SUNDAY MASS TODAY LIVE at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas. 26 May 2024. 7a.m

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 27 ก.ย. 2024
  • Parish and National Shrine of St. Padre Pio Live Sunday Mass 14:43 Starts
    Dakilang Kapistahan ng Tatlong Persona sa Isang Diyos (B) May 26, 2024
    The Solemnity of the Most Holy Trinity (White)
    Basic Ecclesial Community Sunday
    UNANG PAGBASA
    Deuteronomio 4, 32-34. 39-40
    Pagbasa mula sa aklat ng Deuteronomio
    Sinabi ni Moises sa mga tao: “Isipin ninyo kung may naganap nang tulad nito, nasaksihan o nabalitaan man lamang, mula nang likhain ng Diyos ang daigdig. Maliban sa inyo, sino pa ang nakarinig sa tinig ng Diyos mula sa haliging apoy, at nanatiling buhay? Sinong diyos ang naglabas ng isang buong lahi mula sa isang bansa upang maging kanya sa pamamagitan ng pakikipagsubukan ng kapangyarihan, ng kababalaghan, ng digmaan, at ng makapangyarihang mga gawa, tulad ng ginawa ng Panginoon sa Egipto? Dahil dito, dapat ninyong malaman na sa langit at sa lupa’y walang ibang diyos liban sa Panginoon. Kaya nga, dapat ninyong sundin ang kanyang mga utos at tuntuning sinasabi ko sa inyo ngayon. Sa gayun, mapapanuto kayo at ang lahing susunod sa inyo; magtatagal kayo habang panahon sa lupaing ibinigay niya sa inyo.”
    Ang Salita ng Diyos.
    SALMONG TUGUNAN
    Salmo 32, 4-5. 6 at 9. 18-19. 20 at 22
    Mapalad ang ibinukod
    na bansang hinirang ng D’yos.
    Panginoo’y tapat sa kanyang salita,
    at maaasahan ang kanyang ginawa.
    Minamahal niya ang gawang matapat,
    ang pag-ibig niya sa mundo’y laganap.
    Mapalad ang ibinukod
    na bansang hinirang ng D’yos.
    Sa utos ng Poon, nalikha ang langit,
    ang araw, ang buwa’t talang maririkit;
    ang buong daigdig sa kanyang salita
    ay pawang nayari, lumitaw na bigla.
    Mapalad ang ibinukod
    na bansang hinirang ng D’yos.
    Ang may takot sa Diyos, at nagtitiwala
    sa kanyang pag-ibig, ay kinakalinga.
    Hindi babayaang sila ay mamatay,
    kahit magtaggutom sila’y binubuhay.
    Mapalad ang ibinukod
    na bansang hinirang ng D’yos.
    Ang ating pag-asa’y nasa Panginoon;
    siya ang sanggalang natin at katulong.
    Ipagkaloob mo na aming makamit,
    O Poon, ang iyong wagas na pag-ibig,
    yaman ang pag-asa’y sa ‘yo nasasalig!
    Mapalad ang ibinukod
    na bansang hinirang ng D’yos.
    IKALAWANG PAGBASA
    Roma 8, 14-17
    Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma
    Mga kapatid, ang lahat ng pinapatnubayan ng Espiritu ng Diyos ay mga anak ng Diyos. Sapagkat hindi kayo tumanggap ng espiritu ng pagkaalipin upang muling matakot. Ang tinanggap ninyo ay espiritu ng pagiging anak, at ito ang nagbibigay sa atin ng karapatang tumawag ng “Ama! Ama ko!” Ang Espiritu nga ang nagpapatotoo, kasama ng ating espiritu, na tayo’y mga anak ng Diyos. At yamang mga anak, tayo’y mga tagapagmana ng Diyos at kasamang tagapagmana ni Kristo. Sapagkat kung tayo’y nakikipagtiis sa kanya, tayo’y dadakilain ding kasama niya.
    Ang Salita ng Diyos.
    ALELUYA
    Pahayag 1, 8
    Aleluya! Aleluya!
    Dakila ang Amang mahal,
    Anak, Espiritung Banal,
    noon, ngayon, kailan pa man.
    Aleluya! Aleluya!
    MABUTING BALITA
    Mateo 28, 16-20
    Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo
    Noong panahong iyon, ang labing-isang alagad ay nagpunta sa Galilea, sa bundok na itinuro sa kanila ni Hesus. Nang makita nila si Hesus, siya’y sinamba nila, bagamat may ilang nag-alinlangan. Lumapit si Hesus at sinabi sa kanila, “Ibinigay na sa akin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa. Kaya, humayo kayo at gawin ninyong alagad ko ang lahat ng bansa. Binyagan ninyo sila sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo, at turuang sumunod sa lahat ng ipinag-utos ko sa inyo. Tandaan ninyo: ako’y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng sanlibutan.”
    Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

