ANO ANG MGA DAPAT IHANDA BAGO MAG ALAGA NG 50 HEADS BROILERS?
ฝัง
- เผยแพร่เมื่อ 4 ธ.ค. 2024
- Hello mga KAPAKNERS :)
Welcome back to my youtube channel...
Ngayon naman ay ibabahagi ko sa inyo kung #ano ang mga dapat ihanda bago mag alaga ng #50 heads broilers.
Halina't samahan nyo akong talakayin ang mga ito upang magkaroon tayo ng magandang outcome sa bigat at laki ng ating mga alagang broilers.
Sa mga katulad kong baguhan ngunit may karanasan na sa pag aalaga ng #45days o broilers ay para sa inyo ito.
Ginawa ko ang video na ito upang makatulong sa mga gustong magmanukan din. Makatutulong ito upang maiwasan ang maramihang pagkakasakit o pagkalaroon ng mortality.
Ilan lamang ito sa marami pang dapat tandaan bago mag-alaga ng broiler.
Ilan na dito ay ang maayos at sapat na cage para sa ating mga sisiw.
Nga pala #KAPAKNERS...kung bago ka palang sa aking channel ay MAGSUBSCRIBE NA!!!!!
Upang mas maging updated ka s mga susunod kongmga videos...
HANGGANG SA MULI!!!!!
#45DAYS
#BROILERS
#ANO
#CHICKBOOSTER
#KAPAKNERS
Hello po mga kapakners. Ipagpaumanhin po ninyo kung sa video ito ay makikita nyo na nailapit ang tubig sa ilaw. Hindi ko nalang po na-edit. Pero sa actual po ay inilayo yan namin that time. Medyo baguhan palang po kasi sa pagbavlog kaya marami pang dapat sanayin. Maraming salamat po sa inyong lahat. God bless po.
Good evening po sir. Tanong lang po ilang araw pakainin ng chick booster ang sisiw bago pakainin ng starter
Salamat po sir
@@ryanarcayan1513
Chick booster - 1-15th day
Starter - 16th - 26th day
Finisher 27th -35th/harvest.
Yan po😊
@@sirbenmar3193 maraming salamat po sir
@@sirbenmar3193 sir ilang araw po mananatili ang mga sisiw sa brooding area po, bago ilipat sa malaking ispasyu na kulungan?
Additional tips lang po sir, yung waterer nyo po mas mainam na may patungan sya say yung basag nyong takip din ng waterer pra po pantay leeg lang nila ang pag inum at pra po di sila mabasa ng tubig, minsan kasi magsisiksikan sila sa pag inum at yung iba masisiksik sa loob at nababasa at maaring masipon po sila. Keep on sharing po para makatulong tayo sa mga gustong mag alaga ng broiler!! Salute ka broiler!!
Thank you po Kapakners..😇😇😇
Thanks for sharing po sir.....Kaya ako napasearch about sa pagsisimula mag alaga ng 45 days broiler Ay para po sa mga anak ko na gusto kong matutunan nila Kung papano mag alaga...and your video is a big help for me po😊😊
Thank you thank you
Mag i start na po sila soon once na ok na Yung kulungan.. salamat din po sa mga tips from the comments po..god bless😊
I really appreciate po lahat ng mga sinabi nyo. Hoping po na mapanood nyo pa ang iba kong mga vlogs about sa pagmamanukan. At makakaasa po kayong mas hahasain ko pa po ang pagbavlog nang sa gayon ay malinaw kong maibahagi ang aking mga karanasan sa pag aalaga ng manok.
Once again.
Thank you so much.
God bless.
Date check 06/02/2023. Salamat po sa pag share ng experience niyo sir Ben. Laking tulong po nito sa katulad ko na bago palang at gustong magsimula sa pagmamanukan. Nakakainspire din po yung pagbabackyard farming at the same nagvavlogging. Sana po mapansin Salamat.
extra kaalaman nanaman ako natutunan dito sir salamat
Another learning pwede na ako mag try
Bio 2 n ata ser patuka mo,if hinde ano po gamit mo to 1-7 day
7-14 day
14-21day
Good day po. Ang gamit po namin ay Sarimanok chickbooster - First -15th day.
