Sir may mali doon sa calculations Kung Class A 1:2:4 with 1 m3 = 9 bags of cement Ito dapat ang mga dami ng sand at gravel per m3 Sand = 9 bags x 2 = 18 bags If size of 1ft x 1 ft x 1 ft = 0.027 m3 Then 18 bags x 0.027 = 0.486 m3 Gravel = 0.486 m3 x 2=0.972m3 Water = 20 liters x 9 = 180m3
Thank you for sharing Engineer ito yung hinahanap kong content, puro Indiano kasi karamihan gumagawa nito, thank you engineer malaking tulong ito sa pagpapatayo ko ng aking bahay
Hay nako ndi Naman ako engineer pero naging q.a ako sa construction, tapos nanuod ako neto Kasi na confused ako sa getting volume, tapos Eto pala computation ang hirap haha
Iba ibang lugar magkaiba yng density and properties ng buhangin at graba. Bago ma attain yng mix proportion for 3000psi maigi mag conduct ng iba ibang trial mix kasi may 1:2:4 mix na more than 3000psi na pwd siya maging 1:2:5 or 1:3:5 depende sa result ng trial mix dito tayo makatipid. At yung slump sa trial mix yn din sundin sa actual pouring may mga nangyari kasi d nasunod sa actual yng slump (water cement ratio) pag pouring masyadong basa d na reflective sa 3000 psi target.
Sa Part 6 and Part 7 po Idol abangan niyo nlng po, Thank you. Next upload ko this coming week part 5 formworks. At susunod by 3rd week of April yung Part 6 idol Rebar estimate with costing naman.
Pag nakuha nyo sir yung cubic meter ng sand and gravel. Pano nyo icoconvert into BAGS yung cubic meter? lets say 30 kg for sand and 33kg for gravel per bag
hi engr thank you sa video mo. ginawa namin itong class A mixture. nung nagpa compression test kami ng concrete cylinder sample ay 2,600 up to 2,700 psi lang ang strength. saan kaya nagkaproblema? at ano ang dapat gawin? acceptable pa din ba ang 2,600 psi to 2,700 psi strength? thank you!
Sir, ang nasa table, sa cement 9 bags/cu. m. Ang sa sand at gravel naman ay 0.50cu.m/cu.m. at 1 cu.m./cu.m. respectively? Ang ibig sabihin ba per cu. m. ay per cu. m. ng concrete?
Boss may pinagkaiba ba yan pag wet or dry mix ang volume? Iba kaso kinu consider ang dry or wet mix sa pieces ng bags.. ano ba ang tama ina apply dito sa Pinas? TIA sa sagot! 😊
so dalwang klasi pala sir ng graba gagamitin na gets kuna yung garaba pala na 3/4" at 3/8" ay sukat ng bato.. so 2 kind of gravel pala yung ginagamit nyu to be able to achieve the 3000psi
Boss informative pero mahina Ako sa math🤭ask lang favor boss baka pede mag pa compute yong terrace ko balak ko e convert sa tindahan.1-1.5mx4m tapos gusto ko medyo mataas kahit Isang hallow blocks or 2 para di pasukin Ng baha.ilan kaya cement/gravel/sand at kailangan pa ba Ng panambak?salamat boss sa tugon Dyan?god bless
Sir james magkanu po ang budget ng 16sqm na 2 story po sa sa 1st floor kusina po lahat at sa 2nd floor gawin po na open na kwarto lahat . Magkanu po budget sir?
Engr Aron pano po ung Gravel pag hahaluin na lng ba sila.. Ung 3/4 at 3/8 pag nag halo na kasi 2 klase po ang laki ng Gravel Para ma atain ung 3000 psi.. Tama hoba
Salamat sa pag-share ng iyong kaalaman, may natutunan na naman ako sa video mo. Peru isang tanong lang. How about yung iba gumagamit ng mixture ratio na 1:2:3, anung classification ito? Class "A" din ba?
Hindi siya na classify dahil ang ganyang mixture ay mabuhangin mas weaker siya compare to 1:2:4 akala kasi nila makakatipid sila dahil nagbawas sila ng Gravel.
@@ARONJAMESGARCIA Thanks a lot for your reply, now I know what is right from a reliable person - a license Engineer. Thanks a lot once again for taking time to answer my question.
