O Minamahal Ko, Hinahanap Kita

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 17 ธ.ค. 2023
  • Himno ng Iglesia
    O Minamahal Ko, Hinahanap Kita
    --
    I
    Nasa'n Ka, minamahal ko?
    Alam Mo bang hanap-hanap Kita?
    'Pag walang liwanag, kay sakit mabuhay.
    Sa kadiliman, hinahanap Kita.
    Di ako nawawalan ng puso, o pag-asa,
    bagkus mas masigasig na hinahanap Ka.
    Inaasam ko na magpakita Kang muli,
    'pag mukha Mo'y nakikita ko.
    Oh Diyos, minamahal ko, pinakamaganda,
    tulad Ka ng maningning na buwan.
    Oh Diyos, minamahal Ko, nabibihag Mo puso ko.
    Wala akong ibang mahal bukod sa 'Yo.
    Sa 'Yo ang puso ko.
    II
    Narinig Mong tinatawag Kita,
    kumakatok sa pinto ng aking puso.
    Tinig Mo'y narinig ko at binuksan ang pinto,
    sinasalubong ko ang 'Yong pagbabalik.
    Nangyari na ang matagal ko ng inaasahan,
    nahaluan ng ligaya ang mga luha.
    Katotohana'y dinadala Mo sa sangkatauhan,
    nakita ko ang paglitaw ng tunay na liwanag.
    Oh Diyos, minamahal ko, pinakamaganda,
    tulad Ka ng maningning na buwan.
    Oh Diyos, minamahal Ko, nabibihag Mo puso ko.
    Wala akong ibang mahal bukod sa 'Yo.
    Sa 'Yo ang puso ko.
    III
    Nabubuhay ako sa 'Yong pamilya,
    dumadalo sa pista ng Cordero.
    Araw-araw kong tinatamasa salita Mo,
    walang kasing saya ang puso ko.
    Nawa'y gabayan ako ng 'Yong mga kamay,
    patakbuhin Mo 'ko nang mabilis sa likuran Mo.
    Uhaw akong maging isang matalik Mo,
    at makasama Ka sa lahat ng oras.
    Oh Diyos, minamahal ko, pinakamaganda,
    tulad Ka ng maningning na buwan.
    Oh Diyos, minamahal Ko, nabibihag Mo puso ko.
    Wala akong ibang mahal bukod sa 'Yo.
    Sa 'Yo ang puso ko.
    IV
    Sa 'Yong paghatol at pagkastigo,
    nakikita ko kabanala't kat'wiran Mo.
    Sa salita Mo'y nalinis ako
    at napangyari Mo na maipanganak muli.
    Katotohana'y nagiging buhay ko,
    tinamasa ko pagmamahal Mong tunay.
    Mamahalin Kita, paglilingkuran,
    laging malapit sa 'Yo puso ko.
    Oh Diyos, minamahal ko, pinakamaganda,
    tulad Ka ng maningning na buwan.
    Oh Diyos, minamahal Ko, nabibihag Mo puso ko.
    Wala akong ibang mahal bukod sa 'Yo.
    Sa 'Yo ang puso ko.
    Sa 'Yo ang puso ko.
    --

ความคิดเห็น • 11

  • @teresitagiray5995
    @teresitagiray5995 5 หลายเดือนก่อน +1

    O Diyos Ikaw Ang pinaka maganda😇🤗

  • @teresitagiray5995
    @teresitagiray5995 2 วันที่ผ่านมา

    Amen 😇😇

  • @badtrip8479
    @badtrip8479 6 หลายเดือนก่อน +1

    Amen ❤❤❤

  • @magienasaan8867
    @magienasaan8867 3 หลายเดือนก่อน

    Ikaw Ang DIOS na Dakila♥️♥️♥️🙏

  • @user-zt8tx4ux8t
    @user-zt8tx4ux8t 3 หลายเดือนก่อน

    Amen and amen🥰🥰🙏🙏🙏❤❤❤🥰🥰🙏🙏

  • @josephbantuana5744
    @josephbantuana5744 25 วันที่ผ่านมา

    Mahalin nayin pareho ang katotohanan at ang Diyos dahil siya ang makapangyarihan sa lahat na naglilininis sa makasatanas na disposisiyon ng mga tao sa mga huling araw at huwag sayangin na alamin ang mga salita ng mga panganak na siyang kaisa ng Diyos, para itoy iyong malaman magsaliksik huwag sumonod sa pareho nating may mga tiwalang disposisyon maliban nalang kong itoy nalinis na at may Banal na Espiritu katulad ng kanilamg Amang Walang Hanggan ng mga panganay.

  • @ElmerNipa
    @ElmerNipa หลายเดือนก่อน

    Nais Kong mag alay Ng Isang himno para sainyo Po🙏

  • @benmarkadaway9698
    @benmarkadaway9698 4 หลายเดือนก่อน +1

    Almighty God guide me 😢

  • @ElmerNipa
    @ElmerNipa หลายเดือนก่อน

    Good evening Po Kapatid🙏

  • @teresitagiray5995
    @teresitagiray5995 5 หลายเดือนก่อน +1

    Sayo Ang puso ko 😇🤗 Amen 🙏

  • @badtrip8479
    @badtrip8479 6 หลายเดือนก่อน +1

    Monitized na d i bunso? naa na lagi ad's