Patuloy Ang Pangarap - Angeline Quinto (Music Video)

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 22 ธ.ค. 2024

ความคิดเห็น • 669

  • @lylejeremiahlorenzo2365
    @lylejeremiahlorenzo2365 3 ปีที่แล้ว +526

    Eto yung narinig ko sa TV noong bata ako around 8, now I'm 15, sobrang hirap ng realidad at ilang beses na kong nagtangka na sumuko nang bigla kong naisip na pakinggan ulit ito. Ito ang lakas ko, babalikan ko tong comment ko after 10 years kung nagtagumpay na ba ako sa pangarap ko.

    • @yulenaraobedoza6489
      @yulenaraobedoza6489 3 ปีที่แล้ว +11

      Same sayu now I'm 13 ☺️ narin cheer up po sayu nung mga bata tayo parang walang lungkot nakakamiss

    • @angela_moral7624
      @angela_moral7624 3 ปีที่แล้ว +12

      Marami kapang pag dadaanan before mag college ako ngayon mag cocollege na then promise andami kong pinag daanan ilang beses kapang iiyak at luluha , insicurities and sadness mararanasan mopa yan kaya tatagan mo loob mo cheer up MAGPATULOY SA PANGARAP ❤🙏

    • @lexifajardo2024
      @lexifajardo2024 3 ปีที่แล้ว +10

      Masyado pa kayong bata para sumuko. Ienjoy nyo lang ang kabataan nyo. Marami pang mangyayari. 😊

    • @Judday19
      @Judday19 3 ปีที่แล้ว +2

      @@lexifajardo2024 .lqw2

    • @johnmichaelmata5333
      @johnmichaelmata5333 3 ปีที่แล้ว +7

      Naniniwala ako na magtatagumpay ka!!! Be a good girl and a transparent woman♥️

  • @haroldking6362
    @haroldking6362 3 ปีที่แล้ว +61

    Date minamaliit ako nang mga kaklase ko at mga pinsan kase mas matalino sila saakin. Pang average lang kase ang grade ko. Ngayon ako na lang mag isa ang tumataguyod sa sarile ko. Sila nasa mga magulang pa nila. Pangarap ko date na maging sundalo. Eto na ako ngayon nasa US NAVY na basta mangarap lang at mag sumilap malayo mararating mo.

    • @jentelcastillo4752
      @jentelcastillo4752 8 หลายเดือนก่อน

      Congratz! 👏

    • @christiandiaz5424
      @christiandiaz5424 5 หลายเดือนก่อน +1

      ako rin, dati akala ko elementary lng kaya ko, ngayon college na. time flies

    • @Ening-em5un
      @Ening-em5un 5 หลายเดือนก่อน +1

      Nakaka inspire nman ang story mo

    • @JuNoTV45
      @JuNoTV45 4 หลายเดือนก่อน

      Wow!!!! nakakaproud!

  • @yasmindomingo5165
    @yasmindomingo5165 4 ปีที่แล้ว +245

    June 3, 2020
    Hindi ako nakapasa sa dalawang school na pinag entrance examan ko para sa college... At yun ay ang sa UP at PUP sa dalawang school nalang na ito ako umaasa na baka sakaling maka libre ng matrikula at mga gamit nalang para sa kurso kong Arkitekto ang iisipin ko dahil tricycle driver lang ang tatay ko at may covid pandemic pa ngayon at wala kaming alam na pwedeng mapagkunan ng 60 thousand na pang isang taon tuition kasama pa ang pambili ng laptop para sa pag aaral ko. Pero nalaman kong hindi ko naipasa ang dalawang school na yun at sobrang nasasaktan ako ngayon. Pero dahil pangarao ko talagang maging architect simula pa nung bata ako dito sa kanta na ito ako kukuha ng lakas ng loob. Dahil naniniwala ako sa pangarap ko. Naniniwala akong maaabot ko din ito.
    Babalik ako sa comment kong ito after 5 years para malaman kung napag tagumpayan ko ba. Isang malaking pagsubok ito para sa sarili ko pero sana makayanan ko. ✊💪 laban lang.. Gagawin ko ang lahat para maging isang iskolar ng bayan at makapaglingkod sa aking inang bayan.

    • @christiangilig3181
      @christiangilig3181 4 ปีที่แล้ว +8

      Kaya mo Yan.Nainiwala akong magtatagumpay ka!kapit Lang🙏🙏🙏

    • @sheineden1755
      @sheineden1755 4 ปีที่แล้ว +3

      Never loss hope, lahat nman nagsisimula sa parang wla, mas maganda yan dahil nagiging creative tayo sa pagiisip ng paraan para sa ating pangarap, i believe in yoy.!