Idol ang water cement ratio @ dry density of aggregate ay ranges from 0.4-0.6 para maging workable ang concrete mix mo, base sa trial mix na aming ginawa we obtain 0.45 wc for 4" slump.
good am. sir, regarding sa column bakit kailangan pa ng 3/8 & 3/4. hindi ba pwedeng isang size lng ng aggregate halimbawa 3/4 lang. kasi ang napansin ko sa construction isang size lng kapag nag concreting sila. ginagamit lng ang 2 size sa footing G1 base at 3/4 concreting
Binder yung 3/8 idol na aggregates Pwede namang 3/4 lahat ng bato kahit wala ng binder na ibang bato, Ang purpose kasi niyang binder na yan ay para maging workable parin yung Concrete kahit nas 4" ang Slump or in layman's term mas kakaunti yung tubig. Gamit na gamit yan sa mga Batching Plant. Pero mag Job mix ka nman at 3/4 at G-1 pwede nman but kailangan mong bantayan yung volume ng tubig na ilalagay mo.
good work sir...... sir tanong ko lng po sa 4.48 sa video may {9 bag na cement + 18 na kahon sand + 36 na kahon na gravel + 162 liters}=68cf samantalng 1cubic meter lng ang volume ng slub. 1CUBIC METER IS = 35.3 CUBICFEET.. paano naging 68 cubic feet ang kailangan na materials sa 1 cubic meter na islub sir paki explain?
You only consider the density of water, and you apply to cement and aggregates which is wrong the density of water is different from the density of cement and aggregates.
Depende po sa computed load at Structural. Framing design. Po pero usually pag beams 12mm-16mm sa dami nlnv magkatalo kasi nga magdedepende sa magiging structural computation.
Ang tanong, anung klaseng sand, anung size ang para sa ganito sa ganyan, at anung gravel size ang para sa ganito at para sa ganyan po.. meron black sand, white sand, vibro, S1, meron din po gravel na 1/2", 3/4", 1". Alin dyan ang para sa fooring, beam, slab
Hindi mo kailangan ng vibro sand for Concrete mixture ng column beam and etc. Ang Vibro sand ay para sa Plastering , ito yung buhangin na nabistay na. Sand for Concrete Mixture White Sand Gravel nabangit ko na ito sa video. G-1 , Footing, Slab on Grade, Wall footing Ito yung mga structure na may maluluwang ang spcing ng bakal kung kayat ang G-1 ay paso sa mga pagitan ng bakal 3/4, Column, Beams, Suspended, Slab, Shearwall, 1/2, Binder for 3/4 and G-1 para hindi maging coarser yung bato ng halo.
@@ARONJAMESGARCIA salamat po engineer, first timer po ako na mangontrata hindi po ako engineer or foremanm bale businessman lng. at nagcacanvass ako ng materials, nalito ako if alin bilhin ko. residential project. Bale two types na lng bilhin ko para mas practical. white sand at 3/4 gravel para sa lahat pwede na yun sir?
Ask lng ako engr. Ang ibig sabihin ba nang 1:2:4 is 1 bag of cement..2 bags of sand and 4 bags of graba? Ang ginawang sukatan bags of cement na lng..maraming salamat po..
Meron kasi tayo water Cement Ratio na 0.4-0.5 Just multiply 0.4 sa weight ng computed Cement halimbawa 9 bags of Cement para makuha yung weight 9x40kg kasi sa bawat 1 bag of cement ay tumitimbang ito ng 40 kg therefore 9x40 = 360kgs Volume of water = 360kgs.multply by 0.4 that is equal to 144ltrs. na tubig😊
Sir subscriber nyo po ako.. May tanong lng ko sir. Pag buhos namin ng part ng column kasama ang beam intersection ng second floor ginamit namin na gravel ay 3/8 since masikip napo ang 3/4 sa intersection ng steel bar. Pero ang ginamit namin na gravel sa lahat na beam ay 3/4. May question sir, hindi kaya ma compromise ang compressive strength ng structure na ginamitan ng 3/8 gravel? Our mixture ratio is 1:2:3 thank you po and more power to your channel.
Kung pagbabasehan po natin yung size ng bato mas mataas po ang Compressive Strength ng 3/4 compare to 3/8 assuming tama yung watee Cement ratio na ginamit.
So sir assuming tama ang water cement ratio, in other words hindi umabot sa desired compressive strength (3,000 PSI) ang structure or portion na ginamitan ng 3/8? Is that correct? If it is yes, how will this affect later on the total integrity of the structure? Thanks po.
@@burtpadronia6348 Hindi ibig sabihin hindi siya umabot sa inyong desired compressive Strength what i mean is, mas mataas ang Compressive Strength ng 3/4" compare sa 3/8" na gravel with the same amount ng Cement. Para maging equal yung ibibigay nilang strength you need to add additional amount of cement for 3/8". but kung sa design niyo for 3/4 " na magbibigay ng 3000psi ay siya ring ginamit niyo sa 3/8 ganun na nga ang mangyayari may tendency na hindi niya maabot yung Compressive Strength na required niyo.
