CHED dumepensa sa isyu ng Filipino, Panitikan sa kolehiyo | TV Patrol

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 12 ธ.ค. 2024

ความคิดเห็น • 55

  • @reyah3255
    @reyah3255 5 ปีที่แล้ว +12

    Ang pagtanggal ng Filipino sa kolehiyo ay parang pagtanggi na rin sa iyong pagkamamamayan. Dito nakasalalay ang kinabukasan ng pagkakakilanlan ng bawat Pilipino. Sa aking palagay hindi nararapat na alisin ang Filipino sapagkat hindi pa natin lubusang nauunawaan ang mga aralin dito at marami pang mas matataas na antas na dapat pang aralin tungkol sa wika. Dapat nating pahalagahan ang sariling wika upang maabot ang naising globalisasyon ng bansa.

    • @dylansprouse7128
      @dylansprouse7128 5 ปีที่แล้ว +3

      Base sa aking nabasa tungkol sa inyong kumento hinggil sa usaping ito... ako'y sumasang-ayon sa inyo sapagkat bilang isang Pilipino dapat o karapat dapat nating ipagmalaki at ipag-yaman ang ating sariling atin at obligasyon nating protektahan ang ating natatanging yaman sapagkat bilang isang Pilipino mahalaga ang may pagkakakilanlan dahil dito tayo nakikilala. At bilang isang mamamayang Pilipino wag nating hayaang (maalis o alisin) sa curriculum ang wikang sariling atin. Dapat mas lalo pa natin itong pinag-aaralan at pinagyayaman.

  • @rochelleelainel.alfonso4501
    @rochelleelainel.alfonso4501 5 ปีที่แล้ว +4

    Ang wikang Filipino ang sumisimbolo sa katauhan natin bilang isang Pilipino. Para sa akin, ang pagiging opsyonal ng asignaturang Pilipino ay parang ikinakahiya ang pagamamamayan natin sapagkat wala namag sapat na dahilan upang tanggalin o gawing opsyonal sa kolehiyo. Dapat lamang na ipagpatuloy ito hindi lamang sa kolehiyo, kundi habang buhay dahil naniniwala ako na marami pa tayong dapat matutunan sa asignaturang nabanggit.

  • @miguelchristianfajardo6590
    @miguelchristianfajardo6590 5 ปีที่แล้ว +2

    Dapat bigyang halaga ang panitikan at asignaturang Filipino. Hindi ako sangayon na tanggalin ang asignaturang Filipino dahilnisa ito sa mga ating maipagmamalaki at core subjects ng ating bansa. Ang pagtanggal sa sarili nating wika ay makakaapekto ng labis sa ating kultura at mga susunod na henerasyon dahil magmumukhang ikinahihiya nila ang sarili nilang wika.Mahalagang ipagpatuloy natin ang pagaral ng asignaturang Filipino upang mabigyang halaga at respeto ang ating mga ninuno at mga taong naglikha nito. Ating mahalin ang ating wikang kinalakihan.

  • @julianaalexis6431
    @julianaalexis6431 5 ปีที่แล้ว +4

    Bilang isang mag-aaral, ako ay naniniwala na mahalaga na matutunan at mapalalim pa nating mga Pilipino ang mga kaalaman natin ukol sa panitikan at sa Filipino. Hindi ako masaya sa pagpapasya ng CHED na gawing opsiyonal lamang ang mga asignaturang Filipino sa kolehiyo. Ako ay sang-ayon sa sinabi ni Prof. Nadera na ang mga batang nasanay sa Ingles at hindi marunong mag-Filipino ay sa kolehiyo na lamang sila may pagkakataon na makapag-aral ng wikang Filipino. Dapat ay pausbungin natin nang lubusan ang ating mga kaalaman, ideya, at pagkakaunawa tungkol sa ating Wikang Pambansa.