    • @jodacillo3383
      @jodacillo3383 4 ปีที่แล้ว +1

      Kaya mo yan 🤗

    • @randomv.6365
      @randomv.6365 4 ปีที่แล้ว +3

      Kaya mo po yan, wag ka pong mawawalan ng pag asa, siguro po ang hindi mo pag pasa sa dalawang paaralan ay isa lamang pagsubok upang ika'y maging matatag, lahat ng mga pangyayari ay may rason, never give up hanggang sa makamit mo ang iyong pangarap and always be on the positive side. :)

    • @chriscarcasonaang5622
      @chriscarcasonaang5622 4 ปีที่แล้ว +1

      Wag ka susuko ha. Laban lang. :)

  • @leonardryanbelvis1908
    @leonardryanbelvis1908 9 หลายเดือนก่อน +5

    Nakaka inspired itong kantang ito. Kinakanta ngyn ng anak ko bigla ko na isip nong panahon na nag aaral ako lagi ko iniisip someday maging IT professional ako. Isa akong working student. Nais ko makapagtapos at matulungan mga magulang ko at maging maayos ang pamilya ko. Ngyn naluluha ako kasi dami ko na pla nalampasang pagsubok. Natutuwa talaga ako kinakanta ngyn ng anak ko ito sa competition sa murang edad nya ngyn. Heheh.

  • @johnronneltagaloguin8286
    @johnronneltagaloguin8286 9 หลายเดือนก่อน +4

    Pinapakingan ko talaga to song ni ma'am Angeline kapag tinatamad ako mag study about hangul may pangarap kasi ako mag trabho abroad Yun ay ang South Korea Sana palarin ako sa exam ko po salamat🙏🙏🙏

  • @paulfernandez6240
    @paulfernandez6240 3 ปีที่แล้ว +6

    Mahal na mahal po kita ate angeline. patuloy lng amg pangarap matutupad ko rin ang dreams balang araw. thank you po ate sa song nyo godbless po lodii🙏😘❤️

  • @JessaMaeAluag
    @JessaMaeAluag ปีที่แล้ว +3

    I was 8 years old noong first time ko marinig itong kantang to and now i'm 15 years old and ilang beses na ako muntikan ng sumoko dahil andaming nangyayari sakin ngayun at andaming bad news na dumadating sakin pero i will play back this comment if naging success na ako soon

  • @liamsandoval3561
    @liamsandoval3561 3 ปีที่แล้ว +27

    Patuloy ang pangarap! Itong song nato ang nag remind sa akin na ang buhay ay sadyang napakahirap, lumaki kami ng mga kapatid ko na walang ama at ina kasi patay na sila, lumaki kaming bugbug sarado araw.x but then I realized na dapat akong magsikap sa buhay para matulungan ko ang dalawa kong kapatid, nag working students ako hangang sa matapos ko elementary, High School at College hangang sa naipasa ko ang Licensure Board for Teacher at masaya ako dahil ngayon Public School Teacher na ako!
    Wag mawalan ng pag asa darating din ang ligaya! 😘😘😘

  • @aicyvallejos5392
    @aicyvallejos5392 2 ปีที่แล้ว +4

    Our HS graduation song. Remembering those good old times. Those days where I my life was full of dreams and hopes.
    Missing my old self, san ka na? Hahaha
    Babalikan ko tong comment ko kapag naging Licensed CE na ko. . Just keep going self. Faithing!

  • @ReginaPegoro
    @ReginaPegoro 3 หลายเดือนก่อน +18

    September 23,2024
    Sobrang disappointed ako sa sarili ko ngayon, unang-una hndi ko na ipasa ang isang subject sa course ko (CA2) , hndi naka graduate sa course kong BSN, dhil may field subject pa, malaki pa balance sa school, sobrang down na down ako sa sarili ko, yung tipong nka smile ako sa knila lahat, pero yung puso ko umiiyak, naaawa sa sarili ko, by the way working student ako,. Ang hrap yung mag isa ako g lumalaban, walang kakampi, walang malapitan, walang makapitan, . Sa mkakabasa nito ngayon, please pray for me🙏😮‍💨
    Babalikan ko tong comment ko na to pag naka graduate na ako at na ipasa ang Board exam, from now on magwowork muna ako pra pang bayad sa balance ko sa school.

    • @dosenna12
      @dosenna12 หลายเดือนก่อน

      Malalagpasan mo rin yan, pagdating ng araw babalikan mo tong kantang to na PROUD na PROUD kna sa sarili mo :)

    • @lourdesmarfil8148
      @lourdesmarfil8148 หลายเดือนก่อน

      I will include you to my prayer😊😊😊minsan ko din naranasan yan...mas maraming Blessings ang darating sa iyo😊❤️.Hindi ako naka pag college pero nangangarap p din matulad mga pangarap ko😊Ofw now

    • @user-nx9cs1ot6r
      @user-nx9cs1ot6r 8 วันที่ผ่านมา

      Please listen to stoic principles...it will give u guide

  • @raulraul659
    @raulraul659 7 หลายเดือนก่อน +21

    nag struggle ako during high school dahil sa kahirapan at dala na rin ng barkada kaya ayon matagal na panahon din nahinto sa pag aaral. buti nalang sa tulong ng ALS nakapagtapos ako ng High school. ngayon graduating na ako sa kursong BS criminology. still cant believe na narating ko ito ngayon.

