestion. I will do it during the Community Quarantine. Keep safe. Be healthy. God bless always.
Tama ka po Atty meron namumuno dito masama ang ugali gusto Sita ang masusunod.
Magandang hapon po Atty.Gusto ko lang po itanong sa nyo kung papano ko po mallaman kung legal po ba itong aming association
location po namin dito sa barangay ngapayong pasig city mangga 3 Tuazon home owners name nya
may mga buwanang payad kami,pwede ko po bang verify sa bir ang resibo binibigay nila?malaman lang namin kung totoo
kasi madalas bayad po ng bayad pag dating ng oras pag nagpalit ng president wala na din ang mga collection
Good evening po. Salamat po sa inyong tanong.
Ang isang HOA na rehistrado sa dating HLURB (ngayon ay Homeowners Associations and Community Development Bureau) ay meron Articles of Association at By-Law na nasumite sa HACDB.
Para malaman kung ang inyong HOA ay rehistrado pwede po ninyo hanapin sa website ng www.hlurb.gov dahil wala pa pong website ang Department of Human Settlements & Urban Development, kung saan ang HACDB ay isang bahagi.
Bukod dito pwede din po kayo na lumiham sa RDO-BIR kung saan lugar ang inyong HOA para malaman kung ang inyong HOA ay rehistrado sa BIR o hindi. Kung ang inyo HOA officers ay kolekta lang ng kolekta ng monthly dues at hindi kayo binibigyan ng O.R. na rehistrado sa BIR (ibig sabihin ay meron TIN ang inyong HOA), malamang hindi po rehistrado ang HOA sa BIR.
Sana makatulong ang impormasyon na ito sa iyo. God bless always.
Good Day Atty. Jojo may tanong lang sana ako sayo about sa statement nang (Contract To Sell)..
WARRANTIES:
Legal Title and Tax Declaration of the lot as well as Tax Declaration of the house shall transfer to the BUYER only upon full payment of the Total Contract Price and execution of the Deed of Sale. The title so conveyed shall be subjected to, and the BUYER hereby agrees to be bound by, a Deed of Restriction and by-laws of the Homeowner's Association, it's rule and regulations, and other restrictions as may be imposed by governmental and other authorities having jurisdiction thereon and restriction.
Tanong??.. Kami po ba ay Automatic Member sa (HOA) base sa statement..
Good afternoon. Salamat po sa inyong katanungan. Base po sa nakasaad sa WARRANTIES, kayo po ay magiging automatic member ng HOA upon full payment of the Total Contract Price.
Sir how about nmn po sa nabiling lupa na rights lang at may nagclaim na wala nmn siyang titulo ng lupa.
Sanay mapansin tong coment ko at mgawan ng kasagutan.
Maraming salamat.
Hello Atty. pag nangungupahan ka lng po ba sino responsible sa pagbabayad ng HOA. Owner or naguupa? Required po ba kmi magbayad monthly even wala sa contract nmin ang HOA fees? TIA
hi po attorney.. pwde bang singilin ng bagong may-ari ang monthly dues ng dating umuupa?
good pm po.. mag koconduct napo kami ng hoa election ngayong feb.. ok lang po ba na wag naming sundin yung sa hlurb kasi po ang gusto ng majority eh per partylist... sa hlurb po kasii base sa ranking ng mga tumakbo ang magiging posisyon nila.. pag 1 ka automatic president kana.. sana po mapansin ninyo ang tanong ko.. salamat po and god bless
Pwede po bang maging opisyal ng HOA ang tenant or nangungupahan?
Kung di naka registro ang subd sa hlurb
Ask lang po, iba po ba ang Neighborhood Association at Homeowners Association? Kung oo po, need po ba itong iregister din? San po ito makikita kung legal?
Good Evening po attorney beneficiary po ako at Wala masyado alam sa Hoa salamat at may video na ganito. Awarded po lupa sa amin at neto lng sa panahon ng pandemic ay gumawa ng Board of resolution ng patakaran na ang mga miyembro na nagpapaupa ng bahagi ng bahay nila ay pinagbabayad ng 10 percent monthly sa halaga ng paupa nila..sa tingin ko po ay napaka laki ng 10 percent at Monthly po eto at hindi makatarungan... Part lng naman po ng bahay ang pinapaupa paramagkaroon ng karagdagang kita. Sana po ay matugunan nyo ang katanungan ko. tnx po
Good afternoon. Salamat po sa inyong katanungan.
Bago po magpatupad ng kahit na anong guidelines ang HOA Board kailangan po na dumaan ito sa masusing pag aaral at mas maganda kung aprubado ng mga miyembro bago ipatupad ito, lalo na kung ang regulation ay may fee na babayaran. Bukod dito, dapat meron legal na basehan kung bakit ipapatupad ang nasabing regulation.
Kung sa tingin ko po hindi makatarungan ang nasabing patakaran kaya dapat po kayo sumulat sa Board para ipaalam ang inyong saloobin at para ipatigil ang nasabing regulasyon. Kung magmamatigas ang inyong HOA Board, pwede po kayo magreklamo sa Department of Human Settlements & Urban Development (DHSUD). Ito po ang dating HLURB.