Sarimanok chick starter - 16th - 26th day.
Sarimanok chick finisher form 27- 35th day/harvest.
Thanks for more tips and idea sir God bless you
Kabayan tanong ko lng 50 peraso sa 45day boilers mag kaano isang peraso
Thank you sir for sharing this vedeo godbless po
Hello sir,ask Lang ko, nay epikto ba ang pag laki kahit walang ilaw sa gabi?
Paano po magpakain oras2 po ba at magpainom ng tubig at vitamins
Buti pa sa inyo dyan sir maraming supply na sisiw dito sa amin sa bohol ang hirap mka hanap.
Nawalan din po kami ng supply. Dahil po ng outbreak.
Sir yang ginawa mo po kulungan ,,gang sa ma harvest n po sila
LED lang ba yung ilaw na gamit mo boss? Nkakapagbigay din ba ng init yan?
Incandescent bulb po kung gusto po na magbigay ng init. Pero kapag malalaki na po ay led light nalang po
Ilang liters po kada isang sasyey ng digestiaide?
1.5 liters po/ per sachet.
Sir benmar pano naman po bukas po ung ilaw pero lumalayo po sila pero dikit dikit, naiinitan po ba sila?
Naiinitan po kapag lahat sila ay na gilid ng kulungan.
Sir ilang temperature required s brooding po. May listahan po b kyo kung ilang araw ang sisiw at ilang temperature ang need? Slmt
1 day - 33 degre celcius
2 days - 32
3-7 days - 30
8-14 days 26-28 degrees
15-21days 24-25
22 days pataas 20-23 degree
27 pataas po ay led light na po.
Yan kapakner. Pero sa amin po hindi nadin namin nasusunod yan. Sa ibang malalaking poultry ay talagang sinusunod ponila yan.. Lalo na kong mga nasa pang commercial na ang pag aalaga. Yun pong mga nasa 20k chicks na ang inaalagaan.
@@sirbenmar3193 salamat😊😊😊
1 WATT PER BIRD..
Dapat po malayo Ang tubigan sa ilaw para dipo mag heat Ang tubig
Opo. Sa video lang po nailapit.
Sir matanung ko lg po yun po ba ang lagayan niyo po ng tubig ay un na po yung pnka malaki? Pwde po ba tubig nawasa painum?
Pwede po yung tubig nawasa. Meron pong mas malaking painuman ng tubig kapag malalaki na po ang broiler
Sir pano po gagawin pag malangaw gawa ng ipot ng sisiw?
th-cam.com/video/AdGX0EYi9Rc/w-d-xo.html
boss saan maganda bmili ng sisiw caloocan po ako
Pwede po b mag alaga ng manok mlapit sa dagat
Yes po.
Mabilis po ba yan lumaki at ilang months bago pweding katayhin or ulamin?
35 days lang. 2-2.3kg
Very helpful idol . 😍😍
Ano po yong powder na pinainom nyo?
Salamat po sa tanong. Digestiade po ang powder na inihahalo namin sa tubig. Ginagamit po namin ito pagkadating ng sisiw. Nakakatulong po ito na maalis po ang stress ng atingmga sisiw mula s mahabang biyahe
Another form.of electrolites ba yan sir. ?
Magkano po bili nyo sa sisiw bawat isa or pag pinakyaw salamat po sa sagot. GOD BLESS.
Pabago bago po ang price. May 54, 58, 49.
Boss ok lang ba vetracin gold ilagay inumin nila pagkadating ng sisiw?
Pwede din naman po sir. Pero sa mas mababang dosage lang po.
Sana maging successful
Thank you po
nice for business
Thank you po KAPAKNERS... 😇
Sir may tips po ba kayu sa pagpa kain ng 50 broiler chicks 1 to 30 days?
You can watch my other videos po. Sarimanok feeds po ang patuka namin.
1-15 days ay booster
16-26 days ay starter
27-35 days ay finisher. Yan po
Sa 100 pcs sir ano po sukat ng kulungn.
Pwede pong iba iba.