    • @josesalvanaiii6248
      @josesalvanaiii6248 7 หลายเดือนก่อน

      Congrats po! Keep it up. Just trust the process and have faith in God always❤️🙏

    • @j2789
      @j2789 7 หลายเดือนก่อน

      idol gusto ko rin makatapos BS criminology

    • @raulraul659
      @raulraul659 7 หลายเดือนก่อน

      @@j2789 oo kaya mo yan, sipag lang kailangan

    • @JecjecValdez
      @JecjecValdez 5 หลายเดือนก่อน

      Congratulations po❤🎉

  • @vincecarlmorales3161
    @vincecarlmorales3161 3 ปีที่แล้ว +5

    Dito Ako kumukuha ng inspirasyon para makamit ko Ang mga pangarap ko Bata palang Ako Eto na Ang Fevorite Kong Kanta Bata palang Ako Gusto ko na Maging Isa ding mang aawit ngayun 15 years old nako unti until Kona nakakamit Ang mga pangarap ko ☺️Dahil din sa kantang ito Dati parang gusto Kona sumuko pero Naging inspirasyon sakin itong Kanta na ito😁☺️

  • @ajallermo4078
    @ajallermo4078 3 ปีที่แล้ว +60

    Kapag depressed ako dito lang takbuhan ko para lang magkaroon ng lakas ng loob para labanan lahat ng problema para magkaroon ng inspirasyon sa buhay. Salamat sa gumawa at kumanta ng kantang to, sobrang laki ng tulong sa buhay ko :) Godbless to all of you ❤️

  • @kyrbemagale4749
    @kyrbemagale4749 ปีที่แล้ว +3

    Pinakikinggan ko 'to palagi bago magreview sa para sa board exam. At ngayon pumasa na ako last may 2023 pnle.. thank god🙏❤

  • @lordginamaecajurao2385
    @lordginamaecajurao2385 2 ปีที่แล้ว +52

    This is my motivational song when I was high school now I am a permanent teacher and taking up my masters degree thank you po Lord!

  • @ricaborbe5221
    @ricaborbe5221 11 หลายเดือนก่อน +2

    Graduation song namin to, kapag nahihirapan ako pinapatugtog ko to. Grabe ang dami ko na palang nalagpasan na pagsubok . Ngayon malapit ko ng matupad pangarap ko. Unting-uti na nakikita ko yung progress. Eto yung motivation song ko ever since when I was child. 😊

  • @vicentejohnbrian2028
    @vicentejohnbrian2028 4 ปีที่แล้ว +78

    Ito ang graduation song namin nung elementary way back 2012. At ngaun college na ako, hindi ko pa rin nakakalimutan ang mga pagsubok na pinagdaanan ko, lahat ng yun ay napagtagumpayan ko dahil ginawa kong strength ang mga negative nangyari sa akin. Mahirap talaga kapag maraming expectations sau, natatakot kang ma disappoint mo sila.

    • @khadijakibari575
      @khadijakibari575 2 ปีที่แล้ว +2

      Tama ka dyan kahit nga ako mataas ang expectation ng parents ko na papasa ako sa pinakamagaling na school saamin probinsya sa Tawi Tawi but i tell them that i have a subject that i didn't excel and then they understand me and accept the truth.

    • @_JoeJoe.
      @_JoeJoe. ปีที่แล้ว +1

      Same here nung grade 6 ako☺️

  • @CarloValenzuela-dt6uq
    @CarloValenzuela-dt6uq 7 หลายเดือนก่อน +7

    BATCH 2024
    MARAMI AKONG NILAGPASAN NA PAGSUBOK SA BUHAY. PERO PATULOY LANG SA PANGARAP.
    RIGHT NOW PRAYING FOR CLAIMING THE LATIN HONOR THIS COMING GRADUATION, LORD IKAW NA PONG BAHALA.
    KONTI NALANG ❤

  • @sephmendoza5710
    @sephmendoza5710 3 ปีที่แล้ว +2

    Makakamit ko lahat sa tulong ni Lord. Wag lang susuko!!!! Lalaban at patuloy ang pangarap.
    After 5 yrs babalikan ko to!!!!!!

  • @leandrogalvez15
    @leandrogalvez15 6 ปีที่แล้ว +134

    Nung mga panahong nag-aaral pa ko kahit na hirap na hirap kami sa buhay, pinursue at pinaghirapan talaga namin na pag-aralin ako. Ngayon graduate nako ng college at may disenteng trabaho na. Dahil sa kanta nato natuto akong manindigan para sa pangarap, pangarap na ngayon ay naaabot ko na! Thank You angeline at inawit mo tong kantang to! Ito ung awiting pinanghawakan ko noong akoy nag-aaral pa. Sana marami ka pang mainspire na tao dahil kahit ako mismo ay naging inspirasyon ka! Proud kong sasabihin na nagta-trabaho kami ni Angeline ngayon sa iisang kumpanya. Katrabaho ko na sya, at mananatiling Kapamilya. 👪❤

    • @airrajavier9329
      @airrajavier9329 5 ปีที่แล้ว +2

      So proud of you god bless 💓💓💓

  • @daisypelaiz3096
    @daisypelaiz3096 2 ปีที่แล้ว +3

    Ito yung kantang, lagi kong pinapakinggan nung bata pa ako,dahil ang ganda ng kanta kahit na hindi ko pa masyadong naiintindihan, Ito yung isa sa mga favorite songs ko. Pero now that I'm 15 years old , mas naunawaan ko ang realidad ng buhay at maramin na rin akong pinagdaanan.Kaya itong kantang to ang naging inspirasyon ko para magpatuloy sa buhay.

