UAP ONE NIGHT CHARITY EVENT

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 28 ก.ย. 2024
  • MAAGANG PAMASKONG HANDOG NG UAP
    (Hango sa Balitang Q)
    Matagumpay na idanaos ang "A One Night Charity Event" featuring 4 years of Architecture Review Memories and Experiences for the benefit of Hemophilia Patients and Less Fortunate Children nitong nakaraan na biyernes ika-16 na Nobyembre, taong kasalukuyan sa ganap ng alas 2 ng hapon sa Baab Al Rayyan Complex. Ang okasyon ay may temang "Handog N'yang Pasasalamat Balik Tulong Ko Para Sa Lahat" na dinaluhan ng 104 katao sa pangunguna ni Arch. Jhin Tabuzo Jr. at sa pakikipagtulungan ni Arch, Paula Dizon hosted by Ms. Janeth Bernardino. Si Arch. Mario Macaranas, VP-UAP na nagbigay ng pambungad na pasasalamat sa mga dumalo na sinundan ng Video Presentation na kung saan naman ay si Arch. Dizon ang nagpahayag tungkol sa nasabing proyekto.
    Si Arch. Dizon na ayon pa rin sa kanya, sa muling pagkakataon ng mabigyan nya ng masayang pamasko ang mga kabataan at sa tulong ng Haplos Hemophilia Association of Parents for love and Service Philippines ay naisangguni niya ito sa kanyang mga kapwa arkitekto na kung saan at tinugunan naman kaagad ni Arch. Tabuzo Jr. ang ito ay maisakatuparan.
    Pinasalamatan din ng grupo ang mga tumulong maisakatuparan ang mga layuning ito, kina Arch. Cabugnasan at Arch. Dizon sa simpleng pinagsaluhan na pagkaabalahan ito, ang poster na gawa ni Arch. Jomel Gomez, ang mga Video at CD cover ay disenyo ni Arch. Wilson Bernardino at pinaghusay naman ni Arch. Romeo Gonzales, kinopya sa CD ni Arch. Rockyfeller Reyes. Gayun din ang kanilang pasasalamat sa buong pwersa ng BalitangQ na sumuporta sa okasyong ito na pinangungunahan ni Arch. Flor Cabrito.
    Inilahad ni Arch. Jhin Tabuzo kung papaano nabuo ang naturang grupo. Ayon sa kanya, buong puso siyang tumutulong sa mga kababayan nating hindi pa mga ganap na Artitekto. Ang pakikpagugnayan sa SPLBE ay kanilang ikinasa kaya't noong 2009, ang kauna unahang pangkat ng pagsususlit sa nasabing kurso na may pumasa ng 49% at ang panunumpa ay ginanap sa Holiday Villa. Nagpatuloy ito kaya't noong taong 2010 ay may 61.75% ang pumasa na nakakuha rin ng Top 3, 4 at 5 at ginanap ang panunumpa sa Oryx Rotana Hotel. Noong 2011 ay may 61% naman ang pumasa na nakakuha ng Top 2, 3 at 9 na pwesto sa pagsusulit. At ngayon taong kasalaukuyan ng ika-23 ng Oktubre, may 77 na nagsulit sa nasabing kurso at ilalabas ang resulta nitong darating na ika-23 ng Nobyembre.
    Ang presidente ng Balitabg Q at PNOC Chairman na si Mr. Flor Cabrito ay nagbigay pasasalamat at sa magandang layunin ng grupo. Nagbigay din maikling mensahe ng dating PNOC Chairman na si Fidel Escurel.
    Ipinababatid din ni Arch. Tabuzo na supportahan natin ang pelikulang Angel in June. Ito ay binigyang paliwanag ni Sky Gonzales na ang pelikula ay gawang Pinoy na ipapalabas dito sa Qatar sa TRIBECA 2012.
    Lumikom at nakakolekta ng halagang QR 4,757.00 ang grupo ng gabing yaon at ibinigay ang halagang ito ni Arch. Tabuzo kay Arch. Dizon na siya naman ang magbibigay para maisakatuparan ang magandang mithiing ito. Sa huli, si Arch. Tabuzo ay lubos na nagpapasalamat sa mga tumulong at dumalo sa simpleng pagtitipon. (Laging panatiliing makibalita sa www.balitangq.org)

ความคิดเห็น •