Kalungkutan Sa bawat pagpatak ng ulan Nadarama ang kalungkutan Luha'y biglang nagsipatakan Dahil saking nararamdaman. Kailan ba ito titila Itong hapis na nadarama Ayaw kong ito'y maalala pa Hindi ko na ito kaya pa! Kailan ba ako lalabas Sa bawat baha na umagos Pagkalimot ay hindi hangos Napatulala pagkatapos. Kalangitan at dumidilim Sabay na rin ang pagkulimlim Pinipilit ko na ilihim Ang iniisip ko'y malalim. Sana sumikat na ang araw Nang lungkot kong ito matunaw Gusto ko na ito matanaw Sariling pighati ay manaw. - 7/23/2022
Kalungkutan
Sa bawat pagpatak ng ulan
Nadarama ang kalungkutan
Luha'y biglang nagsipatakan
Dahil saking nararamdaman.
Kailan ba ito titila
Itong hapis na nadarama
Ayaw kong ito'y maalala pa
Hindi ko na ito kaya pa!
Kailan ba ako lalabas
Sa bawat baha na umagos
Pagkalimot ay hindi hangos
Napatulala pagkatapos.
Kalangitan at dumidilim
Sabay na rin ang pagkulimlim
Pinipilit ko na ilihim
Ang iniisip ko'y malalim.
Sana sumikat na ang araw
Nang lungkot kong ito matunaw
Gusto ko na ito matanaw
Sariling pighati ay manaw.
- 7/23/2022
Bago subscriber's lang ako Lod's
@@AberdeenGeatsPH
Hello! Salamat po sa pag-subscribe. 😇
@@misspaguirigan welcome
Se7h2s8