PANALANGIN PARA SA MIYERKULES, IKA-1 NG MAYO , 2024- IKA-APAT NA ARAW -MISTERYO NG LUWALHATI

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 29 เม.ย. 2024
  • PAGNINILAY PARA SA IKA-APAT NA ARAW
    Pinakamamahal na Santang Ina, ikaw ay maawain sa lahat ng naghahanap sa iyo, maawa ka sa akin. Ipinagkakatiwala ko sa iyong mga kamay ang gusot at buhol na ito na umaagaw sa kapayapaan ng aking puso, na nagpaparalisa sa aking kaluluwa, at humahadlang sa aking paglapit sa aking Panginoon upang paglingkuran Siya sa aking buhay. Alisin mo ang gusot at buhol na ito sa aking buhay (sabihin ang iyong mga suliranin), O Ina, at hilingin kay Hesus na paigtingin ang aking pananampalataya upang hindi ito manamlay dahil sa mga batong balakid sa aking daan. Sa pamamagitan mo, pinakamamahal na Ina, nawa'y makita ko ang mga bato na ito bilang mga kaibigan. Sa halip na maging sagabal sila, ay maging daan sila upang ako ay makapagpasalamat ng walang katapusan at ng may ngiti ng tiwala sa iyong kapangyarihan.
    Maria, Tagapagkalag ng mga Buhol, ipanalangin mo ako.
    SI MARIA AY ANG ARAW AT ANG LAHAT AY MAKADARAMA NG INIT NG KANYANG PAGMAMAHAL.

ความคิดเห็น • 1

  • @user-yp1vb7fn3j
    @user-yp1vb7fn3j 21 วันที่ผ่านมา

    Hinihiling ko Po na ibsan nyo napo Ang init sa pilipinas,kawawa Yung mga bata na sa lansangan nakatira,mga tao Po na walang tirahan kungdi Ang lansangan,iyan Po Ang hiling ko sa iyo sa panalanging ito Amen