"Bitaw Na Tayo"

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 6 ต.ค. 2024
  • “Bitaw Na Tayo”
    Nagpatuloy lang tayo sa biyaheng-pag-ibig,
    Minsang humarurot, dumiretso, lumiko, tumigil, humarot muli, naflatan,
    Pero hindi ko akalaing tuluyan tayong mawawalan ng preno - hanggang sa ito na ang kusang huminto;
    Walang sinuman ang makaliligtas sa sakit,
    Wala, kahit pa yung akala mong perpektong pagkakatagpi ang bawat istorya,
    Magkakaroon ng lamat,
    Posibleng tuluyang mabasag;
    'Yung dating malayang pagiibigan,
    hindi na sinangayunan ng kalangitan,
    naging mapanakal,
    naging rehas na gawa sa bakal;
    Gustong umalpas,
    Gustong kumalas,
    At bilang pagmamahal,
    Nagparaya ka na mahal;
    Oras na para bumitaw,
    Kasi hindi tama ang pagmamahal na labis na nag-uumapaw,
    Nakakalunod - hindi ako mahinga,
    Nakakalunod - hindi ako makakilos,
    Nakakalunod - tinatangay na lang ako ng agos;
    Hayaan na muna natin ang luha na bumuhos,
    Hanggang sa maunawaan natin ang bagay na ito nang lubos,
    Kaysa naman tayo ay maubos, maging pulbos, maging upos;
    Bitaw na tayo,
    Para sa'yo, para sa'kin.
    ======
    Music: Malaya by Moira DT
    Words/Videos/Voice Over: Yours Truly
    Follow and share for more poetry videos!
    akosibossjp

ความคิดเห็น •