Pwede ang 10feet by 12 feet. Sakto lang
Pwede din po ang 15 feet by 10 feet. Maluwag na po ito , hindi na magsisiksikan ang mga manok kapag malalaki na sila. Saka maglalagay parin po kasi kayo ng painuman at patukaan. Kakain parin ito ng espasyo sa loob ng cage
Boss yung kulungan ba na yan, yan din gagamitin hanggang pag laki nila or need pa gumawa ng bagong kulungan? Salamat!
Yes po ito na.
Gaano po kalaki ang kulungan sa 50 heads na broiler
12 feet - length
6 feet - width
Katamtaman na po yan. Kasi lalayan pa ang drinker at feeders.
loc nyo po? at magkano po sisiw nyo jan?
Gaano po kadalas nagpapalit ng tubig?
Ang pure water po ay every other day po
Hi sir saan po kaya merong legit supplier ng mga 45days broiler chicks po? Thanks
Naku mam, yan po ang hindi ko masasagot. Kami po kasi eh nagpapatrserve lang dito sa lugar namin na kakilala po talaga.
Diba may grams po ang pagpapa kain sa kanila? Sana sir bigyan nyu ako ng tips
Meron po. You can watch my other videos po.
Sir pwede bang i breed ang mga 45 days na manok para sila ay mangitlog at dumami. If hindi nyo pa sir alam ok lang po. Search ko nalang
Hindi po sir eh naitanong ko narin po iyan sa pinagkukuhanan namin ng sisiw. Sa hatchery lang nakakaalam. Ang alam ko po kung gagawing native ay pwede. Pwede po kasing pakastahan sa native na tandang
Sir san Po pd magorder NG mga sisiw na class A at magkano po
Every day po ba binibigyan ng electrogen?
Ung ibang batch po ay every day. Nung hindi pa po kami nagamit ng Multi - V
Sir ilan po maubos ng 50 heads n 45 dyas sir check booster,starter,at finisher po slamt po sir
Ma'am, sa susunod ko pong video yan po ang aking content. Pasensya na po wala po kasi akong malinaw na dami ng pagkain. Sinusuma total ko pa po. By this following days po maaupload ko na po un. Salamat po
Sir benmar hanggang ilang araw po sila pwede pa inumin? Balak ko din mag alaga ng sisiw nakakatuwa. Papansin po ako
Painumin po ng alin Ma'am?
Saan kapo bumili ng mga Sisiw?
Ano pong sukat nyang kulungan na pang 50 heads lang and ilang days po bago niyo sila ilipat sa mas malaking kulungan? Ty po 😇
Pwede na po ang 12 feet length by 5 feet wide ang sa brooding stage. Sa ika 15th day po pwede na.
Boss san po kayo kumukuha ng mga sisiw.
Dito lang din po sa lugar namin sir. Pero sa pagkakaalam ko po ay galing pa sa labas ng Mindoro ang mga sisiw. Taga Oriental Mindoro po ako. 😊
Okay lang ba maglagay nang manukan sa area ng niyugan or may particular ba na area na dapat kung magstart nang 45 days broiler po?
Okay lang po kahit sa niyugan as long as maganda at safe sa basa, lamig ang mga alagang sisiw.☺️
@@sirbenmar3193 salamat po sa reply..
Kakatuwa nman sir yung waterer mo...kabilin bilinan mo dapat ilayo sa ilaw para hindi mainitan...masyado malikot kung saan saan napunta ..ang ending nkadikit na sa ilaw...🤣🤣🤣🤣🤣
Kaya nga po kapakner. Sa sobrang pagfocus sa pagvivideo ay nalimutan na. Anyways sa video lang yan. Inayos ko naman yan sa actual. Salamat sa pagpuna kapakner. God bless po.
ano po ung ihinalo niyo s tubig ?
Hello po.
Kapag bagong dating po ang sisiw at kalalagay lang po sa cage ay Digestiade po ang inihahalo namin. Anti stress po at iwas pagtatae. (one day) lang po... Next na po ang Electrogen.
Dpat po ba Boss naka Formal Attire?
Galing pong work
taga samar po ako sir saan ba makakabili ng alagaan 45 days mayroon po ba sa catbalogan samar....