  • @lloydmartincaluag2698
    @lloydmartincaluag2698 5 ปีที่แล้ว +3

    Ang wika natin ay isang gamit na tayo lamang ang nakakaalam. Para san pa ang ating kaalaman sa ibang lenggwahe kung ang ating sariling wika ay hindi natin kayang bigkasin. Tayo ay mamamayan ng bansang Pilipinas bigyang halaga natin ang sariling wika. Bilang isang respeto narin sa ating mga ninuno. Ang asignaturang Filipino ay madadala natin sa ating buhay.

  • @alexisalazar2542
    @alexisalazar2542 5 ปีที่แล้ว +3

    Tunay na nakalulungkot and desisyon ng CHED na tanggalin ang Filipino bilang core subject sa kolehiyo. Para sa akin ang pag-aaral ng wikang Filipino ay hindi dapat lagyan ng hangganan. Dumaan man ng elementary at high school ay hindi pa rin sapat ang nalalaman tungkol sa wikang kinagisnan. Ating bigyan ng halaga, sariling wika at kultura. Patuloy na pag-aralan upang manatili bilang ating pagkakakilanlan bilang Pilipinong makabayan.

  • @HandyMan0086
    @HandyMan0086 ปีที่แล้ว

    Hoyyy Hindi ako sang-ayun na alisin ang Filipino, kahit mahina ako sa Filipino ngayon ko na realized na Ang Filipino ay napakahalaga talaga sa lahat ng mga subjects.

  • @felimonursula6583
    @felimonursula6583 5 ปีที่แล้ว +2

    Bilang isang Filipino, ako po ay hindi sumasang-ayon na ibasura ang Pilipino at Panitikan sa kurikulum sa kolehiyo. Ang pagtanggal sa sarili nating wika ay hayagang pagbalewala sa nasyonalismo naming mga mag-aaral. Masaya kami na minana namin sa inyong mga nakatatanda ang napakayamang bokabularyo ng ating panitikan. Mahalagang ipagpatuloy ito ng mga susunod na henerasyon sapagkat utang natin sa ating pamabansang wika ang tinatamasa nating kalayaan. Huwag nating kalimutan na ito ang naging tulay ng ating mga ninuno upang maikasa ang matagumpay na himagsikan laban sa mapanakop na mga dayuhan. Ako ay Pilipino, taas noo akong maninindigan sa pagsagip sa ating panitikan at wikang Pilipino.

  • @allahkudar1586
    @allahkudar1586 5 ปีที่แล้ว +9

    Maraming conyo na pilipino sa manila na hindi pinahahalagaan ang wikang Filipino

  • @dianavivas8107
    @dianavivas8107 5 ปีที่แล้ว +1

    Ang pagpapatanggal ng Filipino sa kolehiyo ay may maganda at masamang hiwatig sa atin. Maganda ito dahil kagaya ng nabanggit sa bidyo, Ang wikang Filipino ay hindi nga namang madalas gamitin. Ngunit ang masama dito, ating minamaliit ang ating sariling wika. Ayon kay dating Pangulong Marcos, Ang ating sariling wika ay isa sa mga bagay na napakahalaga dahil ito na mismo ang susi sa pagpapapaunlad ng ating bansa natin. Kung hindi natin magagamit at matutunan ng mabuti ang ating sariling wika, Paano nalamang ang kaunlarang ating pinapangarap?

  • @renatolucianojr9046
    @renatolucianojr9046 5 ปีที่แล้ว +1

    Bilang isang Pilipino at mag-aaral sa Senior High School department ang pagtanggal ng asignaturang Filipino bilang core subject sa kolehiyo ay kalapastanganan sa wikang nakasanayan at sa bayang kinalakihan. Bagamat ang mga Pilipino ngayo’y madalubhasa sa wikang banyaga, sa aking palagay mahalagang pag-aralan pa rin ang Filipino at panitikan upang mahasa ang kaalaman at kakayahang magsulat, magbasa at makaintindi ng wikang Filipino dahil karamihan sa kabataan ngayon ay hindi marunong magsalita at makaintindi ng wikang pambansa.