Good luck po.
Sir tama po ba na hindi kami member pero gusto nila para ma bigyan kami hoa certification na need sa manila water mag bayad daw kami ng montly dues
Paano po ba talaga ang hoa dues if 1 lot address lang po kmi pero 3 po na apartment pano po ang payment ng monthly dues nun
Sir bumubuo kami ng hoa kaya lang ayaw aprubahan kelangan daw pumunta muna kami ng dshud
Phase 1 to 5 phase 5 kme
Hindi na kami inaabot ng tulong
May nakita kaming batas na once himdi ka dumadaan sa nasasakupan nila may kalayaan kaming bumuo ng sariling hoa at hindi kami na seserbisyuhan ?? Ano po ba pwedeng gawin kelanga. Po ba talaga punta pa kmi ng hoa
Ask ko lang po atty, paano po kapag hindi po registered yung HoA sa SEC or sa HLURB? Kini-claim po nila na registered po sila sa BIR, pero hindi naman po yun ang tamang department for registration.
In fact po, may monthly dues po sila na hinihingi samin at meron din pong mga kinukuhang entry fees para sa deliveries, e sa mga residence din naman po yung mga pupuntahan nung mga deliveries na yun
Magandang araw po EM. Salamat sa inyong katanungan.
Ang unang hakbang po na ginagawa ng HOA ay ang pagpaparehistro sa Department of Human Settlement & Urban Development (DHSUD). Ang dating HLURB ay DHSUD na po ngayon. Pangalawa po, tsaka pa lang magpaparehistro sa BIR ay HOA kapag lumabas na ang certificate of registration ng HOA mula sa DHSUD. Ang patunay po na nakarehistro na sa BIR ang isang HOA ay ang pag-iisyu sa mga miyembro ng official receipt na may valid Tax Identification Number kada bayad ng month dues, etc.
Kung hindi po sumunod ang inyong HOA sa prosesong ito, pwede po ninyo ireklamo sa DHSUD ang mga tao sa likod ng inyong unregistered HOA. Good luck po.
nakatira po ako sa labas ng subdivision entrance gate. meron pong homeowners association ang nasa loob ng carmel 3 subdivision. pwede po ba nila akong singilin ng homeowners association dues kahit ako ay wala sa enclosed area ng subdivision?
Ang aming HOA po ay gumagamit ng Provisionary Receipt lalo na sa pag singil ng Special Assessment at ibat ibang bayarin tulad ng stickers at mga permits.
Gud day po... Atty, Jojo. Taking Lang po... Bakit po inaward Sa naupa ang aking bahay, na wala man Lang letter notice, Sa may-ari ng bahay.... Nagbabayad naman ako ng monthly due... Na late nga Lang ng pagbabayad???. Pakisagot po. Salamat...
Hi po. Matatanong lang po. Pwede po ba mag increase ang HOA ng Monthly Dues without calling for a General Membership Assembly ng Homeowners? Please advice. Thank you.
Gooday...sa pg entrnce po nmn sa sub kelangn po ng sticker..ngyn po 2021 may bago rules ang po na kailangn mg fill up ng form at bibigyan k lng ng form kpag updated ka sa monthly due...at kpag hindi po kelangn mo mg bayad ng 5 pesos..sa main gate nmn..makatwiran po ba iyon...salamat po.
Sir, legal po ba na magputol ng water connection ang homeowner's association ng isang subdivision during this time of pandemic? Tapos ngayon na need ho yung water nag sisingil po ng reconnection fee para ikabit ulit yung linya?
Atty.,kung hindi ko po gusto na magmember ng HOA,may right po ba ang board of director na pilitin akong magbayad ng monthly dues at ano po ang mawawala sa aking mga karapatan sa pagtira ko sa subdv ito?
Pwd ba maningil ng fees gaya ng pag tas ng singil ng tubig?kahit walang mumeramdom na pinalalas?
Can the developer impose a homeowner monthly due to a single dwelling house constructed over four lots considering that the one lots is only 90 SQ M. Also the developer is imposing a lot monthly dues without any house built on it? Please enlighten us about this matter if illegal or legally allowed?
Good day atty..Marami sa amin na HOA member ang iba hindi makapag voice out at hindi alam ang rights..
Ang tanong ko po ay ganito.. ang aming subd.po ay pinasok na ng govt.proj.basketball court
1.hindi po ba dapat meron etong pag uusap bitween sa HOA at LGU.
2.ilan po ba ang required numbers ng HOA na voting para makapasok etong ganitong proj.
3.napapansin ko po dito sa pilipinas, hindi nasusunod ang standard distance sa paglalagay ng amenities or govt proj. Sa residential houses which is dapat yun ang unang concerned, yung wellness ng residente. Tulad dito sa amin.halos 2 meters lang ang setback sa basketball court..sobrang ingay at abala sa gabi
4.kung titignan naten sa ibang bansa..sobra higpit nila sa ganitong mga amenities or govt proj..lagi iniisip ang kapakanan ng mga mamayan.. malayo sa kabahayan ang sports amenities.