Naku po sir, hindi ko po masasagot. Pasensya na po. Oriental Mindoro po ang location ko. Pwede po kayong pumunta sa bayan/palengke ninyo. Ask nyo po ung tindahan ng feeds ng manok. Baka po may mairecommend silang hatchery na pwede nyong pagkunan. Mag iingat lang po sa pagbili ng sisiw.
@@sirbenmar3193 ah ok thank you sir...
Bossing may tanong po aqo,,nangingitlog po ba Yong 45 day
Yes po. Kapag gagawin nyo pong native. Yung pong lampas na sa 45 days... Mayroon po ang aking kasamahang nag aalaga din po ng manok. At natry na po nilang pakastahan sa native na tandang. At nangitlog naman po. Pero yun po ay not intended para lagaan ang sisiw...
Yes po bsta may tandang kasi hnd bwede n feeds ang mgpaitlog s knila kung plno mo mg breed.iabot mo ng 4/2 months magitlog n sila
sir ilang watts po ng ilaw ang dapat gamitin?
1 watt per sisiw po.
anu po gamit u patuka
Sarimanok po
Nice sharing lods. Looking forward for another video. Support here!!! Keep safe and connected. Salamat po.
saan po kayo nakabili ng sisiw
Dito lang po samin. Oriental Mindoro po
Boss dapat malayo ang ilaw sa tubig
Opo sir malayo po. Sa video lang po sumala😊
Sinusunod nyo Po ba Ang 45 days na pakain Po??
Hanggang 35 days lang po na pag papakain. After po nun ay didispose na.
Maam @ Sir,saan po kaya aq makabili ng sisiw anong location po at address
Hello po sir. Ikinalulungkot ko po. Wala po akong alam na location dyan na nagbebenta ng sisiw. Pasensya na po.
Dto Po smin marami po
Dapat ba lods walang hangin na papasok sa kulungan
Sa first 5 days sir. Para safe pero kung super init naman na ng panahon eh okay lang po na medyo bukas. Huwag lang po ung mahalumigmig
@@sirbenmar3193 lods pano kung sobrang init na humingingal Sila ? Kahit buksan mo na lahat ? Ung iba binibigyan nila ng electric fan .. pwede na un ?
Yes sir. Mas maganda po may electric fan. 🥰
@@sirbenmar3193 boss magkano Po pagbenta nio ngaun per kilo ?
@@sirbenmar3193 boss magkano na Po pagbenta nio per kilo ?
Saan po kayo sir nakakabili ng sisiw.
Dito lang din po sa lugar namin Ma'am. Oriental Mindoro po😊
Magkano isang sisiw plano nadin po magstart
45 po per sisiw.
@@sirbenmar3193 thank you sir. Tapos, ano pong pagkain nila and magkano po per kilo?
@@juliusperez7729 ang pinakakain po namin ay sarimanok feeds. Pero magtatry pp kami ngayon ng bmeg essential.
Magkano po gasatos nyo sa 20 head broiler chicken at kita nyo po. pa sagot na lang po dahil mag umpisa po ako mag sa 20 head na broiler po para Malaman ko kung magkano gastos.. po
Hello po sir. 😊
Bibigyan ko nalang po kayo ng estimated.
Sa 20 heads po ay nasa 10 kg ng booster ang maipapakain nyo from 1st to 15 days.
= 340 pesos
Sa Starter stage naman po ay 20 kilos ng feeds ang maipapakain.
= 680
At sa finisher stage po ay 30 kg ng feed ang maipapakain.
= 1020
Total feeds expenses : 2,040
Plus kung magkano ang presyo dyan ng sisiw sa inyong lugar.
Ipagpalagay po ng 39 ang isa times 20
= 780 pesos ang 20 heads..
Plus antibiotics at vitamins. = 150
2,040+780+150
2,970 total expenses.
Halimbawa po maganda or mahal ang presyo ng manok dyan samarket nyo plus mabibigat din ang manok
Ipagpalagay na 110 ang kilo sa buhay at nagrirange sa 1.8-2kg ang manok nyo.
Halimbawa meron kang 15 manok na 1.8 kg ang bigat.
So, 1.8 x 15 x 110 = 2,970
Plus meron kang 5 na 2 kg ang bigat.
