tanong lang po, may tagas po kasi sa water line ng banyo namen pag naka on yung pressure. pwede po kaya hinaan lang yung pressure or need ng ayusin water line?
Normal lang po yan..hindi namn po magiging pwersado ang motor,as long as nag a automatic ang kanyang pressure switch..usually po kc kapag 2 - 3 story ang bahay is 40 - 60 psi ang recommended
good day sir. tanong ko lang depende ba sa laki ng tangke ang pag aadjust? baka kasi mataasan ko yung psi sasabok yung tangke namin? sana po masagot nyo
@@stayhumbleph1261 hello again sir. ang apela ko lang po sa tangke namin 82 gallons po sya pero isang batsa lang ubos na agad laman. dibali nang mahina ang buga basta maraming ang karga. ano po dapat kong gawin?
Pwede naman sir ang gauge 14 na wire as long as nasa 15 amp. lang ang pump pero mas recommend ko na gumamit ng stranded wire 3.5 para mas sure.,at sa issue ng tank nyo need lang ng adjust ang kanyang cut off😊
Boss tanong lang. Bumili kasi ako second hand na .5 pump at 12 gallons na tangke. Naset na namin all goods na ang tanong lang pano maadjust yung pressure? Stuck lang kasi sa 15 psi hindi nataas. Isang gripo pa lang bubuksan nawawala na agad at nauubos yung pressure. Pano kaya maayos to?
15/40 ang set up ko ngayon boss, pwede ba na taasan ung cut-off pressure? kunwari 25/40 or 20/40 kasi mahina angtagal bago umandar tapos mahina pressure
Usually kasi kapag mga building eh high pressure ang water system..para sakin pwede mo set ng 50 - 60psi ang kanyang cut on at 70 - 80 psi ang kanyang cut off..😊
Bakit ung sa amin asa 40 psi siya tapos kunting gamit lng, mga 3 timba lng asa 19 psi na then mgkakarga ulit, eh yung tank namin 82 gallon connected sa deep well na may 1 at 1/2 na tubo. tapos mgkakarga siya mga 3-4 minutes lng. Normal ba ito?
Basically sir mas marami ang kargang hangin kesa tubig ng inyong tank kapag ganun..pwede nyo naman po kayo mag decrease ng cut in kahit 15 psi lang tas increase kayo ng cut out 45-50 psi depende na lang din po sa inyo kung satisfied na kayo sa 45psi.😊
2phase po ang linya papuntang breaker, line ng pressure switch papuntang motor bago po sa breaker..kapag po isa lang papuntang breaker di po gagana breaker.it means walang papasok na kuryente kapag.
Sir gud pm po.. Sir ask ko lng po s ngyn kc un cut on ng pressure tank nmin is 28 psi the cut off nmn is 40 psi.. Kng g2win kong 20 psi un cut on at 40 p dn un cut off nya..ang ibig po bang sabihin po madadagdagan po b ng hangin s loob ng pressure at konti lng un tubig sa loob ng tangke? Pki explain po kng ano mngyayari sa loob ng tangke kng may adjustment ng pressure sa pressure switch po... Baguhan po ako.. Salamat po sir god bless po..
Pag nag decrease ka po sa cut on mababawasan po ang hangin pero pag sa cut off mababawasan ang tubig.,pero pag nag increase ka ng cut off.magdadagdag ng tubig sir.😊
@@stayhumbleph1261 sir salamat po.. May tanong po ulit ako un set up po b na 28 psi to 40 psi ay recommended po b s establishment na may 2nd flr? Or kelangan po gawin na 20psi to 40 psi? Salamat po god bless sir
@@stayhumbleph1261 sir salamat po... Sir may idea po kayo kng nkt hnd ma drain un tubig sa bladder tank kht nka fully open n po un gate valve.. Wla nmn po problema s gate valve kc n ncheck nmn po namin.. Ptak patak lng po un lumabas s drain nya eh.. Salamat po sir🙏
Need lang po ng adjust sa inyong pressure switch or check nyo rin po linya ng pressure switch or baka defective lang..try nyo po palitan ng heavy duty na pressure switch
Ano ang pweding Maximum Pressure sa 82ltrs na stainless pressure tank po sa ngayon 42psi nag off napo okey ba sya hindi sobra sa 42 or pwedi pang taasan
Pwede pa pong taasan yan ang normal po na psi sa household is 40-60 psi depende rin kasi sa klase ng bahay lalo n a kung 2-3 story na bahay ay need talaga ng medyo mataas na pressure
@@stayhumbleph1261 dol ang tangke ko ay 52 liters nagpalit ako ng meter gauge ang dati 60psi sa 45 psi naghinto na sya at ngayon ang pinalit ko is 100 na gauge at ng nilagay ko ayaw na nya mag stop sa dati 45psi anu dapat ko gawin kc nasa 100 psi na gauge ko nag leak sya sa sobra preasure 🥺
Kapag sa household lang po is pwede na yung 1/2 pvc pipe yung color blue pero kapag pang high pressure tank na pang commercial is yung PPE pipe yung kulay white yun😊
tanong lang po.,kung malakas po ba ang pressure ng tubig .,malakas din po ba sa kuryente po?? mahina po kasi ang tagas kaya inadjust ko po ang hangin.,
Paano po gagawing adjust kapag kabubukas palang e tutunog na agad.po sya..maliit na planggana palang po ginagamit na tubig tumutunog na sya..normal po ba Yun?
