Mayor Vico Speech | ANG BAGONG PASIG URBAN SETTLEMENTS OFFICE | Bonifacio Day Pasig City (2020)

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 17 ม.ค. 2025
  • (Speech about our Housing Program starts @3:50)
    Pinaglaban nina Andres Bonifacio ang kasarinlan ng ating bayan at ang karapatang pantao ng bawat Pilipino.
    Kanina, pagkatapos ng maiksing pagdiriwang sa ika-157 kaarawan ni Gat ANDRES BONIFACIO, pinirmahan ko ang magkakambal na ordinansa patungkol sa programang PABAHAY ng lokal na pamahalaan. Karapatan ng bawat isang tao ang maayos na tahanan.
    1. An Ordinance Creating the Pasig Urban Settlements Office; at ang
    2. Pasig City Socialized Housing and Urban Community Development Code of 2020
    Makasaysayan ang dalawang ordinansa na ito para sa ating lungsod:
    Una, bunga ito ng karanasan ng Pasig sa pabahay. Ipinapakita natin dito na natututo tayo sa mga pagkakamali noong nakaraan, katulad ng madaliang relokasyon na hindi pa maayos ang mga pangunahing pangangailangan (tubig, kuryente, kabuhayan) sa paglilipatan.. kung saan marami ang nagbabalikan lang.. samantalang sa in-city socialized housing ay laging nakakalamang ang "malalakas" at marami sa kanila ang nakakakuha ng hindi lang 1 unit, kundi 2 o 3 unit sa pabahay (imbis na mapunta ito sa higit na nangangailangan).
    "Move forward but don't forget the lessons of the past." Hindi yung move on lang ng move on, tapos paulit-ulit tayo sa mga pagkakamali.
    Pangalawa, nagbibigay ito ng matibay na pundasyon sa mga proyekto natin sa susunod na mga taon. Nakapaloob dito ang mga prinsipyo, istruktura at proseso, at mga prayoridad ng programa.
    Gaya ng parati natin sinasabi, PRAYORIDAD NATIN SA PABAHAY ANG MGA NAKATIRA SA DANGER ZONES at WATERWAYS, dahil kasalanan din naman ng gobyerno kung bakit sila dumami ng dumami doon sa tagal ng panahon. Para ito sa kaligtasan ng lahat.
    Meron tayong long-term plan para rito. Naantala ng konti dahil sa Covid, ngunit malaki na rin ang progreso natin. lalo na sa mga negosasyon para sa pagbili ng lupang tatayuan ng housing at pag-oorganisa ng mga grupong nasa danger zone at lugar na for-CMP (hindi dapat paisa-isa ang aplikasyon sa pabahay rito, para maiwasan ang palakasan).
    Ang aking taus-pusong pasasalamat at congratulations kina Kon. Rodrigo Asilo (introducer) at sa buong Sanggunian, G. Ricardo Reyes ng Task Force Pabahay, at kay Cong. Roman Romulo na malaki ang bahagi sa groundwork na ginawa natin para maipasa ang ordinansang ito.
    #PasigCity #UmaagosAngPagasa

ความคิดเห็น • 33

  • @LUIGIvlogger
    @LUIGIvlogger 4 ปีที่แล้ว +4

    Ganda ng mga sinabi ni MAYOR VICO kanina kahit ako na nagvovlog napapatango, sobrang totoo yung mga remarks niya lalo na sa pabahay. At least now may pag-asa na para sa mga totoong mahihirap na nangangailangan. God Bless Mayor Vico and Pasig! 🤍🙏🏼

  • @litasantos3573
    @litasantos3573 3 ปีที่แล้ว

    Good morning Mayor,masaya ako at excited s mga programa mo tungkol sa pabahay, ako po ay isa sa nagaaplay sa pabahay program dto sa Baranggay Santolan,tawiran sa kadahilanang matagal na kming nangungupahan gusto ko po magkaroon ng sariling bhay n masasabing amin.Maraming Salamat po kung mapapansin nio itong Message ko.Senior n po ako ,God bless at keep safe and healthy💮💮💮

  • @sheryllcadaingerodias4285
    @sheryllcadaingerodias4285 3 ปีที่แล้ว

    Iba ka sa lahat na aking nakilala Minamahal na punong lungsod Pasig City Sir Mayor Vico Sotto. 🤝👏🇵🇭 Hulog ka ng langit sa Lungsod Pasig at sa mga taong nakakakilala at makikila ka pa lamang.🤗🥰 Inspirasyon at HUWARAN Po kayo ng mga KABATAAN sa kasalukuyan at hinaharap. ♥️🙏🇵🇭 Naniniwala Po kami sa inyong kakayahan. Lagi po kayong gagabayan Ng ating Diyos Ama.♥️🙏
    #UmaagosAngPagAsa

  • @roziesulayao238
    @roziesulayao238 4 ปีที่แล้ว

    Mayor Vico paganda ng paganda ang mga speech mo malaman at makikita critical na pinag isipan..God Bless you and the pasigenyo..watching from Hong Kong

  • @choriepablo26
    @choriepablo26 3 ปีที่แล้ว

    Mayor Vico sana mabigyan nyo po ang pamilya ko ng pabahay nyo...Mabuhay kau at God Bless po!