5. At wala rin nilabas na bylaws ang subd namen..wala rin general.meeting ng pinasok nila anh ganitong proj.
At binuhay daw nila ang HOA officers..pero wala sila mapakitang registration from HLURB at registration sa BIR. Since nagbabayad na kame ng monthly dues..hoping po atty makagawa kayo ng vlog for this .God bless
Download po kyo ng magna carta for HOA andun po lahat ng batas para sa hoa
Sir saan po makikita yung revised 2021 implementing rules and regulations ra 9904
Googke nyo po
Tanong ko lng po Ang HOA po ba sir/ atty bukod po sa president ng HOA meron pa po bang chaiman of the board ? Pki rply po asap marami po salamat
atty kung 2nd owner ka na ng bahay required ba na bayrn mo yung utang ng previous owner bago mo pa mabili yung bahay?
Hanggang ngayon po dalawang resibo ung isa official receipt which is 300 pesos tapos 'yong isa printed lang na resibo which is 200 pesos ..sa palagay ko po walang legality ung 200 pesos.
Tama po kayo. Pwede po ninyong ireklamo ito sa BIR at sa HLURB. Good luck.
Hello po attorney, tanong ko lang po paano malalaman Kung registered ang association po?
Paano po nagta-transition ang HOA BOD from HLURB to DHSUD? Saan na po dapat nagpapasa ng requirements ang elected BOD? HLURB ba or DHSUD? salamat po Atty.
Magandang araw po. Salamat sa inyong katanungan.
Wala pong bagong requirements na ipapasa sa DHSUD. Yung listahan ng mga registered HOA na nakatala sa HLURB, ay pareho pa rin po sa talaan ng DHSUD.
Ang mga reportorial requirements na dapat ipasa ng HOA kada taon ayon sa alituntunin na nakasaad sa RA 9904 at IRR nito, ay ipapasa na po ngayon sa DHSUD, in particular sa Homeowners Associations and Community Development Bureau (HOACDB).
Sana po nakatulong ito sa inyong sitwasyon. God bless po.
Good morning atty. Ang village po nmin ay mga problema pa na dapat solusyonan ng developer pero gusto ng iturn over sa HOA, 70 percent ay gusto na iaccept at magkaroon ng election 30 percent ng residents ay ayaw pa po. Pwede na po ba iturn over at bumuo ng officer khit may 30percnt na ayaw pa? Sana masagot po agad atty.
Magandang araw po Sir Toffy. Salamat sa inyong katanungan.
Ang HOA po ay parang isang bansa na demokrasiya ang namamayani. At dahil dito, the rule of majority will be followed po. Dapat po idaan sa referendum ang nasabing issue sa general membership meeting or assembly. At kung ang pagpayag sa turn over ng HOA community facilities at parks, playgrounds and open spaces ay 70% then kailangan po sundin ng 30% ang pasya ng nakararami.
Sana po nakatulong ito sa inyong sitwasyon. God bless po.
sir good evening po..
Sir tanong ko lang po sana matulungan niyo ako.. pano at saan ko po ba maveverify kung legir or totoo at hindi scam ang isang HOA? kasi sa lugar namin nagbabayad na po kmi direct sa owner ta nag pirmahan naman sa CITYHALL.. pero may agam2 padin po kasi madaming nagsasabing hindi daw totoo ang HOA namin.. hindi ko naman po alam kung saan at kung papaano ko maveverify kung totoo po ba ang HOA namin..
More power sir.. Godbless
Ff
Good evening po! Dapat po bang magbayad ng monthly dues yung mga nangungupahan o dapat po yung may-ari ng lupa at/o bahay? Thank you in advance po!
Magandang araw po. Salamat sa inyong katanungan.
Ang pagbabayad po ng monthly HOA dues ng isang nangungupahan ay depende po sa kasunduan ng dalawang panig sa Contract of Lease. Wala pong sinasabi ang batas kung sino po ang magbabayad nito. Kadalasan po ang pagbabayad ng HOA dues ay nakatoka sa Lessee (yung naupa ng baha). Kung ang may-ari po ang magbabayad ng dues, kadalasan po nakasama yung halaga ng monthly dues sa kabuuang renta na babayaran ng Lessee.
Sana po nakatulong ito sa inyong sitwasyon. God bless po.
salamat po😊❤️🤝
Most welcome po. Paki share lang po sa mga kaibigan ninyo na pwede matulungan ng impormasyon na binahagi namin sa Episode 1. God bless po.
Sir..may ilalapit lng po akong problema sa HOA nmin dito
Attorney tama po ba na sabihin na nakikiraan lang ang homeowner sa subdivision sa kalsada pag labas mo sa gate ng subdivision
Magandang araw po. Salamat sa inyong katanungan.
Ang bawat subdivision project ay may right-of-way palabas sa public road (barangay road, municipal road, city road or national highway. Kung sa private road po naka konekta ang main road ng inyong subdivision, pwede po masabi na nakikiraan lang ang subdivision sa may-ari ng lote sa harap.
Sana po nakatulong ito sa inyong sitwasyon. God bless po.