  • @ChiniWanders
    @ChiniWanders 5 ปีที่แล้ว +10

    Oo nga pwedeng i-impose ng unibersidad ang Filipino at Panitikan pero hindi dapat option siya, dapat prayoridad.

  • @geraldineaudrey299
    @geraldineaudrey299 5 ปีที่แล้ว +1

    Ang wika ay isang malaking bahagi ng kultura at pagkakakilanlan ng isang tao at ng isang bansa. Bata pa lamang tayo ay tinuturo na saatin ang ating wika upang makipag-ugnayan sa ibang tao at upang makapagbahagi din tayo ng ating kaalaman sa iba. Ako ay hindi sang-ayon sa pagtanggal sa Filipino bilang isang "core subject" sapagkat ito na nga lang ang isa sa mga paraan upang mapayabong natin ang ating wika, kaya dapat ay hindi ito alisin. Sa ating panahon ngayon, marami sa kabataan ang hirap sa pagsasalita sa ating pambansang wika. Kung kaya, ito ang nakikita kong dahilan para panatilihin ang Filipino bilang isang "core subject" sa kolehiyo upang mas lalong mapalawak at mapalalim ang ating kaalaman sa ating sariliing wika.
    Ang ating pambansang wika ang nagsisimbolo sa ating pagiging Filipino , kaya dapat natin ito lalong pahalagahan at bigyang importansya.

    • @alexyandal6889
      @alexyandal6889 5 ปีที่แล้ว

      Just respect the Supreme Court decision and we have nothing to do anymore to reverse it, unless you will under contempt of the law... And the way is who someone in 18th Congress to file a bill to make it 'Filipino' and 'Panitikan' a mandatory course just like Rizal Course.

  • @zell7316
    @zell7316 5 ปีที่แล้ว +2

    Hindi ako sumasangayon sa desisyon ng CHED na tanggalin ang filipino sa mga core subjects. Ang asignatura na ito ay mahalaga para sa mga estudyante. Ito ay nagibigay sakanila ng kaalaman sa tamang paggamit nito at ang kasaysayan ng ating wika. Nakatutulong din ito para sa mga taong lumaki sa pagsasalita ng ingles at sa mga estudyante na galing sa ibang bansa na matutunan ang ating wikang filipino.

  • @pamevangelista_
    @pamevangelista_ 5 ปีที่แล้ว +4

    Sa aking napanood na video, maraming detalye ang pumukaw sa akin. Unang una na rito ay ang pag tanggal ng Filipino Subject sa kolehiyo. Para sa akin, sumasangayon ako sa mga magaaral na nagsabing hindi dapat alisin ang Filipino Subject sa kolehiyo sapagkat paano natin maipapayabong ang kultura ng bansa kung ito’y ipapatanggal? Mawawalan ng saysay ang pagsasakripisyo at paglaban ng ating mga bayani para makamit ang kalayaan at sarili nating wika.

    • @alexyandal6889
      @alexyandal6889 5 ปีที่แล้ว

      Just respect the Supreme Court decision and we have nothing to do anymore to reverse it, unless you will under contempt of the law... And the way is who someone in 18th Congress to file a bill to make it 'Filipino' and 'Panitikan' a mandatory course just like Rizal Course.

  • @bangkokdangerous546
    @bangkokdangerous546 5 ปีที่แล้ว +3

    Ang plano ng mga kolehiyo na tanggalin ang Filipino na subject sa kolehiyo ay nakakalungkot. Nakakalungkot ang pakay ng CHED na tanggalin ang Wikang Filipino. Pati na rin ang Sarili nating bansa ibinabaliwala ang Filipino. Tayo ay mga Pilipino, kaya dapat natin tanglilikin ang sarili nating Salita at Cultura kahit na may plano na alisin. Hindi natin dapat kalimutan at baliwalain ang ating sariling wika.

