BABAE SA LIKOD NG BAWAT DAKILANG LALAKI

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 27 ส.ค. 2024
  • BABAE SA LIKOD NG BAWAT DAKILANG LALAKI
    Homiliya para sa Kapanganakan ng Mahal na Birhen Maria,
    Huwebes, Ika-8 ng Setyembre 2022, Mateo 1:18-23
    Karamihan sa mga pyesta ng mga santo at santa ng simbahan ay ipinagdiriwang natin sa araw ng kanilang kamatayan. Itinuturing kasi natin ang kamatayan bilang araw ng kanilang pagsilang sa buhay na walang hanggan.
    Pero sa kalendaryo ng Simbahan may tatlong tao lang tayong pinagbe-birthday o ginugunita sa mismong kapanganakan nila. Ang ating Panginoong Hesukristo sa araw ng December 25 o na tinatawag sa Ingles na “Christmas”, si San Juan Bautista kapag June 24, araw na tinatawag namang “Baptistmas”, at si Mama Mary sa araw na ito ng Sept 8 na tinatawag na “Marymas”.
    At ang dalawa sa kanila, pati ang araw na sila ay ipinaglihi ginugunita rin natin: si Hesus at ang Inang Maria. Ang paglilihi kay Hesus ay sa March 25, at ang kay Mama Mary sa December 8, eksaktong 9 months bago sila ipinanganak. Bakit kaya?
    Mayroong isang kasabihan sa Ingles, “Behind every great man is a woman.” Sa likod daw ng bawat sinumang lalaking dakila ay may isang babae. Palagay ko ito ang pangunahing dahilan kung bakit ipinagbe-birthday natin si Mama Mary. Para sa ating mga Kristiyano si Hesus ay hindi lang dakila kundi PINAKADAKILA, dahil hindi lang Anak ng Tao ang turing natin sa kanya kundi “Anak ng Diyos”! Kaya ang ina na nagsilang sa kanya ay espesyal din; hindi lang siya nagdalang-tao kundi “nagdalang-Diyos.” Iyon ang literal na kahulugan ng title na “Theotokos” sa Griyego: ANG NAGDALANG-DIYOS. Kaya tinatawag natin si Mama Mary bilang “Bukod na pinagpala sa babaeng lahat,” ayon sa sinabi ni Elisabet tungkol sa kanya, dahil ang ibinunga ng sinapupunan niya ang pinakamalaking pagpapala sa sangkatauhan.
    Ang kuwento tungkol sa pagsilang ni Maria ay wala naman sa Bibliya. Pero maagang umusbong ang tradisyon na ito sa mga Kristiyano. Matatagpuan ito sa tinatawag na chapter 4 ng Proto-ebanghelyo ni Santiago na isinulat noong 2nd century. At mukhang iyon din ang pinagmulan ng kuwentong mababasa rin sa chapter 3 ng Qur’an, ang tinuturing na Banal na Kasulatan ng mga kapatid nating Muslim.
    Isang buong kabanata ang inilaan sa Qur’an tungkol kay Mama Mary. Ang pamagat nito ay AL-IMRAN. Sa Arabic, “Hannah” ang tawag kay Sta Ana, “Imran” ang tawag kay San Joaquin, at “Mariam” naman ang tawag kay Mama Mary. Parang hawig ang kuwento ng Qur’an tungkol kay Hannah na asawa ni Imran sa kuwento ng Bibliang Hebreo tungkol kay Hannah na asawa ni Elkanah.
    Di ba’t ayon sa kuwento sa chapter 1 ng Unang Aklat ni Samuel, baog daw si Hannah at sa kanyang katandaan nagdasal daw siya sa Diyos na kung pagkalooban pa siya ng anak kahit matanda na siya, itatalaga niya ito para maglingkod sa templo bilang isang pari. Natupad daw ang hiling niya at nagkaanak siya ng isang lalaki at ang pangalan ay Samuel na naging dakilang propeta.
    Kaya sinasabi kong hawig, sa Kasulatan naman ng mga Muslim sa Qur’an, parang ganito rin daw ang dinasal ni Santa Ana, “Panginoon, sa iyo ko itinatalaga ang nasa sinapupunan ko, pinaging-banal mo upang maglingkod sa iyo, kaya tanggapin mo po siya mula sa akin. Kayo ang nakaririnig at nakaaalam.”
    Pero nang manganak siya ang sabi daw niya sa Diyos, “Panginoon ko, babae po ang isinilang ko!” Ngunit alam na alam daw ng Diyos ang iniluwal niya, [at winika sa kanya], “Ang lalaki ay hindi tulad ng babae. At Maria ang ipinangalan ko sa kanya, at paaalagaan ko siya sa iyo alang-alang sa susunod na salinlahi, (upang sila’y mailigtas) mula kay Satanas, ang nataboy mula sa habag ng Diyos.”
    At ayon sa kuwento ng Qur’an, dinala pa rin siya sa templo kahit babae siya at pinaalagaan kay Zacarias na pari noong bata pa siya.
    Sa likod ng bawat dakilang lalaki ay may isang babae. Sa likod ni Jose Rizal, ang babaeng ito ay si Teodora Alonzo Realonda. Sa likod ni Ninoy Aquino naman ay Si Ginang Aurora Aquino. Sa likod ni Papa Francisco ay ang nanay niyang si Regina Maria Bergoglio.
    Ang araw na ito ang dapat naging Mother’s day para sa Kristiyanismo. Di ba’t ang pinakabuod ng pagiging Kristiyano ay pagiging bahagi ng Katawan ni Kristo? Kaya mahal natin hindi lang ang Anak, kundi pati ang Ina. Ang nanay niya ay nanay din natin. Kaya buong giliw na tinatawag natin siyang “Mama Mary”, “Indung Birhen” sa Kapampangan, o “Ina” sa Bikolano. Tinotoo natin ang sinabi niya sa Minamahal na Alagad niya, “NARIYAN ANG IYONG INA.” Kaya malakas ang loob nating magpaampon sa kanyang Ina, ay dahil kaibigan at kapatid ang turing sa atin ng Anak niya.

