490 lang samin yang zemcoat, kahapon Sep 7, 2024 lang ako bumili. thank you nakita ko tong video mo, nangangapa ako sa paggamit ng zemcoat kasi mag ddiy lang naman ako. thank you sa pagshare
Tama lods.. Maganda yan.. Marami taking matutulongan sa pamamagitan. Sa pag tutorial.. Ingat lang lods sa work.. Lods pasyal ka nmn sa bahay ko. Salamat lods
Kaya ko kaya yan, gusto ko itry sa kwarto muna namin, rough kasi yung pader, hehe try ko nga tapos mag feedback ako dto, salamat po , construction po tatay ko and sa tingin ko naman po is, kaya ko po kahit babae ako, hahaha
Kung kaya po tiyagain mano-mano po talaga gamit po blade o kaya paletang bakal, pero kung gusto niyo po mas mabilis, grinder po na may balang sanding disk po ang pinaka-effective po. Yung ganito po binabala sa grinder tapos po dinikitan po ng liha na may velcro: shopee.ph/Velcro-Backing-Pad-Plate-4-CRESTON-BUTTERFLY-i.284690604.8686219937
Hello! Kung luma na po ang pader at hindi po bagong gawa, puwede na pong i-skim coat. Kung bagong tayo naman, kailangan pong pahiran ng masonry / concrete neutralizer, kung hindi lalasunin, mag-antay po ng one month bago po i-skim coat. Sana po makatulong.
Anong klaseng materials po ang ipangwa-waterproof niyo po? Kung Sahara po, hinahalo po ito sa sementong pangpalitada, kagaya din po ito ng Plexibond hinahalo din po sa pangpalitadang semento. So in short po, hindi po kayo puwedeng mag-waterproof kung wala pa pong palitada. Hindi po kakayanin ng sipsip ng tubig kapag purong hollow blocks lang, gayun din po sa pag-a-apply po ng Acrytex Cast, dapat po may palitada na. Yang sinabi ko pong mga materials ay pang-waterproofing po lahat yan, marami pa pong klaseng waterproofing po kayo na puwedeng mahanap, pero iyan po ang mga common na ginagamit.
Hello! Opo, puwedeng puwede po, gaspangan niyo lang po ng kaunti ang pader na rough na may pintura gamit ang magaspang na liha, para po mas kumapit po ang skim coat. Medyo madulas po ang latex paint, lalo na po kung gloss type po ang ipinahid. Liha lang po ang katapat niya tapos skim coat na po, yaong iba po tinataktakan pa muna ng concrete nail, pero sa aking experience kahit liha lang po. Sana po makatulong.
Hi! Kapag po sa CR, ang recommended po na pang-masilya / pangkinis ay acrytex cast po ng Boysen. Waterproof and anti-seepage na po iyan, Isang gallon nga lang po ang size nito, wala po itong litro-litro na tingi. Kapag po maliit ang c.r., sigurado marami pong sosobra, takpan niyo lang po ng mabuti (pukpokin niyo po ang lid), matagal naman po ang shelf life nito.
Kahit skim coat na agad deretso. Basta lihain niyo po muna 'yung mga loose na semento. Keep in mind po hindi po puwede mag-skim coat agad kapag bago palang po ang semento. Magpahid po muna kayo ng masonry neutralizer or mag-antay po kayo ng 30 days bago mag-skim coat, ito ay kung bagong palitada pa lamang ang pader.
Thank you po. 4yrs na po ung bahay nakatayo. Bali mag diy lang po ako ng pag paint ng bahay po namin po. Bali skimcoat tapos 2 mano po ng primer tapos 2 mano din po ng top coat tama po ba?
@@christopherlegaspijr.376 Kahit 1 mano lang po ng primer after skim coat po. Pero kung dark color po ang ilalagay niyo kahit color na agad po na 2 mano. Basta po boysen po ang paint, madali po kasi agad magtago ng kulay po ang boysen, iba po ang kapal po niya kaysa sa ibang brand based po sa experience ko po.
Bakit po iba ang motion niyo bigla? paano po ba ang tamang pag lagay? kailan po gagawing patayo at pahiga ang lagay ng skimcoat? and kung sakali po na mag lalagay ng water proofing, ano po ba dapat mauna? skimcoat or waterproofing? salamat po. 4:09
Ang paghagod naman po ng skimcoat ay kanya kanya, basta makita na kuminis ang surface ay iyon po ang mahalaga, puwede patayo puwedeng padahilig, basta kuminis iyon po ang mahalaga. Mas una po dapat ang waterproofing, kasi po ito ay hinahalo sa semento / palitada, ito ay ang sahara water proofing cement. Pero kung acrytext cast ang gagamitin niyo kahit wala nang sahara waterproofing nag sementong ipapalitada ninyo. Mas mahal nga lang ang acrytext cast, nasa P700 - P800 ang lata na gallon.