  • @lesliejenndolar
    @lesliejenndolar 4 ปีที่แล้ว

    God bless and to all pasigeño and mayor Vico! Mabuhay po kayo💙💙💙

  • @still_e3
    @still_e3 4 ปีที่แล้ว +1

    Salamat Mayor, napansin ko nagsasalita ka mula sa iyong puso. God bless you po and the whole City Council!

  • @tajmajal4197
    @tajmajal4197 4 ปีที่แล้ว

    thank God, may vico sotto na hindi nagmana sa kanyang tiyuhin. dear mayor, you're one of the very very few now in the government who truly know the meaning of words such as service, honour, dignity, honesty, love of fellow countrymen. your mom must be very proud of you. takot sa iyo ang mga magnanakaw na nasa itaas ng hierarchy because they get eclipsed, at nakikita ang kanilang kaitiman (figuratively speaking) kapag itinatabi sa iyo. kung kagaya mo lang sana ang lahat ng public servants ay walang mahirap na pilipino, walang umiiyak akong makikita habang iniinterbyu sa tv kung kinukumusta na ang buhay nila, lalo na sa panahong ito. (that's really heart-breaking.) the national govt has money, has enough funds to ease ordinary pinoys' lives, but only a handful are benefited by that. makikita sa ibang bansang mababa ang corruption rate, specifically, ang pagnanakaw sa kaban ng bayan, na halos walang nagugutom. kapag ginutom sila ay kasalanan na nila iyon (alcohol, illegal drugs). that's also possible in the phils, pero nasa mga nakaupo at sa mga kaibigan/cronies nila ang problema: walang takot sa Dios kaya wala ring takot sa paggawa ng katiwalian.

  • @mariatheresaspiridon3954
    @mariatheresaspiridon3954 4 ปีที่แล้ว

    Salamat Mayor Vico. Napaganda ng inyong Pangbahay Program. Yong totoong mahirap, ang makatanggap dahil wala na palakasan. You are a blessing to Pasigueno. Ingat Mayor.

  • @eduardorocamora8948
    @eduardorocamora8948 4 ปีที่แล้ว

    Salute po sanyo ni major isko Pres Duterte magndang huwran kayu sna maging kgya sanyu mga namumuno pagmamahal s ating bansa.patuluy kayung gabayn ng ating mahal na Panginoon..

  • @leencollumagui4033
    @leencollumagui4033 4 ปีที่แล้ว

    Napakahusay na mayor....

  • @WalterR20123
    @WalterR20123 4 ปีที่แล้ว

    Maraming Salamat Mayor Vico sana makapag apply po kami sa inyong programang Pabahay . Sobrang hirap at di madali ang walang sariling bahay. Yung tipong palipat lipat ng bahay at walang permanenteng tirahan kht bahain ung lugar no choice po dahil sobrang hirap na po mangupahan.😭😔☹️

  • @starmom2226
    @starmom2226 4 ปีที่แล้ว

    Salamat po Mayor Vico dhel umaagos tlaga ang pagasa dito sa Pasig. Salamat sa mabuting pamumuno niyo po. Mabuhay ka! 🥰 ingat ka po lagi at mahal ka namin mga Pasigueño.

  • @kunapetallar6231
    @kunapetallar6231 4 ปีที่แล้ว

    Mayor Vico, sana po kasama sa makaavail ng Proyektong Pabahay ang mga ulila na walang kakayahang magpundar ng sariling bahay. Mahirap po mangupahan o makitira kung saan saan.

  • @annielopezvlogpersonwithdi2991
    @annielopezvlogpersonwithdi2991 4 ปีที่แล้ว

    Good day po Mayor, from Santolan, Pasig po, sana isa po sa mga maswerteng makapag avail ng pabahay nyo, matagal na po kaming nangungupahan, at palagi pong binabaha tuwing may bagyo, sana po mabigyan ng pagkakataon na magkarron ng maayos na bahay. May dalawa po akong anak. Isa po akong PWD. Aasawa ko naman po ay driver. Maraming salamat po.