sir ganyan din yung set up ng motor pump na pinagawa ko kaya lang bakit yung pressure switch at yung pressure gauges nung sa akin sa tank nakalagay? now ayaw nyang mag cut on and off sa main breaker manually ko lang turn off
Hindi po kasi advisable kapag sa tank nakalagay ang pressure switch at gauge.dapat po nasa motor yan kasi yan ang nagbibigay ng sign or signal sa kanyang pressure switch para sa kanyang cut in at off.
@@stayhumbleph1261 e boss ok lng ba kung malayo yung setup ng water pump sa gripo or sa main ng tubig?balak ko kc mag install baguhan lng ako at balak ko ilagay ung pump sa gilid ng bahay ko kaya lalayo sya sa gripo ng mga 5miters siguro ok lng ba yun?
Maaaring lost contact ang linya ng pressure switch papunta sa motor or defective na ang kanyang pressure switch sir...sa pag adjust naman kapag nut#1 ang kanyang pahigpit ay tataas ang kanyang cut on kapag sa nut#2 kapag pahigpit tataas ang cut out😊
Sa Hardware sir.,i think nag re range sya ng 450 to 650 kanyang price depende rin kasi sa klase kung heavy duty o ordinary.,mas recommend ko heavy duty na bilhin mo para tumagal😊
Boss ano ang dapat gawin pagnaabot na kasi young 40psi bababa sya sa 30psi tapos unti unit sya bababa tapos sa 20psi dapat aandar na uli yung motor ang mangyayari lalagitik lang ang loob ng tangke paulit ulit kahit walang gumagamit ng tubing.
Paano pataasin ang pressure kahit sagad na ia adjust ko ang pressure switch hindi parin sya tataas hangang 10 to 15 psi lang ang lalim ng balum ko at 28 feet at ang lalim ng tubig ay 6 feet . Paano mapataas ng pressure nya. Kahit anong adjust ko ganoon parin sya
Baka defective lang po ang inyong pressure switch or kung di naman hirap lang talaga siguro iangat ang tubig dahil sa lalim ng balon..siguro para sakin need nyo maglagay ng foot valve sa dulo ng pipe sa baba ng balon..
Mukhang di pa kabisado ni sir stay humble..😅 Ang standard recommmended working pressure ng switch ay 20/40 cut in cut off kaya nka factory set na yan at di dapat e adjust unless needed taasan dahil. 2nd floor gamit or more but not to exceed more thsn 60psi.. Marami tanong di nasagot ng tsma. 😅
hi ask lang ano kaya problem nung tank namin, ang bilis bumaba ng psi 35 psi to 20 psi eh wala ang 1 tabo ang gngamit kaya halos mayat maya bukas ang motor eh dati naman hindi ganun yung tank namin thanks you sana mapansin..