ความคิดเห็น • 45

  • @renatomondragon892
    @renatomondragon892 4 หลายเดือนก่อน

    salamat po padre pio sana po lagi mo akong gabayan sa araw araw amen

  • @estrellarombano4230
    @estrellarombano4230 4 หลายเดือนก่อน +1

    Panginoon Jesus Christ tinataas KO po sa iyo panginoon Ang aking BUHAY paghaharian NYO po panginoon ANG PUSO ko magpatawad at mapakumbabang PUSO. Amen

  • @Lotlot19Cruz
    @Lotlot19Cruz 4 หลายเดือนก่อน

    Padre PIO please tulungan nyo po Ako s problemang pinag dadaanan ko. Tulungan nyo pong maging ma ayos ang lahat. Patuloy nyo pong gabayan ang aking mga anak huwag nyo po cla pababayaan. Naway gumaling n ang aking Asawa lukubin nyo po cya ng inyong espirito Santo ng Hindi po siya gumawa ng pagkakasala. Linisin nyo po ang pusot isipan nya.

  • @JosaDeTorres-kn3wi
    @JosaDeTorres-kn3wi 2 หลายเดือนก่อน

    Mahal na Poon Padre Pio, Good morning po, Dinggin mo po ang aming panalangin sa lahat po ng aming kahilingan, patawad po sa aming nagagawang pagkakamali sa isip sa isip sa salita at sa gawa, Salamat po sa iyong pagtulong at pagiingat mo po sa amin, Thank you Lord Amen, 🙏🙏🙏, ❤❤❤

  • @elisagravador8722
    @elisagravador8722 4 หลายเดือนก่อน +1

    Saint Padre Pio Thank You For Everything You Given To Us, Please Pray For Us My Children My Grandchildren Protect Guide All Of Us, Forgive Our Sins We Commit Amen 🙏 Please Pray For My Son To Rebuild His Self And Family, Guide Protect Keep Him Safety, Padre Pio Please Help Me To My Children My Family To Be Together Again, Padre Pio Please Hear My Prayers And My Intention Amen 🙏 Padre Pio Please Bless All Of Us Amen 🙏

  • @estrellarombano4230
    @estrellarombano4230 4 หลายเดือนก่อน +1

    Good morning PADRE PIO. Pray for me PADRE PIO PIO.

  • @SUMNICEPPERSONIG
    @SUMNICEPPERSONIG 4 หลายเดือนก่อน +1

    SAINT PADRE PIO PRAY FOR US AND THE WHOLE WORLD THANKS FOR THE GIFT OF THIS HOLY MASS PRAISE AND GLORY TO YOU LORD JESUS CHRIST now and forever Thanksgiving prayer for the blessings you given me and to my family. Healing prayer for our sickness and lness and restore us in good health an

  • @elisagravador8722
    @elisagravador8722 4 หลายเดือนก่อน

    Panginoon, Dinggin Mo Po Ang Aming Panalangin Amen 🙏

  • @SoniaAbiera
    @SoniaAbiera 4 หลายเดือนก่อน

    Padre Peo tulongan m po akong ng aking mga utang at bigyan nyo po kami ng kalalasan kaming ng aking mga mahal sa buhay

