Catholic Mass Today Live at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas. 10 Jan 2024 7a.m
ฝัง
- เผยแพร่เมื่อ 8 ก.ย. 2024
- Parish and National Shrine of St. Padre Pio Live Mass Today
Miyerkules ng Unang Linggo sa Karaniwang Panahon (II) January 10, 2024
UNANG PAGBASA
1 Samuel 3, 1-10. 19-20
Pagbasa mula sa unang aklat ni Samuel
Noong mga araw na iyon, si Samuel ay patuloy na naglilingkod sa Panginoon. Nang panahong yaon, bihira nang marinig ang tinig ng Panginoon at bihira na rin ang mga pangitain. Malabo na noon ang mata ni Eli. Minsan, namamahinga siya sa kanyang higaan. Si Samuel nama’y natutulog sa Templo, sa may Kaban ng Tipan. Nang magmamadaling-araw na, siya’y tinawag ng Panginoon, “Samuel, Samuel!”
“Po,” sagot niya. Patakbo siyang lumapit kay Eli at sinabi, “Bakit po?”
Sinabi ni Eli, “Hindi kita tinatawag. Mahiga ka na uli.” Nagbalik nga siya sa kanyang higaan.
Tinawag siya uli ng Panginoon. Bumangon siya, lumapit kay Eli at itinanong, “Tinatawag po ba ninyo ako?”
Sinabi ni Eli, “Hindi kita tinatawag, anak. Mahiga ka na uli.” Hindi pa kilala ni Samuel ang Panginoon sapagkat hindi pa siya kinakausap nito.
Sa ikatlong beses na tawagin siya, lumapit uli siya kay Eli at sinabi, “Narinig ko pong tinatawag ninyo ako.”
Naisip ni Eli na ang Panginoon ang tumatawag kay Samuel, kaya sinabi niya, “Sige, mahiga ka uli. Kapag narinig mo pang tinawag ka, ganito ang sabihin mo: ‘Magsalita po kayo, Panginoon. Nakikinig po ang inyong lingkod.’” At muling nahiga si Samuel. Ang Panginoon ay lumapit kay Samuel at tinawag ito.
Sumagot si Samuel, “Magsalita po kayo, nakikinig ang inyong lingkod.”
Habang lumalaki si Samuel, patuloy siyang pinapatnubayan ng Panginoon, at nagkakatotoo ang lahat ng sinasabi niya. Dahil dito, kinilala ng buong Israel, mula sa Dan hanggang sa Beerseba, na si Samuel ay isang tunay na propeta ng Panginoon.
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 39, 2 at 5. 7-8a. 8b-9. 10
Handa akong naririto
upang sundin ang loob mo.
Ako ay naghintay sa ‘king Panginoon,
at dininig niya ang aking pagtaghoy.
Mapalad ang taong may tiwala sa Diyos
at sa diyus-diyosa’y hindi dumudulog;
hindi sumasama sa nananambahan,
sa mga nagkalat na diyus-diyosan.
Handa akong naririto
upang sundin ang loob mo.
Ang mga panghandog, pati mga hain,
at mga hayop na handang sunugin
Hindi mo na ibig sa dambana dalhin,
upang yaong sala’y iyong patawarin;
sa halip, ang iyong kaloob sa akin
ay ang pandinig ko upang ika’y dinggin.
Handa akong naririto
upang sundin ang loob mo.
Kaya ang tugon ko, “Ako’y naririto;
nasa Kautusan ang mga turo mo.
Ang nais kong sundi’y iyong kalooban;
aking itatago sa puso ang aral.”
Handa akong naririto
upang sundin ang loob mo.
Ang pagliligtas mo’y aking inihayag
saanman magtipon ang ‘yong mga anak;
di ako titigil ng pagpapahayag.
Handa akong naririto
upang sundin ang loob mo.
ALELUYA
Juan 10, 27
Aleluya! Aleluya!
Ang tinig ko’y pakikinggan
ng kabilang sa ‘king kawan
ako’y kanilang susundan.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Marcos 1, 29-39
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos
Noong panahong iyon, mula sa sinagoga, si Hesus ay nagtuloy sa bahay nina Simon at Andres. Kasama niya sina Santiago at Juan. Nararatay noon ang biyenan ni Simon Pedro, dahil sa matinding lagnat, at ito’y agad nilang sinabi kay Hesus. Nilapitan ni Hesus ang babae, hinawakan sa kamay at ibinangon. Noon di’y inibsan ito ng lagnat at naglingkod sa kanila.