Kapag po makinis na po ang surface hindi niyo na po kailangan i-skim coat, hahanap lang po kayo sa pader ninyo ng mga imperfections (ex. mga cracks, bitak, basag-basag na palitada). Ang purpose po kasi ng skim coat ay para magpakinis po ng surface. Kung smooth na po ito, hindi na po kailangan i-skim coat, hindi po kasi kakapit ito sa makinis.
@@critzzel Puwede po iyan i-skim coat po, as long po na pagaspangin niyo po muna ang wall niyo gamit po ang magaspang na liha (100 grit sand paper po pababa ang mga magagaspang po).
Mas maganda po skim coat nalang para kapit na kapit po sa concrete. Pagka-skim coat po kahit hindi na po kayo magprimer ng flat latex, deretso na sa gusto niyong kulay, doblehin o triplehin niyo lang po ang layer ng pintura po na gusto niyong kulay para mas tago ang skim coat.
Hi! Saan niyo po ba ito sinukat? Sa foot po ba o sa meter? Kasi po kung sa square meter po ang pagbabasehan nasa 40 - 50 na sako ang gagamitin niyo po, mansiyon po ba ang bahay niyo? Kung sa foot naman po kayo kumuha, ay nasa 3-4 sako lamang ng skim coat. Sana po makatulong.
Actually, hindi naman po totally bawal ang skimcoat sa banyo, maraming mason at mga panday ang gumagamit niyan sa banyo, hindi lang talaga advisable kasi nagpa-powder `pag nababasa sa katagalan. Ang the best po talaga na masilya sa banyo ay yung acrytex cast ng boysen mas mahal lang po talaga ito kaysa sa skimcoat.
Hi! Puwede na po ang isang sako diyan, kung kukulangin naman po baka kaunti lang naman, bibili nalang po kayo ng tingi na per kilo, panghabol sa kulang. Bili lang muna kayo ng isang sako.
Hello! Puwede rin pong skim coat, gaspangan lang po ang surface gamit ang liha. Mas magaspang po ay mas kakapit lalo ang skim coat. Maaari din naman gumamit po ng masonry putty, kahit may pintura po kakapit yan kasi po ay water/latex based po ang masonry putty, para po siyang pintura na sobrang lapot. Sana po makatulong.
@@franklynpante6004 Hi! Puwede naman po ang masonry putty kaso nga lang po mauubos ang pera niyo po doon, kasi mahal po ang isang litro, around P100, tapos po kapiraso lang ang magagawa niyo po. Mas mainam po ang skim coat sa malakihang project, tsaka po ang masonry putty po ay nakadesign po sa pader na may pintura na o napinturahan ng primer (flat latex), yaon po ang purpose ng masonry putty, ang skim coat po ay bago mag primer (bare conrete). Sana po makatulong.
@@franklynpante6004 Skim coat po ang katapat talaga kapag magaspang ang finish ng conrete. Nuong araw po ang mga mason nagfifinish ng pader gamit ang puro na semento para pakinisin ang pader, pero mas napapamahal ang mason dahil mas mahal ang semento sa skim coat, kaya ang uso ngayon ay skim coat po. Mura na, effective pa.
@@labolaaz9164 Boysen lang po ang alam ko na brand ng Acrytex Cast, nasa P700 po mahigit ang presyo, gallon lang po ang size wala pong liter. Additional info lang po. Salamat din po sa inyo.
Hi! Hindi po maaaring gamitin ang skim coat sa may tagas na pader. Dalawang paraan ang puwedeng gawin, una palitadahan muli ang pader na may halong sahara waterproofing compound, ang isa naman ay masilyahan ang pader ng acrytex cast ng boysen. Sana po makatulong.
Hello! Kapag po ang wall niyo po ay bagong gawa o palitada, at hindi pa nagdaan ang 30 days curing time, kailangan niyo po muna itong pahiran ang pader niyo ng masonry neutralizer bago po mag-skim coat. Sana po makatulong.
Hi! Komporme po sa laki nang bahay, yaan sa video po ang sukat ng kuwarto ay 3x10meters po ang lawak ng kuwarto tapos po 3 meters nama po ang taas ng pader. Ang naubos ko po sa project pong iyan ay 3/4 po ng isang sako. May tira pa, sobrang tipid po gamitin. Kung ipagpalagay niyo po na may tatlong kuwarto po kayo sa project niyo po, mga tag-isang sako po per kuwarto po mauubos niyo. Siyempre sa labas ng bahay di pa po kasama. Pero po sa panlasa po namin, di po kami nag-i-skim coat sa labas, mas gusto po namin ang rough finish kapag outdoor. Pinipinturahan na namin po agad kahit rough. Sana po makatulong.
@@bushmaster2545 Kayang kaya niyo po yan. Kahit po walang experience sa pagmamasilya, matutunan po agad yan. Basta sundin niyo lang po ang mga tips na binigay ko sa video na ito. Maraming salamat po!
yung ang ayw ko sa Pilipino, kung umpisa palang kininis na di wala na sanang gastos. gaya sa Japan pag tangal nila sa porma mag pintura ka nalang sobrang kinis na pati ipis ay nadudulas. biroin mo 500 ang isang sako samantalang sa semento mura lang at poyde naman ipang kinis kung sa pag platada ay kininis na ka agad. hindi ba kaya ang ganon? huwag naman yung doble doble na ang gastos mag liliha pa, mag masilya pa. pag platada palang kinisin na ng kinis na kinis.