  • @elisagravador8722
    @elisagravador8722 4 หลายเดือนก่อน

    Mapalad Ang Ibinukud Na Bansang Hinirang Ng Diyos Amen 🙏

  • @elisagravador8722
    @elisagravador8722 4 หลายเดือนก่อน

    Saint Padre Pio Be Centre Of Our Life Amen 🙏 Thank You For The Gift Of Our Life Amen 🙏

  • @estrellarombano4230
    @estrellarombano4230 4 หลายเดือนก่อน +1

    Good morning lord Jesus Christ. THANK you for ALL MY blessings LORD. Mula pa NOONG isinilang Ako at Naging ULILA and now BALO. Thank you LORD sa lahat Ng pagsubok sa BUHAY. Thank you LORD Hindi mo ako iniwan. I need you so much LORD. I'm so stressed I'm totally alone. Forgive me LORD for all MY SIN up to now patuloy nagkasala sa iyo panginoon patawad. Have mercy on me LORD. Amen AMEN

  • @elisagravador8722
    @elisagravador8722 4 หลายเดือนก่อน

    Happy Of Solemnity Of The Most Holy Trinity Pray For Us, And Please Help Heal Us Amen 🙏 Be With Us Always Amen 🙏

  • @rosanaromasoc1411
    @rosanaromasoc1411 4 หลายเดือนก่อน

    Blessed St Padre Pio salamat po, muli please pray for my ate beth for her complete healing and recovery, heal her St Padre Pio through your intercession to Our Lord Jesus Christ Our Divine Healer and Physician in His Precious name Amen and Amen 🙏🏿💖🙏🏿

  • @imeldamediavillo8634
    @imeldamediavillo8634 4 หลายเดือนก่อน

    Thank you our loving lord st pio for our daily survival whth all your love support and care. Please heal our health problems and please stay with us always, amen.

  • @litta2043
    @litta2043 4 หลายเดือนก่อน +1

    Magandang umaga pong muli sa inyong lahat mahal panginoon mahal na ina ng laging saklolo mahal na padre pio at lahat ng mga santo at santa narito po akong muli at humihingi ng tawad sa lahat ng aking mga kasalanan at muli po kaming nagpapasalamat at muli ninyong kaming ginising sa umagang ito iyon po ay napakalaking pasasalamat namin at kami ay muling ginising sa arawaraw at ngayon po ay muling akong humihingi ng gabay at patnubay sa aming maganak na kami ay gabayan lalo po ako na marami ng nararamdamang sakit sa aking buong katawan kaya po hiling ko sa inyong lahat na ako ay haplusin ninyo ng inyong mapaghimalang mga kamay ng sa gayon po ay mapalis ang lahat ng sakit na aking buong katawan sa tulong po ninyong lahat pati na po itong aking companyo anak manugang apo at lahat ng mahal ko sa buhay at higit po sa lahat ay inihihingi korin ng gabay at patnubay itong dalawa kong anak na sila ay gabayan sa kanilang arawaraw na pagtatrabaho at paglalakbay ng sa gayon po ay makauwi ng ligtas sa kanilang pamilya at ito pong isa ay hiling at dalangin ko sa inyong lahat na ako ay tulungan ninyo na siya ay mailayo sa kanyang bisyo na ipinagbabawal na gamot ito po ay hiling ng isang ina na nagsusumo at nagmamakaawa sa inyong lahat para siya ay mapalayo sa bisyong ito at mailayo rin sa mga taong siyang naglululong dito sa bisyong ito sana po mahal na ama itong aking hiling at dalangin sa inyong lahat ay maipagkaloob sa akin ako walang sawang nagmamakaawa dito sa aking hiling na siya ay mailayo sa bisyong ito alam ko po naman na hindi ninyo kami pinababayanan sa lahat ng oras ay kayo ay laging nasa aming tabi kaya po umaasa ako na maipagkaloob ninyo sa akin itong aking mga hiling at dalanginsa inyong lahat maraming marami pong salamat sa lahat at muli po akong humihingi at walang sawang humihingi ng biyayang siksik liglig at umaapaw na biyaya kaya marami pong salamat sa lahat ng inyong ipagkakaloob na biyaya

