🏍️ THE CRYSTAL CLEAR WATER OF BOLINAO PANGASINAN WHITE SAND BEACH | OLD ROCK RESORT | BOLINAO CHURCH
ฝัง
- เผยแพร่เมื่อ 28 ต.ค. 2024
- 🏍️ THE CRYSTAL CLEAR WATERS OF BOLINAO WHITE SAND BEACH | OLD ROCK BEACH RESORT | BOLINAO CHURCH
Payapa, kalmado o tahimik. Ilan lamang ang mga salitang ito na maiuugnay natin sa lugar na ito. Ito ang White Sand Beach ng Bolinao, Pangasinan. Ito ay isang nakakamanghang destinasyon na kilala sa kanyang maputing buhangin at malinaw na tubig. Isang lugar na masarap pagmasdan ang paglubog ng araw kasabay ng pagbaba ng tubig ng karagatan.
Sa nakaraang episode ng ating paglalakbay sa bayan ng Bolinao ay ating nadalaw ang mala-Siargao vibes ng Camp Puor. Kilala ito sa mga hugot lines ta tiyak na tatamaan ka at sa Balingasay River na isa sa pinakamalinis na ilog sa buong Region 1. Dinaanan rin natin ang isa sa mga kauna-unahang lighthouses dito sa Pilipinas, ang Cape Bolinao Lighthouse.
At ngayong huling episode ng ating paglalakbay sa bayang ito, atin namang susubukang maligo dito sa dagat na may maputing buhangin. Dadalawin din natin ang isa sa mga bagong Resort dito na may maganda at instagrammable na arkitektura, ang Old Rock Resort. At syempre, hindi mawawala sa listahan natin ang St. James the Great Parish.
Kaya, tara, Samahan niyo kaming muli sa huling hagai ng ating Bolinao Escapade, the Paradise of Northwestern Luzon.
Pagkatapos nga naming kumain pagkagaling sa Cape Bolinao Lighthouse ay napagpasyahan naming umuwi na lang dahil halos puro fully booked na ang mga hotel dito. Ngunit sa aming paglalakbay pauwi, may nakita kaming Beach Resort na walang katao-tao. Hapon na o malapit na sa dapit-hapon ang oras kaya tahimik at kalmado na ang paligid. Sinubukan naming mag-inquire at sakto, open naman daw sila for overnight stay.
Ito ang Max & Rose Beach House. May mga Nipa Huts sila dito na maaaring pagpahingaan o matulugan at maaari itong rentahan sa murang halaga lamang.
Pagsapit ng dapit-hapon ay nagtampisaw kami saglit, at narito ang aming mga natuklasan sa malinaw na tubig nito. Low tide ngayon kaya maaaring puntahan ang pinakagitna ng dagat kung saan may alon. Sinubukan kong pumunta sa gitna ngunit bigla akong may nakita at natapakang mga hindi pamilyar na lamang dagat, akala ko nga noong una ay ahas ng dagat kaya gulat na gulat ako nang matapakan ko.
Kinaumagahan, araw ng Linggo, maaga kaming nagising at kitang-kita ang pagtaas ng tubig sa dagat. High tide ngayon kaya pwede na maligo sa bungad.
Pagkatapos naming maligo, nagbihis na kami para ready to go home na.
Bago kami umuwi, amin munang dadalawin ang Old Rock Resort.
Ang Old Rock Resort ay isang Resort na may nature-themed architecture na nilagyan ng mga natatanging pattern ng bato na matatagpuan sa baybayin ng barangay Arnedo, Bolinao, Pangasinan.
Kung titignan sa bungad nito ay napaka-aesthetic ng pagkakagawa. Maniniwala ka na tunay na mga bato ang inilagay sa mga struktura nito. Dagdag sa ganda ng resort na ito ang malinaw na tubig ng katabing dagat at may puting buhangin din. May mga tindahan na rin dito at mga nagtitinda ng mga pampawi ng gutom at pamawi sa init ng panahon.
May mga swimming pool ito at ilang mga hotel rooms. Maaaring mag-daytour dito for visitations at syempre pwdeng pwede rin ang overnight stay dito.
Pagkatapos namin dito ay deretso na kami sa mismong bayan ng Bolinao para dalawin din ang isa sa mga pinakalumang simbahan sa Luzon.
Ang Saint James the Great Parish Church, na kilala rin bilang Bolinao Church, ay isang Spanish colonial church na matatagpuan sa Bolinao, Pangasinan. Ito ay itinayo noong 1609 ng mga paring Augustinian at isa sa pinakamatandang simbahan sa Pilipinas.
Sadya ng ana isang Paraiso ang bayan ng Bolinao sa Pangasinan. Isang lugar kung saan ibinagsak ng kalikasan ang samu’t saring naggagandahang natural na likas na yaman. Sana, lumipas man ang mga taon, dekada o siglo, nawa’y mapanatili ng mga bagong henerasyon ang ganda ng mga pasyalang ito.
Hanggang sa susunod na mga lugar na ating dadalawin. Ito po ang inyong sirpogi ng elyu na nagsasabing Earn, Travel and Chill. Hanggang sa muli…. Paalam!
Music from #Uppbeat (free for Creators!):
uppbeat.io/t/j...
License code: ZZYNXZIHFORAPJON
Music from #Uppbeat (free for Creators!):
uppbeat.io/t/s...
License code: 0RRFZQSE9DU7ZOGB
Music from #Uppbeat (free for Creators!):
uppbeat.io/t/j...
License code: JQJHADT6MEN6ODJ7
🔊 MUSIC IN THIS VIDEO: inaudio.org/
RIDING & VLOGGING EQUIPMENTS:
✅Redmi Note 10 Pro (for video recording)
✅Oppo Reno 7z 5G (for voice-over recording)
✅DJI Mini SE Drone
✅SJ Cam C200 Action Cam
✅Telesin Mini Tripod
✅Insta 360 One X2
✅Xiaokoa Lavelier Microphones
✅Yamaha Aerox 155
✅Motowolf CP Holder/Bracket
✅Evo Helmets
#SirpogiElyu
FOR SPONSORSHIP AND INQUIRIES, FOLLOW and/or CONTACT me at:
✅EMAIL: sirpogi0026@gmail.com
✅TEXT/CALL: +639102820549
✅FACEBOOK: Sirpogi ELYU
✅TIKTOK: Sirpogi ELYU
✅INSTAGRAM: Sirpogi ELYU
Solid ride. Isa ito sa masarap balikan, Bolinao. Rides tayo soon bossing! RS🙏
G! RS ka rin palagi Sir Bossing!
Sobrang ganda talaga sa Bolinao. Pumunta sana kayo sir sa may Island na farm ng giant clams ganda din dun.
Thank you. Balikan po namin next time. 😁
Ganda ng edit a. Wala ka na masyado rides idol. Super busy na ata hahaha btw keepsafe
Wow. Salamat pri! 😁 Busy busy na. La na time gumala 😂
When ka kaya bibisita sa Bataan boss. Mention mo lang ako dito oag want niyo magtour dito Bataan. Samahan ko kayo.
Soon idol. 😇
Ang ganda ng story-telling vlogger na ito bakit kaya hindi pinapanood ng marami? Samantalang yung ibang walang kwentang video ang daming views hahaha Keep up the nice work!
Darating din tayo diyan. Busy lang kasi ako kaya di na nakakapagrides/upload ng mga videos. 😁