ALAMAT - 'Sa Panaginip Na Lang' (Official Lyric Video)

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 11 เม.ย. 2022
  • The official lyric video of 'Sa Panaginip Na Lang' by ALAMAT.
    Stream it here: bfan.link/ALAMAT-SaPanaginipN...
    On their second single for 2022, Pinoy pop group ALAMAT tweaks their sound and comes up with the pop rock-tinged ballad “Sa Panaginip Na Lang.” This yearning ballad, wherein ALAMAT sings about choosing to live in a dream rather than to live in a reality without ‘the one’ is quite the dramatic change in music style for the ace all-male Pinoy pop sing-and-dance group. But it's a welcome change nonetheless for Tomas, Taneo, R-ji, Alas, Mo and Jao who seem to thrive in change whether its internal or with regard to their music.
    Sa Panaginip Na Lang
    Alamat
    Composed by Sean Cedro
    Published by Viva Music Publishing, Inc
    Produced by Jason Paul Laxamana
    Arranged by Paulo Protacio
    Mixed and mastered by Japs Mendoza
    Vocal arrangement by Zebedee Zuñiga
    Recorded by Ponz Martinez
    LYRICS:
    Sa panaginip na lang
    Kita liligawan
    Dahil doon ay kontrolado ko
    Ang mangyayari
    Lahat ng gustuhin
    Lahat ng hilingin
    Aking ibibigay
    Lahat ay kakayanin
    Pipilitin ang sariling
    Hindi na magising
    Dahil ayoko
    Na masira ang mundo
    Kung saan kasama ka dahil
    Sa panaginip ko
    Tayo'y masayang magkasama
    Tanggap mo 'ko
    Kahit di ako perpekto
    Sa panaginip
    Lahat ng bituin ay
    Sang-ayon sa atin
    Kaya't sana'y di na magising
    Sa panaginip na lang
    Sa panaginip na lang
    Sa aking panaginip
    Di ka maiinip
    Lahat ng nagpapasaya sa'yo
    Ay ating gagawin
    Kung gusto mong lumipad
    Bibigyan ka ng pakpak
    Walang hahadlang sa atin
    Dahil tayo ang batas
    Pipilitin ang sariling
    Di na magising
    Dahil ayoko
    Na masira ang mundo
    Kung saan kasama ka dahil
    Sa panaginip ko
    Tayo'y masayang magkasama
    Tanggap mo 'ko
    Kahit ‘di ako perpekto
    Sa panaginip
    Lahat ng bituin ay
    Sang-ayon sa atin
    Kaya't sana'y ‘di na magising
    Ooh...
    Kung sa pagmulat ng mata
    Ikaw ay makikitang
    May kayakap nang iba
    Sa panaginip na lang
    Kung saan tayo'y masaya
    Sa panaginip ko
    Tayo'y masayang magkasama
    Tanggap mo 'ko
    Kahit di ako perpekto
    Sa panaginip
    Lahat ng bituin ay
    Sang-ayon sa atin
    Kaya't sana'y di na magising
    Sa panaginip na lang
    Sa panaginip na lang
    Sa panaginip na lang
    Sa panaginip na lang
    Sa panaginip na lang
  • บันเทิง

ความคิดเห็น • 2.2K

  • @ALAMAT
    @ALAMAT  2 ปีที่แล้ว +75

    Official music video is out now! Watch it here: th-cam.com/video/5oADOoBA8WM/w-d-xo.html 🤎

  • @JT-bs2lm
    @JT-bs2lm 2 ปีที่แล้ว +226

    Sana ilagay sa MV yung scene nila sa PPOPCON showing yung crowd, sarap sa mata.

    • @todaysstella2449
      @todaysstella2449 2 ปีที่แล้ว +12

      Lyric video pa lang naman to. Let's just boost this for an official music video release. 😊😊😊

    • @haliya9890
      @haliya9890 2 ปีที่แล้ว +8

      Oyyy sana ngaaa 🤧💖

    • @lizashares5986
      @lizashares5986 2 ปีที่แล้ว +7

      I hope so

    • @glengagni4771
      @glengagni4771 2 ปีที่แล้ว +1

      Good idea! Yes I hope they do that! That would be so awesome, or how Jao would say, “ super awesome!”

    • @SofiasHaven
      @SofiasHaven 2 ปีที่แล้ว +1

      That one is magical.

  • @ravelomark5888
    @ravelomark5888 2 ปีที่แล้ว +153

    While listening to this song with my headphones on. I can't help but cry becuase I'm reminiscing the paths these boys have gone through. From 9 down to 6, the struggles, pandemic, pressure, etc. In the end, the six of them remained and fought for their dreams. Hats off parin for the boys for their dedication. Let me remind the boys that hindi lang sila nag-iisa sa paglayag patungo sa inaasam na pangarap. Lahat kami ay na sa likod ninyong anim, hinahangaan at may tiwala kami sa inyo. Kaya boys, patuloy lang sa paglayag hanggang sa maka daong sa paroroonan!