Atty.,magandang hapon po, how about,nag elect na sila ng officers last January 2020, tapos hindi alam ng ibang homeowners(lack of communication), tapos until now hindi pa rin nalilipat sa amin ng developer ang HOA, please help Atty.
ganyan ang karamihan sa mga developer mga tuso sila at ang ipinamamama nila ay ang pasimula ng hindi magandang samahan ng magkakapit bahay
Sir poide b hnd edeposet ang pera s HOa
Good evening po! Ask ko lang po meron po kasi ngtayo ng association sa amin naniningil po sila ng monthly dues at car sticker pero wala pong resibo na naiibibigay dahil ang katwiran po nila ay pakikisama nalang daw po para mi ipambayad sa nagbabantay sa gate. Ok lang po ba yun kahit na hindi po develop at marami pong ibang nadadaanan bukod sa gate at nagbibigay din po ng sticker sa mga hindi residente ng walang resibo. Ok lang po ba na ipagpatuloy nila ang paniningil ng monthly dues at car sticker kung hindi naman po pabor ang lahat sa association nila kaya lang po wala nalang sila magawa kaya nagbabayad nalang po sila. Slamat po
Good afternoon. Salamat po sa inyong katanungan. Ang una pong dapat gawin ay alamin kung totoong rehistrado ang inyong nasabing HOA sa Department of Human Settlements & Urban Development (DHSUD). Kung hindi po nakarehistro ang nasabing HOA, ang paniningil ng monthly dues at car sticker ay bawal po.
Kahit rehistrado ang HOA, dapat po nagbibigay ng O.R. ang mga naniningil sa inyo. Ang O.R. po ay dapat BIR-registered at may pangalan ng HOA sa ibabaw. Hindi po pwede yung O.R. na nabibili sa National Bookstore o kahit saan man. Pwede po kayo magreklamo sa barangay kung hindi rehistrado sa DHSUD ang HOA o sa DHSUD kung rehistrado ito at hindi nagbibigay ng resibo. Sana po makatulong ito sa inyong sitwasyon.
Atty.Good morning po 2012 pa registered ang Hoa at ang nagparehistro nito ang Drveloper at I bang officer tao nila di nakatira sa subdivision at naningil ng monthly dues tama po ba ito? Marami di nagbbayad now ang sabi nila Lahat ng Di nagbbayad pwedi icharge sa pagkuha ng Titulo di daw makkuha ang Titulo if Di bbayaran all monthly dues mula ng cmula ano po tama?
Good afternoon. Salamat po sa inyong katanungan. Ang isang kasapi ng HOA ay dapat po homeowner sa isang subdivision project. Sabi po sa Section 3(j), RA 9904, ang HOMEOWNER ay isang "owner or purchaser of a lot in a subdivision/village."
Base po sa batas dapat po ang mga members ng HOA ay may-ari ng lote sa subdivision project. Ang may-ari ng lote ay pwede po nakatira o hindi nakatira sa loob ng nasabing subdivision.
Ang hindi ho pagbabayad ng HOA monthly dues ay wala pong kinalaman sa pag iisue ng titulo sa pangalan ng may-ari ng lupa. Basta fully paid na po ang lote, ayon sa PD 957 ay dapat na pong ibigay ang kopya ng titulo sa lupa sa nasabing may-ari. Sana po makatulong ito sa inyong sitwasyon.
Atty gdpm paano po kung ang binibigay nila resibo sa monthly dues is peti cash at hindi resibo ng bir pwde po ba ako hindi magbayad..hindi na din nag sumite ng annual report sa DHSUD since na rehistro.salamat.po
Magandang araw po Sir Alex. Salamat sa inyong katanungan.
Pwede po kayong hindi magbayad kung hindi BIR-registered official receipt ang binigay sa mga miyembro kapag nagbabayad ng monthly dues. Pero, mas mainam po kung irereklamo ng mga homeowners ang mga officers na nasa likod ng illegal na pagkolekta ng monthly dues. Hanggang sila po ang nangongolekta ng monthly dues, pahihirapan po nila kayo kahit kayo ang nasa tama. Good luck po.
Good AM po attorney, subdivsion pi namin dito is hindi naman private, at hindi naman HOA tapos biglang isang iglap naging HOA agad, at may mga officers na, tapos biglang isinara ang mga gates, so dalawang gates lang ang open, tapos mga guard pa mga hindi naman talaga lehitimong gwardya, since birth karamihan dito pati mga lolo ko angkan namin ay taga rito na talaga, tapos oobligahin ka na kumuha ng sticker nila para pagbukasan ka ng gwardya, without our consents, so ang sistema sila sila lang or pili lang sila na nag plano at nagpatupad nang ganito dito, legal po kaya ang ginagawa nila? Kasi parang kami ang kawawa dito eh, basta lang sila makapag disisyon nang di man lang nagtatanong sa lahat ng mga owners ng bahay dito gaya namin.
Good afternoon. Salamat po sa inyong katanungan.
Malalaman ninyo kung legal ang pag tatatag ng inyong HOA ay kung may Certificate of Registration galing HLURB (o Department of Human Settlements and Urban Development). Kung wala ito pwede ninyo ireklamo ang mga opisyales ng HOA sa DHSUD. Good luck po.
Paano po ang impormal setler assn na naka rehistro puedi rin zela di mag pa membro
Magandang araw po. Salamat sa inyong katanungan.