  • @nelianmaguindanao-solibio5371
    @nelianmaguindanao-solibio5371 ปีที่แล้ว +1

    Ang kantang ito Ang nagbigay ng lakas sa akin na pagtrabahoan Ang aking pangarap. After 13 years masasabi Kong matagumpay na rin. Ang sarap lng balikan ng kantang ito na isa sa mga nagbigay ng inspirasyon sa akin.

  • @dotsy1304
    @dotsy1304 2 ปีที่แล้ว +4

    Nakakapagod na gusto ko nang sumuko pero sa tuwing naririnig ko to, lumalakas loob ko para magpatuloy pa sinasabayan ko ng dasal. Alam kong balang araw mararating ko din ang mga pangarapko. Hindi ako titigil hanggang dpa ako successful alam kung mahirap pero sana kayanin ko

  • @JoanMabahin-n5o
    @JoanMabahin-n5o ปีที่แล้ว +2

    Ang kanta na to Yung lagi kung kinakanta/pinapatugtug while having my self review Kasi nag tatake ako ng LET sa September 2023, Sabi ko babalikan ko tong kanta na to pag pumasa ako, then I am now a LPT grabee, this song reminds me na bawal sumuko if you have a dream, na momotivate ako sa pag rereview kahit natatamad ako.

  • @timothy_ivu
    @timothy_ivu ปีที่แล้ว +2

    Itong kantang tong una kong nilaban sa singing contest, siguro mga nasa 8 years old ako nung narinig ko to, isa sa naging inspirasyon ko ang kantang to nung bata pa ako na nangangarap lang,ngayon diko na kayang kantahin dahil sa pagbago ng boses ko but then ito parin, patuloy parin sa pangarap.

  • @phinepizarra8800
    @phinepizarra8800 3 ปีที่แล้ว +9

    I heard this song when I was 7 years old. And here I am listening again to my old favorite song. I'm now 17 and I remind to my self 10 years from now that I'll be back on this comment section. And tell anyone that I achieve my dream❤️
    Only if I have a chance to live longer.

  • @eireenfuentes2659
    @eireenfuentes2659 5 ปีที่แล้ว +14

    Hanggang ngaun sikat p rin ang kanta n to very inspirational song ng bwat pilipino congrats angge👏👏👏👏👏👏👏👏👏👏

    • @christopherilan3525
      @christopherilan3525 3 ปีที่แล้ว +1

      👏👏👏👏👏👏👏👏👏👏👏👏👏👏👏👏👏👏👏👏👏👏

  • @markneri9696
    @markneri9696 2 ปีที่แล้ว +2

    Sa ngayon i am 18 years old marami akong nasak sihan dito sa mundo, na kapag may pangarap ka wag mong baliwalain hanggat kaya mo ipagpatuloy niyo lang, kac yung mga paghihirap natin balang araw masusukian din ito ng masaganang buhay, sa ngayon target ko 5 years to 10 years kung merong pagbabago sa buhay ko kung unti unti kona nakamit ang dreams ko🧡🧡

  • @lealimon5059
    @lealimon5059 3 ปีที่แล้ว +1

    Year,2021. Still I’m listening this song,, ofw since 2015, Eto ung song n ndinig ko.nung ns OWWA kmi for mandarin course at tlng super iyak ako dhil s lyrics n prng abut kmay mo n ang oangarap mo bst na nkpag abrud ka pero hinde p din gnuung kdli dhil tlgng susubukin p din ang tunay ng dibdib mo llot mlyu s anak mo,,,💕💕

  • @dearynlaudencia556
    @dearynlaudencia556 3 ปีที่แล้ว +14

    Nung kinder ako inilaban ako ng school nmn sa kids singing contest at ito Ang kinanta ko after 6 years binalikan ko tong kanta and I remembered all I missed that day❤️

  • @jadjameszurc-gmaabs-cbncol5138
    @jadjameszurc-gmaabs-cbncol5138 2 ปีที่แล้ว +2

    Naalala ko way back 2019-2020 na itong kanta na yan habang bumibili ng electric fan na Toshiba inverter o Dowell Desk fan sa Ace Hardware sarap balik balikan na wala pa naman medyo pandemic eh

  • @markybayona7426
    @markybayona7426 3 ปีที่แล้ว +7

    Pag ako naka graduate at nakapasa sa licensure exam kakantahin ko to sa videoke.

  • @rositagocoo1932
    @rositagocoo1932 หลายเดือนก่อน +2

    Ganda ng boses niya. Themesong ng teleserye na may isang pangarap.

  • @JayMarkRayos-my2ju
    @JayMarkRayos-my2ju ปีที่แล้ว +2

    Ito ung unang kantang natutunan ko😭sobrang ganda nito fav ko prn to😭

  • @jonalynsebog2526
    @jonalynsebog2526 2 ปีที่แล้ว +12

    Year 2012 when we used this as our graduation song in elementary. Ngayon 3rd college na ako and almost giving up sa daming breakdowns due to personal matters. Feeling ko my dreams are no longer motivates me to study hard. I just don't know why I feel like I'm losing this battle. But then I remember this song..the lyrics hits so hard. Yes, tagos sa puso. Then it reminds me to keep going and chase those dreams it may be difficult and uncertain sometimes I know I will get there.. better...