  • @shigeokageyama3570
    @shigeokageyama3570 2 ปีที่แล้ว +25

    dahil sa title nitong song, naalala ko yung panaginip ko ilang araw bago i-announce ni gami ang departure nya sa grupo. Bale hindi ko pa sila gaano kilala nun kasi bagong fan pa lang ako, pero napanaginipan ko si Gami. Dun sa panaginip ko, mag isa lang sya tas nakaupo sya sa isang motor na naka park sa gilid ng highway. sobra daw akong nagtaka kasi napadpad sya sa probinsya namin. tas nilapitan ko sya at tinanong kung ano ginagawa nya dun at kung bakit mag isa s'ya. Hindi s'ya umimik. Then lumayo na lang ako kasi parang ayaw nya makipag usap, tas nakita ko na may lumapit sa kanya na guy na parang familiar, idk pero si coach zeb yung naalala ko base dun sa image dun sa panaginip. Kinausap n'ya daw si Gami then parang may iniabot s'ya, 'di ko lang nakita kung ano yun, tas umalis si Gami sakay dun sa motor. skl. 'di ko lang talaga malimutan yun kasi ilang araw makalipas ko sya mapanaginipan bigla na lang syang umalis😭 mukhang sa panaginip ko na lang silang makikitang kompleto:(

  • @cherry5400
    @cherry5400 2 ปีที่แล้ว +22

    ITONG ALAMAT ANG GAGANDA NG KANTA NILA WORTH IT I ISTAN MAHAL KO NA KAYO :)

  • @yootae2113
    @yootae2113 2 ปีที่แล้ว +113

    Napakagaganda ng boses niyo. Grabe! Stan Alamat!

  • @Annie-fo7nq
    @Annie-fo7nq 2 ปีที่แล้ว +175

    I used to be a bit concerned sa concept na binigay sa boys na to,para kasing may possibility na malimit sila bec of that pero here they are,doing various types at genre ng songs. And they are nailing it.

  • @lilkakashi079
    @lilkakashi079 2 ปีที่แล้ว +20

    Ang sakit talaga nito parang para sa isang fan na nainlove sa isang idol🥺

  • @allison246
    @allison246 2 ปีที่แล้ว +18

    "tanggap mo'ko kahit di ako perpekto" 🥺🥺🥺

  • @donna2223
    @donna2223 2 ปีที่แล้ว +22

    Kay aga-aga kaninang umaga pinapaiyak nyoko Alamat😭

  • @expialidocious4466
    @expialidocious4466 2 ปีที่แล้ว +158

    Congratulations po ALAMAT at Magiliws sa bago ninyong kanta!! May kurot...pero super relatable...and the vocals!! First time i heard it sa PPOP CON!

  • @littlemixfan6324
    @littlemixfan6324 2 ปีที่แล้ว +21

    Sa totoo lang, meron akong isang main group na ini stan pero fan ako ng ppop, kaya halos lahat naman ng kanta, pinapakinggan ko. Like this one(sa panaginip na lang). After kong pakinggan ng ilang beses, nagandahan ako. Tapos yun, tapos na.
    But then, let me share this to you.
    "Wayback *2008('08-1st year '12-4th year), nakilala ko si Arjay (not his real name). Naging classmate ko sya and eventually became my best friend. Pero nagkameron kami ng conflict at nawala yung closeness namin bago kami makagraduate. Masakit.
    Fast forward, days after the release of this song... Gulong gulo ako, nakita ko sya. Inaya nya akong lumabas. Kumain kami ng ice cream. Namili ng damit. ANG SAYA!!! sobraaa.. Wala kaming pakialam sa ibang tao sa paligid. Parang bumalik lang kami sa dati naming closeness. Nagkukulitan, tawanan, kwentuhan. Lahat.
    .
    Tapos, nagising ako... Unang ginawa ko is i check yung socmed acc. nya. Meron na syang pamilya. May anak, at sariling bahay na. Sa point na yun parang biglang paulit ulit na nagplay sa isip ko itong kanta. Hindi ko maexplain yung kalungkutan ko dahil sa sayang naramdaman ko sa panaginip. Alam kong sobrang tagal na, pero andito pa rin sya sa puso ko. We we're best friends. At hindi ko naisave kahit yung friendship man lang na yun. Pero ang pinakamasakit, hindi ko man lang nasabi na minahal ko sya, na hanggang ngayon, minamahal ko pa sya. At sa palagay ko, never nya na yung malalaman dahil ayoko na din syang guluhin. At sa panaginip na lang talaga posible yung KAMI. May pamilya na sya at masaya. At kung wala man, hindi rin naman sya magmamahal ng isang lalaki.

    • @teamlmx7087
      @teamlmx7087 2 ปีที่แล้ว +4

      hooooooooyyyyyyy

    • @C.E.D.I.C
      @C.E.D.I.C 2 ปีที่แล้ว +5

      Uy grabe di ko ini expect ung last line talaga :’(

    • @sheen1739
      @sheen1739 2 ปีที่แล้ว +1

      What a great spnl story:)

    • @teamlmx7087
      @teamlmx7087 2 ปีที่แล้ว +1

      @@C.E.D.I.C plot twist eh...

    • @littlemixfan6324
      @littlemixfan6324 2 ปีที่แล้ว +1

      Alam kong ang tagal na nun, sinubukan kong kalimutan sya, pero wala eh. Lagi pa rin syang bumabalik, everytime na parang mawawala sya sa isip ko, bigla ko syang mapapanaginipan.

  • @waltsapantaha830
    @waltsapantaha830 2 ปีที่แล้ว +16

    Kahit Tagalog only itong kanta, I think ppop pioneers pa rin Alamat 🤎

  • @leywarcasabal1105
    @leywarcasabal1105 2 ปีที่แล้ว +72

    Ito dapat yung binibigyan ng recognition e, magandang boses, magandang mensahe ng kanta.