@@burtpadronia6348 For the integrity naman ng Structure kung yung ginamit sa pag design and Analysis ng isang Structure ay 3,000psi magkakaroon ng failure or pwedeng mag collapse yung column kasi yung actual Strength ay mas mababa sa Design Strength.
I have a question naman Sir, May hawak po ba kayong Plano kasi makikita niyo po dun kung anong ginamit na Compressive Strength ng concrete for every structure. Kasi kung 3,000 psi nga yung ginamit para diyan sa design yung ratio na 1:2:3 hindi po aabot yan ng 3,000psi para makasiguro po kayo. Pwede po kayo mag trial mix.
Depende po sa Design idol, kung gaano ka kapal yung buhos gaano karaming bakal, depende po sa Design na gagawin ni Structural Engineer, bago kasi makagawa ng isa g estimate kailangan muna magawan ng plano.
@@ARONJAMESGARCIA ah ok po sir engineer need pala plano tama po. How about gagamitin aku hollow block if 2 meters po ang taas anung area po ang kaya nito at gaano ka layo ang bakal po? Mahal ata buhos kisa hollowblock made na watertank.
Hello po! I am a student taking BSCE po. Pwede po ba ako mag-ask regarding po sa Cylindrical Concrete specimen po na gagawin po namin for our thesis. Ano po ang tamang ratio to get 3000psi po? ang nabili po kasi naming gravel ay G1. Thank you po in advance sa sasagot po ❤
@@ARONJAMESGARCIA hello po thank you so much po sa pagsagot. clarify ko lang po ulit (1) sako of cement, (2) sack of sand, (1) sako of 3/4Gravel, and (3) sack of G1 po? pasensya na po if madaming tanong and thank you po sa pagpansin
Boss question meron ba resistance ng kaya e hold ng isang semento, i mean ilang kilo kaya nya sample sa Class A o Class C. Ano normality ginagamiy sa path way ng tao salamat sa sagot.
Para sa Slab 3days of water ponding. After magbuhos. Para naman sa Column kailangan ng burlap cloth at ibalot ito sa column para mapanatili ang temperatura ng concrete para maiwasan ang crack, take note dapat mapanatiling basa ang burlap cloth.
Gumagamit lng tayo ng Concrete sample as a representation para malaman natin kung pasado ba or in good quality ba yung concrete mixture natin at kung kailan ba nating babaklasin ang porma at the same time para malaman natin kung pwede naba natin lagyan ng load yung member.
sir Engr.. kpag nakuha na po ba ang volume ng semento sa isang computation..in example ung nakuha n lhat ng volume ng sand at gravel at lumabas na 9 bags ang kailangan.. mag bbase na po ba aq sa ratio on which class ang ggamitin? gaya ng class A 1:2:4 so x9 q nlng yan dahil nkuha na ang ang 9 bags of volume sa computation? pasagot po pls
Sir ask ko lng kung ilang sako ng semento sa suspended slab ko pra sa terrace ang sukat nia is 13ft x 18ft x0.5ft.gusto ko sanang malaman kung ilan sako ng semento ,sand at gravel please answer me sir..nkasubscribe nko sau.
CORRECTION
Weight of cement 26bagsx40kg= 1,040kg
Water = 1,040kg x 0.48 = 499.2ltrs. dapat instead of 460.8😊
Note : 1kg of water = 1ltr. of water
Napansin ko din to sir.
Na curios din ako sir
Ratio 1:1
Sir may mali doon sa calculations
Kung Class A 1:2:4 with 1 m3 = 9 bags of cement
Ito dapat ang mga dami ng sand at gravel per m3
Sand = 9 bags x 2 = 18 bags
If size of 1ft x 1 ft x 1 ft = 0.027 m3
Then 18 bags x 0.027 = 0.486 m3
Gravel = 0.486 m3 x 2=0.972m3
Water = 20 liters x 9 = 180m3
Yan din ang napansin ko.
Thank you for sharing Engineer ito yung hinahanap kong content, puro Indiano kasi karamihan gumagawa nito, thank you engineer malaking tulong ito sa pagpapatayo ko ng aking bahay
dami kong natutunan hidi lang lahat ng nanood at nakinig salamat sa Dios sa kaalamang binahagi mo Pag palain kanawa ng may kapal.🙏🏼🙏🏼🙏🏼🙏🏾🙏🏾🙏🏾🙏🙏🙏
Malaking tulong po engeener para sa akin bilang isang foreman ang paliwanag mo. Napaka linaw Po salamat.