  • @kathykaye5195
    @kathykaye5195 4 ปีที่แล้ว

    Thank you Mayor
    and good day!
    Masaya ako at excited na mag- aapply sa pa bahay niyo. Sobrang nakakataba ng puso na may pag-asa para sa aming mga mahihirap. Mabuhay ka mayor.💕🌻

  • @rheicenteno7710
    @rheicenteno7710 4 ปีที่แล้ว

    Thanks Mayor for always putting the pasiguenos first! God bless!

  • @rebeccamelo3211
    @rebeccamelo3211 4 ปีที่แล้ว

    Thank You Mayor Vico, Your doing a good job. Mabuhay po pasigueno.

  • @junstv6840
    @junstv6840 4 ปีที่แล้ว

    Salamat po mayor s pagiging tapat at patas nyo sa mga pasigenyo
    Pagpalain ka palagi ng Diyos Mayor!

  • @DesTheExplorer
    @DesTheExplorer 4 ปีที่แล้ว

    Good morning mayor! Thank you for everything. Mabuhay ka and to all Pasigeños. Soar high & God bless! We love you!

  • @maritesslugonoros4838
    @maritesslugonoros4838 4 ปีที่แล้ว

    Blessed monday mayor..keepsafe mayor MVS..🙏💙

  • @japethobedienteofficial9015
    @japethobedienteofficial9015 4 ปีที่แล้ว

    God bless you Mayor vic.

  • @lovelyedit4232
    @lovelyedit4232 4 ปีที่แล้ว

    Blessed Monday morning Mayor Vico Sotto and to all Pasigeño stay safe everyone and God bless...watching from Lebanon...

  • @cyrilpaduganao3
    @cyrilpaduganao3 4 ปีที่แล้ว

    Sana po mayor mkakuha dn po kmng pbahay nyo godbless

  • @gojo-i2x
    @gojo-i2x 4 ปีที่แล้ว

    💙💙💙

  • @shedirstar963
    @shedirstar963 4 ปีที่แล้ว

    Sana Mayor kasama kaming mga ofw sa pabahay nyo..
    Sana po pwede kami mag apply ng pabahay nyo.

  • @samther5865
    @samther5865 4 ปีที่แล้ว

    Hello po mayor sna mkakuha dn aq ng pabahay jn kc mayor nahhirapan kme umupa,. Pra dn malau ung anak q s pag aaral at pra jn qn po cxa pabbotohin..mayor pls po pra dn kme malau jn gusto q jn n kme for life,

  • @mic5733
    @mic5733 4 ปีที่แล้ว

    Mayor I love you po hahahahahha charot po mayor kung nabasa nyo po tong comment nato sakin kana hahahaha charot lang po mayor ako nalang opppppsss sorry pa heart naman po mayor kung nabasa nyo po to love you po

  • @audrelyngaray1894
    @audrelyngaray1894 4 ปีที่แล้ว

    Mayor na vlogger pa. San ka pa? Charot v.v

  • @lorenafabila8389
    @lorenafabila8389 4 ปีที่แล้ว

    Mayor #vicosotto good afternoon poh... Ask qlng poh paanu poh b kmi nkaka avail or magkakaroon ngbpabahay nyo poh... Leaking Pasig poh asawa q.. nkikita lng poh kmi s byenan q... Medyo may d pag kakaunawaan kmi dto mayor.. paano poh b aq makasali s pabahay nyo poh.. Anu Anu poh b requirements jan mayor... Matagal qna poh inaabangan yang pabahay nyo poh, mayor Sana poh mkapagbapply din poh aq jan... Sana poh isa poh aq s matulungan nyo poh para s ingyong pabahay.... Maraming salamat poh mayor vico... Isa poh aqong Enum s pamaskong handog nyo poh last year...

  • @kayeceemadizonsula6609
    @kayeceemadizonsula6609 4 ปีที่แล้ว

    hi po mayor vico ano po mga requirments para po sa pag aapply ng pabahay salamat po at panoo po mag apply sa pabahay. salamat po kung mapapansin nyo ang aking comment😊god bless you po mayor☺

  • @SarahReyes-l2h
    @SarahReyes-l2h วันที่ผ่านมา

    Mayor Vico , i am sorry po , ako po si sarah reyes ang nag abot po ng informal letters sa iyo pong 12-27-23. ano po ito, bukod po sa wala po tayo privacy. . hindi po ako makagalaw ng maayos. it is so uncomfortable po . biukod po sila po scam at sila lang po ang trolls po , at ako po ay totoo kasi totoo po inabot ko po sa kamay mo po mga sulat po . praying to God nasa sana po hindi nyo po tinaponlahat ng naibot ko po sa iyo po , even ung last Christmas gift ko po 12=23 -24. nakakaiyak po ito, ano po ba ito Maze . hindi po ako makalabas po 😢😢😢😢😢😢

  • @kasag3634
    @kasag3634 2 ปีที่แล้ว

    ❤️❤️❤️