  • @syrenatty
    @syrenatty 2 ปีที่แล้ว +190

    ANG GANDA!!! So far lahat ng singles ni ALAMAT puro talaga quality, walang tapon. Ang ganda ng harmonization.
    First time din hearing a song from them without their trademark "ALAMAT handa 'rap"!
    Medyo naging emotional ako nung nakita ko 6 lang yung stars sa 2:52 !!! I think it represents the 6 remaining members of ALAMAT! 😭😭😭😭😭😭
    STAY STRONG, ALAMAT!!! We are here for you!!! #LSS #Support

    • @magiliw_alamat
      @magiliw_alamat 2 ปีที่แล้ว +16

      Yung moon, sina Gami at Valfer. 😭

    • @hannahgomez3517
      @hannahgomez3517 2 ปีที่แล้ว +7

      @@magiliw_alamat miss them po 😭😭

    • @nameji7627
      @nameji7627 2 ปีที่แล้ว +3

      😭😭😭

    • @eijiaa5441
      @eijiaa5441 2 ปีที่แล้ว +5

      Kahit yung lights din po sa 1:00 , 6 lang din. The lyric video is really good!!!!

    • @ralphlorenzperolino3054
      @ralphlorenzperolino3054 2 ปีที่แล้ว +4

      @@magiliw_alamat Uhh, don't forget Kin and Ambri.
      Ambri - Left during their pre-debut
      Kin - Left the group during Kbye era

  • @camillea5001
    @camillea5001 2 ปีที่แล้ว +20

    iba talaga effect nito pag gabi 😭

  • @JaysaveSerue
    @JaysaveSerue 2 ปีที่แล้ว +16

    Paul Valery once said that the best way to make your dreams come true is to wake up. But what if, the dream that you've been dreaming of already feels vivid and real? Would you still wake up?
    Lucid dreaming has become our way of living our expectations, our own versions of reality. It might be so detached from the world that many would instill in us, but at least for once or for all, you're able to make your dreams come true.
    Forever grateful that I was able to witness the historical live debut stage performance of ALAMAT new single #SaPanaginipNaLang na sobrang ganda at mapanakit at the same time.

  • @christina8513
    @christina8513 2 ปีที่แล้ว +33

    Da best tlaga discog niyo ALAMAT!

  • @ashlytorcuator1141
    @ashlytorcuator1141 2 ปีที่แล้ว +31

    grabe sobra akong nabaliw dito no'ng ppop con🥺 this makes me stan them ramdam na ramdam ko yung emotions while performing them

  • @tuscanoirishgeanne.395
    @tuscanoirishgeanne.395 2 ปีที่แล้ว +20

    Sa panaginip nalang talaga

  • @quinsyarmadeaio
    @quinsyarmadeaio 2 ปีที่แล้ว +18

    This needs more views 😩 gawing TikTok BGM para makahakot this deserves a lot lot more 🥺

  • @awesxmedreamer4975
    @awesxmedreamer4975 2 ปีที่แล้ว +60

    Bagay talagang 'tong OST para sa isang Viva Film. Rekdi, baka naman!

    • @asherminho1207
      @asherminho1207 2 ปีที่แล้ว +1

      It will be an OST yata ng Viva Films Expressive Candy nina Julia.

  • @nctstan6564
    @nctstan6564 2 ปีที่แล้ว +22

    Ang ganda , goosebumps nung narinig koto sa ppop con

  • @justfor8
    @justfor8 2 ปีที่แล้ว +19

    Hay Alamat. Haranahin nyo nga ako hahahaha kilig na kilig ako sa boses nyo 😭😭😭

  • @atiniiymee1891
    @atiniiymee1891 2 ปีที่แล้ว +19

    Ang sarap magdrama hoooy Alamat😭

  • @kalesuson9839
    @kalesuson9839 2 ปีที่แล้ว +40

    I'm trying my best not to cry but when I put the song on my POV to my late cat, I started bawling my eyes with tears. He's been there for me on my darkest times at ngayon, sa panaginip ko na lang siya nakakasama.
    tw// death
    his death was inevitable for us and it hurts so much until now. whenever I miss him, I just say na "dalaw ka sa panaginip ko ming ha, tabi tayo."
    sana kontrolado ko rin ang mundo, mingming, para masayang magkasama la rin tayo :((((

  • @leyapine
    @leyapine 2 ปีที่แล้ว +74

    Bagong Magiliw here (mid to late March lang) at kayo talaga ang dahilan ng pagpunta ko sa PPOP Con. There is just something in you guys that is so raw, so vulnerable-sabi nga sa lyrics ng kantang to, “Tanggap mo ‘ko kahit di ako perpekto”. Your journey has been rough at wala man ako noon handa akong sumabay sa paglakad ninyo pasulong.
    Linawin ko lang din na it’s not just about your story as a group kaya ako napamahal. Yung talent ninyo, syempre. Vocals, Dance, Visuals. Yung mga nakakaindak at nakakainspire ninyong awitin. Isama na tong kantang to ba’t ganun mapanakit! Huhu. Pero ayun. Wishing for your success ALAMAT. Sana magtuloy-tuloy-tuloy na. 🤎

    • @titappop3725
      @titappop3725 2 ปีที่แล้ว +10

      Welcome sa Brgy Magiliw! 🤎

    • @azucenaserue7276
      @azucenaserue7276 2 ปีที่แล้ว +7

      Ang ganda nito. Salamat and maligayang paglayag!

    • @jieann5852
      @jieann5852 2 ปีที่แล้ว +4

      Welcome

    • @livynarra8709
      @livynarra8709 2 ปีที่แล้ว +4

      Welcome sa Brgy. Magiliw, naiyak ako Sa comment mu.. on point.. last year January 2021 ako maging Magiliw and hanggang ngaun, Hindi pa rin ako binibigay nang mga Ginoo!