  • @ImeldaErmita-ed3tg
    @ImeldaErmita-ed3tg 4 หลายเดือนก่อน

    Thank you for all the blessings & grace you’re giving us everyday forgive our sins amen🙏

  • @virginiaompacan7996
    @virginiaompacan7996 4 หลายเดือนก่อน

    PANGINOON KUNG DIYOS ANG DASAL KO PO SA ARAW NA ITO AY MAIPASA NG AKING ANAK ANG KANYANG FINALS EXAMS GABAYAN MO PO SYA AT NAWAY MATANDAAN NYA LAHAT NG KANYANG NAPAG ARALAN AT BIGYAN MO PO SYA NG PABOR SA KANYANG MGA GURO AT KAKLASE MARAMI PONG SALAMAT SA PANGALAN NI JESUS.AMEN.

  • @elisagravador8722
    @elisagravador8722 4 หลายเดือนก่อน

    Saint Padre Pio Please Pray For Me And Help Me To Heal My Skin, Touch Me With Your Hailing Hands Amen 🙏 Please Help My Son In Law To His Sickness Amen 🙏 Please Pray And Heal My Brother Sister To There Sickness, Please Pray And Heal Baby Faith And Gigi And Nowen, Please Help My Friend And Ray To There Eyes,Padre Pio Please Heal All Of Us Amen 🙏

  • @prayingtherosaryJM
    @prayingtherosaryJM 4 หลายเดือนก่อน

    Thank you for your healing and protection! Amen

  • @estrellarombano4230
    @estrellarombano4230 4 หลายเดือนก่อน +2

    Panginoon Jesus Christ maalala NAWA Ako Ng family Ng BUGTONG Kong ANAK. Nawa LORD mapatawad nila ako sa mga kásalanan ko sa family Ng BUGTONG Kong anak. Maalala NAWA NILA ako. Amen AMEN

  • @Lotlot19Cruz
    @Lotlot19Cruz 4 หลายเดือนก่อน

    Thank you lord for all the blessings and guidance. Forgive us our sins. Please continue to guide us especially my children and my family
    I trust in you lord Jesus Christ
    Amen 🙏🙏🙏

  • @FlavianaGarpida
    @FlavianaGarpida 4 หลายเดือนก่อน

    Mahal na Ama at Padre Pio pagalingin mo at bigyan ako ng milagro para maalis ang Malignant nature na na kita sa loob ng katawan ko Flaviana Garpida

  • @rosariomanalili
    @rosariomanalili 4 หลายเดือนก่อน

    AMEN❤❤❤

  • @soledadabila7607
    @soledadabila7607 4 หลายเดือนก่อน

    Amen

  • @gemmapunongbayan9669
    @gemmapunongbayan9669 4 หลายเดือนก่อน

    SANTO PADRE PIO🙏🏻🙏🏻🙏🏻

  • @PepingMendoza-q4k
    @PepingMendoza-q4k 4 หลายเดือนก่อน

    For the Eternal rest of the souls Jim sis.,Mely Santos, Elpidio, Teodulo, Jaclyn, Salvador, Leo, Loreta, Maricel, Tagumpay, Dave, Damiana, Dominadora, Elsie, Esting, Olive, Jeffrey, JUDITH, Hermina, Luisito, Flor, Narcisa, Francisco, Arceli, Regs, Ike, Dennis, Vicente, Rosie, Domingo, Lourdes, Lucita, Virginia, Mely, Cely, Aida, Lotlot, Amparo, Eligio, Perla, Linda, RESTITUTO, CARDING, AMBROCIO, VANN, ARTEMIO, MIGUEL, EDMOND, BAMY, PATRICIA, DENNIS, EMMANUEL, DAISY, CAROL, LITO, RODY, Betty, Fidel, Olaf, Boy, Roberto &all souls in Purgatory & For all sick persons especially Leny, Gina, Ernesto, Letlet, Bubut, Francisco, Eduardo, Eddie, Conching, Nita, Nitoy, German, Stephen, Salvation, Mila, Rose, Roselyn, Ceny, Leonor, Leony, Evelyn, Noraida, Tammy & For all sick Priest.

