LA HUERTA 2023 | Sunduan Festival | Parañaque City

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 9 พ.ค. 2023
  • ANG IKA-147 TAONG SELEBRASYON NG SUNDUAN SA LA HUERTA, LUNGSOD NG PARAÑAQUE.
    May 7, 2023
    Barangay La Huerta, Paranaque City
    -------------------------------------------------------------------------------
    Hermano at Hermana Mayor :
    Ginoong Johnny John Santos at Ginang Jessica Santos
    -------------------------------------------------------------------------------
    Tagapangulo ng Sunduan :
    Ginoong Toots Espiritu at Ginang Teresita Jose
    -------------------------------------------------------------------------------
    Sunduan Commemorative Book 1995 :
    drive.google.com/drive/folder...
    -------------------------------------------------------------------------------
    ANG KASAYSAYAN NG SUNDUAN
    mula sa panulat ni Ginoong Toots Espiritu
    taong 1995.
    Simula nang itayo ang Kapilya ni San Nicolas de Tolentino noong 1776, ang mga taga bayan ay karaniwang ipinagdiriwang ang kapistahan ng Mahal na Patron tuwing Septiembre 10. Ito ang tamang kapistahan ayon sa kamatayan ng Santo. Sa ngayon, ang nasusunod at sa kapasiyahan ng Hermano Mayor at Comite de Festejos sa dahilan na ang buwan ng Setyembre ay tag-ulan kaya simula noong 1964 ang Sunduan ay ginagawa tuwing buwan ng Mayo at ang Caracol naman ay tuwing Septiembre. Itinakda ng pamunuan ang mga kasuotan ng mga dalaga at binata. Septiembre naman ginaganap ang Caracol upang lubos na dakilain ang wastong Kapistahan ng santo.
    Noong mga unang panahon, palibhasa'y hubog at aral sa magandang kaugaliang Kastila na kilala sa masyadong mahilig sa pananampalataya ang ilan sa mga taga-nayon ng La Huerta ay nagisnan nang nagmamay-ari ng iba't-ibang santo. Sinasabing may isang mestisong Kastila na nagmamay-ari ng Santong San Nicolas de Tolentino. Bago namatay ang nasabing Kastila ay naipamana niya ang nabanggit na santo sa magulang ng isa sa mga kauna-unahang naging pari na kilala sa pangalang Pari Tikong (Rev. Padre Teodorico Bautista). Sa pagkalipat mana ng santong San Nicolas de Tolentino sa angkan ni Pari Tikong, ang mga kamag-anak nito ang namahala at nag-aruga sa kaayusan ni Tata Kulas at ng kapilya.
    Isang daan taon matapos na maitayo ang Kapilya ni San Nicolas, (1876) si Maria Pilang na matandang kapatid ni Pari Tikong ay nagpapista sa nayon. Kilala si Maria Pilang na may kaya sa buhay kung kaya't siya ang nag-anyaya sa kanilang tahanan para sa isang salu-salo. Itong pagdiriwang na ito ay naganap matapos ang isang banal na misa at iba pang pagdiriwang ukol sa mahal na patron. Ang imbitasyon ni Maria Pilang sa kapistahan ay para sa buong Nayon lalung-lalo na sa mga kadalagahan. Ang mga kadalagahan noong panahon na iyon ay hindi pahihintulutan ng mga magulang na umalis ng bahay ng walang kasama kaya sila ay ipinasusundo pa sa mga kaibigang kadalagahan o di naman kaya sa kamag-anakan. Sa kahinhinan ng mga dalaga minsan ay matagal pa bago mahapanaog ng bahay o minsan naman ay hindi sumasama sa pag-anyaya. Upang mapadali sa pagsundo sa mga dalaga at mahiyang hindi pumunta sa bahay ng nag-aanyaya, ang nag-aanyaya ay umaarkila ng musiko upang tugtugan ang mga dalaga sa tapat ng kanilang mga bahay. Habang dumadami ang sinusundo, ito ay nagiging isang pulutong ng kagandahan na tinutugtugan ng musiko habang lumalakad ito patungo sa bahay ng nag-aanyaya. Ang kabinataan ay napasama na rin sa pagsundo, bilang kinatawan ng kanilang mga kasama sa bahay bukod sa pansariling layunin nang pagsubaybay sa kani-kanilang nililiyag. Kaya't habang naglalakad ang pulutong ng kadalagahan sa unang hanay, ang kabinataan naman ay isang pulutong din na sumusunod sa dakong hulihan na kasunod ang musiko. Ito ngayon ang unang-unang pangyayari sa kasaysayan na tinatawag nating "𝗦𝘂𝗻𝗱𝘂𝗮𝗻" na hango sa salitang-ugat na "𝘀𝘂𝗻𝗱𝗼".
    Ngunit hindi lamang sa isang salu-salo natatapos ang layunin ng Sunduan. Pagkatapos ng isang salu-salo ang kadalagahan at kabinataan ang pumipili ng mangangasiwa sa susunod na kapistahan ng patron. Itong nangangasiwang ito ay tinatawag natin ngayon na Hermano Mayor. Ang mga dalaga at binata naman na sumasama sa sunduan ang siyang nagiging Comite de Festejos. Kung maramihang gustong mag-Hermano ito ay dinadaan sa isang botohan, ang may pinakamataas na boto ang siyang magiging Hermano.
    Sa ngayon kinikilala ang Sunduan ng Department of Tourism na isa sa maipagmamalaking tradisyon sa Pilipinas.
    -------------------------------------------------------------------------------
    #Sunduan2023
    #LaHuerta
    #ParanaqueCity
    #BandaElGobernador
    #Manila
    #TH-camPhilippines

ความคิดเห็น • 6

  • @SunduanLaHuertaParanaqueCity
    @SunduanLaHuertaParanaqueCity ปีที่แล้ว +5

    ❤❤❤

    • @BrewBelt
      @BrewBelt  ปีที่แล้ว

      Thank you for watching!

  • @marietagomata8242
    @marietagomata8242 ปีที่แล้ว +3

    Nkaka miss fiesta dyan s atin...watching from NZ🇦🇺,,nka konek n ako syo,,salamat,,resbak kn lng dto s tsanel ko please,,god bless..❤

    • @BrewBelt
      @BrewBelt  ปีที่แล้ว +1

      Bakasyon po kayo next time. Thank you for watching! God bless.

  • @happybuddy7874
    @happybuddy7874 ปีที่แล้ว +2

    ❤❤❤❤