  • @winchiepinchie
    @winchiepinchie 2 ปีที่แล้ว +18

    Dear Alamat,
    We need a MV of this!
    One of the best lullaby, even though I cry to sleep with this. Ang sakit lang.

  • @magiliw_alamat
    @magiliw_alamat 2 ปีที่แล้ว +16

    Dito sa SPNL nakita ang improvements ng boses nina Alas at Taneo (kahit ang kaunti ng lines nila). Luv it 😩

  • @scarletoverkill314
    @scarletoverkill314 2 ปีที่แล้ว +20

    Nakita ko to kinanta nila sa ppop con at nagandahan ako. ☺️

  • @marlonestrada3693
    @marlonestrada3693 2 ปีที่แล้ว +114

    Nakakaiyak naalala ko si Papa, he passed away last year because of covid, and now sa Panaginip ko na lng siya nakakasama, Thanks ALAMAT for will support you hanggang dulo! Mahal ko kayo!

    • @ruthperez2846
      @ruthperez2846 2 ปีที่แล้ว +3

      bevs, di ka po magpapaiyak for today huhu, keep going po.

  • @georgetteaprilpolicarpio6479
    @georgetteaprilpolicarpio6479 2 ปีที่แล้ว +23

    i cried for the second time listening to this song. The first time was during the Ppop Con. I remembered my lola. I miss her so much. She passed away years ago. When I see her in my dreams, I don't get scared. Parang baliktad pa nga, mas confident ako, feeling ko protected ako. This song really hit me. I hope lola is happy wherever she is right now.

  • @miserableism
    @miserableism 2 ปีที่แล้ว +25

    BAKIT KAYO GANYAN, ALAMAT!! MASAYA NAMAN AKO KANINA EH! ANG SAKIT-SAKIT NG KANTANG 'TO. 🥺😭

  • @awesxmedreamer4975
    @awesxmedreamer4975 2 ปีที่แล้ว +27

    MO and TOMAS really prove that they are worth of the position for main vocalists!

  • @magiliw_alamat
    @magiliw_alamat 2 ปีที่แล้ว +63

    Basta Alamat, masterpiece talaga ang mga kanta! Ang gandaaa, ang sakit ng lyrics pero at the same time nakakarelax. Ito yung kanta na masarap pakinggan ng madaling araw tapos malamig o kaya habang bumabyahe pauwi sa gabi tapos nakatingin sa langit. At pati sa roadtrip.
    Mas nahighlight din mga boses nila dito. Rinig talaga yung improvements ng boses nila. Nakakatuwa kasi makikita talaga natin na kada bagong release nila ng kanta, ginagawa talaga nila yung best nila para mag-improve pa.
    CONGRATS MGA GINOO NAMIN! MORE CONCERTS TO COME AT SANA MAGKAROON NA KAYO NG ENDORCEMENTS, BILLBOARDS, AND MANY MORE. MAHAL NAMIN KAYO. SUPER NAKAKAPROUD. WALA NANG AALIS AH, LALABAN KAMI KASAMA NIYO! 😭

  • @ethanjustinperez2245
    @ethanjustinperez2245 2 ปีที่แล้ว +17

    Magandang balita! May M/V po ito pero kailangan nating maghintay :))

  • @jonnelg7905
    @jonnelg7905 2 ปีที่แล้ว +23

    "Sa panaginip nalang kita liligawan dahil Yun ay kontrolado ko Ang magyayari" Hits different! Pero sometimes kahit sa panaginip d mo parin talaga magawa syang makamit

  • @kendra2258
    @kendra2258 2 ปีที่แล้ว +48

    Nung ppopcon, itong kanta at yun sa php yun napakinggan ko na bago sa akin na nagandahan talaga ako..
    Ito na yun era na inaantay niyo Alamat! Congrats!

  • @awesxmedreamer4975
    @awesxmedreamer4975 2 ปีที่แล้ว +137

    ALAMAT, hindi na ito panaginip. Naging malubak man yung daan na una niyong tinahak kasama ang mga MAGILIW ay hindi maiitanggi na malayo na ang naging byahe niyo. Proud na proud ako sa inyo!

  • @viahope1206
    @viahope1206 2 ปีที่แล้ว +20

    Magandang gabi mga Magiliw. Sinong pabalik2 dito? 😅🤎

  • @gabrielle-dh6oh
    @gabrielle-dh6oh 2 ปีที่แล้ว +20

    Pwede pala maging malumanay ang "tayo ang batas" ahhahaha. Iba talaga ang Alamat & team. 💫

  • @-mathefel-3302
    @-mathefel-3302 2 ปีที่แล้ว +86

    Napakagandang awitin, Alamat! Napakahusay niyo talaga! ♡ Kayo ang magandang pangyayari sa buhay tagahanga ko ngayong taon, kahit na HANGGANG PANAGINIP KO LAMANG KAYO MAKIKITA AT MAKIKILALA sa personal. Hindi ko alam kung pagbibigyan ng pagkakataon, na sa reyalidad ay magagawa kong pasalamatan kayo nang harap-harapan dahil kayo ay kayo! Dahil sa musika, pananamit , at music video niyo na maka-Pilipino ay kayo ang naging daan para mas makilala ang ating kultura. Maraming salamat, Alamat! Patatag lang kayoo hanggang sa huli,nandito lang kaming mga Magiliw na sumusporta sainyooo. Mahal na mahal ko kayo, mga Ginoo!

  • @velarisstarlight2045
    @velarisstarlight2045 2 ปีที่แล้ว +286

    This kind of genre yung patok sa masang Pilipino. Sana mag-viral to kasi deserve niyo yung malawakang recognition from this song. Sobrang ganda!!!!!!