Ganoon po talaga mga nangongontrata, gusto nila sa mabilis matapos ang trabaho po. Yaong sa Japan naman po wala po akong idea sa construction system nila, pero po dito sa atin madalas po rough ang finish, tapos po skim coat. Mas mura po kasi ang aabutin kapag rough ang finish kasi po may halo buhangin ang semento bago ipalitada, di tulad nang purong semento mahal na presyo nang sako. Pero may positive aspect din po kapag rough, ang palitada po niya hindi basta nagka-crack. Sa pagliliha naman po gumagamit po ako ng grinder para mabilis matapos ang trabaho, pero kaya din naman po mano-mano, kailangan lang ng tiyaga.
Hindi naman po kasi lahat ng ngpapagawa is my pera na ung iba is unti2 hindi po lahat ng pilipino is mayaman..na kaya ng isang biglaan..nsa JAPAN po kau nsa 1st world country ika nga..just saying..✌✌
Agree ako sayo sir. Ng pagawa din ako Ng Bahay. pakyawan din po Yun labor ko. Tinanong ko Yun labor ko kabit ang gaspang Ng palitada. Sagot sa akin. Sa pintura at skim coat nlang Yan. Sabi ko double na gastos ko po. Pwede ba hind magaspang. Sagot sa akin matatagalan Tayo nyan. Sagot ko nman Ng babayad nman Ng Tama.
@@melaihcreations Hi! Sa pakyawan (kontrata) po kasi mas makakamura po ang mga contractor kapag po sa skim coat. Mas mura po kasi ang aabutin po kaysa bumili po sila nang semento. Sa mga nagko-construction po kasi ngayon, napansin ko po trend na po ang paggamit ng skim coat. Pero noong araw po talaga, semento po ang pangpakinis ng mga contractors, laborers, foremans, etc.
Sir anong liha po ba bibilhin pag pumunta ko ng hardware? Balak ko kase ako nalang magliha ng rough wall namin para tipid. At ano pong materyales gagamitin pag nag sskim coat.
Hello po! Ang liha po ay 80-100 grit po, para po sa unang hagod ng liha, kapag nalebel niyo na po ang mga lubak gamit ang magaspang na liha, lipat po kayo sa 240 grit na liha para po sa pang-finish. Sa pag-i-skim coat naman po, paletang bakal (putty knife) po na malaki, huwag po kayo gagamit ng maliit, matatagalan po kayo sa pag-apply ng skim coat. Puwede rin po kayo gumamit ng ladelang bakal, pero po sa video na ito ang ginamit namin ay paletang bakal (panoorin niyo po kung paano namin in-apply ang skim coat), mas sanay po kasi kami sa paletang bakal, at ito rin po ang suggested para po sa mga nagsisimula palang mag-skim coat o mas kilala sa tawag na pagmamasilya. Sana po makatulong.
@@marinellmauricio8464 Gaano po ba kalaki ang room na project niyo po? Bili po muna kayo kahit 3 pcs na 80 grit tapos po 2 pcs na 240. Para po mas mabilis makaliha po gamit po kayo ng tabla. Nasa video po ang proseso nang pagtatabla. Hindi naman po mabilis mapudpod ang liha, kasi po mabilis lang po lihain ang skim coat.
Hello! Mas makakatipid po kayo sa skim coat kung gusto niyo po nang makinis na finish, pero kung okay lang sa inyo ang rough mas tipid po ang semento. Napipintahan naman po ang pader kahir rough po ang finish.
@@joancaparic7584 Wala naman po problem sa rough, sasabihin ko po sa inyo ang pros and cons ng rough finish - Kapag sa rough po kapit na kapit ang pintura, kapag lang nadumihan o naalikabukan ang rough, sumisingit mga dumi sa surface nito. Pros and cons naman po ng smooth finish - Madali po magasgasan ang smooth, masagi lang gasgas na agad (eg. kanto ng mga mesa, upuan), kapag naman nadudumihan ng alikabok hindi kumakapit basta basta, katapat lang ay walis tambo. Either way po may stength and weaknesses po ang smooth at rough finish. Either way din po parehas lang po sila maganda tingnan kapag may pintura. Sana po makatulong po ang comment ko pong 'to sa inyo. God bless po!
@@gawinmoito good evening sir,, ask lang po 20x24 po sukat bahay ko, mga ilang skim coat po ba magamit sa loob lang po na may 2 bedroom., sana mapansin, Salamat
@@cheltor8330 Hello! Good evening po! Ano po bang sukat ito? feet or meters? Kung ang sukat po na 20x24 ay sa feet kinuha, puwede na po ang isang sako lamang, pero kung ito po ay meters, ito po ay nasa tatlong sako po ang kailangan. Kapag po nagsusukat po ng bahay, palagi pong meters ang gamit. Ang feet po ay sa kahoy at sa bakal madalas gamiting panukat. Sana po makatulong. God bless po!