2x 5 x 110 = 1100
Total income : 2970+1100
= 4, 070 - total expenses na 2970
= 1100 ang kita
Basta sa experience po namin pagdami ng bilang ng manok pagtaas ng kita depende sa market price at ganda ng paglaki ng manok.
Pasensya na sir, medyo nahirapan din ako magpaliwanag 70-100 po mga alaga namin.
@@sirbenmar3193 thank you for sharing your experience sir. 😊
@@sirbenmar3193 nice explanation 👍
Yung poultry sir na may alaga na 40k heads 3.6 milyon b neto nun??
Possibke po sir, as long as
Merong kang enough space para pag alagaan nung 40k heads. Meron kang technician na mapagmahal sa pagpapalaki pagmamanage ng manukan, at enough time para bisitahin at icheck ito palagi.
Sir pagka ubos po ng electrolytes sa day 1 pede na po ba sa day 2 vetracin gold?
Kung for prevention po sa sakit ang purpose nyo sa paggamit vetracin gold ay pwede po. Pero kung para mamaintain ang sigla nila ay pwede naman pong ituloy nyo ang pagpapainom ng electrogen.
Boss saan ka nakakabili.ng manoo sisiw
Dito lang din po sir saming lugar. May nagtitinda po dito sa amin Mindoro po
Masubokan nga boss maganda pala mag alaga nyan
Good day po. Sir isa lng ba ung ilaw na gamit nio sa 50pcs na sisiw? Ilang wats po yan.?
Yes po. 50 watts ang gamit namin. 1 watt per sisiw. Pero mas maganda po sana na dalawang 25 watts na ilaw ang gamitin para well distributed ang heat and light kung malaki ang brooding cage.
@@sirbenmar3193 ay opo. Hindi ko kz alam my 50watts pla kya 2 socket po nabili nmin para 2pcs of 25w ang bilhin ilaw. Bali ang haba po ng kulungan nmin 9meters at lawak naman po eh 1 1/2metro bali hinati po muna ung haba nilagyan ng division ggwing broding area. Ok na po kaya un sa 50pcs.?
@@victoriavelasco1803 okay na okay po yan. 😇😇😇maluwag po ang mga sisiw.
@@sirbenmar3193 gud pm po. Sir hanggang ilang days ba ung pakain na chick booster mash sa sisiw?
@@victoriavelasco1803 1-15 days po.
13th days - 75 % booster at 25 % starter
14th day- 50/50% booster at starter
15th day po ay 75% starter at 25 % booster.
16th day po. Starter na
May ibat-ibang uri pala ng mga Broilers, anopo mga uri nyan sir? At anopo yung the best na uri ng broilers yung mabilis lumaki at hindi sakitin?
Good morning po sir. Yes po. Marami pong uri ng sisiw. Nariyan ang Magnolia, Cobbs, Marshall, Minerva(not sure sa spelling). Sa akin pong nalaman, ang cobbs at magnolia po ay literal mabibigat. Malalaki po ang paa ng magnolia, pero sensitive po sila. Kailangan ng ibayong pag aalaga sa first to 14 days o yung tinatawag na pagbobrooding. Ang sabi naman po ng ibang nag aalaga or even nagbebenta ng sisiw, ang Minerva po ay medyo matibay ang immune system sa sakit at mabilis din po sa paglaki.
Base naman po doon sa tanong nyo. Kung alin ang mabilis lumaki. Ang sakin naman pong experience. Depende po sa mga sumusunod:
1. Wastong pagbobrooding
-may malaking factor po ito sa mabilis na paglaki ng sisiw.
2. Class po ng sisiw - Kapag po maganda ang klase o pinanggalingang inahin ng mga sisiw ay malalaki po talaga lalo na kung sinabayan pa ng maayos na pagbobroodin.
(Dito po sa amin may napagtatanungan po ako. In less than 35 days po ay nagrirange na ng 2.2-2.5 kg ang bigat kanilang manok which is Dressed na po yun.
3. Wastong pagpapakain at pagbibigay vitamins po.
Thank you po sir.
Ideal kopo jan..cobbs na malaking pwet. Mas madali lumaki...😉
@@insaktotv1425 Opo nga. Malalaki po at mabibigat.