Salamat engineer sa explanation nyo my natuto ako kng paano mag compute ng mga kailangan sa pag gawa ng bahay.
You're welcome Idol👌🏿👌🏿
Thank you Engr.. pinapanuod ko videos nyo from the start na inupload nyo. malaking tulong ito. Godbless po.
This is Good for starting new contractors and revalidate existing contractor works..
Suggest ko sir , i-edit nyo yung nagkamali na part , baka maconfuse mga viewers, other than that , very informative po Thanks
saan po banda yung nag ka mali
Sorry Idol Mali ako sa part na yun Idol dapat 26x40= 1,040
Water = 1,040x0.48 = 499.2ltrs. dapat instead of 460.8😊
Napaka galing mo po mag Turo Idol!!!
That editing is 🔥🔥🔥
Ambagsik na ng topic
ambagsik pa ng editing!
Pro na Pro na Sir!
#Editing
#Bekenemen!
hahaha
Apply nlng ako sayo Idol taga edit😁
salamat sa dagdag kaalaman sir
maraming salamat sir sa pagsagot sa aking katanungan. God bless.
Ang galing nman ng paliwanag ni Eng'r.! Napakalinaw! :-) Salamat po sa maliwanag na impormasyon! :-) :-)
Wow follower nyo na po ako. Thanks for informative vid
Hay nako ndi Naman ako engineer pero naging q.a ako sa construction, tapos nanuod ako neto Kasi na confused ako sa getting volume, tapos Eto pala computation ang hirap haha
ako din ,biglang concrete engineer ,first Time KO kac maka handle na position na un
Iba ibang lugar magkaiba yng density and properties ng buhangin at graba. Bago ma attain yng mix proportion for 3000psi maigi mag conduct ng iba ibang trial mix kasi may 1:2:4 mix na more than 3000psi na pwd siya maging 1:2:5 or 1:3:5 depende sa result ng trial mix dito tayo makatipid. At yung slump sa trial mix yn din sundin sa actual pouring may mga nangyari kasi d nasunod sa actual yng slump (water cement ratio) pag pouring masyadong basa d na reflective sa 3000 psi target.
That is why naka indicate sa video kung saan galing ang aggregates na ginamit.
thanks for sharing this, malaking tulong to sa pagpapagawa ng bahay ko
Thanks Idol
very informative engr. thank you.
New subscriber here. Thank you sa pagshare ng mga ganitong ideas lods
Satisfied explanation
Mabuting Araw kapatid,,sana mag discuss ka din about the lateral ties, double ties, kailan at bakit,etc.? maraming salamat
th-cam.com/video/FNHjHdGWvCI/w-d-xo.html
Ito try to view
bongga naman neto pang matalino san
Hahaha para sa mga nagbabalak magpatayo ng bahay.
Very informative video sir 💯💯
Meron po b kayong video para sa cost estimates ng rebars sir?
Sa Part 6 and Part 7 po Idol abangan niyo nlng po, Thank you. Next upload ko this coming week part 5 formworks. At susunod by 3rd week of April yung Part 6 idol Rebar estimate with costing naman.
Do I need to consider the dry volume by multiplying 1.54 or no?
Pag nakuha nyo sir yung cubic meter ng sand and gravel. Pano nyo icoconvert into BAGS yung cubic meter? lets say 30 kg for sand and 33kg for gravel per bag
ok idol malenaw ang pag toro mo madaling maintendehan de kagaya nang ivah
correct me sir...regarding the water ratio, 960/40 is 24 bags of cement ..but you have 26 bags. thanks. very informative.
Mali ako sa part na yun Idol dapat 26x40= 1,040
Water = 1,040x0.48 = 499.2ltrs. dapat instead of 460.8😊
Thank you so mcuh sir engr!!
para pong ang dami ng gravel at sand volume na nacompute compared sa total volume ng isang footing.. over estimate po ata..
more power po 💪💪💪 saan po sir yung tayzan rizal?
Naol talaga engr. 🚴
Hahahaha sisiw lng sayo yan Engr.
hi engr thank you sa video mo. ginawa namin itong class A mixture. nung nagpa compression test kami ng concrete cylinder sample ay 2,600 up to 2,700 psi lang ang strength. saan kaya nagkaproblema? at ano ang dapat gawin? acceptable pa din ba ang 2,600 psi to 2,700 psi strength? thank you!