  • @kylacalalang2518
    @kylacalalang2518 5 ปีที่แล้ว +1

    Sang-ayon ako na dapat ipagpatuloy ang pagtuturo ng Filipino sa kolehiyo. Hindi maitatanggi na karamihan sa mga Pilipino ay marami pang 'di nalalaman sa ating wikang pambansa. Sa tingin ng iba ay hindi mahalaga ang asignaturang ito sapagkat ito'y ginagamit sa araw-araw ngunit salungat ito sa katotohanan. Ang kabataan ngayon ay mas sanay o bihasa na sa wikang banyaga, hirap sa pagbigkas ng ating mga salita, at mas malawak ang bokabularyo sa ibang wika. Kung pinagyayabong ang kaalaman ng kabataan sa wikang Ingles, bakit pinipigilan ang paglinang sa sariling wika? Ang Wikang Filipino ay sariling atin, ating pagkakakilanlan, wikang nagbubuklod sa bawat isa. Ito ay importante sa atin bilang isang Pilipino at nararapat lamang na atin itong ingatan, linangin at bigyang halaga.

  • @gienahmarie
    @gienahmarie 5 ปีที่แล้ว +1

    ang asignaturang Filipino at Panitikan ay dapat pinahahalagahan. Maging sa pagpaplano na tanggalin ang mga asignaturang ito ay nakikitaan na ng kamalian sapagkat tayo ang mga Pilipinong malaki ang pagkukulang sa paggamit ng sarili nating wika. Ito nalang ang kaisa - isa nating pag - asa upang mapalawak ang ating kaalaman ukol dito. Ang modernong pakikipagusap natin sa bawat araw ay hindi makakatulong sa pagpapaunlad ng ating wika sapagkat hindi natin ito ginagamit nang lubusan.

  • @ejpingol6663
    @ejpingol6663 5 ปีที่แล้ว +1

    Ang balitang ito ay tumatalakay sa isyu ng pagtanggal ng Filipino at Panitikan bilang “Core Subjects”. Bilang isang mag-aaral, hindi ito dapat tanggalin at dapat na binibigyan ito ng halaga at pansin dahil nakatutulong ito sa atin na mas mapalalim ang kaalam tungkol dito. Naging daan din ito kung paano tayo nagkakaroon ng maayos na pakikipag-usap sa iba tao, ito ay tinatawag na komunikasyon. Nakatutulong din ito sa mga kabataan mula sa ibang bansa na pinili mag-aral dito sa Pilipinas. Nagkakaroon sila ng mga bagong kaalam na makatutulong din ito sa kanila na magkaroon ng maayos na pakikisama sa mga Pilipino.

  • @allahkudar1586
    @allahkudar1586 5 ปีที่แล้ว +2

    Pati public and private school colleges and universities mandatory ang Filipino subject sa ibang bansa mandatory ang language subject.

    • @JCEurovisionFan1996
      @JCEurovisionFan1996 5 ปีที่แล้ว

      May punto ka. Alam mo, bulag ang CHED at DepEd dahil hanggang ngayon, hindi pa nabubura ang mga problema. Tama ka na mandatory ang Filipino sa kolehiyo at unibersidad dahil mayroong Komunikasyon sa Akademikong Filipino, Pananaliksik, Panitikan, Balarila, at iba pa. Kung tatanggalin yan, eh papaano na? Hindi tama ang CHED at Korte Suprema 'yan!

  • @bytheriversofbabylon8821
    @bytheriversofbabylon8821 ปีที่แล้ว

    Nakakalungkot naman ito...

  • @blizyo6477
    @blizyo6477 5 ปีที่แล้ว +1

    Parang tinanggal ang moralidad ng ating bansa kung ang asignaturang Filipino ay tatanggalin sa kolehiyo. Ito ay uri ng pagbaliwala sa ating sariling kultura at yamang angkin ng bansa. Hindi ito kinakailangan tanggalin upang ang “work load” ng isang mag-aaral ay mabawasan at kung may tatangalin man maraming asignatura ang maaaring tanggalin. Bunga nito ang mababang kalidadng wikang pambansa. Hahayaan nalang ba natin na mabuhay ang bansa gamit ang ibayong wika?