490 lang samin yang zemcoat, kahapon Sep 7, 2024 lang ako bumili. thank you nakita ko tong video mo, nangangapa ako sa paggamit ng zemcoat kasi mag ddiy lang naman ako. thank you sa pagshare
You're welcome po!
maganda nyan boss roldelang bakal ang gamit.. tska binabasa pa nyan ng kunti ang pader bago batakan...
Puwede rin po yang style na yan, komporme rin po talaga sa nakasanayan sir. Parehas lang din naman pong epektib. Salamat po.
Tama lods.. Maganda yan.. Marami taking matutulongan sa pamamagitan. Sa pag tutorial.. Ingat lang lods sa work.. Lods pasyal ka nmn sa bahay ko. Salamat lods
Maraming salamat po sa suporta! God bless po.
Kaya ko kaya yan, gusto ko itry sa kwarto muna namin, rough kasi yung pader, hehe try ko nga tapos mag feedback ako dto, salamat po , construction po tatay ko and sa tingin ko naman po is, kaya ko po kahit babae ako, hahaha
Yakang yaka niyo po iyan. Waiting po sa feedback niyo po. God bless po!
Pwed ba iapply yn sa rough wall na may existing paint na slamt boss more power
Hi! Puwede po. Gaspangan niyo lang po ng kaunti ang painted wall para po kumapit po ng mabuti ang skim coat po.
Pwedenb yan sa outdoor like fence
Yes, puwede po.
Kaya q kaya hehe kesa mgpagawa pq..thanks satutorial. Try q nga ako lang gagawa. kuddos po
Hi! Kaya niyo po iyan for sure po, madaling DIY lang po ito.
Sir ano po pde panlinis ng rugby sa wall..may vinyl po kase ang wall namin gusto na tanggalin at pinturahan na.
Kung kaya po tiyagain mano-mano po talaga gamit po blade o kaya paletang bakal, pero kung gusto niyo po mas mabilis, grinder po na may balang sanding disk po ang pinaka-effective po.
Yung ganito po binabala sa grinder tapos po dinikitan po ng liha na may velcro:
shopee.ph/Velcro-Backing-Pad-Plate-4-CRESTON-BUTTERFLY-i.284690604.8686219937
Cge sir salamat po
@@LuvyRoblesYou're welcome po!
Boss gud am ask lng po.,pde napo bng hindi lasunin ang rough concrete wall ,at direkta ng skim coat?
Hello! Kung luma na po ang pader at hindi po bagong gawa, puwede na pong i-skim coat. Kung bagong tayo naman, kailangan pong pahiran ng masonry / concrete neutralizer, kung hindi lalasunin, mag-antay po ng one month bago po i-skim coat. Sana po makatulong.
May mga mason talaga na mahirap pinturahan ang palitada nila pero meron din yung magagaling na pulido at malinis ang palitada...
Yes po, totoo po iyan. Mas pulido, mas kaunti ang finishing touches.
After mag pahid ng skim coat, anong pintura na po ang pwede? Anong brand ng primer ang dapat gamitin po?
Hello po, puwede na po iyan pahiran kahit anong kulay po na nais niyo po. Kung gusto niyo naman pong i-primer, flat latex white po ang pang primer.
Good morning sir tnong klang kng pweding ewater froofing ang wall kpag wala png palitada
Anong klaseng materials po ang ipangwa-waterproof niyo po? Kung Sahara po, hinahalo po ito sa sementong pangpalitada, kagaya din po ito ng Plexibond hinahalo din po sa pangpalitadang semento. So in short po, hindi po kayo puwedeng mag-waterproof kung wala pa pong palitada. Hindi po kakayanin ng sipsip ng tubig kapag purong hollow blocks lang, gayun din po sa pag-a-apply po ng Acrytex Cast, dapat po may palitada na. Yang sinabi ko pong mga materials ay pang-waterproofing po lahat yan, marami pa pong klaseng waterproofing po kayo na puwedeng mahanap, pero iyan po ang mga common na ginagamit.
Bukod po sa skimcoat anu po ang una ipapahid sa rough na wall or skimcoat na po ba kagad ang ipapahid?
i-liha nyo muna ng magaspang na liha (ex.80-200grit) saka niyo lagyan ng skimcoat
after po b maliha..need po b basain?
Hindi na po, ang hahaluan lang ng tubig ay yung skim coat powder, katulad ng nasa video.
Boss paano pag rough yung pader tapos napinturan na pwede parin bang lagyan ng skim coat para kuminis ang pader bago naman ulit namin pinturahan
Hello! Opo, puwedeng puwede po, gaspangan niyo lang po ng kaunti ang pader na rough na may pintura gamit ang magaspang na liha, para po mas kumapit po ang skim coat. Medyo madulas po ang latex paint, lalo na po kung gloss type po ang ipinahid. Liha lang po ang katapat niya tapos skim coat na po, yaong iba po tinataktakan pa muna ng concrete nail, pero sa aking experience kahit liha lang po. Sana po makatulong.
