Minor Basilica of St. Martin of Tours (Taal, Batangas)

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 21 ส.ค. 2024
  • #TaalBasilica #TaalBatangas #BasilicaofSt.MartinofTours
    Ang Simbahan ng Taal, mas kilala sa tawag na Taal Basilica at may canonical name na Minor Basilica of Saint Martin of Tours ay isang Minor Basilica sa makasaysayang bayan ng Taal sa Batangas at napapaloob sa Arsidiyosesis ng Lipa.
    Ito ang intinuturing na pinaka malaking katolikong simbahan sa PIlipinas at sa buong Asya na may taas na 88.6 meters at lapad na 48 meters.
    Si St. Martin of Tours ang patron ng Taal na ipinagdiriwang ang kapiyestahan tuwing ika labing isa ng Nobyembre.
    Noong 1575, tatlong taon matapos itatag ang bayan ng Taal sa dati nitong lokasyon malapit sa lawa ng Taal, inumpisahan ang pagtatayo ng simbahan ng Taal sa pamumuno ng mga paring Agustino. Ito ay muling ginawa gamit ang mga mas matitibay na materyales noong 1642. Gayunpaman, ang simbahan ay nasira kasabay ng bayan ng Taal sa pinakamalakas na pagsabog ng bulkang Taal noong 1754. Ito ang nagbunsod upang ang bayan at simbahan ng taal ay lumipat sa kasalukuyan nitong kinatatayuan sa itaas ng burol na nakaharap sa Balayan Bay.
    Taong 1755, nagsimula ang pagtatayo ng bagong simbahan at nagpatuloy hanggang 1782. Ngunit noong taong 1852, ito ay muling nasira dahil sa isang malakas na lindol.
    Ang konstruksyon ng kasalukuyang simbahan ay nagsimula noong 1856. Pinasinayaan noong 1865 kahit taong 1878 pa ito ng matapos. Ang kaliwang bahagi ng tore na pinaglalagyan ng kampana ay nawasak ng lindol noong 1942.
    Ang simbahan ng Taal ay muling isinaayos noong 1953 bilang paghahanda sa Canonical coronation of the Our Lady of Caysasay na isa pang pinipintakasi ng mga taga Taal at siyang itinuturing na reyna ng Arsidiyosesis. Nang sumunod na taon, 1954, ang simabahan ay idineklara bilang pangatlong Minor Basilica sa Pilipinas.
    Taong 1972, nagsagawa ng restorasyon sa basilica sa pangunguna ng Taal Quadricentennial Council bilang paghahanda sa ika 400 taon ng pagkakatatag ng bayan ng Taal.
    Sa bisa ng Presidential Decree No. 375 ang Minor Basilica of St. Martin of Tours ay idineklara bilang isang National Shrine.
    Noong 1990, ang lumang kampanaryo ay muling itinayo sa pangunguna ng National Historical Institute.
    Taong 2011, nang isaayos ang loob ng simbahan maging ang mga pinta sa kisame nito. Ang simbahan ay nagkaroon ng mga pagkasira dahilsa sunod sunod na malalakas na lindol noong taong 2017. Noong 2019, sa pamumuno ng National Historical commission of the Philippines ay inumpisahan ang muling restorasyon ng simbahan kasama lalot higit ang harapang bahagi nito. Ito ay naging malaking tulong upang mapatibay ang simbahan, dahil sa pagpasok ng taong 2020, muling nag alburuto ang bulkang Taal na nagging sanhi ng sunod sunod na mga paglindol ngunit hindi nagkaroon ng malaking sira ang simbahan.
    Ipinagpatuloy ang pagsasaayos na pansamantalang naantala dahil sa pag putok ng bulkang taal at pagkakaroon ng pandemya.
    Nobyembre, taong 2020 nang matapos ang restorasyon ng simbahan ng Taal na siyang nagbigay dito ng bagong lakas at bagong mukha.
    Ang simbahan ng Taal ang mukha ng katatagan ng mga taga Taal.
    Ang simbolo ng pagbangon at matibay na pananampalataya ng bawat Taaleño at Taaleña.
    Mahal na patrong San Martin ipanalangin mo kami.
    CREDITS TO:
    Taal Basilica FB PAGE
    Taal PYM FB Page
    NHCP FB PAGE
    Mr. Axel Catapang
    Mr. Juan Francisco Gutierrez
    www.batangashi...
    • TAAL CHURCH (OLD PHOTOS)
    / 4-things-you-didnt-kno...
    www.pinterest....
    / 3011251075590850
    www.imagesphili...
    www.pinterest....
    edwardtuazonga...
    depositphotos....
    thetravelad.wo...

ความคิดเห็น • 2

  • @precyluzano2109
    @precyluzano2109 ปีที่แล้ว +1

    We are from the archdiocese of Pampanga and we are going yo the Minor Basilica as one of our Pilgrim sched ,,where can i get in touch with them 🙏🏻