10 matapat na Gwardiya, pinarangalan ng SM

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 10 ก.ย. 2024
  • 10 matapat na Gwardiya, pinarangalan ng SM
    Hindi nagdalawang isip si Ryan Concepcion ng RJC Security Agency na isauli ang tsekeng nagkakahalaga ng kalahating milyong piso na nakita niya sa Entrance 1 ng SM noong November 06, 2018.
    Ayon sa kaniya kasama sa kanilang sinumpaang trabaho ang pagiging matapat na empleyado.
    Nais naman ni Christian Zafra na maging magandang ehemplo upang tularan ng mga kasamahan sa trabaho. Kaya’t buong tapang nitong isinuplong ang mga di umano’y tulak ng Marijuana na naganap sa loob ng mall noong June 2, 2018.
    Sina Zafra at Concepcion ay dalawa lamang sa sampung gwardiya na pinarangalan ng SM City Cabanatuan dahil sa kanilang pagiging matapat na empleyado sa ginanap na 4th Joint Tactical Inspection noong March 22, 2019.
    Ayon kay Almus Alabe, Senior Assistant Vice President ng Customer Relation Service ng SM, tinitiyak ng kanilang pamunuan na alam ng mga manggawa ang kanilang trabaho upang maasistihan at mapanatili ang seguridad at kaligtasan ng mga mamimili sa loob at labas ng mall.
    Ipinagmamalaki rin nito na 95 porsyento ng kanilang natanggap na awards ay dahil sa pagpapakita ng katapatan at dedikasyon sa trabaho ng kanilang mga gwardiya.
    Ang 4th Joint Tactical Inspection ay isa sa mga programa ng SM taun-taon na layon na bigyang pagkilala ang mga manggawa ng SM na naging tapat sa pagganap ng kanilang tungkulin.
    Samantala, nagpakitang gilas naman ang Emergency Response Team (SMERT) sa Bandaging Techniques, tamang paggamit ng Spine Board at ang iba’t ibang uri ng carrying techniques.-Ulat ni GETZ RUFO ALVARAN

ความคิดเห็น •