It’s Showtime May 7, 2024 | Full Episode

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 11 ก.ย. 2024
  • Panahon pa rin ng tag-init, madlang people! Dito sa “It’s Showtime,” panahon din ng saya at good vibes!
    Kung uhaw kayo sa masarap na tugtugan, si Yael Yuzon na ang bahala d’yan! Kasama n’ya ang ibang gems of OPM - Kim of Silent Sanctuary, Eunice of Gracenote, and Kai Honasan - upang iparinig sa madlang people ang pinakabago nilang single. Paano nga ba nabuo ang collab na ‘to?
    Sarap sa feeling ‘pag kasama ang “Showtime” family sa guess-sing! For today’s “Karaokids,” ang magkakapares: Cianne Dominguez at Jackie Gonzaga, Vhong Navarro at Lassy, Karylle at Ryan Bang, Ogie Alcasid at MC, at sina Ion Perez at Jhong Hilario.
    Nagkabuhol-buhol man ang mga hula sa simula, natumbok naman ang mga tamang sagot through teamwork. Pinatunayan nina Jhong at Ion na sila ang ‘sakalam’ nang umabante sila sa jackpot round.
    Behind the cameras, ang mga aktor na sina Christine Bermas at Nico Locco ang tunay na ‘love team.’ Pero ang kanilang real-life love story, bakit walang happy ending? Fresh pa ang breakup nina Christine at Nico na naghiwalay nito lamang Pebrero. Kaya naman, bumuhos ang emosyon nang idetalye nila ang nagdaang relasyon.
    First boyfriend ni Christine si Nico. Aniya, nagmahal siya nang buong-buo at nagbigay ng endless chances hanggang sa siya’y napagod at naubos. Sa kabilang banda, hindi itinanggi ni Nico na nag-cheat siya sa dating nobya. There is no valid reason to cheat, pero ano ba’ng tumatakbo sa isip ng isang tao na malakas ang loob ‘manloko?’
    Damhin ang kilig at pait ng kanilang kwento sa “EXpecially For You.”
    Dikit ang laban sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown!”
    Nauna sa entablado ang Criminology student mula sa University of Cagayan Valley na si Dennis Narag. Pagkanta n’ya ng “Hindi Na Nga,” pinusuan ng mga hurado at madla.
    ‘Lavarn na lavarn’ naman ang junior high school student na si Lovern Apa ng Rizal Technological University. Sa kanyang pag-awit ng “Minsan,” nasungkit n’ya ang pagkapanalo sa tanghalan.
    Si Lovern ang nakakuha ng grado na 92% mula kina ‘hurado’ Marco Sison, Bituin Escalante, at Ogie Alcasid. Samantala, 91% naman ang marka na nakuha ni Dennis.

ความคิดเห็น • 424