  • @HappyClipperButterfly-mi2yu
    @HappyClipperButterfly-mi2yu 11 หลายเดือนก่อน +2

    Pag pinapakinggan ko ito parang ayaw ko tlga sumuko sa mga pangarap ko❤🙏

  • @maryloveday2396
    @maryloveday2396 4 ปีที่แล้ว +7

    Lagi kong kinakanta tong patuloy ang pangarap kase ito yung nagpapalakas ng loob ko para sa pangarap ko na makaangat sa buhay kahit na nakakaranas ako ng pangmamaliit na iba sa akin , i always believe in my self and in God and this song reminds me that i have to be strong for my dreams

    • @mariabaltazar1033
      @mariabaltazar1033 ปีที่แล้ว

      Same here nakaranas ng minAmaliit now proud ofw

  • @kit4055
    @kit4055 4 ปีที่แล้ว +2

    kapag sinsusubok tayo ng pagkakataon at lahat ay tumalikod na sa atin at pangarap na lang ang pinang hahawakan para magbigay ng lakas at mabuhay pa! kaway sa mga nakaka relate sa kanta dahil sa madami na pinagdaanan bago nakamit ang buhay na inaasam! 😭😭

  • @halseychannel9308
    @halseychannel9308 2 ปีที่แล้ว +3

    Anyone's here feb 5, 2022!
    Patuloy parin ang pangarap ,
    Im gonna graduate in college 🙏Almighty father 🙏🙏🙏ikaw na bahala amahan dili ko musuko

    • @dayanacol2067
      @dayanacol2067 9 หลายเดือนก่อน

      11 March 2024

  • @maryjoycealfaro7105
    @maryjoycealfaro7105 2 ปีที่แล้ว +4

    Sobrang nakakagaan sa dibdid ang kanta na ito. Patuloy ang pangarap, ipagpapatuloy ang pag aaral kahit maraming pagsubok at gagawing inspirasyon ang mag-ama ko🥰. Thank you Lord😇.

  • @chinchinlangala9150
    @chinchinlangala9150 3 ปีที่แล้ว +5

    Pangarap Winning Piece from Pangarap ng Bituin, Lipad ng Pangarap, Patuloy ang Pangarap and now, Pangarap Kong Pangarap Mo during singing contest and dream journey song of the day. One of my favorite song 😊😊😍😍💚💖❤💙💜

  • @dawsonkurtseril482
    @dawsonkurtseril482 4 ปีที่แล้ว +145

    2020 everyone! And I still Love this song! 😍🎧

  • @jersonmendoza5517
    @jersonmendoza5517 ปีที่แล้ว +2

    Lahat Ng pangarap natin makakaya natin itong makamit sa tulong na Rin Ng sarili nating pagsisikap....Kung nakaya nila na makamit pangarap nila makamit din natin ito tyaga lang

  • @margaven6351
    @margaven6351 4 ปีที่แล้ว +1

    Isang Pangarap...Ito ung kantang diko makakalimutan..kase..ito ung kantang pinakauna kong natutunan..Bata palang ako nung kinakanta ko ito😍..and until niw im 16 yrs old..I still love this sonh..kahit na hindi ko na kayang kantahin..bumaba na ung boses ko..its sad..pero ito ung kantang nag inspire saken❤❤❤❤

  • @jhayscott4944
    @jhayscott4944 8 ปีที่แล้ว +22

    napakagandang awitin bagay sa mga bagong singer na nangangarap . sarap pakinggan salamat Angeline nakaka inspire mong awitin :)

  • @jayzvlog4763
    @jayzvlog4763 3 ปีที่แล้ว +5

    Pag narinig ko itong song na ito unti unti ko mararating Ang pangarap ko ngayon I'm proud OFW 🇸🇦
    .

  • @chemistrenz6022
    @chemistrenz6022 3 ปีที่แล้ว +6

    SKL Last year, when we we're in grade 10, I remember our MAPEH time, when the last group sang this song. They're just 3 girls and all of didn't expect that they will sing this. Duda pa kami kasi parang silang tatlo yung least na naririnig naming kumakanta. Then nung kumanta na sila, nagulat kaming lahat. Kasi sa unang stanza ng kanta, grabe kaboses ni Angeline! Lalo na yung kaklase naming tinatawa-tawanan pa namin nung kumakanta kasi ineexpect namin na pipiyok siya then nung kinanta niya yung part na "Alam kong ako'y patungo sa marami pang tagumpay, SA ISANG PANGARAP~~~~~~~~~~~~~" Grabe sobrang taas ng boses ni Angeline tas naabot niya! Tapos ayun unfair sa amin na di talaga marunong kumanta, they got a perfect score hoho

  • @darlynnraymundo8474
    @darlynnraymundo8474 2 ปีที่แล้ว +3

    Thank you sa message of this song nakakaencourage siya na gumawa araw araw na sa isang pangarap isang araw lilipad ako at lahat makakakita
    "hindi ako titigil, hanggat aking makakaya unti unting mararating pangarap ko'y makikita, patuloy ang pangarap"

  • @justinborja6976
    @justinborja6976 9 หลายเดือนก่อน +1

    Ang dami kong napagdaanan na pagsubok sa aking buhay ko ang lakas ko pag narinig ko to 🙏🙏🙏🙏❤❤❤