Boss ala atang batute yung painuman mo? Mababasa mga yan
Yes po, Naexperience ko po na mabasa ang sisiw ko. 😊. Pero based po sa maraming beses naming pag-aalaga ng manok. Nababasa sila sa unang araw. Yun bang kalalagay mo palang ng sisiw at uhaw na uhaw kaya ang tnedency magsisiksikan. Then, isa pa po ay kung iisa ang painuman. Pero doon po sa other cage namin mayroon pong batute. 😊 thank you po sa adive. Mabuhay po tayong mga poultry raisers... 😇
Ilang sisiw po Ang capacity Ng Isang ilaw
Depende po sa wattage ng bulb. 1 watt per chick. So kung ang na ili nyo pong ilaw ay 25 watts edi 25 na sisiw din po.
Ano po size nung kulungan??
Hello po. Ito pong nasa video ay:
8 feet ang length
4 feet wide
3 feet po ang taas mula sa ground papuntang sahig ng mga sisiw. Medyo maliit lang po ito. Good for 25 heads.
May ginawa po ulit akong isa..
12 feet po ang haba.
6 feet po ang lawak
4 feet po ang taas.
Kung gagawa po kayo ay medyo taasan po ninyo ang sahig nila para maiwasangmaamoy ang kanilang ipot.
Good for 50 to 60 heads po.
Sa 50 heads, magkano nagastos mo mula nung binili tas feeds, hangang sa mabenta, salamat
2 1/2 SAKO UNTIL HARVEST..
Boss pano ung manok ko may kulay blue sa legs nila ? Sa vitamins o gamot ba un ? At pano tatanggalin ?
Sa tagal ko po sa page talaga ay wala PO akong na experience na kulay blue sa legs. Hindi po ba yung Blu's ay ugat nila
@@sirbenmar3193 ugat siguro boss .. bakit kaya ?
Kung okay naman po ang bigay at palaki ay okay lang po un
@@sirbenmar3193 oo boss 26days na Sila 1.4k na ung Iba boss ..
@jrstories9587 tuloy tuloy lang po. Best of luck po💗
Sir di ba di pa po agad pinapakawalan yung sisiw sa kulungan nila pagkadating? Dpat po magstay muna sila sa box nila ng ilang minuto para ma adopt nila ung klima sa new location nila..pagkakaalam ko lang po❤️
Advice din po samin yan sir. Pero hindi na namin ginagawa yun dahil yung sisw naman po ay nagkapagpahinga na doonsa tindahan na pinakuhanan namin. Ang dapat po siguro na pagpahingahin eh yun pong talanga malayo sa byahe. Which is ilang oras na naibyahe. Malapit lang naman po kasi ang pinagkukunan namin ng aming sisiw. Pero tama po yung sinasabi nyo. Salamat po sir.
sna merong bilihan sa nueva ecja
boss magandang araw sau magkano puhunan mo sa bawat isa at saan ka nakabili salamat po naghahanap din kasi ako baka may mairekomenda ka cavite lugar namin
Hello po PAKNER. Pabago bago po ang presyo ng sisiw. Mas mura kung sa mismong hatchery ka po bumili. Dahil sa may pwesto(tindahan) po kami bumili ay medyo mahal. 50 po ang isa. Pero mura naman po sa ibang tindahan. Ipagpaumanhin nyo po kung wala po akong mairerecommend dyan sa cavite. Wala po akong kilala dyan na seller po ng sisiw. Saka ingat po sa fb. Maraming scammer. Doon naman po sa kabuuang kapital, gastos at kita ay sa mga susunod ko pong video na iaupload. Salamat po. God bless.
ilang watts yung ilaw ya
Depende po sa bilang ng sisiw. Kung 40 pcs ay 40 watts po. 2 ilaw na tig 20 watts para balance s aloob ng kulungan
Pwedi po ba dextros powder sir ?
Hindi pa po ako nakatry nyan sir, pero sa iba ginagamit nila. Hindi po kasi nirecommend sakin nung tindahan na binilhan ko.
Salamat po
Magkano po bili nyo per chicks sir)
60 po. Medyo mahal pa po dito sa amin.