@@architecThor sa water cement ratio and type of sand ang gravel na ginamit
Galing namn..I'm so amaze. Keep it up insan
Hahaha, thank you insan
Thanks for the info
Nice my engineer keep it up by itsme melanie
Sir, ang nasa table, sa cement 9 bags/cu. m. Ang sa sand at gravel naman ay 0.50cu.m/cu.m. at 1 cu.m./cu.m. respectively? Ang ibig sabihin ba per cu. m. ay per cu. m. ng concrete?
Boss may pinagkaiba ba yan pag wet or dry mix ang volume? Iba kaso kinu consider ang dry or wet mix sa pieces ng bags.. ano ba ang tama ina apply dito sa Pinas? TIA sa sagot! 😊
so dalwang klasi pala sir ng graba gagamitin na gets kuna yung garaba pala na 3/4" at 3/8" ay sukat ng bato.. so 2 kind of gravel pala yung ginagamit nyu to be able to achieve the 3000psi
Idol question, sa plastering at filler ng chb wall at anu ratio ginagamit?
Mortar for CHB 1:4 hangang 1:5 pero ginagamit namin 1:4
For Plastering naman 1:2 hangang 1:3
Salamat idol.
Boss informative pero mahina Ako sa math🤭ask lang favor boss baka pede mag pa compute yong terrace ko balak ko e convert sa tindahan.1-1.5mx4m tapos gusto ko medyo mataas kahit Isang hallow blocks or 2 para di pasukin Ng baha.ilan kaya cement/gravel/sand at kailangan pa ba Ng panambak?salamat boss sa tugon Dyan?god bless
Sir yung 1:2:4 is M15 Grade of concrete, tapos yung 1:1.5:3 is M20 Grade of concrete ,yung number correspond sa concrete Strength in MPa
Yes Idol Sabi sa Blue book M15 daw ay katumbas nito ay 1:2:4 but in actual mixing kaya yan ng 20.7 MPa.
The Test result ang nagsasabi ng 1:2:4 can Obtain a Compressive Strength of 3000 Psi or 20.7 MPa.
@@ARONJAMESGARCIA ok sir, so in actual construction ok lang gamitin 1:2:4 kung 20.7 MPa ang required na strength ng concrete,
Yes Idol. Proven and tested na namin Dito sa Site😊👌🏿
Noted Sir, Stay safe ang God bless. Salamat sa mga quality content Sir.
Pwede po kayo gumawa ng pre-cast concrete slab/wall? Very informative..
Honestly po hindi pa po ako nakasubok mag supervise ng Precasts, ang nagagawa plng naman na precast ay yung Curb and Gutter
Gud day.ask ko lang sabay ba gagamitin sa buhos yung3/4 at g1 o mamimili lang dun sa dalawa kung alin Ang gagamitin.
Sir james magkanu po ang budget ng 16sqm na 2 story po sa sa 1st floor kusina po lahat at sa 2nd floor gawin po na open na kwarto lahat . Magkanu po budget sir?
Roughly estimated from 300k-500k
nice information
Very useful and informative Sir...👍
Nice tutorial
Engr Aron pano po ung Gravel pag hahaluin na lng ba sila.. Ung 3/4 at 3/8 pag nag halo na kasi 2 klase po ang laki ng Gravel Para ma atain ung 3000 psi.. Tama hoba
Salamat sa pag-share ng iyong kaalaman, may natutunan na naman ako sa video mo. Peru isang tanong lang. How about yung iba gumagamit ng mixture ratio na 1:2:3, anung classification ito? Class "A" din ba?
Hindi siya na classify dahil ang ganyang mixture ay mabuhangin mas weaker siya compare to 1:2:4 akala kasi nila makakatipid sila dahil nagbawas sila ng Gravel.
@@ARONJAMESGARCIA Thanks a lot for your reply, now I know what is right from a reliable person - a license Engineer. Thanks a lot once again for taking time to answer my question.
Pag precast ba halimbawa gagawa ako ng c-joist ano ba dapat ang mixture?
Pwede po ba na gumawa kayo ng para sa water tank kung ano ang ratio ng 3500 psi. thank you
1:1.5:3
3,500Psi
Paano ang water cement ratio mo sa cip under water
Nice idol
Ano po design compressive strength po nyan, yung huling tables po?
Pa shout out idol sa susunod na vlog mo hehe, question all class mixture ba .45 cement ratio parin gamitin?
Idol ang water cement ratio @ dry density of aggregate ay ranges from 0.4-0.6 para maging workable ang concrete mix mo, base sa trial mix na aming ginawa we obtain 0.45 wc for 4" slump.
Hindi laging 0.45 ang water cement ratio.
hello engr, may idea po ba kayo kung paano mag calculate ng quantity of cement, sand, aggregate sa 150 x 150 x 150mm na cube mould?