  • @andriarempillo4924
    @andriarempillo4924 ปีที่แล้ว +1

    Ito ang kantang pinakikinggan ko kapag sukong suko na akoh😢😢😢

  • @juliusmilitar4241
    @juliusmilitar4241 7 หลายเดือนก่อน +1

    Ito ang isa sa mga nag bibigay saakin ng inspiration sana after ten years makamit kona ang pangarap kong buhay😓😓😓

  • @ladyleenlapatis7721
    @ladyleenlapatis7721 4 ปีที่แล้ว +2

    Entered my high school journey in a pandemic. I'm going to graduate with honors, iyon ang aking pangarap!
    Dear self,
    sa isang pangarap, ako'y maniniwala, ako ay lilipad at ang lahat makakakita......
    Love,
    Lady (2020)

  • @BeatrizOrdonio
    @BeatrizOrdonio 8 หลายเดือนก่อน

    Noong bata ako gustong gusto makatapos sa pag aaral pero hnd natupad.napaka bait tlga ang dios kc ung mga pangarap ko dati natupad kc mga anak ko mga nakatapos graduation mga anak yan ung kinanta nila naiyak ako kc habang kinakanta nila binigyan ako ng bulaklak ung anak ko ung bunso ko nlng hnd pa nkatapos college na sya ngaun skolar sya sa RTU abugada kurso nya kya nagpapasalamat ako sa itaas kc ung mga dati kung pangarap subra subra ung binigay ni lord sa akin.dahil ung mga pangarap ko dati sa mga anak kung natupad.kya hnd ko makakalimutan itong kanta na ito at sana makatapos ung anak kung bunso basta patuloy lng ang pangarap.❤❤❤

  • @jonahduarte2839
    @jonahduarte2839 3 ปีที่แล้ว

    Patuloy parin Panggarap ko Wish Ko Matupad Yung Healing Ko Kay Papa Jesus & Mama Marry Lord Heal My Prayer's Po 🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏

  • @RoseMarieGonzalesDeGuzma-ls1hv
    @RoseMarieGonzalesDeGuzma-ls1hv หลายเดือนก่อน

    Nakakaiyak ung kantang ito🥺,parang ako lng..kahit nahihirapan patuloy akong naniniwala at nagtitiwala sa Dios na matutupad din ng lubusan ung pangarap ko 🙏🙏,di man ngyon..sunod n buwan ..umaasa akong sa mga susunod na taon...unti unti ko ng makita ung pangarap ko..na natutupad🙏🙏🥺🥺🥺🥺

  • @leogirl_sg5361
    @leogirl_sg5361 3 ปีที่แล้ว +2

    Naniwala ako na magiging successful din ako..Kung mapagod pwede magphinga pero Hindi PWD mag quit.. Godbless everyone 😇😇😇 Stay safe 🙏🙏🙏❤️

  • @bellaztv
    @bellaztv 2 ปีที่แล้ว +2

    11 years ago, 1st time ko napa kinggan ito and I am 21 years old college student at punong puno ng pangarap, ngayon unti-unti ko ng naabot ang aking pangarap, with the help of God. Thank you Angeline for this inspiring song of my life, still teary eyes parin ako tuwing pina pakinggan ko yong awit nyo po, dahil pa unti unti natupad din yong pangarap ko💓💞💝💖😍

  • @khadijakibari575
    @khadijakibari575 3 ปีที่แล้ว +7

    This song remind that we don't need to giveup in our dreams, i hear this song when i was 5 yrs. Old now i was 15.

  • @nfiaselle731
    @nfiaselle731 ปีที่แล้ว +8

    currently reviewing for CPALE. One of go-to inspirational songs. Patuloy na nangangarap maging CPA ❤️ Wag tayong susuko sa pangarap natin.

  • @해셀-h5i
    @해셀-h5i 3 ปีที่แล้ว +4

    Ang kanta na ito ay itunuro sakin ng auntie ko when i was 4 years old and hindi ko nakalimutan hanggang ngayon i shock this song 🥰🥰

  • @kimmyyyyy3186
    @kimmyyyyy3186 2 ปีที่แล้ว +5

    Hindi ako titigil hanggat aking makakaya, unti unting mararating tagumpay ko'y makikita patuloy ang pangarap

  • @maejo8847
    @maejo8847 3 ปีที่แล้ว +23

    2021 still listening i love this song pag nag graduate ko sa July ito ang sound

  • @janaudreysimbillo258
    @janaudreysimbillo258 8 หลายเดือนก่อน

    Ngayon ko lang narinig ang song nato, at grabe ung inimpact sakin. Ung para nga bang nakikita ko sarili ko matagumpay, Dahil sa kantang ito, narealize ko ung stacked story ng life ko, and it came to me na process pala to sa "isang pangarap ko".

  • @wuffyrudy_2295
    @wuffyrudy_2295 3 ปีที่แล้ว +3

    When I was 8, Eto Yung naririnig ko lagi sa kapitbahay namin na laging pinapatugtog. And know I'm 15 babalikan ko to, pag nakamit ko na pangarap ko di Lang para sakin para sa mga magulang ko. Babalikan ko to at sasabihin Kong "nagtagumpay ka nanga, I'm so proud of you". To Anyone na nagbabasa na to, na patuloy padin nangangarap. PADAYON. we can do this. God is always with us, maybe you'll be get tired. Just rest. Don't give up.