@@sirbenmar3193 salamat sir
Bos ask kulang po ano po ba inahin sa pagpaitlog ng 45 day manok, kc po wla ako vlog nakita kong saan po galing uong itlog ng 45 days na itlog or sisiw
Marami na din po akong napagtanungan nyan sir. Ang lagi lang nilang sinasagot ay may breeder silang ginagamit. Pero hindi nila masabi kung anong uri ng manok😊
Yang 45days ang gamiton nyo mga sir..nasubukan ko ang yan..umiitlog yan..at kumakasta ang lalaki..kaya ayaw nila sabihin satin kasi ngaawla ang customer nila..
@@zdudoza4225 salamat po info sir. God bless po.
Thank you po for sharing this video! Bago po sa chanel mo sir! God bless
Thank you po Ma'am. God bless po. 😇
Nong lumaki na sila kasya paba sila dyan? O ililipat muna ng kulungan?
Kasya naman po. Mesyo masikip nga lang po. Kaya yung iba nililipat ko sa ibang cage namin.
Akala ko b ilauo Ang tubig sa ikawan
Sabi mo kanina boss huwag ilapit yong tubigan sa ilaw...bakit inilapit mo? ..lol..saka sa unang araw dapat sa sahig muna ilagay yong patuka at huwag damihan..hindi rin mauubos yan at mapapanis...
Sa video lang yan nailapit kapatid. After ng video nailayo ko din yun nung mapansin ko. At Nagawa ko nadin ang sinasabi mong magpakain sasahig kapatid pero hindi maganda mas mabuti parin sa pakainan kasi naiiputan. Athindi rin mapapanis yun.. Kasi every 2 day nagpapalit kami.
Good days boss,saan pwd makabili ng 45 days na sisiw,at saan location niyo,salamat po
Sir Oriental Mindoro.
@@sirbenmar3193 salamat boss sa nueva ecija ako
@@dredgerslife2819 Wow.. Good luck po Kapakners... Sana, ay umunlad ang ating pagmamanukan. Salamat po.
@@sirbenmar3193 naghahanap palang boss mabili na sisiw goodluck boss
kulungan reveal po sir pls
saan po location nyo
Magakano bili nyo Isa lods???
Ang presyo po sisiw po namin that time po ay 59. Pero ngayon po ay 37 lang.
@@sirbenmar3193 mura Jan sa Inyo lods bumili Ako NG October 4 dito sa men 60 Isa 👍
@@sirbenmar3193 salamat sa reply lods
mas maganda boss portabLe cage na lang gamitin mo mas mabilis lumaki mga sisiw
Thank you sir.
hindi na po ba kayo nag papakain sa kanila ng chick booster sir ?
Nagpapakain po sir. Chick booster po. From 1st to 15th day po.
@@sirbenmar3193 salamat po sa idea sir. 😊
Welcome at maraming salamat din po. God bless po.
Hello po I'm new po pwde po mgtanong ung 30 chicks n pnimula kasya n po ba ang 5,500 pesos na mggstos gang madispose Ang sisiw slmat po sna mpnsin nyo po aq
Yes po. Syempre po mapapansin ko po kayo. 😊 lahat po ng nagtatanong sa mga vlog ko ay sinisikap ko pong sagutin.
Doon po sa tanong nyo na kung kasya ang 5,500 ay for me ay kasya po kung ready na ang kulungan at ang isasama lang po natin at feeds, vitamins at total price ng 30 heads na chicks.
Ito po ang aking estimation.
Sisiw:
39 pesos per chick x 30 heads = 1170 pesos
Feeds:
Booster = 15kg x 37/kg = 555
Stater = 30kg x 36/kg = 1080
Finisher=45kgx36/kg =1620
Vitamins and antibiotics
Digestiaide = 20
Vetracin Premium = 3 packs estimated 60 pesos
Vetracin gold = 100
Generic Multivitamins = 300pesos/kg
Total: 4,905
Yan po Ma'am. 😇
Shout out vera cruz rabbit farm vlog idol
tanong lang po sir, bat po kayo naka slocks at black shoes HAHAHA
Galing po sa trabaho.
Sabi nyo wag ilapit sa ilaw yung tubigan...😁
Inalayo din namin yun sir. 😊
After nung video.
@@sirbenmar3193 more videos sir...thanks
Sir ano fb account ninyo