Hi lods pwede kaya yan sa dingding ng cr nmin na magaspang...ok lang ba un lagi nababasa
Hi! Kapag po sa CR, ang recommended po na pang-masilya / pangkinis ay acrytex cast po ng Boysen. Waterproof and anti-seepage na po iyan, Isang gallon nga lang po ang size nito, wala po itong litro-litro na tingi. Kapag po maliit ang c.r., sigurado marami pong sosobra, takpan niyo lang po ng mabuti (pukpokin niyo po ang lid), matagal naman po ang shelf life nito.
Pwede po ba na mag primer muna tapos saka mag skimcoat? Finish po ung walls ng bahay namin po
Kahit skim coat na agad deretso. Basta lihain niyo po muna 'yung mga loose na semento. Keep in mind po hindi po puwede mag-skim coat agad kapag bago palang po ang semento. Magpahid po muna kayo ng masonry neutralizer or mag-antay po kayo ng 30 days bago mag-skim coat, ito ay kung bagong palitada pa lamang ang pader.
Thank you po. 4yrs na po ung bahay nakatayo. Bali mag diy lang po ako ng pag paint ng bahay po namin po. Bali skimcoat tapos 2 mano po ng primer tapos 2 mano din po ng top coat tama po ba?
@@christopherlegaspijr.376 Kahit 1 mano lang po ng primer after skim coat po. Pero kung dark color po ang ilalagay niyo kahit color na agad po na 2 mano. Basta po boysen po ang paint, madali po kasi agad magtago ng kulay po ang boysen, iba po ang kapal po niya kaysa sa ibang brand based po sa experience ko po.
Bakit po iba ang motion niyo bigla? paano po ba ang tamang pag lagay? kailan po gagawing patayo at pahiga ang lagay ng skimcoat? and kung sakali po na mag lalagay ng water proofing, ano po ba dapat mauna? skimcoat or waterproofing? salamat po. 4:09
Ang paghagod naman po ng skimcoat ay kanya kanya, basta makita na kuminis ang surface ay iyon po ang mahalaga, puwede patayo puwedeng padahilig, basta kuminis iyon po ang mahalaga.
Mas una po dapat ang waterproofing, kasi po ito ay hinahalo sa semento / palitada, ito ay ang sahara water proofing cement. Pero kung acrytext cast ang gagamitin niyo kahit wala nang sahara waterproofing nag sementong ipapalitada ninyo. Mas mahal nga lang ang acrytext cast, nasa P700 - P800 ang lata na gallon.
Pwede po ba ang skimcoat sa Pader na flywood or kahoy po?
Pang concrete po ang skim coat. Ang pang kahoy po ay plasolux putty o kaya po ay polituff.
paanong paraan nman po i skim coat yung may smooth na walling? didikit pa rin ba skim coat nun kahit naka puro na? salamat po
Kapag po makinis na po ang surface hindi niyo na po kailangan i-skim coat, hahanap lang po kayo sa pader ninyo ng mga imperfections (ex. mga cracks, bitak, basag-basag na palitada). Ang purpose po kasi ng skim coat ay para magpakinis po ng surface. Kung smooth na po ito, hindi na po kailangan i-skim coat, hindi po kasi kakapit ito sa makinis.
@@gawinmoito kailangan Po kasi I skim coat boss,kasi bako² Po Yung walling kahit paano maipantay mn lng
@@critzzel Puwede po iyan i-skim coat po, as long po na pagaspangin niyo po muna ang wall niyo gamit po ang magaspang na liha (100 grit sand paper po pababa ang mga magagaspang po).
@@gawinmoito thanks Po,,😊
@@critzzelYou're welcome po.
Pwde po bang mag flat latex muna bago skimcoat
Mas maganda po skim coat nalang para kapit na kapit po sa concrete. Pagka-skim coat po kahit hindi na po kayo magprimer ng flat latex, deretso na sa gusto niyong kulay, doblehin o triplehin niyo lang po ang layer ng pintura po na gusto niyong kulay para mas tago ang skim coat.
sa pag sskim coat may 3 motion yan..
1st coat vertical ang paghagod 2nd coat horizontal
3rd vertical
Yes, tama po kayo diyan.
Ok salamat sa pag-share kaibigan
Walang ano man po. Please, continue to support the channel po.
need pa po ba i primer yan? bago pinturahan?
Kahit walang primer, okay lang.
Bos pde ba mag skim coat sa purong cemento ? Kakapit po kaya ?
Yes po, pang semento po talaga iyan. Huwag lang po sa flooring, hindi po kasi ito pang-sahig.
Pwede pa po bang mag skimcoat kahit napinturahan na ang pader
Puwede po. Lihain niyo muna ang pader para po gumaspang, mas kakapit po kasi ang skimcoat sa magaspang.
pwede bang mag skim coat kung may pintura na ang pader?
