Chito Miranda - Wala na Talaga Official Lyrics Video

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 11 พ.ย. 2019
  • » Chito Miranda «
    Official Channel
    / alfonsomirandajr
    Official Page
    / chitomirandajr
    Wala Na Talaga
    Lyrics
    Wala na talaga.
    Minsan parang wala nang dahilan,
    tila nagpapanggap na lamang.
    Ayoko man aminin sa iyo
    pero nagsawa na yata ako.
    Wala naman tayong problema
    ngunit parang hindi na tayo masaya
    at kung papipiliin lang ako
    parang gusto ko nalang huminto.
    Ayaw naman kitang lokohin
    magkuwaring sa puso ko'y ikaw pa rin.
    Meron tayong nakaraang pinagsamahan
    at ayaw na kitang masaktan.
    Kailangan mong malaman ang katotohanan
    kundi pareho lang tayong mahihirapan.
    Hindi na ko kinikilig tuwing ika'y dumarating.
    Hindi na ko natataranta kahit galit ka sa akin.
    Di na ko nakikinig kapag ika'y nagsasalita.
    Wala na kong maramdaman...wala na talaga.
    Wag mong isipin na merong iba.
    Hindi yun ang rason kung ba't ayaw ko na.
    Meron tayong nakaraang pinagsamahan
    at ayaw na kitang masaktan.
    Pagkat nahihirapan na ang puso ko.
    Para kong nakakulong sa loob ng mundo mo.
    Wag mo nang tanungin kung kailan nagsimula.
    Di ko din alam kung kailan nawala.
    Wag mo sanang iisiping may mali kang nagawa.
    Pareho lang tayong walang pagkakasala.
    Hindi ko rin naman 'to sinadya.
    Masmabuti ngang hindi na magtagal
    sapagkat di na kita mahal.

ความคิดเห็น •