  • @kimberlysuzuki5957
    @kimberlysuzuki5957 4 ปีที่แล้ว

    Mas pinaiiral ng panibagong henerasyon ang paggamit ng mga wikang banyaga at kaakibat nito ang pag-alis ng Filipino at Panitikan bilang pangunahing asignatura sa kolehiyo sa pagkakaroon ng mga balakid sa pagsulong natin bilang isang bansa. Katulad ng kasabihang “Ang wika ay kaluluwa at salamin sa pagkatao ng isang bansa”, ang ating wika ang nagsisilbing pagkakakilanlan natin bilang Pilipino. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng ating wika at ang mga kaugnay nitong panitkan ay matutunan natin ang iba’t ibang impluwensiya na siyang humulma sa atin bilang mga mamamayan ng Pilipinas. Sa paglipas ng panahon, unti-unting nawawala ang pagpapakalabis natin sa wikang kinagisnan. Ang akin lamang ay huwag tayong magpadala sa pagbabago ng panahon, panatilihin at ibunsod natin ang ating kasaysayan at kultura sa pagpapayabong ng ating wika.

  • @ariesandresantos9111
    @ariesandresantos9111 5 ปีที่แล้ว

    Bilang isang kabataan nakakalungkot lamang na isipin na ang ating Panitikang Filipino sa kolehiyo ay tatanggalin ng walang maayos na rason na para bang bigla nilang winalang saysay ang ating wika ng hindi nagiisip sa maaring maging epekto nito sa aming mga kabataan at sa ating mga Pilipino. Hindi man lang nila binigyan importansya ang sariling atin at sa gayon ay gusto nilang tanggalin ito. Ang nararapat na gawin bilang isang kabataan at Pilipino ay tangkilikin, mahalin at payabungin pa ang sariling atin dahil sino paba ang magmamahal sa sarili nating wika kung hindi tayong mga Pilipino din. Kinakailangan ng mga opisyales na gustong ipatanggal ang Panitikang Filipino na magisip ng mabuti at malalim ng mapagalaman nila ang importansya nito sa atin at magiging epekto nito sa mga susunod na henerasyon. Kaya’t nagkakaproblema ang mga kabataan at ibang tao sa pakikipagkomunikasyon at nagkakaroon ng problema sa asignatura ay dahil mas binibigyan importansya nila ang wikang “Ingles” kasya sa ating sariling wika “Filipino” na hindi magandang halimbawa sapagkat tayo’y nasa sariling nating bansa’t kaya dapat lang natin mas bigyang pansin kung paano papayabungin ang sariling atin. Dapat lang natin itong ipaglaban at pahalagahan upang marami pang matutunan ang bawat isa patungkol sa ating wika at sa tamang paggamit nito.

  • @lorvincruz3413
    @lorvincruz3413 5 ปีที่แล้ว

    Sang-ayon ako sa sinabi ng propesor. Sa panahon ngayon ay Ingles na ang karaniwang ginagamit imbes sa sarili nating wika. Karamihan sakanila ay paniguradong hindi marunong mag Filipino. Marahil mas pina-prayoridad ng ibang eskwela ang pagsasalita ng wikang Ingles. Kung kaya ay hindi dapat mawala ang asignaturang Filipino sa kolehiyo dahil pagkakataon ng ibang mag-aaral na malaman at matuto ng sarili nilang wika.

  • @allanamaearanas2443
    @allanamaearanas2443 3 ปีที่แล้ว

    Can I use the video po? For school purposes only. Thank you.

  • @valenciashanelleemae7950
    @valenciashanelleemae7950 5 ปีที่แล้ว

    Hindi ako sang-ayon na gawing opsyonal ang asignaturang filipino sa kolehiyo. Sa aking palagay, kahit na itinuturo ang asignaturang filipino sa elementarya at high school, hindi parin dalubhasa ang mga mag-aaral pagdating sa filipino. Hindi lahat ng estudyante na nasa kolehiyo na ay nakapag aral ng filipino. Kung nagagawa nating mahalin ang kultura ng iba, bakit hindi natin yakapin ang sarili nating wika?