Yes po puwede. Lihain mo muna.
Ilang bag kaya ng skimcoat ang ma gamit sa isang buong bahay na my sukat 18/20 sa luob lang sana
Hi! Saan niyo po ba ito sinukat? Sa foot po ba o sa meter? Kasi po kung sa square meter po ang pagbabasehan nasa 40 - 50 na sako ang gagamitin niyo po, mansiyon po ba ang bahay niyo? Kung sa foot naman po kayo kumuha, ay nasa 3-4 sako lamang ng skim coat. Sana po makatulong.
Kung bawal po sa banyo ang skimcoat, ano po ang pwedeng gamitin? Yung traditional na masilya? Tama po ba? Thank you.
Actually, hindi naman po totally bawal ang skimcoat sa banyo, maraming mason at mga panday ang gumagamit niyan sa banyo, hindi lang talaga advisable kasi nagpa-powder `pag nababasa sa katagalan. Ang the best po talaga na masilya sa banyo ay yung acrytex cast ng boysen mas mahal lang po talaga ito kaysa sa skimcoat.
@@gawinmoito salamat po. So parang water resistant po yung sa boysen?
@@gotdlife2000 Yes po, water resistant.
Tanung lang po mga ilan sako kaya ng skim coat ang magagamit sa 18x20 feet na wall ng bahai Salamat
Hi! Puwede na po ang isang sako diyan, kung kukulangin naman po baka kaunti lang naman, bibili nalang po kayo ng tingi na per kilo, panghabol sa kulang. Bili lang muna kayo ng isang sako.
@@gawinmoito salamat
@@rowelluciano2595 You're welcome po!
Boss pwede kaya kahit nd nakapalitada?
Hindi po puwede, kailangan may palitada.
wala po ba skimcoat na ready na, ung nasa timba?
Mayroon po kayo puwede gamitin, yaong Masonry Putty. Available po yan sa timba, kaso nga lang po mahal. Mas makakatipid pa rin po kayo sa sako.
gaano po k tagal ang itinatagal ng skim coat kpag hindi n po lalagyan ng primer? salamat po
Lifetime po ang skim coat. Kapag tumigas po iyan parang semento din po.
ok lng po b nd papinturahan kgad if ma skim coat
Panu po un cr ang nilagyan q ng skimcoat balak q kc pinturahan xa pag taposndi kc finish ung pader ng cr q sana may makasagot
Puwede naman patungan yan ng Acrytex Cast, lihain lang ng kaunti.
Hindi sya na powder if natagal?
Kapag lagi po nababasa nagpa-powder, kaya ang skim coat po ay advisable sa indoors excluding CR.
Ser pano kung rough ung pader pero npinturahan na pano mmasilyhin? Pag my pintura
Hello! Puwede rin pong skim coat, gaspangan lang po ang surface gamit ang liha. Mas magaspang po ay mas kakapit lalo ang skim coat. Maaari din naman gumamit po ng masonry putty, kahit may pintura po kakapit yan kasi po ay water/latex based po ang masonry putty, para po siyang pintura na sobrang lapot. Sana po makatulong.
@@gawinmoito pag masonrry putty kahit wala nba scimcoat sir
@@franklynpante6004 Hi! Puwede naman po ang masonry putty kaso nga lang po mauubos ang pera niyo po doon, kasi mahal po ang isang litro, around P100, tapos po kapiraso lang ang magagawa niyo po. Mas mainam po ang skim coat sa malakihang project, tsaka po ang masonry putty po ay nakadesign po sa pader na may pintura na o napinturahan ng primer (flat latex), yaon po ang purpose ng masonry putty, ang skim coat po ay bago mag primer (bare conrete). Sana po makatulong.
@@gawinmoito dipa yta kc uso scimcoat nong pininturahan itong kubo2x ko sir gusto ko mawala ang magaspang na finishing sa pader tnx
@@franklynpante6004 Skim coat po ang katapat talaga kapag magaspang ang finish ng conrete. Nuong araw po ang mga mason nagfifinish ng pader gamit ang puro na semento para pakinisin ang pader, pero mas napapamahal ang mason dahil mas mahal ang semento sa skim coat, kaya ang uso ngayon ay skim coat po. Mura na, effective pa.
Pwede na ba hindi i primer po
Puwede na po kahit hindi i-primer yan po. Basta doblehin niyo lang po ang coatings.
ano po dapat na ginagamit sa wall ng banyo?
Hello! Kapag po banyo ang pakikinisin, recommended po na ang gamitin ay Acrytex Cast. Ito ay anti water seepage dahil ito ay solvent based.
@@gawinmoito salamat boss 😃
@@labolaaz9164 Boysen lang po ang alam ko na brand ng Acrytex Cast, nasa P700 po mahigit ang presyo, gallon lang po ang size wala pong liter. Additional info lang po. Salamat din po sa inyo.
After liha kelan pede magpintura?