ความคิดเห็น • 23

  • @julietahamoaynazif5203
    @julietahamoaynazif5203 ปีที่แล้ว +1

    Happy Birthday Mama Mary! Pray for us! Amen 🙏

  • @coradayag1956
    @coradayag1956 ปีที่แล้ว +1

    Dear Bishop , we araw araw ay Hindi COMPLETO arawko kung wala Ang sound ng boses mo sa bahay ko, ikaw ay TUNAY na award winner, a Nobel price story teller ! GOD BLESS YOU BISHOP ,! 🍁🌾🌿🌺😃

  • @vic38290
    @vic38290 ปีที่แล้ว +1

    Ngayon ko lang nalaman yun Bishop Ambo. Maraming salamat po. God bless us all.

  • @evelynignolosloso310
    @evelynignolosloso310 ปีที่แล้ว +1

    Pinupuri ka namin panginoong Hesukristo, thank you Bishop Ambo the very nice Homily🙏noon taon 2012 kasagsagan sa aking pagrorosary noon. Akoy pumasok sa aking trabaho doon sa quezon province sa gilid ng daan sa my highway ng pamagitan ng malabanban Norte at manginlag sur si mama mary birhen ng Guadalupe ang dami ng picture frime nagalagay siya sa sa gilid daan araw2 tuwing dumadaan ako aking siya nakikita tagta2nong ako sa akin isipan kong bakit nanjan siya nakalagay kong hindi ako nagka2mili ay sampo or seyam na larawan ng birhen ng Guadalupa na ang lalaking mga larawan at ang isang larawan niya ay nandoon naman nakalagay kong saan kami dumadaan punta sa aming Agency.my God ang gulo na po ang isip ko noon pero tuloy parin aking pagtrabaho hawak akin Rosaryohan na mahigpin na nagdasal na panghawakan ang utak isip ko.kong bkit din pasok ng taon 2012 ang aking kaibigan naman ngayon nasaisip ko na hindi ko dapat na magisp sakanya dahil matagal na kaming hindi nagpanginta sa utak isip ko ay kong bakit laging laman sa isipan noon ay kaibigan kami patikapated niya ay niging kaibigan ko din kami ay mga katulong noon amo niya ay hapon ako naman at ang kayang kapatid ang magkasama.sabi nilang magkapated gusto daw nila maging mayaman itonay kwentong magkapated jan nagpakinig sakanila upan.bandanghuli ay ako din ay umalis sa aming paka2ibigan dahil myron akong hind na gustuhan sakanila.sabi ng kaibigan tumatawag daw ang enterpreter ng hapon kayang Amo. Sabi niya sa akin ay binabagsakan daw niya ng telepono ang enterpreter ng Hapon sabi ko sa kanya bkit mo binabagsakan ang enterpreter sabi niya ayaw daw niyang tumatawa.sa palagay mo ba bishop tama ba ang kayang ginagawa binabagsakan niya ang enterpreter ng kanyan Amo?umalis sa aming pagka2ibigan hindi kunarin na gustuhan.bandang huli nagpangita kami ulit doon niya sinaba sa akin na napangasawa na daw niya ang hapon sabi ah talaga. Sa utak isip ko noong sa anong paraan niya napangasawa ang Amo niyang Hapon,itong lahat bishop hindi ko alam kong hindi din niya sinabi sa akin noong nagpangita kami ulit.nagtaka ako taon 2012 siya ang laging nasa isip ko birhen na kaysaysay siya ang nasa isip bkit ano naba ginawa ng kaibigan kuna ito,birhen na kaysasay siya lang ang gaifortion wala ibang Santo kondi siya lang Misa at Forcistion lang wala ng Novina yan ang gusto ng birhen na kaysasay sinabi ko ito matagal din akong nakasubay2 sa birhin na kaysasay nagsisimba din ako sa kanyan tuwing nan doon siya Candelaria quezon province every send week February 🙏🌳🙏🌳🙏🌳🙏🌳🙏