Pagkalubog ng araw, dinala kay Hesus ang lahat ng maysakit at ang mga inaalihan ng demonyo, at nagkatipon ang buong bayan sa may pintuan ng bahay. Pinagaling niya ang maraming maysakit, anuman ang kanilang karamdaman at nagpalayas siya ng mga demonyo. Hindi niya hinayaang magsalita ang mga ito, sapagkat alam nila kung sino siya.
Madaling-araw pa’y bumangon na si Hesus at nagtungo sa ilang na pook at nanalangin. Hinanap siya ni Simon at kanyang mga kasama. Nang siya ay matagpuan, sinabi nila, “Hinahanap po kayo ng lahat.” Ngunit sinabi ni Hesus, “Kailangang pumunta rin naman tayo sa mga kalapit-bayan upang makaparangal ako roon - ito ang dahilan ng pag-alis ko sa Capernaum.” At nilibot niya ang buong Galilea, na nangangaral sa mga sinagoga at nagpapalayas ng mga demonyo.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
padre pio kami po ay tuungan sa aming mga problema kinakaharap po, amen po
Saint Padre Pio, ipinalangin mo po kami s lahat ng aming pangangailangan, pagaling mopo ako s lahat ng aking karamdaman, maawa ka sa amin, amen
Praise to you O' Lord Jesus Christ, I trust in You! 🙏💙🩵❤️🩷💜😊Amen
Padre PIO thanks you po Lord sa mag hapung nag daan naway gabayan subaybayan mu lahat lahat ng mga mahal ku sa buhay Amen 🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏
Salamt Mahal na father PIO kaawaan Mo Poh kami amen 🙏🙏
Mahal na St. padre Pio.Maraming Salamat po.Amen
Maraming salamat po Panginoon Hesus Cristo pinupuri ka po namin Panginoon holy Mama Mary of Manaoag Mother of God, saint Padre Pio, pray for us thank you for all the Blessing, Health, Guidance and Protection to my whole family at pagpalain nyo po kami Amen 🙏 ❤️ 💛
Handa Akong Naririto Upang Sundin Ang Loob Mo Amen.
Panginoon, Dinggin Mo Po Ang Aming Panalangin Amen.
So thankful to you our loving lord st pio for all your love care support in all our life. Always begging for healing in our health problems. Please stay with us always, amen.
Paninoon salamat po sa mga tulong nio sakin at sa aking mga mahal sa buhay at sa mga anak at apo ko lalo na po sakin Amen
Thank you so much sa mga blessings sa family ko at patuloy nu po ang pagpapala sa Amin, My Lord and My God Jesus Christ, Amen.🙏🙏🙏
Santo Padre Pio thank you for blessing, protection,,guidance my family and praying for healing and forgiveness of our sins.Amen 🙏🙏🙏
Saint Padre Pio Be Centre Of Our Life Amen, Thank You For The Gift Of Our Life Amen.
Saint Padre Pio Thank You For Everything You Given To Us, Please Pray For Us My Children My Grandchildren Protect Guide All Of Us , Forgive Our Sins We Commit Amen, Please Pray For My Son To Rebuild His Self And Family, Guide Protect Keep Him Safety, Padre Pio Please Help Me To My Children My Family To Be Together Again, Padre Pio Please Hear My Prayers And My Intention Amen, Padre Pio Please Bless All Of Us Amen.
gabayan mopo an akin mga anak saan man po sila maparoon ilayo nyo po sila sa lahat na kapahamakan linawin mopo ang ang tao na meron kini kimkim na galit sa anak ko liwanagin mopo ang kanilang isipan Amen
Lord Jesus Christ, Padre Pio, You Are My Light, My Strength, My Hope, And My Salvation, Please Help Me And My Daughter Amen.
Mahal n Padre Pio pray for us Amen please protect always my family Nanay Dennis and my children Carlo and Danica Amen Thank Lord Amen 🙏 🙏🙏🙏🙏
thank you Saint Padre Pio.. please heal me…
in Jesus name 🙏🙏AMEN
Mahal naming Padre Pio muli maraming maraming salamat po, sa araw na eto muli please pray for me for my complete healing and Please pray for all Cancer patients around the world Heal us through your intercession please pray for us to Our Divine Physician and Healer Our Lord Jesus Christ Amen and Amen ❤️🙏🏾❤️
Saint Padre Pio Please Guide My Daughter, Enlighten Her Heart And Mind, Erase All Hatered And Her Mind And Heart , Thank You Mama Mary Please Heal Her Amen., Please Help Me Back My Daughter To Us, Padre Pio Please Guide Me Give Strength And Hope Amen.
