Hiraya - Vince Galang

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 30 ก.ค. 2022
  • #OriginalComposition
    #SupportOPM
    Hiraya
    Hindi mabura, lungkot sa'yo'ng mata
    Hindi naman alam, bakit ba nasasaktan
    Naaaninag pa, kahit itago mo sa
    Ngiti mo'ng mala-
    Bahag-hari sa ganda
    Pilitin ma'ng subukan
    Bigla nalang natitigilan
    Hindi alam
    Sa'n magsisimula
    Sa bawat pahina, paulit-ulit lang
    Lagi'ng nadadapa, nawawala
    Kahit naliligaw, Ikaw ay natatanaw
    Ikaw ang aki'ng ilaw, sa daanan
    At sinubuka'ng lumakad
    Mabagal man ang aki'ng usad
    Hindi ka na mawawala
    Ila'ng beses man ako'ng bumitaw
    Yakap Mo pa rin hanggang sa paglubog ng araw
    Dahan-daha'ng nasisilayan liwanag Mo sa kawalan
    Ikaw ang aki'ng buwan
    Nandito lang pala
    Hindi ko lang nakikita
    Lagi'ng malayo ang tingin
    'Di na napapansin
    Baka sakali lang naman
    Humiling ng isa'ng pagkakataon
    Abutin kung ano man ang naroon
    Mawari kung ano ba ang nais ko
    Manawari unti-unti ang lahat ng 'to
    Ituloy mo lang
    'Wag ka'ng matakot maiwan
    Kung may iba nama'ng paroroonan
    Marami ma'ng hadlang
    Isipin mo nalang
    Ang dahilan
    Ba't sinimulan

ความคิดเห็น • 2

  • @_biju
    @_biju ปีที่แล้ว

    idol galing sumulat!