SAMTHING'S COOKING EP. 2

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 12 ก.ย. 2024
  • SAMTHING'S COOKING EPISODE 2: GINATAANG BIYA NA MAY TALBOS NG KAMOTENG KAHOY
    Isa ang 𝘎𝘭𝘰𝘴𝘴𝘰𝘨𝘰𝘣𝘪𝘶𝘴 𝘨𝘪𝘶𝘳𝘪𝘴, o mas kilala nating Tank Goby (English) o Biya (Tagalog) sa mga uri ng isda na naninirahan sa iba’t ibang lawa sa bansa ngunit maaari ring mamuhay sa tubig-alat. Ito ay kalimitang maikukumpara sa maliliit na dalag dahil sa pisikal na kaanyuan nito. Ang ulo nito ay nakadapa na may nakalabas na pang-ibabang panga habang ang katawan ay nagiging makitid patungo sa buntot. Karaniwang kulay nito ay manilaw-nilaw o matingkad na kayumanggi na may tuldok o marka sa gilid ng katawan.
    Ang biya ay kumakain ng mas maliliit na isda at nilalang. Pangkaraniwang laki ay 4 na pulgada.. Ang biya ay mas malaki kung mula sa tubig-alat kumpara sa mga nasa tubig-tabang.
    Tuklasin ang mga lokal na putahe na gumagamit ng mga endemic na isda at iba pang yamang tubig. Halika na’t samahan si RD Sammy Malvas sa kanyang paglalakbay sa CALABARZON at tikman ang mga masasarap na pagkain habang natututo tungkol sa kahalagahan ng pangangalaga sa mga ito.
    Subaybayan ang full episode ng ‘SAMthing's Cooking’ episode 2 sa TH-cam channel ng BFAR 4A hosted by RD Sammy Malvas. Kung nais mong mapanood ang naunang episode at mga susunod pa rito, magsubscribe na sa aming channel upang lagi kang updated.
    #samthingscooking #cavintilaguna #bfarcalabarzon #biya #FishCon2024 #PangisdaanSaBagongPilipinas #𝐅𝐢𝐬𝐡𝐂𝐨𝐧𝟐𝟎𝟐𝟒 #PangisdaanSaBagongPilipinas🐳
    #samthingscooking #bfarcalabarzon #biya #cavintilaguna

ความคิดเห็น •