It’s Showtime June 3, 2024 | Full Episode

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 7 ก.ย. 2024
  • Jampacked ang weekend ng “Showtime” family, kaya masaya ang catch-up session this first Monday of June.
    Una sa listahan ng selebrasyon ang successful 10th anniversary concert ni Darren Espanto. Cheers din para sa 18th showbiz anniversary ni Kim Chiu.
    Nice game rin ang ipinamalas ng Team Showtime sa “Star Magic All Star Games 2024” na ginanap kahapon, June 2, sa Araneta Coliseum. Saludo ang lahat sa mga players na lumaban hanggang dulo, manalo man o matalo.
    Si Ryan Bang, may exciting kuwento tungkol masayang laro. Ang assignment daw niya sa game ay bantayan si Gerald Anderson na team captain ng kalabang koponan. “Bakit si Gerald?” tanong ni ‘Kuys’ Jhong Hilario. Bakit nga ba, Ryan?
    Now showing ang aktingan na may very cute casting! Award-winning talaga ang performance nina Argus, Kulot, Jaze, at Kelsey sa “Showing Bulilit.” Sa gitna ng hulaan, hindi mawawala ang masayang kuwentuhan. Ang “Showtime” family, may ibinuking tungkol sa mga ganap nina Anne Curtis at Vhong Navarro sa GC. Si Vice Ganda, nabanggit din ang nga ‘pinagdaanan’ ni Jackie Gonzaga sa isa n’yang raket, kaya pagpasensyahan na daw ang kanyang alaga kung sa spiels man ay may konting sabit.
    Sa relasyon nina Charlene at Albert, hindi ibang babae o lalaki, kundi pagsusugal ni Albert ang naging third party. Dito sa “EXpecially For You,” pag-uusapan natin ang kanilang breakup story.
    Like any other relationship, matamis ang simula ng kanilang pag-iibigan - saksi ang mga dagat sa lugar nila sa Iloilo na paborito nilang puntahan. Naging sandalan nila ang isa’t-isa sa pagtupad sa kanilang mga pangarap. Pero ang tamis ay ‘di nagtagal, dahil si Albert nalulong sa maraming klase ng sugal.
    Nang si Charlene ay nakipaghiwalay, agad pumayag si Albert at hindi man lang pinaglalaban ang relasyon nila. ‘Yun pala, naghihintay na lang siya na si Charlene ang mapagod at maunang kumawala.
    Isang very entertaining na FUNanghalian ang hatid ng mga estudyanteng palaban sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.”
    Mula sa Bulacan Polytechnic College, si Carlos de Guzman na kumanta ng “I (Who Have Nothing).” Hindi rin nagpahuli sa singing ang pamabato ng University of Mindanao Digos College, ang aspiring teacher na si Juliana Tagalog na umawit ng “Oo.”
    Laughtrip chikahan naman ang hatid nina Vice, Jhong, MC, at Lassy. Isa sa mga napag-usapan ang pagiging muse ni Lassy sa Star Magic All Star Games kahapon. Biro ni Meme Vice, umiyak daw si Barbie Imperial nang malaman na ang makakatapat niya bilang muse ay walang iba kundi si Lassy. Punchline ni Meme: “From Barbie Imperial to Barbie Im-pyerno?!”
    Kung good vibes ang hanap mo, “Showtime” na ang bahala sa’yo!
    #ItsShowtime
    #ShowtimeAnumangKulay
    #ABSCBNEntertainment

ความคิดเห็น • 60