  • @Purihin.Si.Hesus.
    @Purihin.Si.Hesus. 4 หลายเดือนก่อน

    🌱 Truly I tell you, if you have faith as small as a mustard seed, you can say to this mountain, ‘Move from here to there,’ and it will move. Nothing will be impossible for you. (Matthew 17:20)

  • @eduardrivera1851
    @eduardrivera1851 4 หลายเดือนก่อน

    Maraming salamat po mahal naming Panginoon Hesus Cristo pinupuri ka po namin Panginoon at sinasamba Holy Mama Mary of Manaoag Mother of God, Saint Padre Pio ipanalangin nyo po kami at ilayu sa kapahamakan at mga sakit at gabayan araw araw at pagpalain nyo po kami Amen 🙏 ❤️ 💛 💛

  • @elisagravador8722
    @elisagravador8722 4 หลายเดือนก่อน

    Saint Padre Pio Please Guide My Daughter Amen 🙏 Enlighten Her Heart And Mind, Erase All Hatered And Her Mind And Heart, Thank You Mama Mary Please Heal Her Amen 🙏 Please Help Me Back My Daughter To Us, Padre Pio Please Guide Me Give Strength And Hope Amen 🙏

  • @leahmoraldelovegrove4914
    @leahmoraldelovegrove4914 4 หลายเดือนก่อน

    Sto.Padre Pio and My Lord please stay with me for you are my life and asking foregiveness protections healings all sicknesses inside my body mind soul and spirit good health blessings financial needs guidance peace love understanding harmony unity together with my husband Barry to all my whole family members my cousin Leticia all relatives friends and on the whole world have mercy on us Amen ✝️🌹💖🙏

  • @SoniaAbiera
    @SoniaAbiera 4 หลายเดือนก่อน

    Lord bagohin nyo po ang ugali ni Michaella matoto po syang romispito aming ng magulang nya at bumalik sakanyang pag aaral

  • @elisagravador8722
    @elisagravador8722 4 หลายเดือนก่อน

    Lord Jesus Christ, Padre Pio, You Are My Light, My Strength, My Hope, And My Salvation, Please Help Me And My Daughter Amen 🙏

  • @julitawalker5826
    @julitawalker5826 4 หลายเดือนก่อน

    Thank you Padre Pio 💕🙏Thank You Lord for all the blessings 💕🙏 Guide & Protect us always 😃🙏Amen 💕🙏💕

  • @mjbulan2909
    @mjbulan2909 4 หลายเดือนก่อน

    Thank you Lord for everyday! St Pio heal us emotional physical financial..amen❤

  • @ImeldaErmita-ed3tg
    @ImeldaErmita-ed3tg 4 หลายเดือนก่อน

    Dear Santo Padre Pio please pray for the fast recovery of my sister Ananias Binay & our friend Dixie Cayabyab in Jesus name amen 🙏

  • @amyg882
    @amyg882 4 หลายเดือนก่อน

    Thank you Our God, Lord, Mama Mary and Holy Spirit🙏❤️

  • @ofeliaroxas6985
    @ofeliaroxas6985 4 หลายเดือนก่อน

    Salamat sa Diyos, Amen

  • @julietsunga7626
    @julietsunga7626 4 หลายเดือนก่อน

    Thank you Padre Pio for everything🙏

  • @ImeldaErmita-ed3tg
    @ImeldaErmita-ed3tg 4 หลายเดือนก่อน

    Happy Birthday santo Padre Pio

  • @kjlurcha8673
    @kjlurcha8673 4 หลายเดือนก่อน

    GUIDE ME LORD 🙏🙏🙏🙏 AMEN

  • @julietsunga7626
    @julietsunga7626 4 หลายเดือนก่อน

    Thanks!

  • @gerrysantelices7367
    @gerrysantelices7367 4 หลายเดือนก่อน

    Amen ❤