  • @theocarlos9892
    @theocarlos9892 ปีที่แล้ว +2

    fav song to ng gf ko lagi nyang pinapatugtog to tapos idol na idol nya ❤❤

  • @dolorescastillo-diaz6277
    @dolorescastillo-diaz6277 3 ปีที่แล้ว +2

    Napanuod ko lahat ng life story mo Angeline and because of that i rallye Salute you.I am also your one of your big Fans now.I love how you act,how you talk, how you treat the peoples around you.God bless you always and stay who you are..I am Dolores Castillo-Diaz live in Germany with five childrens.

  • @iamjeromeflores611
    @iamjeromeflores611 2 ปีที่แล้ว +1

    Eto yun naging ost mg aking buhay habang ako'y patungo sa pintuan ng oportunidad ko upang maabot ang gusto ko🙏🙏🙏.very inspirational 🙏🙏

  • @bhiebhie4345
    @bhiebhie4345 6 หลายเดือนก่อน

    Babalikan ko 'to this November pagnaging CPA na ko. Alam kong malayo na pero malayo paa. Sobrang inspirational nitong kanta 'to. Sana 1 day makita kita Ms. Angeline 💜

  • @maryblessgaboy6466
    @maryblessgaboy6466 2 ปีที่แล้ว +9

    I love this song Wayback 2013 I always play it... pangarap ko ang israel noon but I can't afford the placement fee it cost 600k..aside from the processing expenses.....And now here I am almost 2 months into the promise Land I dream for a long time ago. playing back again this song full of motivation.. after 4 to 5 years...I will play again this song with a thankful 💓💖💖💖💖 that is full of victory...Let Jesus be the center of our life..and he will lead us directly to the desire of our hearts..Stay positive and believe in yourself...God bless and more power...

  • @annacabe769
    @annacabe769 8 ปีที่แล้ว +14

    i related this song..
    kc yung dream ko natupad para sa parents. thank u god for everything.

  • @HanabiSh1
    @HanabiSh1 2 ปีที่แล้ว +8

    Hayst.. i remember hearing this song when i was about 2 and singing it at 3. Years have passed, this is one of the songs we need to memorize for the upcoming Elementary Graduation. Nostalgia managed to hit me so hard.

  • @hernanjr.tabuyan1833
    @hernanjr.tabuyan1833 2 ปีที่แล้ว

    Binibigyan ako ng motibasyon ng kantang 'to na mag-aral ng mabuti. Babalikan ko ang komentong ito kapag naka-pasok ako sa may karangalan ngayong S.Y! 💛

  • @nixonguleng757
    @nixonguleng757 4 ปีที่แล้ว +2

    very insperational tong kantang to for me,nakakapagpalakas ng determinasion para magsikap ka talaga.at ito pa..para akong nilalamig kapag naririnig kutong kantang to..

  • @remiadelacruz500
    @remiadelacruz500 2 ปีที่แล้ว +1

    Sa ngaun sobra pa akong nahihirapan pero hindi ako susuko para sa aking mga anak wish ko sana lahat sila makatapos ng pag aural nila kaya lang laban lang single mum with four children

  • @itsjuday5528
    @itsjuday5528 22 วันที่ผ่านมา

    Babalik me dto pag natupad na ang pangarap ko, good luck self,since maliit ako ito ung kinakanta ko

  • @blessedjoie
    @blessedjoie 2 หลายเดือนก่อน +1

    I had a dream where I was singing this song in front of the crowd. I do not know how or why, but the meaning of the song really touches my heart.
    Tagal na rin mula noong huli akong tumapak upang kumanta sa entablado. Isinantabi ang pag-awit dahil mas nangibabaw ang pag-aaral at pagttrabaho. Pero patuloy pa rin at mangangarap.

    • @blessedjoie
      @blessedjoie หลายเดือนก่อน

      Used this song last November 8, and I won as First Runner Up! Kaya pala!
      First solo singing contest: 1st Runner Up

    • @blessedjoie
      @blessedjoie หลายเดือนก่อน

      Glory to God!

  • @rowenasarguet9019
    @rowenasarguet9019 ปีที่แล้ว +1

    Di ako nawawalan ng pag asa😢alam kung matutupad ang pangarap ko para sa mga anak ko .

  • @JessaJadeButron
    @JessaJadeButron ปีที่แล้ว

    ito ung ddcated s sarili quh na kanta ..❤❤❤

  • @arkendavetayongbaltazar4651
    @arkendavetayongbaltazar4651 3 ปีที่แล้ว +2

    Alam niyo mga Kapamilya nanggaling din sa kanyang sitwasyon na maraming kamn Problema sa buhay,pero di ako sumuko sa pangarap ko sa pagkanta ko,Ituloy Ang ating mga Pangarap

  • @yassyrodriguez6660
    @yassyrodriguez6660 3 ปีที่แล้ว +8

    2021 pero ikaw parin QUEEN ANGELINE QUINTO!! D’best kaa! Ang galing!