    • @judetuanzon3453
      @judetuanzon3453 2 ปีที่แล้ว +5

      Kaya nga mga soloist palagi love songs kinakanta kasi yun ang patok...Tabudlo for example, everyday no.1 sa Spotify

    • @jakehello2927
      @jakehello2927 2 ปีที่แล้ว +2

      deserve ng more exposure ng alamat

    • @judetuanzon3453
      @judetuanzon3453 2 ปีที่แล้ว +1

      @@jakehello2927 yeah baka mag ballad na lg to sila palagi

    • @samanthaaa0932
      @samanthaaa0932 2 ปีที่แล้ว +2

      true. kung ipropromote lang talaga nila tong kanta everywhere like sa tiktok, sigurado akong mag viviral talaga 'to

    • @cengvlogs5308
      @cengvlogs5308 2 ปีที่แล้ว +1

      I agree..

  • @losyon7430
    @losyon7430 2 ปีที่แล้ว +17

    Nagpapaiyak naman kayo alamat

  • @magiliw_alamat
    @magiliw_alamat 2 ปีที่แล้ว +14

    Sinisimulan ko ang araw ko sa umaga sa pakikinig ng ABKD at tinatapos ko ang araw ko sa pakikinig ng SPNL. Tapos sa hapon lahat na ng kanta nila haha. So ang bottomline, wala na akong ibang pinapakinggang mga kanta kundi puro sa kanila. Tapos palipat-lipat ako rito sa youtube at spotify. Skl. Ang perfect lang talaga sa gabi nitong SPNL pampatulog kahit hindi naman siya lullaby.

  • @romirin5723
    @romirin5723 2 ปีที่แล้ว +38

    Imagine hinarana kana ng Alamat! Sarap pakinggan ng boses nyo talaga ALAMAT! Sana mapakinggan pa ng lahat. Love you Mo feeling ko sinasayaw mo ko habang yan ang tugtog sa panaginip nga lang!!! Hahaha hihihi ☺️😇💪

  • @aneeqaeeha
    @aneeqaeeha 2 ปีที่แล้ว +70

    ang ganda!!!! T_T sobrang ganda! very relatable! sana magtrending! ALAMAT kayo ay tunay na ALAMAT! Kudos sa ALAMAT at sa team behind this song sobrang galing nyo!

  • @miserableism
    @miserableism 2 ปีที่แล้ว +20

    Grabe iyak ko dito sa song na to. New fav song ko na to.

  • @dinahluz8816
    @dinahluz8816 2 ปีที่แล้ว +19

    A song that makes me sit down in a recliner, eyes closed and just let my mind do it's thing! Kudos ALAMAT! Getting stronger! Versatile ng boses nyo. Ppop rise!!!

  • @kalesuson9839
    @kalesuson9839 2 ปีที่แล้ว +106

    Alamat, hindi niyo na kailangang manatili sa panaginip. Narito kami, tanggap kayo hindi man perpekto, kayo'y bibigyan ng papak upang makalipad patungo sa inaasam na tala. Hindi man kami ang batas, kakampi niyo kami sa pagwasak ng mga balakid at sa pag-abot ng inyong mga pangarap ✨
    Congratulations sa bagong single, boys!

  • @tententen4402
    @tententen4402 2 ปีที่แล้ว +33

    Living for Alamat's mapanakit era 😭🤎 ang ganda po huhu thank you!! 😭

  • @magiliw_alamat
    @magiliw_alamat 2 ปีที่แล้ว +17

    Normalize magpalik-balik dito every hour. Hindi nakakasawa. Hanggang mamaya na 'to ng madaling araw. 🤎

  • @ellerosales3453
    @ellerosales3453 2 ปีที่แล้ว +21

    I'm here after it was released and after the news came out that this song became #1 on iTunes Philippines. While listening to this, I can't help my tears. From 9 to 6, I am seeing this image of the fans waving their lights on Araneta, I'm seeing how they sang this song. Sobrang dami nyo nang napagdaanan ALAMAT, sobrang proud kaming Magiliw sa inyo. Sobra. To our OT9 (with Kin, Valfer and Gami of course, they are still part of the group wherever they are), please stay strong. ALAMAT DESERVES EVERYTHING!

  • @sevenheaven3431
    @sevenheaven3431 2 ปีที่แล้ว +58

    Ang ganda!!! Sana makita at marinig ko kayong kumanta at sumayaw, hindi lang sa panaginip kundi sa big stage.

  • @jenej18
    @jenej18 2 ปีที่แล้ว +54

    Bakit naman mapanakit??? When i heard this in ppopcon, sobrang gusto ko na sya i-add sa playlist ko. Stan Alamat mga besh!!!

  • @cherubimtroy_2122
    @cherubimtroy_2122 2 ปีที่แล้ว +18

    Listening to this song at 12:25 midnight hits different! Every PPOP group has their own style and stregth that sets them different from the others. I can say that Alamat is very unique among them. The song, MV concept, dialect and clothes used is very Flipino..representing our culture..our diversity! You deserve more recognition. Keep on fighting for your dreams Alamat!