Ilang PSI po ba?
1:2:4 po yung mix ratio na gagamitin, 2175 PSI po @@ARONJAMESGARCIA
@@KateAngelaPama
V= 0.15x0.15x0.15
Cement = Vx9
Gravel =Vx1
Sand = Vx0.5
maraming salamat po, engr! 🙌@@ARONJAMESGARCIA
Tanong lang po engr. kung ano po ang class na ginagamit sa road pavement?
good am.
sir, regarding sa column bakit kailangan pa ng 3/8 & 3/4. hindi ba pwedeng isang size lng ng aggregate halimbawa 3/4 lang. kasi ang napansin ko sa construction isang size lng kapag nag concreting sila.
ginagamit lng ang 2 size sa footing G1 base at 3/4 concreting
Binder yung 3/8 idol na aggregates
Pwede namang 3/4 lahat ng bato kahit wala ng binder na ibang bato,
Ang purpose kasi niyang binder na yan ay para maging workable parin yung Concrete kahit nas 4" ang Slump or in layman's term mas kakaunti yung tubig.
Gamit na gamit yan sa mga Batching Plant.
Pero mag Job mix ka nman at 3/4 at G-1 pwede nman but kailangan mong bantayan yung volume ng tubig na ilalagay mo.
THANK YOU SIR! 🙌🏻
good work sir...... sir tanong ko lng po sa 4.48 sa video may {9 bag na cement + 18 na kahon sand + 36 na kahon na gravel + 162 liters}=68cf samantalng 1cubic meter lng ang volume ng slub. 1CUBIC METER IS = 35.3 CUBICFEET.. paano naging 68 cubic feet ang kailangan na materials sa 1 cubic meter na islub sir paki explain?
You only consider the density of water, and you apply to cement and aggregates which is wrong the density of water is different from the density of cement and aggregates.
Sir, paano nyo po nakuha yung 0.48 para sa tubig?
Thanks engr aron
So galing naman po ng suggestion nyo keep it up po god bless you po
keep it up insan ...nice
Kung ang mixing po ay 1× 2 1/2 × 4 Ilan po kayang psi sir at mano mano lang po ang tubig nasa 25 ltrs
Sir gd morning hingi ng advice .nagpatayo ako ng Bahay . Roofing nalang ano Po ba dapat Gawin o ano ba na bakal Ang gamitin ?
Depende po sa computed load at Structural. Framing design. Po pero usually pag beams 12mm-16mm sa dami nlnv magkatalo kasi nga magdedepende sa magiging structural computation.
Nice one 'are you a engineer hehhehhe galing ehh congrats kapatid
Paano mag compute ng posti at biga😊
Hello po Sir,
Ask ko lang po if this is for practical use or may standard po bang pinagbase-an. Salamat po
Base from actual result of design mix through testing
Engr. Tanong lang, ano po ang concrete mix na ginagamit sa road construction sa pilipinas
Iba iba po depende sa design, pero mostly 3,000 Psi 1:2:4
Ang tanong, anung klaseng sand, anung size ang para sa ganito sa ganyan, at anung gravel size ang para sa ganito at para sa ganyan po.. meron black sand, white sand, vibro, S1, meron din po gravel na 1/2", 3/4", 1".
Alin dyan ang para sa fooring, beam, slab
Hindi mo kailangan ng vibro sand for Concrete mixture ng column beam and etc. Ang Vibro sand ay para sa Plastering , ito yung buhangin na nabistay na.
Sand for Concrete Mixture
White Sand
Gravel nabangit ko na ito sa video.
G-1 , Footing, Slab on Grade, Wall footing
Ito yung mga structure na may maluluwang ang spcing ng bakal kung kayat ang G-1 ay paso sa mga pagitan ng bakal
3/4, Column, Beams, Suspended, Slab, Shearwall,
1/2, Binder for 3/4 and G-1 para hindi maging coarser yung bato ng halo.
@@ARONJAMESGARCIA salamat po engineer, first timer po ako na mangontrata hindi po ako engineer or foremanm bale businessman lng. at nagcacanvass ako ng materials, nalito ako if alin bilhin ko. residential project. Bale two types na lng bilhin ko para mas practical. white sand at 3/4 gravel para sa lahat pwede na yun sir?
Heloooo po loadi maayong hapon musta po stay safe done tamsak po sayo frm Giordan
Ask lng ako engr. Ang ibig sabihin ba nang 1:2:4 is 1 bag of cement..2 bags of sand and 4 bags of graba? Ang ginawang sukatan bags of cement na lng..maraming salamat po..
