ANG TAMANG DAAN NA DAPAT MONG LAKARAN..

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 16 ก.ย. 2024
  • #Arcillasbonie
    #Devotion
    #Christiantips
    #Biblestudy
    #Jesus
    #inspirational
    #Motivational
    #worship
    #God
    #Service
    #Praise
    Discovery class
    Lesson 5
    ANG TAMANG DAAN NA DAPAT MONG LAKARAN
    Panimula:
    1. May daan na akala natin tama pero kapahamakan pala ang dulo.
    2. Ano ba ang gusto mo sa daan ang siguradong daan o walang kasiguraduhan?
    3. Nakaranas na ba kayong maligaw sa daan? Ano reaction mo?
    SINO ANG NAKAKAALAM NG DAAN PAPUNTANG LANGIT?
    Sagot: Alam ko ang daan papuntang langit si Jesus... Malinaw ito sa Juan 14:6
    Juan 14:6
    [6]Sumagot si Jesus, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makakapunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko.
    GAANO KARAMI ANG DUMADAAN? SA DAAN PAPUNTANG IMPIYERNO? O SA DAAN PAPUNTANG LANGIT?
    Sagot: Marami ang dumaan sa daan ng impiyerno kaysa langit.... Ayaw nilang sumunod kay Jesus dahil mahirap daw at maraming bawal, kaya doon nalang sila sa easy way, walang bawal....(Mateo 7:13:14, Lucas 6:46)
    Mateo 7:13-14
    [13]“Pumasok kayo sa makipot na pintuan. Sapagkat maluwang ang pintuan at malapad ang daang papunta sa kapahamakan, at ito ang dinaraanan ng marami.
    [14]Ngunit makipot ang pintuan at makitid ang daang papunta sa buhay, at kakaunti ang nagdaraan doon.”
    Lucas 6:46
    [46]“Bakit ninyo ako tinatawag ng ‘Panginoon, Panginoon,’ gayong hindi naman ninyo tinutupad ang sinasabi ko?
    KUNG IKAW ANG TATANUNGIN NGAYON GUSTO MO BANG DUMAAN SA DAAN PAPUNTANG LANGIT O SA DAAN PAPUNTANG IMPIYERNO?
    Sagot: Ako personally pipiliin ko ang daan papuntang langit..
    SA JUAN 14: 6 MALINAW NA SI JESUS ANG DAAN PAPUNTANG LANGIT, PIRO PAANO TAYO DADAAN KAY JESUS?
    Sagot: Ito dapat nating gawin, sumampalataya ka kay Jesus, isuko mo sa kanya ang iyong buhay, pagsisihan mo ang iyong mga kasalanan, at mamuhay kana sa kanyang kalooban... (Juan 3:16, Juan 10:28, Juan 8:12)
    Juan 3:16
    [16]Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
    Juan 10:28
    [28]Binibigyan ko sila ng buhay na walang hanggan. Kailanma'y hindi sila mapapahamak at hindi sila maaagaw sa akin ninuman.
    Juan 8:12
    [12]Muling nagsalita si Jesus sa mga Pariseo. Sinabi niya, “Ako ang ilaw ng sanlibutan. Ang sumusunod sa akin ay magkakaroon ng ilaw sa kanyang buhay at di na lalakad sa kadiliman.”
    ALAM MO NA BA NGAYON ANG DAAN NA DAPAT MONG LAKARAN?
    Sagot: Purihin ang ating Panginoon dahil malinaw ang ipinahayag niya sa pamamagitan ng Banal na kasulatan na ayon sa Juan 14:6 na si Jesus ang tamang daan, tunay na daan at nag iisang daan...
    Conclusion:
    Kapatid huwag mong sayangin ang balitang ito, pahalagahan mo at pagpasyahan mo... Itinuro na sayo ang daanan papuntang langit, nasa iyong kamay nakasalalay ang iyong kaligtasan. Kung nais mong makatiyak sa langit, sumampalataya ka kay Jesus ngayon mismo, tanggapin mo siya bilang iyong Panginoon at tagapagligtas

ความคิดเห็น • 8

  • @MaryanneDacasin
    @MaryanneDacasin 14 วันที่ผ่านมา

    Panginoong Jesus Christo,Tulungan nyo po ako sa lahat ng aking tatahaking daan.Sana po Gabayan mo po ako at ang lahat ng mga mahal ko sa buhay at lahat ng mga tao sa buong mundo.Sana po nasa tamang daan po kami.Patawad po sa lahat ng kasalanan Namin...
    Amen🙏

  • @MaryanneDacasin
    @MaryanneDacasin 14 วันที่ผ่านมา

    Pinupuri ko po kayo Panginoong Hesu Kristo Nanampalatayo po ako sa iyo Panginoon ng buong puso't Buong kaluluwa ko..Maraming Salamat po..
    Amen🙏

  • @annabelleclamiano715
    @annabelleclamiano715 28 วันที่ผ่านมา

    Amen po🙏

  • @LizaJacinto-f7q
    @LizaJacinto-f7q 21 วันที่ผ่านมา

    Amen🙏

  • @delfinclemente9796
    @delfinclemente9796 27 วันที่ผ่านมา

    Amen

  • @ResildaTagalog-gx6bs
    @ResildaTagalog-gx6bs 27 วันที่ผ่านมา

    Amen 🙏🙏