  • @diane04yan34
    @diane04yan34 6 ปีที่แล้ว +33

    Filipinos' fight song! ☝️👏👏👏
    #AngelineQuinto 💞

  • @johnandreyrebajado9852
    @johnandreyrebajado9852 3 ปีที่แล้ว

    Huhu napanuod ko to. Elementary palang ako. Kahit gabing gabi na. I love you so much Angelineeeee😍😍😍❤️❤️❤️😘😘😘😘😘😘💋💋💋💞💞🥰🥰🥰🥰🧡💜💛💚💜💙❤️❤️❣️💟💟💓💟💌💋💘💝💖💗

  • @nhidaescorial3199
    @nhidaescorial3199 3 ปีที่แล้ว +1

    Hindi man natupad ang pangarap q sa aking sarili, sana ang pangarap q sa aking mga anak, ibigay sa panginoon. Kong mangyari man yon, sobrang saya kona.

  • @JuNoTV45
    @JuNoTV45 4 หลายเดือนก่อน

    ito talaga ang kanta nagbibigay ng inspirasyon sa akin...

  • @leonardpena1769
    @leonardpena1769 2 ปีที่แล้ว +1

    Naging favorite song ko to kasi nong grade 2 ako.. Nilaban ako sa singing contest at ito ang kinanta ko.. Naiyak ako nong ini announce na ang winner!! Ako😭 I will never forget that moment

    • @eq4195
      @eq4195 2 ปีที่แล้ว

      2022 in 11 years na

  • @abigailinocencio8859
    @abigailinocencio8859 8 หลายเดือนก่อน

    Magiging matatag at Lalo magiging matapang sa hamon ng buhay,..kahit MISMO magulang mo at mga kapatid 😢ayaw k nakikita n umaangat

  • @jomson_kim
    @jomson_kim 3 ปีที่แล้ว +4

    This is my graduation song will bring it back to the memories... Keeping it up!

  • @rickyferia8902
    @rickyferia8902 4 ปีที่แล้ว +1

    Ang ganda kasi nang mensahe,mensahe na pang-hihikayat sa mga taong di nawawalan ng pag-asa👌👌💞💞

  • @Nadleeh004
    @Nadleeh004 3 หลายเดือนก่อน

    May everyones struggle bear fruit of success,May everyone dreaming reach the highest stars,May everyone believe in their own strength because soon we can shine on everyones eye inspiring them also to reach the unreachable stars

  • @rheybolima
    @rheybolima 3 หลายเดือนก่อน +1

    Akala ko dati di ko makukuha ang pangarap na gusto ko. ilang beses din ako pinatumba ng mga problema, dumating sa punto na naisip kona lang tumigil na lang kasi wala namang mangyayari. pero ngayon di ko lubos maisip kung paano ko nakayanan lahat ng mga pinagdaanan ko. hanggang ito ako ngayon isang ganap na professional teacher. 😇😇😇🥲🥲😭😭😭

  • @CraigTheSadBoy2
    @CraigTheSadBoy2 8 หลายเดือนก่อน +1

    Can't wait to sing this in my recognition day!!!❤

  • @shaheenpalaboyvlogs9051
    @shaheenpalaboyvlogs9051 5 ปีที่แล้ว +4

    Ito yung pinaka back bone ko nung nangangarap pako. Malaki pasalamat ko sa kantang to. I can still feel the nostalgia. 😍😍😍

  • @Solstice_21
    @Solstice_21 5 ปีที่แล้ว +10

    Soo eto pala yung naririnig kona everytime na may gagraduate sa amin😁

  • @Sir_Niko_Doctor
    @Sir_Niko_Doctor 2 ปีที่แล้ว

    Graduation song namin noong elementary,
    naging song ng pag abot ko ng mga mararating ko pang pangarap.. pero iisa lang Ang pangarap ko ngayon at ung tatlong letra sa hulihan ng aking pangalan🤍💙❤️
    This will be the last exam🙏🙏
    when a dreams and a dreamer become one🙏

  • @VincentLiamIgnacio
    @VincentLiamIgnacio 6 หลายเดือนก่อน +1

    Kinanta namin to Nung graduation at na kakaiyak 😢

  • @aronamando6517
    @aronamando6517 4 ปีที่แล้ว +2

    I still remember nung high school ako ito lagi kinakanta pag may singing contest sa amin, but now diko na kaya bumirit HUHU but still thank you kay ate angeline dahil sa kantang to nagkaroon ako ng strength para magpatuloy saking pangarap

  • @vhic2009
    @vhic2009 3 ปีที่แล้ว +4

    Eto tlg ang winning piece ni Ange eh, gling gling, keep on dreaming guys, work for it smahan ng prayers

  • @maricenajoysanjuan7555
    @maricenajoysanjuan7555 4 ปีที่แล้ว +18

    This song make me strong to get to my goal in my life.

    • @cannoncigs6258
      @cannoncigs6258 2 ปีที่แล้ว

      Sobrang galing is a great resource for you to do it for you and it 👏 🙌 👍 ❤ 💖 💛

  • @nikkibrcnt4127
    @nikkibrcnt4127 4 ปีที่แล้ว

    Eto ung kanta halos 10yrs ago na..ung panahong walang wala ako. Pag naririnig ko to nuon naiiyak ako. Fast forward 10 yrs at ok n ako. May trabaho at masaya buhay asawa. Pero tuloy pa rin ang pangarap!

  • @allusolinap4830
    @allusolinap4830 4 ปีที่แล้ว +11

    October 12, 2020
    Magiging kilala rin ako sa larangan na gusto ko. 🥺😭