Hi! Puwede na po magpintura agad after ng liha po.
Ibang kontrata na man kasi ang singilan sa finishin.
Minsan po may mga sinasama na ang finish sa contract. Lalo kapag mga kakilala mo na ang mga gumagawa.
Puede ba yan ilagay sa pader na may tagas?
Hi! Hindi po maaaring gamitin ang skim coat sa may tagas na pader. Dalawang paraan ang puwedeng gawin, una palitadahan muli ang pader na may halong sahara waterproofing compound, ang isa naman ay masilyahan ang pader ng acrytex cast ng boysen. Sana po makatulong.
hello po gnyan dn po sa wall ng bahay namin tumatagos yung tubig kapag naulan. pede po ba kaya ihalo yung sahara sa skimcoat?sana mapansin salamat
Nice informative video 👍
Thank you very much! Salamat po sa suporta, God bless po!
Pwede po ba magskim coat Kung may pintura na?
Puwede po. Parang masilya din po kasi ang skim coat.
Boss ng ng bubles ung skim coat
May moist po ang wall nang nag-skim coat po kayo. Ayan po ang nagpapa-bubbles ng skim coat po.
Thanks for sharing idol
Salamat po sa suporta! God bless po!
Nice tol more vedio lng
Hello po! Salamat po sa suporta!
@@gawinmoito welcome tol salamat din more vedio lng
@@gawinmoito 💟
Need pa ba lasonin sir
Hello! Kapag po ang wall niyo po ay bagong gawa o palitada, at hindi pa nagdaan ang 30 days curing time, kailangan niyo po muna itong pahiran ang pader niyo ng masonry neutralizer bago po mag-skim coat. Sana po makatulong.
Sa isang boong bahay na sakto sa laki mga ilang sako kaya ng skim coat ang mauubos?
Hi! Komporme po sa laki nang bahay, yaan sa video po ang sukat ng kuwarto ay 3x10meters po ang lawak ng kuwarto tapos po 3 meters nama po ang taas ng pader. Ang naubos ko po sa project pong iyan ay 3/4 po ng isang sako. May tira pa, sobrang tipid po gamitin. Kung ipagpalagay niyo po na may tatlong kuwarto po kayo sa project niyo po, mga tag-isang sako po per kuwarto po mauubos niyo. Siyempre sa labas ng bahay di pa po kasama. Pero po sa panlasa po namin, di po kami nag-i-skim coat sa labas, mas gusto po namin ang rough finish kapag outdoor. Pinipinturahan na namin po agad kahit rough. Sana po makatulong.
@@gawinmoito loob at labas po ng bahay ko is rough baka sa loob lang po ako mag skim coat
@@bushmaster2545 Kayang kaya niyo po yan. Kahit po walang experience sa pagmamasilya, matutunan po agad yan. Basta sundin niyo lang po ang mga tips na binigay ko sa video na ito. Maraming salamat po!
di nman marunong mag skimcoat ung pinagawa mo eh..
@@marvincarmen Okay po.
Good job gawenmoto goodbles ingat
Read more full support sharing dikit nako
Read more
Salamat po sa suporta! God bless din po!
yung ang ayw ko sa Pilipino, kung umpisa palang kininis na di wala na sanang gastos. gaya sa Japan pag tangal nila sa porma mag pintura ka nalang sobrang kinis na pati ipis ay nadudulas. biroin mo 500 ang isang sako samantalang sa semento mura lang at poyde naman ipang kinis kung sa pag platada ay kininis na ka agad. hindi ba kaya ang ganon? huwag naman yung doble doble na ang gastos mag liliha pa, mag masilya pa. pag platada palang kinisin na ng kinis na kinis.
Ganoon po talaga mga nangongontrata, gusto nila sa mabilis matapos ang trabaho po. Yaong sa Japan naman po wala po akong idea sa construction system nila, pero po dito sa atin madalas po rough ang finish, tapos po skim coat. Mas mura po kasi ang aabutin kapag rough ang finish kasi po may halo buhangin ang semento bago ipalitada, di tulad nang purong semento mahal na presyo nang sako. Pero may positive aspect din po kapag rough, ang palitada po niya hindi basta nagka-crack. Sa pagliliha naman po gumagamit po ako ng grinder para mabilis matapos ang trabaho, pero kaya din naman po mano-mano, kailangan lang ng tiyaga.
Hindi naman po kasi lahat ng ngpapagawa is my pera na ung iba is unti2 hindi po lahat ng pilipino is mayaman..na kaya ng isang biglaan..nsa JAPAN po kau nsa 1st world country ika nga..just saying..✌✌
@@christinesalandanan1216 Oo nga po, maganda nga po sa Japan.
Agree ako sayo sir. Ng pagawa din ako Ng Bahay. pakyawan din po Yun labor ko. Tinanong ko Yun labor ko kabit ang gaspang Ng palitada. Sagot sa akin. Sa pintura at skim coat nlang Yan. Sabi ko double na gastos ko po. Pwede ba hind magaspang. Sagot sa akin matatagalan Tayo nyan. Sagot ko nman Ng babayad nman Ng Tama.