Pinupuri ka namen panginoon jesucristo
Saint Padre Pio Please Pray For Me And Help Me To Heal My Skin, Touch Me With Your Hailing Hands Amen , Please Help My Son In Law To His Sickness, Please Pray And Heal My Brothers Sister To There Sickness, Please Pray And Heal Baby Faith, Gigi And Loleng, Please Help My Friend To His Eyes, Padre Pio Please Heal All Of Us Amen.
Healing Prayers Lord Jesus, pls. heal me for my sick. Lord, thank you for all the blessings, protection, and guidance to my whole family, relatives, or friends... Amen 🙏 🙏🙏
Salamat sa Diyos, amen
good afternoon fr padre pio Hesuschristo nasareno salamat sa iyon panubay sa aming familya gusto namin gumaling sa sakit humingi po ako sadal payo niyo misa at sumasapalataya ako nanalangin panginoon HesuschristoNazareno at patawaring kami kasalanan panginoon kayo po bahala sa aming ligtas niyo kami sa karandaman kapamakang protektahan kami lalona sakana ilayo kami masama ispirito ituro sa aming tama ladas bigyan kami lakas tibay loob maging matibay matatag liwanang linaw isip puso marami salamat panginoon ako po nagkukuba saiyo alam ko marami kinawa kasalanan sa po tulongan niyo kami ilayo sa lahat ng problema ilayo kami sa lahat pagsubok kayo po bahalana sa aming marami salamat panginoon Hesuschristo Nazareno ngayon bukas magpakailaman hanggang ame thanksyou godbless pease love mind ❤ victory ✌❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤😊
In Jesus mighty name we pray Amen!!!!!!!!!!!!!!!!💖🙏
Salamat sa Diyos
Holy Spirit, bring clarity to my mind and assurance to my heart.
Thank you Lord.Godbless us always
Padre Pio heal us, amen.
Stay with me "O Lord and my family🙏🙏🙏
Salamat sa diyos
Panginoon kaawaan mo kami
Bless po fr. Tito Amodia🙏🙏🙏
Salamat santo padre Pio, sa iyong gabay sakin, patnubay mo saking mga anak at apo..keep us all safe from harm..in Jesus name i pray🙏🤗💙Amen
Padre PIO pagpalain MO po kami at mapagaling ang aming mga sakit sa katawan kasihan nawa kami ng grasyang kailangan namin sa araw2x maraming salamat po Amen 🙏💖🙏 Amen 🙏💖💖🙏 🙏
Kristo kaawaan mo kami
ngunit sa isang salita mulamang panginoon akoy gagaling po
Pease be with you
pinupuri kanamin panginoon
Watching from Naga City, Camarines Sur
padrepio sana po akoy hipuin nyu po ako pagalingin nyu po ang aking sakit po ang stroke ko po
Amen,, San Padre PIO ,pray for us ,please heal our pain in our body ,,thank you po
Amen
For the Eternal rest of the souls of Maricel, Tagumpay, Dave, Damiana, Dominadora, Elsie, Esting, Olive, Jeffrey, JUDITH, Mom of Judith, Luisito, Flor, Narcisa, Francisco, Arceli, Regs, Ike, Dennis, Vicente, Rosie, Domingo, Lourdes, Lucita, Virginia, Mely, Cely, Aida, Lotlot, Amparo, Eligio, Perla, Linda, RESTITUTO, CARDING, AMBROCIO, VANN, ARTEMIO, MIGUEL, EDMOND, BAMY, PATRICIA, DENNIS, EMMANUEL, DAISY, CAROL, LITO, RODY, Betty, Fidel, Olaf, Boy, Roberto & all souls in Purgatory & For all sick persons especially Leny ,Francisco, Eduardo, Eddie, Conching, Nita, Nitoy, German, Stephen, Salvation, Mila, Rose, Roselyn, Ceny, Leonor, Leony, Evelyn, Noraida & For all sick Priest.
At suma inyo ren
SAINT PADRE PIO SALAMAT PO SA BIYAYA. FORGIVE US OUR SINS. HAVE MERCY ON US AMEN.
salamat sa diyos
Panginoon kaawaan mo kami
Kristo kaawaan mo kami
Amen
Salamat sa Dios 🙏♥️
At suma inyo ren
Salamat sa diyos amen
Panginoon kaawaan mo kami
amen
At suma inyo ren
At suma inyo ren