Ang mga informal settlers po ay pwede magtayo ng HOA. Meron lang pong proseso na susundin. Makipag ugnayan po kayo sa Urban Poor Affairs Office ng inyong LGU. Hindi po pwede sumali ang informal settlers sa isang HOA kasi po hindi po sila ang may-ari ng lupa kung saan sila nakatirik.
Sana po nakatulong ito sa inyong sitwasyon. God bless po.
kailangan po ba na magbayad ng monthly dues ang tulad namin na renter
Hi again atty. Gusto ko rin po malaman kung paano mabubuwag yung association kung illegal po yung ginagawa nila? Naghihikayat po kasi sila ng mga tao sa lugar namin para maging members at pinapangakuan po ng libreng titulo ang magiging miyembro ng HOA ang nakakapagtaka lang po may kasama pa po silang taga denr pag nagiikot po sa brgy namin? Ano po sa tingin niyo po sa ganitong case? Hoping po sa inyong response. Thanks po and God bless atty.🙏
Good morning po. Salamat po sa inyong katanungan ulit. Before you can determine if the HOA was created illegal, you have to check if it is registered sa Department of Human Settlements & Urband Development (formerly, HLURB).
If it is duly registered then you go through the process of revoking the certificate of registration of the HOA. If it is not regiatered then no need to file a revocation case. However, you cannot stop the activity of these people if they insist on recruiting "members". Sabihan na lang po ninyo yung mga tao na baka wala pong mapala yung pag recruit sa kanila. Good luck.
Magandang gabi po tanong ko pag hinde ba nka bayad ng monthly dues ng tatlong buwan ay may karapatan na ibenta ang aming bahay at lupa.pero wla naman nabanggit sa deed of sale namin ang HOA.pero nirehistro nila kya may karapatan daw ang mga board of director. Na ibenta kasama ang HLURB.
Magandang araw po Ms. Cristina. Salamat sa inyong katanungan.
Kung hindi po makabayad ang isang homeowner ng monthly dues sa tatlong nakalipas na buwan, wala pong karapatan ang HOA board na ibenta ang bahay at lupa ninyo. Ang taninging kapangyarihan ng inyong HOA Board (kung sila ay legal na rehistrado sa DHSUD at BIR) ay ideklara kayong "delinquent member" ayon sa Section 9 ng RA 9904 at sa provisions ng HOA ByLaws. Kung magpipilit sila na kanilang mga sinasabi sa inyo na walang basehan sa batas, pwede po ninyo sila ireklamo sa barangay at sa DHSUD.
Sana po nakatulong ito sa inyong sitwasyon. God bless po.
Good day po Atty. Gusto ko lang po sana i-clarify yung binanggit po ninyo na "automatic" membership na nakasaad sa contract to sell, ibig po bang sabihin nun ay "mandatory" na silang magiging member ng hoa hanggat nakatira sila sa village na yun? At kapag na-declare na pong delinquent ang isang member, nangangahulugan po bang hindi na sila miyembro ng hoa? Naguguluhan po kasi ako sa issue na yun. Sana po mapansin at matugunan ninyo ang aking katanungan.. Maraming salamat at God bless po.
Good afternoon. Salamat po sa inyong katanungan. Ang pagiging kasapi ng HOA ay hindi base kung ang isang tao ay nakatira sa subdivision o hindi. Basta ang isang tao ay may-ari ng lote sa subdivision project, sila po ay miyembro ng HOA.
Ang pagiging deliquent member po ay hindi ibig sabihin na hindi na miyembro ang isang homeowner. A member declared as delinquent normally is a person who has not paid monthly dues for a certain period of time. Hence, as a delinquent member he loses certain privileges like the right to participate in the election as well as the right to become a candidate for the election. I hope this clarifies things for you.
Atty. Jojo kailangan po na ang monthly fees or monthly due's ay dapat magbigay ang officers ng official receipt? Dito kasi sa san carlos Villa 1 subd.noong mga nakaraan ang binigay samin na resibo official receipt na ang nakalagay na halaga 500 pesos tapos ng sumunod na buwan dalawang resibo na ang binigay ,tinanong namin kung bakit dalawa?ang sagot samin hindi daw kasi pwede mag declear ng 500 pesos ng monthly fees sa BIR, kaya ayon po ang ginawa ng treasurer dalawang resibo.'yong isa 300 pesos para sa official receipt tapos ung isa 200 pesos na hindi naman official receipt.
Hi Maribel. Ang pag bibigay ng 2 resibo ay pandaraya sa inyong mga miyembro at sa BIR. Ang pag issue ng O.R. ay pagsisigurado na alam ng lahat (mga miyembro at gobyerno) kung magkano ang nalilikom na pondo para gamitin ng HOA. Tax evasion po ang ginagawa ng inyong treasurer at ito po ay isang kasong kriminal at may karamptang kulong kapag na-convict.
@@REALTTORNEY salamat po sa inyo
@@maribelcortez1176 Most welcome po. Have a great week ahead.
may karapatan din po ba na maningil ng bond ang developer wala po kaming hoa officers sapagkat hindi po kami iniendorse ng developer pero may mga volunteers po kami naniningil sa basura sapagkat hindi naman po kami iniintindi ng developer...
