Pwede na ulit | see description

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 20 ก.ย. 2024
  • #mtmaarat
    #bikevlog
    #polygon
    Info FB
    From Cong. Jojo Garcia
    Binabati ko po kayo ng isang maulan, ligtas, at pinagpalang Linggo mga kababayan!
    Kaninang umaga, nakatanggap po ako ng tawag mula sa ating kaibigan na si DILG Sec. Benhur Abalos patungkol sa kalsada patungong Aries, Maarat, at Pintong Bukawe na nilagyan ng gate.
    Dahil dito, kaagad po tayong tumungo doon kasama si Kap. Frank Lamsen at Kap. Jojo Juta at kinausap ang mga bantay. Napag-alaman po natin na itong daan na ito ay isang pribadong lupa na pag-aari ng Sun Valley Estates at sila daw po ay may titulo at Tax Declaration na inilabas ng Register of Deeds at Assessor ng Lungsod ng Antipolo City.
    Batid po natin na mahalaga ang kalsada na ito para sa ating mga kababayan na nakatira at nagnenegosyo doon at para din sa mga turista na nagbibisikleta, nagmo-motocross, at ATV.
    Kaya’t atin pong kinausap ang kinatawan ng Sun Valley at napapayag po natin silang padaanin ang mga kababayan natin na residente doon. Ginarantiya din po ng Sun Valley na bubuksan nila ang nasabing gate mula Biyernes hanggang Linggo para sa mga turistang mamamasyal doon.
    Isang dagdag na magandang balita ay aming magiging pag-uusap para sa posibleng donasyon ng Sun Valley sa ating Munisipyo ng kanilang lupa na ating gagawing permanenteng kalsada na magdudugtong na sa Barangay Pintong Bukawe at Barangay Malanday at Silangan. Kapag po ito ay naisagawa namin ni Mayor Omie Rivera, sa tulong at gabay ni DILG Sec. Benhur Abalos, Gov. Nina Ynares, at Mayor Jun Ynares, hindi na kailangan ng mga taga-Pintong Bukawe na umikot pa ng Antipolo at Marikina para makarating sa ating Bayan.
    Unti-unti, tulong-tulong, magagawa po natin mga kababayan na mas ayusin, pagandahin, at paunlarin ang ating Bayang San Mateo.
    #GarantisadongMaglilingkodNangMayPuso
    #ILoveSanMateo

ความคิดเห็น • 53