Yes po Idol, Tama po👌🏽
Sir may table din ho ba ng water-cement ratio para sa different class ng mixture?
Class A= 5 gallons /40kg cement
Class B= 5.75 gallons/ 40 kg cement
Class C= 6.5 gallons/ 40 kg cement
Class D = 7 gallons / 40 kg cement
hi sir pano po nakuha yung volume of water sa cement?
Meron kasi tayo water Cement Ratio na 0.4-0.5
Just multiply 0.4 sa weight ng computed Cement halimbawa 9 bags of Cement para makuha yung weight 9x40kg kasi sa bawat 1 bag of cement ay tumitimbang ito ng 40 kg therefore 9x40 = 360kgs
Volume of water = 360kgs.multply by 0.4 that is equal to 144ltrs. na tubig😊
Sir yun class B na mixture pa. Is pede din sa slab?
Pwede for Slab on Grade o yung Slab na naka rest sa Lupa pero kung Suspended slab hindi siya advisable gamitin.
Hi aron my new friend 'new here your friend congrats to you
sir may table rin po ba para sa canopy, stiffener for columns and beams
Concrete mixture ba idol, lahat ng binangit mo idol need na 3/4.
@@ARONJAMESGARCIA cge po sir maraming slamat laking tulong po kayo apaka detailed hehe
thanks po
nice sir... sir yung water cement ratio na 0.45 at. 48 constant yan? 🙏
Yes Constant po yan
Sir subscriber nyo po ako.. May tanong lng ko sir. Pag buhos namin ng part ng column kasama ang beam intersection ng second floor ginamit namin na gravel ay 3/8 since masikip napo ang 3/4 sa intersection ng steel bar. Pero ang ginamit namin na gravel sa lahat na beam ay 3/4. May question sir, hindi kaya ma compromise ang compressive strength ng structure na ginamitan ng 3/8 gravel? Our mixture ratio is 1:2:3 thank you po and more power to your channel.
Kung pagbabasehan po natin yung size ng bato mas mataas po ang Compressive Strength ng 3/4 compare to 3/8 assuming tama yung watee Cement ratio na ginamit.
So sir assuming tama ang water cement ratio, in other words hindi umabot sa desired compressive strength (3,000 PSI) ang structure or portion na ginamitan ng 3/8? Is that correct? If it is yes, how will this affect later on the total integrity of the structure? Thanks po.
@@burtpadronia6348 Hindi ibig sabihin hindi siya umabot sa inyong desired compressive Strength what i mean is, mas mataas ang Compressive Strength ng 3/4" compare sa 3/8" na gravel with the same amount ng Cement. Para maging equal yung ibibigay nilang strength you need to add additional amount of cement for 3/8". but kung sa design niyo for 3/4 " na magbibigay ng 3000psi ay siya ring ginamit niyo sa 3/8 ganun na nga ang mangyayari may tendency na hindi niya maabot yung Compressive Strength na required niyo.
@@burtpadronia6348 For the integrity naman ng Structure kung yung ginamit sa pag design and Analysis ng isang Structure ay 3,000psi magkakaroon ng failure or pwedeng mag collapse yung column kasi yung actual Strength ay mas mababa sa Design Strength.
I have a question naman Sir, May hawak po ba kayong Plano kasi makikita niyo po dun kung anong ginamit na Compressive Strength ng concrete for every structure. Kasi kung 3,000 psi nga yung ginamit para diyan sa design yung ratio na 1:2:3 hindi po aabot yan ng 3,000psi para makasiguro po kayo. Pwede po kayo mag trial mix.
Sir, tanung k lng po. ang 1:3:6 mixture ba ay safe gamtin sa footing, column,at beam. Salamat po..
Pang bakod lang po yan.
Sir anu po recommend nyu na class or mixture kung mag be build aku ng 12m L × 4m W × 3m H na concrete water tank? Salamat po sa pagsagot po..
Depende sa design ng Designer idol pero karaniwan High strength concrete na kailangan mo kapag mga ganyan na naghohold ng mabigat na pressure.
@@ARONJAMESGARCIA sa dimension na nabanggit ilang peso po ba magagastos ku kapag hindi isasali ang labor materials lang po?
Depende po sa Design idol, kung gaano ka kapal yung buhos gaano karaming bakal, depende po sa Design na gagawin ni Structural Engineer, bago kasi makagawa ng isa g estimate kailangan muna magawan ng plano.
@@ARONJAMESGARCIA ah ok po sir engineer need pala plano tama po. How about gagamitin aku hollow block if 2 meters po ang taas anung area po ang kaya nito at gaano ka layo ang bakal po? Mahal ata buhos kisa hollowblock made na watertank.