@@melaihcreations Hi! Sa pakyawan (kontrata) po kasi mas makakamura po ang mga contractor kapag po sa skim coat. Mas mura po kasi ang aabutin po kaysa bumili po sila nang semento. Sa mga nagko-construction po kasi ngayon, napansin ko po trend na po ang paggamit ng skim coat. Pero noong araw po talaga, semento po ang pangpakinis ng mga contractors, laborers, foremans, etc.
Sir anong liha po ba bibilhin pag pumunta ko ng hardware? Balak ko kase ako nalang magliha ng rough wall namin para tipid. At ano pong materyales gagamitin pag nag sskim coat.
Hello po! Ang liha po ay 80-100 grit po, para po sa unang hagod ng liha, kapag nalebel niyo na po ang mga lubak gamit ang magaspang na liha, lipat po kayo sa 240 grit na liha para po sa pang-finish. Sa pag-i-skim coat naman po, paletang bakal (putty knife) po na malaki, huwag po kayo gagamit ng maliit, matatagalan po kayo sa pag-apply ng skim coat. Puwede rin po kayo gumamit ng ladelang bakal, pero po sa video na ito ang ginamit namin ay paletang bakal (panoorin niyo po kung paano namin in-apply ang skim coat), mas sanay po kasi kami sa paletang bakal, at ito rin po ang suggested para po sa mga nagsisimula palang mag-skim coat o mas kilala sa tawag na pagmamasilya. Sana po makatulong.
Pano naman po ang gagawin pag yung rough wall namin may konting mga bitak?
@@marinellmauricio8464 Hi! Puwede rin po ipangtago ng bitak ang skim coat.
Mabilis lang po ba mapudpod ang liha? Para po malaman ko kung tag ilang 80-100 at 240 po ang bibilhin ko.
@@marinellmauricio8464 Gaano po ba kalaki ang room na project niyo po? Bili po muna kayo kahit 3 pcs na 80 grit tapos po 2 pcs na 240. Para po mas mabilis makaliha po gamit po kayo ng tabla. Nasa video po ang proseso nang pagtatabla. Hindi naman po mabilis mapudpod ang liha, kasi po mabilis lang po lihain ang skim coat.
Saan po maka tipid skimcoat or cemento ??
Hello! Mas makakatipid po kayo sa skim coat kung gusto niyo po nang makinis na finish, pero kung okay lang sa inyo ang rough mas tipid po ang semento. Napipintahan naman po ang pader kahir rough po ang finish.
Salamat po wla na kasi akong budget para sa pang finish rough Lang yung wall namin pinturahan ko nlg po .Godbless sa inyo
@@joancaparic7584 Wala naman po problem sa rough, sasabihin ko po sa inyo ang pros and cons ng rough finish - Kapag sa rough po kapit na kapit ang pintura, kapag lang nadumihan o naalikabukan ang rough, sumisingit mga dumi sa surface nito. Pros and cons naman po ng smooth finish - Madali po magasgasan ang smooth, masagi lang gasgas na agad (eg. kanto ng mga mesa, upuan), kapag naman nadudumihan ng alikabok hindi kumakapit basta basta, katapat lang ay walis tambo. Either way po may stength and weaknesses po ang smooth at rough finish. Either way din po parehas lang po sila maganda tingnan kapag may pintura. Sana po makatulong po ang comment ko pong 'to sa inyo. God bless po!
@@gawinmoito good evening sir,, ask lang po 20x24 po sukat bahay ko, mga ilang skim coat po ba magamit sa loob lang po na may 2 bedroom., sana mapansin, Salamat
@@cheltor8330 Hello! Good evening po! Ano po bang sukat ito? feet or meters? Kung ang sukat po na 20x24 ay sa feet kinuha, puwede na po ang isang sako lamang, pero kung ito po ay meters, ito po ay nasa tatlong sako po ang kailangan. Kapag po nagsusukat po ng bahay, palagi pong meters ang gamit. Ang feet po ay sa kahoy at sa bakal madalas gamiting panukat. Sana po makatulong. God bless po!
Marunong ka ba talaga?
Why aren't you using a bigger trowel you will be there all day with that
We did not bother to use bigger trowels anymore, because the size of the project was only small. We did finish it in a short period of time.
Nasabog pala ang tubig🤣🤣🤣🤣🤣
Ang technique po, dahan dahan lang po sa paghalo para hindi po kumalat ang tubig.
mali yung pag mix nyo ng skimcoat
Ay ganon po ba? Turuan niyo nga po kami kung paano tama.
Buo Buo pa Yan pag halo mo
Okay po.
Mabagal mag pahid,rodelang bakal gamitin nyo.
Okay po. Salamat po.
Mabagal boss ung pagmasilya mo
Okay po.
D ka pintor tgnan moh dungis pa Ng kamay moh batikan kna d ka pa nagpagulong Nyan ha nagbatak ka plang
Okay po.