  • @elmop76
    @elmop76 ปีที่แล้ว +2

    Thanks be to God.,He gve us Bishop David, a great Bible Scholar to preach Scholarly sermon about our Mother Mary the most loving Mother of God.

  • @elsatomenlaco8963
    @elsatomenlaco8963 ปีที่แล้ว

    Amen

  • @remediosreboja1837
    @remediosreboja1837 ปีที่แล้ว +1

    Napakaganda naman po, Bishop Ambo ng iyong kwento tungkol kay Mama Mary at doon sa Quran na version ng pagkapanganak ni Hannah kay Mariam/ Miriam. Thank you po sa napakagandang homily na talagang sa delivery mo po ng homily ay maganda at masaya ang Mabuting Balita. Salamat sa Diyos sa pagbibigay sa atin ng isang mabuti at matalinong Biblical scholar na si Bishop Ambo David, isang Pilipino. Proud Pinoy here from San Diego, California. Mary, our Mother, pray for us🙏🙏🙏💐🌷🌹

  • @soledadabila3715
    @soledadabila3715 ปีที่แล้ว

    Salamat po.
    Happy Feast Day RCH in honor of the BVM.

  • @ophieyaleahsarmiento9374
    @ophieyaleahsarmiento9374 ปีที่แล้ว

    Amen 🙏

  • @melliemedina8801
    @melliemedina8801 ปีที่แล้ว

    Amen🙏🙏🙏

  • @virgilioignacio4132
    @virgilioignacio4132 ปีที่แล้ว

    Happy birthday Mama Mary.

  • @julietahamoaynazif5203
    @julietahamoaynazif5203 ปีที่แล้ว

    Thank you Bishop Ambo! Godbless 🙏

  • @enaukara5535
    @enaukara5535 ปีที่แล้ว

    Thank you, fr. Guidance

  • @erlysantos4946
    @erlysantos4946 ปีที่แล้ว +1

    Hello po Bishop Ambo very nice explanation of d real life of Mama Mary very beautiful po god bless stay safe ingat po

  • @erlybalaguer7933
    @erlybalaguer7933 ปีที่แล้ว

    Happy birthday mama mařy stay safe god bless wish u to grant my petition.

  • @mercylaygan9081
    @mercylaygan9081 ปีที่แล้ว

    ❤️❤️❤️

  • @enaukara5535
    @enaukara5535 ปีที่แล้ว

    Good morning 🙏

  • @leticiabalitaan5924
    @leticiabalitaan5924 ปีที่แล้ว +1

    Enlightening , informative and touching homily,ho..it’s only now ,I know the family of mama Mary. Thank you ho , Bishop David.

  • @dimaygarin2866
    @dimaygarin2866 ปีที่แล้ว +1

    Mary, our Mother, pray for us 🙏🏻👩🏻‍🦲🎗🎀💝🦋👒🌺💙🤍 #SalveRegina ✨🕊

  • @driggsbaylon4655
    @driggsbaylon4655 ปีที่แล้ว

    💑🍀🌏🀄🐠🌹⛪🕊️🏞️🈴🔥🌴🌅Mama Mary UNTIER OF KNOTS never was it known that anyone who fled to your protection was ever left unaided. For Robert and Helene pls as they battle cancer.🌎🇻🇦🍇❤️☔🌍🍓👒💐

  • @driggsbaylon4655
    @driggsbaylon4655 ปีที่แล้ว

    🔥🌎💐🌾🌏☔🪂🀄🌍🍞💑🌈For Ukraine Nigeria China Philippines Myanmar USA Palestine UK USA Hong Kong Taiwan Russia Sahel Oceania Amazonia Vietnam Poland Finland❤️🍀🌉🍇🐠🌹🌴🇻🇦⛪