Rapzutra - Laban Ft. Nics Jacala (Official Music Video)

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 27 ธ.ค. 2024

ความคิดเห็น • 11

  • @reymarkcamarines9610
    @reymarkcamarines9610 10 หลายเดือนก่อน +1

    EYY solid tlga neto Tsong CLYDE & ABU AND JNM

  • @jhennylopez7393
    @jhennylopez7393 6 ปีที่แล้ว +2

    Hands up 👆👐

  • @marxloca433
    @marxloca433 6 ปีที่แล้ว +2

    Rapzutraaaaa is on fire 🔥

  • @langgakoh2410
    @langgakoh2410 5 ปีที่แล้ว +2

    Ang galing ng Rapzutraaa

  • @rfggpl2211
    @rfggpl2211 6 ปีที่แล้ว +3

    "Habang meron abusadong Gobyerno, talagang meron lalabang Rebelde"
    #Yakanpride
    #Basilan
    #YEStoBOL

  • @RapzutraLaFamilia
    @RapzutraLaFamilia  6 ปีที่แล้ว +4

    Laban Lyrics
    Abu:
    Pilipino din naman ako, subalit bakit parang di na ganon tingin sakin?
    Bakit para bang napaka baba ko ano ba ang kaibahan natin?
    Ilan pa bang maka mulat na salita ang dapat maisalin namin sa awit
    Upang mag bago ang pananaw mo! Mapalitan ng PAG IBIG ang GALIT
    Na siyang alam kong dahilan kung bakit di tayo magka sundo
    bakit hindi mo naisip maraming pangarap ang pwedeng hindi mabuo
    Ng mga maka sariling pananaw
    Bat ba lagi nalang ang mindanao?
    Bakit ba pilit niyong HINAHARANGAN ang mga di na nga namin MATANAW
    Kailan niyo ba kame papakinggan?
    Bakit ba di niyo maintindihan
    WALANG NATALO SA LABANAN NIYO
    Kundi mga tulad kong sibilyan
    Habang merong abusadong GOBYERNO, talagang merong lalabang REBELDE
    Ang akin lamang sana naman bigyan pansin hinaing ng mga inosente
    Kame ba talaga’y di madinig? O talagang ayaw niyong pakinggan?
    Para san pang naging tao kame? Kung mga hayop niyo naman tingnan
    Tila kami’y mga palamunin ninyo WALANG KARAPATANG MAG REKLAMO.
    Kame ang siyang may ari ngunit bakit parang kame pa ang dapat mag sumamo
    Chorus:Nics Jacala
    Ang mangarap ba para sami'ng mahihina'y huli na
    kailangan ba'y idikta nila ang aming bawat hininga
    hindi na 'to tama, kailangan kong lumaban na
    Diyos na ang Siyang bahala, Sakin para sa kanila
    JNM:
    Ilan pa ba ang kailangan na igapos
    sa digmaan ba'y makakaraos
    Hanggang kelan matatapos
    ang mga sigawan na nakakapaos
    Daming pinag tataguan, daming pinag paplanuhan
    Wala na bang katapusan ang mga pinagtatalunan
    Ilan na ba ang napatay
    Ng mga bakal na nasa kamay magkano bang naging lagay
    Pati mga batay naging sanay
    Parehong pinoy ang pinaglamayan sinong panalo sa kanilang laban
    Ito ba tlga ang kanilang nais na para sa kanilang bayan
    Nakakalungkot na isipin
    Sino bang dapat na sisihin
    Bakit buhay pa ng mga inosente ang dapat na bawiin
    Mahal kong bayang sinilangan,
    kamusta ka na kaya?
    Ano na kaya lagay mo?
    palagay mo ito'y matapos pa kaya
    Ang walang tigil na mga pagsabog ang mga biktima'y tayo din
    maubos man sila'y panalo ba? oh diba tayo'y talo din
    Ako ay isang pilipino, pilipinong namulat sa dilim
    ako ay nangangarap na sana tayong lahat ay magising
    Chorus:Nics Jacala
    Ang mangarap ba para sami'ng mahihina'y huli na
    kailangan ba'y idikta nila ang aming bawat hininga
    hindi na 'to tama, kailangan kong lumaban na
    Diyos na ang Siyang bahala, Sakin para sa kanila
    Clyde:
    Kailan ba tayo magkakasundo?
    Sa katapusan na ba ng mundo?
    Eh di ba di pa naman huli ang lahat para matapos ang gulo
    Sana matigil na ang pakikipag buno, para di na magkataguan
    Ano mang oras pwede magbabakan na parang kami'y pinaglalaruan
    Anong tingin nyo samin laruan? Itatapon na pag wala ng pakinabang
    Binababoy nila habang, di naman nila alam ang mga ipinaglalaban
    Sino ba kalaban? O di ba wala? Pinoy din naman ang pinaglalamayan
    Bangayan dito, labanan dun, kung sino ang tama di mo na malaman
    Ako naman ay namamagitan lang inosenteng taong walang pinapanigan
    Pero Pu* Talaga naman kailan ba talaga makakamit ang kapayapaan?
    kailan MAIRAOS sa mga HIDWAAN,
    tila NAPAPAOS sa mga SIGAWAN,
    Bakit di MATAPOS ang mga PATAYAN,
    parang NAKAGAPOS ang INANG-BAYAN
    hindi kami nandito para lamang mag MAASIM
    "Masdan Mo Ang Kapaligiran" ang tema namin mala "ASIN"
    "Ang Bayan Kong Sinilangan" tila pinipilit nila na yurakan
    Teka baka balang araw di na tayo magising wala na tayo dito sa mundong ating inaapakan
    Chorus:
    Nics Jacala:
    Ang mangarap ba para sami'ng mahihina'y huli na
    kailangan ba'y idikta nila ang aming bawat hininga
    hindi na 'to tama, kailangan kong lumaban na
    Diyos na ang Siyang bahala, Sakin para sa kanila
    Outro:
    hindi na 'to tama, kailangan kong lumaban na
    Diyos na ang Siyang bahala, Sakin para sa kanila

    • @elderesamson7893
      @elderesamson7893 4 ปีที่แล้ว

      Amazing.. Keep it up.. Ka nindot sa kanta ug lyrics

  • @mharlohyoyeahofficial
    @mharlohyoyeahofficial 6 ปีที่แล้ว +2

    ang galing !!!

  • @rizalinali2752
    @rizalinali2752 3 ปีที่แล้ว +1

    Nics jacAllah alam ba ni robin to gabayan tayo ni Allah