Hello po! I am a student taking BSCE po. Pwede po ba ako mag-ask regarding po sa Cylindrical Concrete specimen po na gagawin po namin for our thesis. Ano po ang tamang ratio to get 3000psi po? ang nabili po kasi naming gravel ay G1. Thank you po in advance sa sasagot po ❤
Use 1:2:4 and yung 4 na gravel use 1: for 3/4 and 3: for G-1
@@ARONJAMESGARCIA hello po thank you so much po sa pagsagot. clarify ko lang po ulit (1) sako of cement, (2) sack of sand, (1) sako of 3/4Gravel, and (3) sack of G1 po? pasensya na po if madaming tanong and thank you po sa pagpansin
Opo ma'am Tama.
Paano nakuha Yung water cement ratio sir?
anu difference ng Gravel 1 sa Gravel 3/4??
Hello engr sana ma pansin. Saaken po ksi 1 2 3. Ano po mas better sa dalawa 1 2 3 or 1 2 4 mixture hingi lng po idea sir
1:2:4
Salamat po palitan ko nlng hehe. Sa footing palang nmn ksi kami
Boss question meron ba resistance ng kaya e hold ng isang semento, i mean ilang kilo kaya nya sample sa Class A o Class C. Ano normality ginagamiy sa path way ng tao salamat sa sagot.
2500 psi kung sidewalk. na nakarest sa ground
Ok lang ba gamitin idol ang 1:2:4 na mixture hanggang 2 storey building, safe parin ba?
Yes idol
Sir kmusta? Tanong ko Lang Kung ilang araw ba Ang Tama curing period of slab and column? Salamat
Para sa Slab 3days of water ponding.
After magbuhos.
Para naman sa Column kailangan ng burlap cloth at ibalot ito sa column para mapanatili ang temperatura ng concrete para maiwasan ang crack, take note dapat mapanatiling basa ang burlap cloth.
Gumagamit lng tayo ng Concrete sample as a representation para malaman natin kung pasado ba or in good quality ba yung concrete mixture natin at kung kailan ba nating babaklasin ang porma at the same time para malaman natin kung pwede naba natin lagyan ng load yung member.
Hai sir. Nakaka epekto po ba ng strength o maaachieve po ba ng early strength pag ginawang 2:2:4 ang mixture..
Yes po. Pero kung gusto niyo pong makatipid may mga admixtures naman pinabibilis ang curing ng concrete.
You can ask sa mga Batching Plant kung anong klaseng admixture ang ginagamit nila para sa rapid curing
Done subscribe insan.,pahingi nmn design ng 2stories House.,
sir Engr.. kpag nakuha na po ba ang volume ng semento sa isang computation..in example ung nakuha n lhat ng volume ng sand at gravel at lumabas na 9 bags ang kailangan.. mag bbase na po ba aq sa ratio on which class ang ggamitin? gaya ng class A 1:2:4 so x9 q nlng yan dahil nkuha na ang ang 9 bags of volume sa computation? pasagot po pls
if 9 bags ang lumabas na volume of cement
9 Bags of cement 18cu. ft sand at 36 cu. ft ng gravel.. tama po ba?
@@QUAKE-IT Yes po
@@ARONJAMESGARCIA salamat po 😊
123 lng sir pra medyo makasave ng konte ..salamat
ang magkaibang brand ng cement pareho din ba ang quality nun?
Magkaiba po.
@@ARONJAMESGARCIA thanks sir sa reply 👍👍👍
Hi sir tanung ko lang po kung panu po nakuha ang 9 bag of cement sa 1:2:4 na ratio po?
Experimental process po yan, Ginawan po yan ng Trial Mix. With different Quantity of Cement, Aggregates and Water content.
Sir ask ko lng kung ilang sako ng semento sa suspended slab ko pra sa terrace ang sukat nia is 13ft x 18ft x0.5ft.gusto ko sanang malaman kung ilan sako ng semento ,sand at gravel please answer me sir..nkasubscribe nko sau.
Cement. 30 bags
Sand = 2cu.m
Gravel = 3.5 cu.m
@@ARONJAMESGARCIA sir thank u so much s tym mo ..
Anung water cement ratio po ba ideal sa watertank sir?
Sir how about po pag 1 bag of cement instead of 9 bags? And pano po pag as hollow blocks po? Pano po volume
Sir may tanong lang ako saan kinuha o kini compute ang ratios of cement 12..0 , 9.0, 7.5 ,6.0
Trial mix po
Constant na po yan for munual mixing