  • @imdani9359
    @imdani9359 5 ปีที่แล้ว

    Kung isa ako sa mga estudyanteng tatanungin sa aking opinyon ukol sa isyung ito, ang tugon ko ay kaisa ako ng grupong "Tanggol Wika". Lubhang nakalulungkot na inihain sa Korte ang pagtanggal ng pagtuturo ng Wika at Panitikan bilang isang "core subject" at para bang pinapahiwatig na hindi ito mahalaga. Ang wikang Filipino ang bumubuhay sa ating pagka-Pilipino ngunit bakit tila tayo pa yata ang pumatay dito? Nakakalungkot lalo na ang mga may kapangyarihan sa gobyerno pa ang naghahadlang sa Wika natin na mapayabong ito at mas makilala ng tao. Bilang isang mag-aaral, kaisa ako sa pagtatanggol ng ating Wika, ang ating Wikang ipinaglaban nang mahabang panahon na tila binabalewala na lang ngayon. Nawa'y mamulat ang mga Pilipino na ang Wika natin ay hindi dapat maliitin bagkus pagyabungin, yakapin at ipahayag nang taas noo.

  • @jorelvilladarez7536
    @jorelvilladarez7536 5 ปีที่แล้ว

    Dapat hindi nila tinutuligsa ang wikang Filipino. Ang CHED ay walang karapatan para balewalain ang paghihirap na ginawa ng ating mga bayani. Tayong mga Pilipino ay obligadong pag-aralan, gamitin, at payabungin pa ito at hindi lamang dapat isantabi. Dapat hanggang kolehiyo ay isama pa rin ito sa kurikulum dahil hindi lang ito isang simpleng wika, ito ay ang bagay na namana natin sa ating mga ninuno at sumasalamin sa ating kasaysayan.

    • @alexyandal6889
      @alexyandal6889 5 ปีที่แล้ว

      Just respect the Supreme Court decision and we have nothing to do anymore to reverse it, unless you will under contempt of the law... And the way is who someone in 18th Congress to file a bill to make it 'Filipino' and 'Panitikan' are mandatory courses just like Rizal Course.

    • @alexyandal6889
      @alexyandal6889 5 ปีที่แล้ว

      hindi naman tinuligsa... inilipat lamang po sa basic ed

    • @bytheriversofbabylon8821
      @bytheriversofbabylon8821 ปีที่แล้ว

      @@alexyandal6889 Ang problema diyan sa Mataas na Hukuman ay hindi sila nagbigay ng kahit anong paliwanag kung bakit ganoon na lamang ang kanilang pagpapasya.

  • @micojayo167
    @micojayo167 5 ปีที่แล้ว +2

    Dati 10 years basic plus 2 sems sa tertiary OK na.. Now that k-12 then it's 12 years in total which is technically a year longer than before kaya for me OK yung move.. 12 years learning Filipino plus using it on a daily basis is already enough IMHO.. students now will have more time on professional subjects.... Learning Filipino is still there but what is Education for? It's for a person to have a better career and better life.. Engineers.. Doctors, Seafarers,..etc.. They need more time for Professional subjects than Filipino so the move was essentially for the betterment of the country.. 👍👍👍..

    • @JCEurovisionFan1996
      @JCEurovisionFan1996 5 ปีที่แล้ว

      Betterment of the country? Isa 'yang ilusyon, Mico, dahil hanggang ngayon, hindi pa nabubura ang mga problema sa mga paaralan kagaya ng kakulangan ng mga silid, aklat, pati mga guro, gusto nilang mangibang-bansa. Tsaka ano 'yung sinasabi mong "betterment of the country" kung ayaw ng higit sa nakakarami ang K-12? Naku, kahit may mga kagandahan at kahalagahan yung mga depensa mo ukol sa K-12, hindi 'yan mabubura dahil hanggang ngayon, lagapak tayo sa kahirapan!

