BATA, KUMUSTA KA | SPOKEN WORD POETRY TAGALOG HUGOT
ฝัง
- เผยแพร่เมื่อ 2 ก.พ. 2025
- Bata, kamusta ka?
By: Plen Rotao
Produced by: MERCY BLESS
Kamusta ka na? Tila bat antagal mong nawala
Parang hindi na tuloy kita makilala
Hindi na ikaw yung dating masayahing bata.
Hindi mo na nagagawang tumawa.
Hanggang muli kitang natagpuan
Nakatayo ka sa gitna ng kawalan
Agad akong tumakbo at ikay hinagkan
Niyakap mo ako at iyong dinamayan
Hindi ko na namamalayan
Ang mga luha koy unti-unting nag uunahan
Muling sumagi sa aking ala-ala
Ang mga panahong akoy ikaw pa.
Yung limang taong batang masayahin at kwela
Walang iniisip na anumang problema
Yung gasgas lang sa tuhod yung iniinda
Hindi ko akalaing may mas sasakit pa pala.
Kung alam ko lang na ganito yung mangyayari
Sana hindi ka nalang lumaki
Sana nanatiling musmos kailanman
Para hindi mo ngayon nararanasan
Ang paulit ulit na mabigo at masaktan
Patawad kung hindi kita naturuang lumaban
Mabilis kasi akong sumuko at panghinaan
Hindi na ako yung dating matapang
Na masayang tatakbo sa dilim tuwing nagtataguan.
Ikaw noon yung iyaking bata
Yung walang pakialam kahit na may makakita
Ngayon ang hirap palang umiyak ng patago
At pagtakpan ang tunay na nararamdaman ng puso.
Hindi ko pa nagagawa yung mga pinangarap mo
Patawad kung napakabagal ko
Akala ko kasi ganun lang kadali ang lahat
Ginagawa ko naman ang dapat
Pero tila hindi parin sapat
Sana nakinig ka nalang tuwing pinapatulog ka
Mas pinili mo kasing maglaro kesa magpahinga
Ngayon kasi mas kailangan ko sana
Pero hindi ko na nagagawa
Kung pwede lang sana
Na maging masaya ka
sa mga bagay na nagawa ko na
Lumalaban parin naman ako at pilit na kinakaya
Pero minsan kasi, nakakapagod na
Wala na akong dahilan para sumaya
Sa bawat araw, hindi na makita ang halaga
Minsan naiisip ko nga kung tama pa ba?
Tama pa bang ipagpatuloy ang laban para maipanalo kita.
Wag ka sanang magagalit
Ngumingiti kasi ako kahit na masakit
Ang hirap na kasing umiyak at lumuha
Dahil ituturing ka nilang takot at mahina
Kayat maaari ba?
Na turuan mo akong muling maging masaya
Kasi ngayon, hindi ko na nagagawa
Yung ngiting totoo sana
Hindi dahil gusto lang itago
Ang lungkot na nadarama ng puso.
first TIME #3