Good afternoon. Salamat po sa inyong katanungan. Ano po kaya yung bond na sinisingil sa inyo? Kung construction bond po ay ligal na naman po iyan. Ito po ay sumasagot king may masisira na kalsada o improvement dahil sa paglabas at pasok ng mga construction materials sa subdivision. Also, kung may deed of restrictions at setbacks na hindi nasunod pwede po i-forfeit ng developer ang construction bond. Ngunit king wala naman pong nasira at sumunod kayo sa lahat ng nakasaad sa Deed of Restriction dapat po agad ibalik ang construction bond kaagad.
ano ano po ba ang mga kelangan bago makpagparehistro ang HOA sa HLURB ? kelangan bang may mga miyembro na ang HOA o pwede bang magrehistro muna ang HOA bago sumali ang mga myembro ?
Good evening po. Salamat po sa inyong tanong. Ang listahan kung anu-ano ang mga requirements para makapag rehistro ang isang bagong HOA sa ahensiya ng pamahalaan (HLURB dati, ngayon ay Homeowners Association & Community Development Bureau ng Department of Human Settlements & Urban Development) ay naka paloob sa Rule 5 ng Implementing Rules & Regulation ng RA 9904 (HLURB Board Resolution No.877, Series of 2011).
Basic requirement po na meron na dapat mga tao na sasapi sa HOA. Itatala nila ang kanilang pangalan at pipirmahan ang isang INFORMATION SHEET, na isusumite kasama ng ibang requirements na nakasaad sa Section 22, Rule 5 ng IRR.
Sana makatulong ang impormasyon na ito sa iyo. God bless always.
may mga guidelines po b sa pag gamit ng sattelite disc within residential used? and how HOA will act to regulate it or it is necessary to limit this by HOA?
Good afternoon. Salamat po sa inyong katanungan.
Bago po magpatupad ng kahit na anong guidelines ang HOA Board kailangan po na dumaan ito sa masusing pag aaral at mas maganda kung aprubado ng mga miyembro bago ipatupad ito, lalo na kung ang regulation ay may konting fee na babayaran. Finally, dapat meron pong matinding rason kung bakit ipapatupad ang nasabing regulation.
Kung sa tingin ninyo na hindi makatarungan ang nasabing patakaran sumulat po kayo sa Board para ipaalam ang inyong saloobin.
Tanung ko lang po, wala pa. Kase construction ang bahay na loan namin check ko sa LTS kung meron na ang bria nakalagay lang list of HOA
Ms. Girlie, hindi po malinaw kung ano ang tinatanong ninyo. Paki message na lang po ulit king ano ang nais ninyo na aming bigyan ng kasagutan. Salamat po.
diko po makita yung episode #3 ?
Magandang araw po. Pasensiya na po at mukhang wala nga yung Episode 3. Hindi po naupload. Hanapin po namin kung saan siya nai-save at i-upload agad. God bless po.
Good morning po attorney ask ko po may batas po ba na nag sasaad sa batas patungkol sa pag lagpas ng bubong mga gamit pag luluto sa daanan pag papatugtog ng lampas sa 10pm to 8am.
Para na rin po sa kaalaman niyo 1 meter lang po kasi nag daanan namin at dead end pa po. 😢
Good morning Raphael. I hope all is well with you. Than you for your question.
May mga restrictions po regarding your concern na nasa Building Code of the Philippines. Hindi ko lang alam kung anong exact provision po. Pwede po ninyo itanong sa Office of the Building Official sa inyong LGU.
Yung pagpapatugtog o pagkanta ng malakas sa disoras ng araw o gabi ay sakop po ng ordinansa ng inyong LGU. Kung wala pa pong ordinansa patungkol dyan, pwede po kayo magreklamo sa barangay o sa munisipyo ng inyong LGU. Good luck po.
Magandang araw po. Tanong ko po attorney, ang aming subdivision may hoa na, pero hindi pa turn over, at ang problem ay dalawa ang binabayarang garbage fees, una ay sa receipt ng developer and ang pangalawa ay sa nakatayong hoa. Nagbabayad kami for almost 6years sa developer ng 100pesos na monthly hoa dues pero wala naman silang ginagawang aksyon para mamaintain ang mga basura, mga butas sa mga pader na dinadaanan ng masasamang loob, walang ilaw mga poste. At ang nakatayong hoa naman na hindi pa rehistrado ay nagawa ng paraan para maayos ang mga pagkukulang ng developer as legal na hoa since di pa kasi fully turn over ang subdivision.
San po ba kya kami dapat lumapit kasi kaming mga nakatira ang nahihirapan sa sitwasyon. Need bayaran ang dues na mula sa developer kaso notarized yun pero wala naman silang aksyon sa mga pangangailangan ng mga homeowner.
Good afternoon. Salamat po sa inyong katanungan. Pwede po kayo mag sampa ng kaukulang reklamo sa Housing Association and Comminity Development Bureau ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD). Ang office po nila ay matatagpuan sa Kalayaan Avenue. Katapat po ito ng Quezon City Compound. Kung wala po kayo sa NCR, pwede po kayo mag sampa ng reklamo sa Regional Office ng dating HLURB. Ito po ngayon ay Regional Offices ng DHSUD. Good luck po.