    • @micojayo167
      @micojayo167 5 ปีที่แล้ว +1

      @@JCEurovisionFan1996 pano nasali yung kahirapan?.. Yung topic is yung Panitikan subject.. Nakakita ka na ba ng Engineer, Doctor, Nurse na major in Filipino? .. Kaya nga non-compulsory.. Yung mga gustong mag-aral then go. Aralin nyo.. Yung ayaw kase priority yung major subjects then wag.. Pano mawawala yung kahirapan kung puro lang reklamo?.. The thing is, CHED is giving more options.. At the end of the day.. It's not about the subject you learn in school but how you apply learningls in life.. Talagang wlang pupuntahan kung nauuna yung reklamo... Siguro naman pinag-aralan yan ng maigi ng CHED .. Daming nakaupo dun na buong buhay nag-aral.. with all the honors and yet they chose to do away with that subject.. That means it's for the better of the majority ..

    • @JCEurovisionFan1996
      @JCEurovisionFan1996 5 ปีที่แล้ว

      Better of the majority, ayan ka na naman. Mali-mali ka talaga dahil hindi mo alam kung ano ang kahalagahan ng Filipino at Panitikan sa pag-aaral. Huwag ka naman ganyan at gumising ka sa katotohanang hindi "betterment of the majority", kundi pahirap sa mamamayan ang K-12!

    • @micojayo167
      @micojayo167 5 ปีที่แล้ว

      Coming from a person na di alam na si Quezon yung dahilan ng "Filipino Language" 😂. The international standard is 12 years of basic education.. yung Pilipinas 10 lang kaya dinagdagan ng dalawa para pasok sa statutory requirements ng ILO.. Ngayon bakit kailangan yun? Kasi automatic blacklist lahat ng graduates sa pinas sa pagpractice ng kanilang propesyon as per international standards.. Kaya para talaga yan sa nakararami.. Kung gusto mong ipaglaban yung gusto mo.. Mag aral kang mabuti at tumakbo kang senador.. Not everyone revolves as you wish on your percieved universe.. It's democracy afterall.

  • @tenen109
    @tenen109 5 ปีที่แล้ว

    Hindi ako sang-ayon sa desisyon ng CHED. Sapagkat ang wika natin ay naging at patuloy pang magiging parte ng ating pagkatao. Ang pagkakaroon ng desisyon na ito ay para na lamang, pagtanggi sa sariling wika. Kung titingnan mabuti ang mga malalagong bansa, bago ito naging malago, ay kinilala muna nito ang sariling wika. Tingnan na lang natin ang Japan at South Korea. Ganoon na lamang ang paglago at pag-unlad ng mga bansang ito, sapagkat kinilala nila at binalikan ng tanaw ang kanilang wika. Kadalasan, ang gobyerno ay pilit inaabutan ang ibang bansa sa pag-unlad at pag-asenso. Hindi na namamalayan na ang lahat ng ito ay nagsisimula sa pagbalik ng tanaw sa ating pinanggalingan. Kaya naman, matuto natin na mas mahalin ang ating wika, payabungin at mas paunlarin ito sapagkat ito ang susi sa pag-asenso at pag-unlad ng bansa.

  • @romeryasuko5237
    @romeryasuko5237 ปีที่แล้ว

    How about yung natirang pilipino subject sa college nung nag stop? Is that credited already? I got 2 pilipino subject si 1 naipasa ko na and si number 2 ay hindi pa kase 2017 ako nung mag stop at magtrabaho. Bat kasi binago pa 😅

  • @vuvugaming4359
    @vuvugaming4359 5 ปีที่แล้ว +6

    Mahirap magcomment kase dame dialect sa pilipinas hindi lang tagalog/filipino....

  • @svenperez5626
    @svenperez5626 4 ปีที่แล้ว +1

    dapat naman talaga ay hindi filipino ang tanggalin e kasi nasa culture natin yan e dapat math nalang

  • @bahemisadan3684
    @bahemisadan3684 4 ปีที่แล้ว

    Am I the only English comment? 😂