Ano ang Tahasang Pagtuturo at Paano Ito Ginagawa? | OVP BAYANIHAN e-SKWELA
ฝัง
- เผยแพร่เมื่อ 12 ธ.ค. 2024
- [Episode Summary: Ano ang Tahasang Pagtuturo at Paano ito Ginagawa?]
Ano ang tahasang pagtuturo?
• Ito ay ang sistematiko at maayos na pamamaraan ng pagtuturo na nagbibigay sa mga mag-aaral ng kinakailangan nilang suporta sa buong aralin. Layon nitong mas maging madali at matagumpay ang kanilang pagkatuto.
Bakit ito dapat gawin?
• Ayon sa pananaliksik, dapat na ginagawa ang tahasang pagtuturo dahil ito ay epektibo sa lahat ng antas at uri ng mag-aaral, tulad ng mga estudyanteng hindi pa maalam sa wikang Ingles o mga estudyanteng nahihirapang matuto.
• Mabisa rin ang paggamit ng tahasang pagtuturo sa iba’t ibang kasanayan sa maraming asignatura.
Paano ginagawa ang tahasang pagtuturo?
1. Panimula o paglalahad
• Inihahanda ang mga estudyante para sa araling tatalakayin. Maaari nating gawin ito sa pamamagitan ng pagbabalik-aral sa mga paunang kasanayan at kaalaman kung kinakailangan, o sa pagsasabi nang diretso sa kanila kung ano ang layunin sa pag-aaral at pagtalakay ng kasalukuyang aralin.
2. Pagtuturo o pagmomodelo
• Sa unang bahagi, ipapaliwanag sa mga mag-aaral kung paano nila matututunan ang kasanayan. Dito din ipapaliwanag kung bakit, kailan, at kung paano ginagamit ang kasanayan.
• Sa pangalawang bahagi, ipapakita o imomodelo natin kung paano ito ginagawa gamit ang malinaw at simpleng pananalita. Ang hakbang na ito ay tinatawag na “Gawin ko.”
• Halimbawa: Sa pag-aaral ng kahulugan ng salitang “bagyo,” maaaring tanungin ang mga mag-aaral kung may hula ba sila sa iba’t ibang depinisyon o meaning ng salitang bagyo sa bawat pangungusap. Kung may naibigay silang sagot, mainam din na tanungin natin kung bakit at paano nila naisip iyon.
3. Ginagabayang pagsasanay
• Binibigyan ang mga mag-aaral ng maraming pagkakataon para magsanay na may kasamang suporta at paggabay para masiguro ang kanilang pagtatagumpay.
• Ang hakbang na ito ay tinatawag na “Gawin natin.”
• Habang ang mga mag-aaral ay nagsasanay, bibigyan natin sila ng naaangkop na puna. Kung kinakailangan, maaari din tayong magpaliwanag at magmodelo ulit. Sa hakbang na ito, tinutulungan natin ang mga mag-aaral na magpraktis ng isang kasanayan hanggang sa sila ay masanay at maging mas mahusay.
4. Malayang pagsasanay
• Dito binibigyan ang mga mag-aaral ng higit na responsibilidad para subukan nilang gamitin ang inaaral na kasanayan nang mag-isa.
• Pero, sa kanilang pagsubok na gamiting mag-isa ang kasanayan, subaybayan pa rin muna natin sila para masigurado na ang ginagawa ng mga mag-aaral ay tama at angkop sa aralin.
• Kapag nagawa na nila ito, maaari na natin silang bigyan ng pagkakataong gamitin ang kasanayan sa iba’t ibang mga gawain.
• Ang hakbang na ito ay tinatawag na “Gawin mo.”