Pwede po bang humingi ng payo. Hindi po ba cover ng garbage disposal and hoa association fee bakit po pinag babayad parin ako ng garbage fee kahit nag bayad na ako ng association fee?
Magandang araw po Ms. Yvaine. Salamat sa inyong katanungan.
Ang mga HOA po ngayon ay nangongolekta ng "garbage disposal fee" na bukod sa monthly HOA dues. Ang fee pong ito ay special assessment (sa ilalim ng "environmental protection fee") under Section 9.2. ng HLURB RESOLUTION No. 001, Series of 2017. Ngunit dapat ang proseso sa pag kolekta ng garbage disposal fee ay nakasaad sa isang Board Resolution na pinasa ng inyong HOA Board at naka itemize sa official receipt ng HOA, na rehistrado sa BIR, at binibigay sa inyo pagkatanggap ng inyong bayad.
Sana po nakatulong ito sa inyong sitwasyon. God bless po.
Tnx for the info.paano po Kung Ang among samahan ay wla pa title Ang lot.at iyon po Ang layunin ng ass.mandatory po b na sumali Ang lahat ng nkatira?at Tama po ba na kahit wlang bahay at Hindi lihitimong nkatira sa lugar ay maaring sumali sa HOA?
Pwede po bang pigilin ng president ng hoa ang pagpapalabas ng mga personal na gamit ng isang member sa labas ng subdividion kung hindi siya nag babayad ng hoa dues?
Good evening. Salamat po sa inyong katanungan. Hindi po pwede pigilan ng HOA President ang paglalabas ng personal na gamit ng isang kasapi ng HOA na hindi nagbabayad ng monthly dues. Hindi po tama iyan at hindi po makatarungan yan.
How many days Po Ang required na ipublish ng HOA kanilang ginawang board resolution
Magandang araw po. Salamat sa inyong katanungan.
Ang pagpasa ng Board Resolution ng HOA ay wala pong required number of days para ang Resolution ay maging epektibo. Once the Board Resolution has been adopted by a majority vote of the Board Members, it becomes effective immediately, unless there is a specific time period that is indicated on the Board Resolution itself.
Sana po nakatulong ito sa inyong sitwasyon. God bless po.
Gud day atty Jojo.nakabili po kami NG lote na walang papel,I mean entry pass.excess lot po.bininta NG katabi namin bahay.may kasulatan Lang po kami,Pina-register namin sa Hoa,ang ginawa same PA din NG number my - A Lang.ex.B-22 L-99-A po. Pwd q PA ba ipa-iba at gawan kami NG sarili na number?
Magandang araw po Ms. Josephine. Salamat sa inyong katanungan.
Ang excess lot po ay may ligal na proseso na sinusunod para marehistro sa inyo. Kung wala pong kasulatan ang bentahan ng nasabing lupa, hindi po ninyo magigiit na ipa-iba at gawan kayo ng sariling lot number. Kung gusto ninyo ng mas malilim na kasagutan, pwede po kayo sumangguni sa PAO. General information lang po ang aming binibigay sa mga nagtatanong.
Sana po nakatulong ito sa inyong sitwasyon. God bless po.
Good day po.. sir ask ko lng po paano po kaya singilin ang mga member ng hoa in a good way.. malaki po kc ang dpt kolektahin sakanilng obligasyon sa monthly dues.. at kng sakali hnd sila mgbyd ano pwdng kaharapin nilng violation na pwdng ipataw?
Hi Mark. Ang una dapat gawin ng HOA Board ay ipakita sa mga miyembro na nagtatrabaho sila para sa kapakanan ng buong HOA. Clean Up Drive sa bawat kalye, paggawa ng community vegetable garden at ronda patrol ang ilan pwede gawin para mapakita sa mga kasapi ng HOA na may ginagawa para sa buong komunidad. Ngayon, sa pag singil ng arrears sa monthly dues, mas mainam kung papadalhan ng sulat ang mga miyembro na nakasaad duon kung ano ang utang nila sa HOA. Tapos ang Board ay dapat maglabas ng mga alituntunin na magbibigay ng tulong sa mga miyembro na hindi kaya bayaran ng isang beses ang kanilang utang -- installment payments, na pwede weekly o bi-weekly, 20% discount kapag nabayaran buo ang utang, etc.. Pag natanggap na ang sulat mag personal follow up po after 1 week siguro para malaman kung sang-ayon sila sa payment scheme. Mahirap at nakakapagod ang trabahong ito pero kailangan tiyagain lang ng mga namumuno.
