Marami na din po tayong naisakatuparang programang pang imprastraktura.

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 9 ก.ย. 2024
  • Marami na din po tayong naisakatuparang programang pang imprastraktura. Naisaayos natin ang maraming kalsada at eskinita sa mga Barangay. Upgraded na din ang mga evacuation centers at mga tanggapan ng gobyerno para sa mas mahusay na pagpapatupad ng ating mga serbisyo.
    Idagdag pa dito ang mga nirepair nating paaralan, paglalagay ng mga earthquake at flood alarms, rehabilitation ang mga drainage system, mga superhealth systems, magtayo ng City Health Building na may sapat na parking space.
    Sa usaping ekonomiya naman, namuhunan po tayo na mahigit 3 milyong piso upang magbigay ng pinansyal na tulong sa mga benepisyaryo ng TUPAD at mga magulang ng CLs. Nagbigay din tayo ng mga grant sa maliliit na negosyo at mga kooperatiba sa lungsod. Sinuportahan din po natin ang mga micro entrepreneurs sa ilalim ng Bigasan Livelihood Program.
    Samantala, pinadali din po natin ang mga programa sa trabaho upang maikonekta ang libo-libong Malabueño sa iba't ibang kumpanya. Nagkaroon din tayo ng programang work immersion upang mapa-unlad ang kasanayan ng mga mag-aaral na magtatapos.
    Nakakatuwang masaksihan ang pag-usad ng ating lungsod sa iba't ibang aspeto. Tuloy-tuloy lang po tayo sa pagbibigay ng maayos na serbisyo para sa buong Malabueño! 💙
    #MalabonAhon

ความคิดเห็น •