  • @heyjuuu8883
    @heyjuuu8883 2 ปีที่แล้ว +17

    SHOUTOUT SA MGA KAGAYA KO DI MAKA MOVE ON SA PPOPCON PERF NETO AAAAAAAAAAA

  • @diacanlasalvarez6963
    @diacanlasalvarez6963 2 ปีที่แล้ว +76

    1st single na full tagalog🥺🤎 ngayon di na ako makatulog, mag damag akong makikinig ditoooo, deserve ng 1 million nito🥺 2nd favorite kona to bukod sa mapa, Ewan koba kahit abt sa love yung kanta, Ewan ko bat naalala ko mga taong nawala sa buhay ko😭 kasama nadin sila val at gami, kahit iba yung message ng kanta yun yung na ffeel ko, parang abt sya sa losing someone 🥺 kaya nakooo alamat kayo na talaga👏 deserve nyong makilala, dilang sa pinas, sa buong mundo dapat!!!

  • @jhelatine8384
    @jhelatine8384 2 ปีที่แล้ว +18

    Sa Panaginip Na Lang era will be one of the most memorable era of ALAMAT 🤧

  • @annecortes1803
    @annecortes1803 2 ปีที่แล้ว +19

    Nakakaiyak hindi lang dahil mapanakit yung kanta kundi dahil na rin sa nag-uumapaw na pagmamahal na nababasa ko sa mga comments. Nakakaproud. ❤

  • @jnclgonzales5611
    @jnclgonzales5611 2 ปีที่แล้ว +21

    unang dinig ko pa lang nagustuhan ko na wahhhhh medyo relate eh huhuhuhu

  • @jyliza211
    @jyliza211 2 ปีที่แล้ว +130

    SOBRANG GANDA nitong new song nyo!!! Nakaka-amaze talaga vocals nyo ALAMAT super deserving to be recognize by many people.
    Congratulations mga Ginoo!♡ sobrang proud kami sa inyo palagi.

  • @stacyinurarea
    @stacyinurarea 2 ปีที่แล้ว +21

    Alamat has everything, visuals check, vocals check, moves check, personality check, napaka-underrated nila huhuhu more blessings and stay safe and strong alamat, manifesting for performing internationally

  • @ZZ-ud2qz
    @ZZ-ud2qz 2 ปีที่แล้ว +18

    :Ilang beses mo na 'to pinakinggan?
    :Yesss!

  • @nicolemanalang26
    @nicolemanalang26 2 ปีที่แล้ว +14

    OMYGGADDDD ANG POGI NG BOSES NI R-JI TAS TANEOOOO WAAAAAAAHHHHHHHHH❤️

  • @laleeyu412
    @laleeyu412 2 ปีที่แล้ว +23

    To think na may nagbabantang bagyo na darating dito samin, tapos kailangan ko lang makarinig ng something na makakapagsigla sa akin.❤️ Di pa kami fully recovered sa Odette ah. Naka blackout na naman kami. So ayon, bakit ang sakit ng kanta? Saktong kasing lamig ng hangin sa labas.

  • @lorrenzannetadeo
    @lorrenzannetadeo 2 ปีที่แล้ว +89

    Sobrang ganda talaga nito, unang dinig ko palang nito sa ppop con naiyak na ako pati sa wish bus. Nung maraming nagtaas ng flashlight ramdam ko na nun na gusto niyong umiyak. You all deserve all the support and love from us. Sa dami ng pagsubok na dumaan , ako'y nanatiling matatag para sa inyo. ALAMAT hanggang dulo, since day 1. I'm very proud to all of you. 🤎

  • @kailamatias9736
    @kailamatias9736 2 ปีที่แล้ว +16

    TULOY-TULOY LANG PO SA PAG-STREAM

  • @toxicdawmbe4359
    @toxicdawmbe4359 2 ปีที่แล้ว +22

    Kung meron man dapat na best mgrepresent ng PPOP bukod sa ES/BI, eto un, ALAMAT. I appreciate na hindi sila ngpapadala sa pressure na dapat kasing angas sila ng ES/BI, kc meron sariling angas ang ALAMAT. Truly, they stayed sa kung ano talaga sila...Merong sariling tunog ang ALAMAT. Sorry sa ibang grupo na hanggang ngaun ngtatago sa anino ng ES/BI kc gusto nila maging kasing angas nun. Ang ALAMAT merong sariling tunog, pero kulang appreciation ng marami. Sana magpatuloy lng at hindi sila pabayaan ng management kc sobrang ganda ng music ng ALAMAT.

  • @meowphims9484
    @meowphims9484 2 ปีที่แล้ว +30

    WAG NIYO AKONG PAKEALAMAN PAG SINABI KONG WALA TALAGANG TAPON SA MGA KANTA NG ALAMAT MAYGHAD, THE FACT NA DI KO TO MAIN GROUP AT DI AKO INTO BG, IBA TALAGA SIPA NG ALAMAT!!🤎🤎🤎

  • @shigeokageyama3570
    @shigeokageyama3570 2 ปีที่แล้ว +34

    i'll consider this song as an early birthday gift hehehe, slmt talaga ng sobra at nakilala ko kayo, 'di ako magsasawang sabihin kung gaano ako ka-proud sa inyo!! Hindi nyo man ako kilala personally, at ganun din ako, hindi ko pa kayo name-meet pero thankful ako sa inyo kasi ang lakas ng impact nyo sakin. Isa kayo sa nagbibigay kaligayahan sa akin.❤Maraming sALAMAT!!

  • @user-tf6vq9wg9u
    @user-tf6vq9wg9u 2 ปีที่แล้ว +15

    Stan ALAMAT for better life!!! They deserve better POTANGINAAA char HWHAHAHAHHAHAH!!

  • @chelleromero9994
    @chelleromero9994 2 ปีที่แล้ว +18

    Waiting na ko sa Bts ng recording studio nito.