Ang RA 9904 ay nagsasaad kung paano masasabi kung sino ang delinquent members ng isang HOA (Section 9). Kapag hindi nagbabayad ng monthly dues ang isang kasapi pwede siya matawag na delinquent member. Ang sabi ng batas ay ang ByLaws ng HOA ang magsasaad ng patakaran o alituntunin kung paano magiging delinquent ang isang kasapi ng HOA. At nakasaad din dapat sa ByLaws kung ano ang mga parusa na ipapataw sa delinquent member. Ano ang halimbawa ng parusa na pwede ipataw? Kung may centralized garbage collection system ang HOA pwede na hindi kunin ang basura ng miyembro para dalhin sa lugar kung saan ang pick up point ng garbage truck ng LGU. Hindi pwede tumakbo bilang Board Member sa halalan ng HOA ang isang deliquent member. Ang importante po ay ang mga administrative sanctions na ito at iba pa para sa delinquent members ay dapat nakasaad o nakapaloob sa ByLaws ng HOA. Kung hindi bawal po na ipataw ang mga sanctions na nabanggit. Mahirap pong gawin ang pag-a-amend ng HOA ByLaw, pero iyan po ang nakasaad sa batas.
Sir tanongko po kung pede b maningil ang presidente ng home owner....para magpagawa lng ng kalsada ang mga dumadaan n sasakyan... Hndi poh sya rehistrado ng hlurb... Ang dokumento lng n ipinapakitq ay ordinaryong papel n may pirm lng ng land owner... Pero wala certification ng baranggay.. Sealed nito
Good evening. Maraming salamat sa iyong katanungan. Ang isang HOA ay dapat muna magparehistro sa Department of Housing & Urban Develoment at sa BIR bago ito magkaroon ng karapatan at kapangyarihan na maningil ng special assessment para sa pagpapagawa ng kalsada sa subdivision project.
Lahat ng sisingilin sa mga miyembro ay dapat ma-isyuhan ng official receipt na rehistrado sa BIR. At ang pondo ay kontrolado ng HOA at hindi ng developer.
Sana makatulong ito sa iyong sitwasyon. Good luck. God bless always.
Atty. Jojo
Hi Atty. Jojo. Nakalagay po sa contract to sell dito sa aming subdivision na kami ay automatic member ng hoa kapag bumili ng property dito. Meron pong ilang homeowners dito (anim po sila) na gustong magwithdraw ng kanilang membership dahil hindi raw po sila satisfied sa pamumuno ng mga officers. Maaari po ba ito? Pwede po ba silang magwithdraw ng kanilang membership sa hoa?
Good afternoon. Salamat po sa inyong katanungan. Pwede po maging non-member ang isang current member ng HOA. Subalit meron po muna dapat na mga alituntunin na nakasaad sa inyong HOA ByLaws kung paano ang pagbibigay serbisyo sa mga magiging non-members. Kung wala po ang mga naturang alituntunin na nabanggit, hindi po pwede na "umalis" sa membership ng HOA ang mga nasabing tao. Kausapin po muna nila ang inyong HOA Board.
Good day Sir. Tanong ko lang po, ang lugar namin ay hindi subd. At hindi rin village. Sitio lamang at meron nagtayo ng HOA dito sa amin naniningil sila ng monthly due at car sticker. Hindi rin ito membro ng HLURB at hindi register sa B.I.R.
Ano pweding gawing asksyon dito.
Good evening po. Salamat po sa inyong katanungan. Ireklamo po ninyo sa Office of the Mayor, sa BIR at sa Department of Human Settlements & Urban Development (ang dating HLURB). Pwede po magsampa ng kasong administrative, civil at criminal laban sa mga "officers" ng inyong HOA na hindi rehistrado.
ano po kaya ang requirements para magkaroon ng lote pamahayan ang mga informal settlers sa kanayunan
Magandang araw po Sir Leandro. Salamat sa inyong katanungan.
Ang mga informal settlers po ay pwede magkaroon ng sariling bahay sa pamamagitan ng Community Mortgage Program ng National Home Mortgage Finance Corporation (NHMFC). Meron lang pong proseso na susundin. Makipag ugnayan po kayo sa Urban Poor Affairs Office ng inyong LGU at sa NHMFC. Kailang po kasi nila ng "originator". At ang LGU, kung papayag po ang Sanggunian, ay pwede maging "originator".
Sana po nakatulong ito sa inyong sitwasyon. God bless po.
good day attorney!
tanong ko lang po.
hindi po kami bayad sa monthly dues.
dahil dito hindi kami pinayagan ng HOA na makapagpakabit ng internet na gagamitin dapat namin sa WORK FROM HOME dahil sa lockdown sa aming lalawigan.
pwede po ba o tama po ba yung ginawa ng HOA
Magandang araw po Sir Laezar. Salamat sa inyong katanungan.
Wala pong karapatan ang inyo HOA na pagbawalan kayo na magpakabit ng internet connection sa inyong bahay. Ang una po dapat gawin ng inyong HOA ay ideklara kayo bilang isang delinquent member. Tapos po nuon, kayo po ay magbabayad ng "BENEFICIAL USER DUES" base sa HLURB Resolution No. 001, Series of 2017. Kung hindi po sinunod ng inyong HOA yung prosesong ito, labag po sa inyong karapatan na ipagkait sa inyo na magpakabit ng internet. Pwede po kayo magreklamo sa DHSUD diretso kung wala pong Grievance Committee ang inyong HOA para iresolba ang issue na ito.
Sana po nakatulong ito sa inyong sitwasyon. God bless po.