Try nyo po i drain ang laman ng tank.siguro marumi or maraming kalawang sa loob kaya hindi ma achieve ang laman na tubig sa kanyang pressure gauge kaya mayat maya umaandar ang motor😊
Yung sa amin nasunog yung pressure switch bat po nagkaganun andar ng andar yung motor pag bukas lang ng tubig sa banyo aandar agad tapos bigla hihinto tapos aandar na naman ulit kumbaga mabilis lang siya umandar at mabilis din mag off bat po ganun
Boss may pinagawa sa akin kapitbahay ko,pinapalitan sa akin pressre gauge hanggang 20psi lang sya ayaw na umakyat,pinalitan ko ng bago ,same padin 20psi lang sya,pero nasa 3/4 na laman ng tangke,ano kaya problema nito,
Kapag 120 gallons po is 40 cut in at 60 cut off depende narin po sa inyo kung household lang or kung building pwede nyo rin dagdagan ang kanyang cut on cut off😊
Kapag nag stop na Siya sir sa 40 PSI, Saka Naman tumataas Ang pressure gauge hangang 80 to 90 psi , natatakot kami sir baka pumutok ung calvanize tank Namin sir
@@ruedasjesus1910 pwede po talaga pumutok kapag ganun..ang gawin nyo po i drain nyo po laman ng tangke possible mas maraming laman na hangin,.drain nyo po lahat ng hangin at tubig nya bago ulit i on.😊
Ung pressure tank po namin hirap mag ipon ng tubig kapag nakabukas po ang gripo, hindi po umaakyat ang pressure gauge niya pag naka open ang gripo.. kailangan pa pong i-off para umakyat ang pressure gauge.. ano po kaya problema, sana masagot po❤❤❤
Adjust mo lang po clockwise or pahigpit ang kanyang cut in or nut#1 at di po kayo satisfied sa daloy ng gripo adjust nyo rin po clockwise ang cut out or nut#2 recommend ko is 40-50psi para malakas ang pressure pag inopen mo ang gripo😊
Ang disadvantage po kasi kapag may jetmatic sya is madali bumaba yung tubig kaya po siguro matagal magkarga or possible may leak o singaw sa yung tubo na dadaanan ng tubig pataas.,ma better po ipa check nyo sa tubero.mas better pag actual.para malaman ang problema😊
Ung samin po hndi pa napupuno ang isang timba umaandar na.. ano po dapat gawin kc lagi po umaandar.. ang hirap po saming mga babae kng papanu ang dapat gawin kaya need manood ng ganitong video para magkaroon kmi ng kaalaman
I adjust nyo po yung nut#2 or yung cut out nya.para tumaas ang kanyang psi.dapat po mga 40-50psi ang cut out nya.para matagal ang kanyang pag andar.at saka lang aandar kapag nakapuno na ang isang timba😊
Siguro po need nyo nang palitan ang kanyang pressure gauge gaya nga ng sabi nyo na nag i stuck up na it means may kalawang na spring ng nut adjuster kaya ganyan ayaw tumaas ang pressure kaya mahina buga ng gripo.
Ang pressure switch po ay naka connect ang linya sa motor napaka importante po nito para maiwasan masunog ang motor dahil di po pwede continues ang andar..at ang pressure gauge ay hangin na pumapasok sa motor papunta sa tangke.
para saan ang pagadjust ng pressure switch?panu kapag nasa mas mataas ang tangke tpos hindi umaakyat ang tubig mkakatulong b ang pgadjust ng pressure switch pra umakyat ang water s mataas na tangke?
@@iggyignacio5896 para sa commercial tank po is 60psi pero kapag sa household po is normal lang yung 40psi. Wag nyo po i set ng 60 psi kapag sa bahay lang po.maaring bumigay ang pipe at fittings ng pump kapag.dahil malakas na po ang pressure ng 60 psi na ginagamit lamang sa mga building o carwash
@@melopitstv1633 possible po may loss contact na ang connection ng pressure switch.try nyo po palitan ang kanyang pressure switch para iwas abala narin😊
Check nyo po yung linyang wire ng pressure swicth baka kasi may tendency na nagdidikit sila kapag umaandar ang motor lalo nat malakas vibrate nito kapag umaandar.yung wire po na nakakabit sa pressure switch
Ganyan tlaga lods mahirapan tumaas pressure nya lalot nasasabayang gamitin well recommend ko lang is dapat malaki ang tangke para mas marami ang stock na tubig or kung di naman para mabilis tumaas pressure,off mo muna gate valve ng tank kapg umaandar.😊
Inobserve nyo po sana if talagang wala syang pagbabago kasi pag ganyang mga case lods maaring defective ang thread ng mga nut so if ganyang wala paring pagbabago kapag inadjust siguro palitan nyo na lang ng heavy duty na pressure switch o yung original brand po😊
Salamat po boss .gumana👍👍👍👍❤️😀😄
@@nosorlualhati4776 welcome po😊
Thank you sa tutorial...