  • @meowphims9484
    @meowphims9484 2 ปีที่แล้ว +18

    Myghaad kung andito pa si Gami, he'll surely slay diin HUHUHUHU THIS SONG IS FOR FILIPINOS!! CONGRATULATIONS ALAMAT SURE AKO MAGIGING HIT TO

    • @Vangie2384
      @Vangie2384 2 ปีที่แล้ว +2

      Magdilang anghel po Kayo 🙏🙏🙏

    • @Sea_turtle540
      @Sea_turtle540 2 ปีที่แล้ว

      Truee 🥲

  • @elscaptive
    @elscaptive 2 ปีที่แล้ว +62

    PADAYON ALAMAT PADAYON PPOP
    WE WILL ALL WAYS SUPPORT YOU GUYS SO DON'T LOSE HOPE ON FOLLOWING YOUR DREAMS MAHAL NAMIN ANG GILISAIS!!

  • @ACEs_Always
    @ACEs_Always 2 ปีที่แล้ว +16

    Ang ganda, pero ba't kayo nagpapaiyak?😭

  • @dignamontealto2900
    @dignamontealto2900 2 ปีที่แล้ว +18

    Addict na addict anak ko sa inyo alamat si R-Ji palaging bukambibig di ko maitatanggi dahil sobrang ganda naman talaga ng mga kanta nyo tapos mga multilingual pa pero nakakaiyak nga talaga Sa Panaginip Na Lang daw ata ng anak ko kayo makita :< sobrang ganda ng kanta nyo na ito sobrang worth it e stream congrats alamat

  • @awesxmedreamer4975
    @awesxmedreamer4975 2 ปีที่แล้ว +20

    This song actually screams a relationship where they both love each other pero nasasaktan na nila yung isa't isa. so, they decided to part their ways pero yung isa sa kanila is hoping pa rin na maging maayos yung relationship, mabalik yung dati, yung may 'tayo' kumbaga. sadly, wala na talagang pag-asa kaya sa panaginip na lang nung isang side nagiging totoo yung mga pangarap nila sa isa't isa. dahil yung isang side ay masaya na sa piling ng iba :(

    • @tinkxix
      @tinkxix 2 ปีที่แล้ว +4

      awit nyan huhuhu

  • @kristelueee_
    @kristelueee_ 2 ปีที่แล้ว +51

    naiiyak ako huhu. nakakabawas ng angas, pre. napakagaling niyo talaga, alamat!

  • @notjalebi8515
    @notjalebi8515 2 ปีที่แล้ว +17

    Grabe, sino bang nanakit sa inyo ha Alamat bakit ramdam na ramdam yung emosyon niyo sa bawat parts niyo. Ang galing niyo magpaiyak... : (

  • @freahmariealleje9544
    @freahmariealleje9544 2 ปีที่แล้ว +14

    Ang saya nga kung sa panaginip nalang mananatitili, kasama ang taong gusto mong makasama habangbuhay na alam mong sa tuwing gigising ka ay walang ganon pagkat may nag mamay ari na sa kanya. Sa taong kasama ko sa aking panaginip, sa taong hawak ang kamay ko, sa taong malaya kong mayayakap, sa aking panaginip, mananatili ka nalang sa panaginip ko, ikaw, ako, tayo. Sa panaginip ko nalang mararanasan na maging akin ka 😊

  • @elscaptive
    @elscaptive 2 ปีที่แล้ว +55

    CONGRATULATIONS BOYSSS
    Just letting you guys know na hindi namin kayo iiwan at lagi lang namin kayong susuportahan. Kaya sana ipagpatuloy niyo ang inyong pangarap at ang paginspire sa ibang tao na makamit nila ang kanilang ninanais. Kahit sa panaginip lang ko kayo masusulyapan ay nais kong iparating na kayo ang isa sa mga tamang desisyon na ginawa ko sa buhay ko. Yun ang mahalin at suportahan kayo! Maraming salamat kundi dahil sa inyo ay hindi ko papangaraping maging singer, talent na hindi ko ipinagmamalaki ng gaano ay ngayon ay mas lalo ko pang naaapreciate. Thank you dahil isa kayo sa mga naging inspirasyon ko upang ipagpatuloy ko ang aking pangarap. Kahit sa panaginip lang ay gusto ko kayong pasalamatan nang harap-harapan

  • @lyn5480
    @lyn5480 2 ปีที่แล้ว +63

    Mahal ko kayo,pero bakit kayo nananakit??🥺 subrang ganda bhie,STAN ALAMAT para may inspiration ka sa pag-aaral mo!!

  • @sherlynjcaguioa2828
    @sherlynjcaguioa2828 2 ปีที่แล้ว +16

    I love the song, parang sinasabi sa atin ng kanta na to na matuto tayong makontento at magparaya dahil ang pagmamahal hindi naman lahat masaya, minsan kailangan nating bitawan para walang pagsisihan sa huli. Sa panaginip doon libre lahat, sana nga panaginip na lang

  • @rutheloisapanlilio2850
    @rutheloisapanlilio2850 2 ปีที่แล้ว +21

    ALAMAT is meant for any genre

  • @diyaneeel
    @diyaneeel 2 ปีที่แล้ว +142

    Ang ganda ng lyrics, napakaganda lahat! Grabe ang galing niyo talaga! STAN TALENTS, STAN ALAMAT!

  • @Angelmokoh_26
    @Angelmokoh_26 2 ปีที่แล้ว +65

    ATINMAGILIW HERE! wow ito inaabangan ko buhat ng marinig ko sa PPOPCON nagandahan talaga ako,lalo sa mga harmony! May pinagmanahan sa mga kuya niyo huhu Congrats ALAMAT! You also deserve recognition like SB19! 2 sa (boy)group palang talaga ang pasok sa standard na hanapko(for me),i appreciate all ppop group but SB19xAlamat is my Pave the way Sakalam! Congrats!

