Dalawang OFW pinalayas ng amo dahil nag-positibo sa Covid-19, tinulungan ng mga QAkampink

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 30 ก.ย. 2024
  • Hindi sa pagsusuot ng pink nakikita ang tunay nating kulay kundi sa uri ng ating pamumuhay.
    Kada Pink Wednesday, isinasabuhay ito ng mga QAkampink.
    Nitong, Jan. 19, 2022, maagap na tumugon sa isang panawagan upang matulungan ang 2 nating kababayan na di umanoy pinaalis ng amo nila matapos maging positibo sa Covid-19.
    Sila'y tumuloy sa kanilang ahensya ngunit hindi agarang tinanggap, dahil walang matuluyan sila ay napilitang manatili sa kalye at matulog dito sa loob ng apat na araw.
    Ang kalagayan nila ay napansin ng mga netizen at may OFW na nagmagandang loob na sila ay patuluyin muna pansamantala sa bahay nito hanggang sila ay tuluyan ng kunin ng ahensya nila.
    Ang mga QAkampink ay nagpahatid ng tulong para sa agaran nilang pangangailangan tulad ng gamot, pagkain, damit at iba.
    Batay sa huling panayam sa kanila, nakatakda silang i-swab test ngayong Jan 29 at umaasa na sila ay makakauwi na sa Pilipinas.
    Ang mga QAkampink ay lubos na umaasa na muli silang makakabawi sa kanilang lakas upang maitaguyod ang #gobyernongtapat #angatbuhaylahat
    ‪@LenirobredoPH‬ ‪@kikopangilinan‬

ความคิดเห็น • 18