    • @gabsan8431
      @gabsan8431 2 ปีที่แล้ว +7

      AKO DIN PO MAGI'TIN!! KASMALA x SAKALAM letsgooooo

    • @SS-ce9ml
      @SS-ce9ml 2 ปีที่แล้ว +8

      Same here! Silang dalawa talaga yung pinakaangat for me. Ppop rise!

    • @andreacortez1342
      @andreacortez1342 2 ปีที่แล้ว +6

      ako din din po. simula nung nkaita ko sila mg perform sa PPOPcon ngustuhan ko din sila..A'tin and Magiliw fandon din ako...

    • @majestyintegro612
      @majestyintegro612 2 ปีที่แล้ว +6

      Same kaps! My A'tin and Magiliw heart! Worth to stan ❤

    • @faithponce8571
      @faithponce8571 2 ปีที่แล้ว +4

      Ako din po! SALABAT tayo! 🇵🇭

  • @marygraceplatero8056
    @marygraceplatero8056 2 ปีที่แล้ว +20

    Nakakaiyak naalala ko si papa. 7 palang ako kinuha na siya ni papa GOD and now I'm 18 na and sa panaginip ko nalang siya makakasama sa mga importanting pangyayari sa buhay ko. Thank you for this song Alamat.

  • @justchewme1240
    @justchewme1240 2 ปีที่แล้ว +16

    Sana magkaroon 'to ng live performance na katulad ng sa Porque 🥰

  • @ciemglw138
    @ciemglw138 2 ปีที่แล้ว +40

    Di naka sasawa ulit-ulitin. na LSS ron ko ALAMAT congrats👏👏👏👏💯💯🔥 #ppoprise #ppop #ALAMAT #SPNL #PADAYUN

  • @tobieramos20
    @tobieramos20 2 ปีที่แล้ว +18

    Sa PPOP Con ko unang narinig 'to. Eto reason ko kung bakit ko sila iniistan ngayon. Congrats Alamat!

    • @joemlledo4650
      @joemlledo4650 2 ปีที่แล้ว +4

      underrated mga songs nila

    • @shaina9898
      @shaina9898 2 ปีที่แล้ว +1

      @@joemlledo4650 kahit lahat sobrang ganda:(

  • @ezra2108
    @ezra2108 2 ปีที่แล้ว +14

    sa panaginip nalang talaga snowdrop 😭😭

  • @jayjaynier6361
    @jayjaynier6361 2 ปีที่แล้ว +18

    Sure hit ito and it will go viral. Ganito rin naging impression ko nung first time ko marinig ang binibini by zack at klwkn by music hero.

  • @yuhmehtoo6693
    @yuhmehtoo6693 2 ปีที่แล้ว +25

    ForOne here at sobra ang ganda nito nung ppopcon promiseeee
    Lalo't tanging nagsisilbing ilaw nun sa crowd flashlight lang sa phones habang kinakanta nila toh parang bituin nga as kuya tomas said tho I raised the lightstick that I have instead wala ko phone ahuhu... but super duper magical moment rin!
    Iloveyou Alamat and Magiliw, kudos to all of you from us ForOne isang mahigpit na yakap!

  • @jihannamaebullecer5800
    @jihannamaebullecer5800 2 ปีที่แล้ว +207

    As expected from Alamat. Ang galing talaga, and grabe ang vocals. (Di pa ko nakakamove on sa Porque cover niyo, masyado kayong mapanakit HAHAHA). Great job, boys! Galing niyo kumuha ng emotions!

  • @dexiecullen480
    @dexiecullen480 2 ปีที่แล้ว +20

    Such a good song. Let's go Alamat. It's your time.

  • @elmsnan4287
    @elmsnan4287 2 ปีที่แล้ว +18

    Since PpopCon I just randomly sing the lyrics esp the chorus part 😭 What are you doing to me Alamat??? LSS malala 😭😭 Kudos to the composer & also sa boys!! GALING!! 👏👏👏

  • @Annie-fo7nq
    @Annie-fo7nq 2 ปีที่แล้ว +116

    Di pa ako sobrang stan pero bakit nadidistinguish ko na individual voices nila? This song is sooo goood.. Alamat deserves much more. Stan talent!

    • @livynarra8709
      @livynarra8709 2 ปีที่แล้ว +5

      Welcome sa Barangay Magiliw!

    • @necknilson
      @necknilson 2 ปีที่แล้ว +3

      STAN NA PO

    • @amihanj
      @amihanj 2 ปีที่แล้ว +3

      Napanuod mo na yung Kasmala nila?

    • @Annie-fo7nq
      @Annie-fo7nq 2 ปีที่แล้ว +2

      @@amihanj yiz,,angas din nun..

  • @marielhic4612
    @marielhic4612 2 ปีที่แล้ว +45

    Ang ganda nung song 😭😭, paulit-ulit nag p-play sa utak ko yung kanta 😭😭. Hanggang sa panaginip nalang talaga makikita ko na kumpleto sila lalo na si Valfer 😭😭. Btw. Congrats Guys ang ganda ng song and I hope na sana makilala na din kayo sa ibang bansa dahil deserve niyo talagang makilala ☺️☺️

  • @akigrjs8271
    @akigrjs8271 2 ปีที่แล้ว +17

    worth it kayong isupport at iistan gagaling nyo iloveyou all❤️