Welcome sir😊🙏🏻 salamat sa pag bisita😊
Salamat idol. 100% legit
Welcome paps😊 god bless🙏🏻❤
Salamat kapatid..
Salamat sa information. Dapat Wala ng background music nakakadistorbo sa pandinig. Mahina na nga boses may pandistirbo pa.n
tanong lang po, may tagas po kasi sa water line ng banyo namen pag naka on yung pressure. pwede po kaya hinaan lang yung pressure or need ng ayusin water line?
@@pennylorraine8879 need narin po ayusin yang waterline nyo.. andar ng andar lang po yan motor kapag di naayos.lalabas di po kc hangin jan
Good day boss. May 2nd floor po kami. 18-45 po psi ko. Okay lang po ba yun? Di po ba pwersado motor po ntin?
Normal lang po yan..hindi namn po magiging pwersado ang motor,as long as nag a automatic ang kanyang pressure switch..usually po kc kapag 2 - 3 story ang bahay is 40 - 60 psi ang recommended
good day sir.
tanong ko lang depende ba sa laki ng tangke ang pag aadjust?
baka kasi mataasan ko yung psi sasabok yung tangke namin?
sana po masagot nyo
Yes sir ang 42 gallon tank is 30 to 45psi ang normal kapag 82 gallon or above is 60 to 80psi above😊
@@stayhumbleph1261 hello again sir. ang apela ko lang po sa tangke namin 82 gallons po sya pero isang batsa lang ubos na agad laman. dibali nang mahina ang buga basta maraming ang karga. ano po dapat kong gawin?
Gud pm sir pwdi po no 14 na wire from jetmatic to pressure switch?saka ask ko din po bakit bilis mapuno hangin water tank?tnx po
Pwede naman sir ang gauge 14 na wire as long as nasa 15 amp. lang ang pump pero mas recommend ko na gumamit ng stranded wire 3.5 para mas sure.,at sa issue ng tank nyo need lang ng adjust ang kanyang cut off😊
gusto q bawasan ung psi boss..20_50 kxe sabi ng pinagbilhan q ng tangke 15.35 psi dapt myuyupi ung tangke daw pag nsa 20-50psi.
Adjust nyo po yung nut#2..counter clockwise or paluwag😊
Boss ask Lng bkt nka off na motor pro umiinit pren motor nya?
possible po mataas po psi ng tank.try nyo po mag priming..baka konti lang nahihigop na tubig kaya madali uminit ang motor sobra sa hangin ang tank.
Ask ko lng po kaya ba ng.5hp na mapuno ang isang tangke na kasintaas ng 5ft. Hindi po kc mkrating sa 40psi un gauge namin
Kaya po yan..yung 5ft.na tank is yung 42 gallon water tank po😊
Un gauge namin hangga 18psi lng ayaw na umakyat sa 40psi ang gamit ko po ay .5hp na elec motor pump
Ano po kaya diprensya nun prng hindi po nya mapuno tangke nmin tapos hindi po nmmtay un motor wala nmn po leak
@@1224gloria baka may problem po sa connection ng water pump at pressure switch..mas better po pa check sa tubero if tama ang linya
kabayan pwede ba yang pressure switch na type sa hangin .or air compressor
I think pwede rin po..😊
Mamatay po b un poso pgmy singaw s tubo papuntang tangke
Yes sir😊 yan ang isa sa dahilan
boss anu ung pinaka ayus ng psi para sa bahay lng..pero 82 gallons ung tangke.....
40 to 60 psi po ang normal for household kapag 82 gall depende rin po kasi if 2 or 3 story ang bahal need talaga above 60psi.😊
@@stayhumbleph1261 ok lng bbung 15-35psi boss...isang bhay lng n normal...isang palapag lng jehe
Boss tanong lang. Bumili kasi ako second hand na .5 pump at 12 gallons na tangke. Naset na namin all goods na ang tanong lang pano maadjust yung pressure? Stuck lang kasi sa 15 psi hindi nataas. Isang gripo pa lang bubuksan nawawala na agad at nauubos yung pressure. Pano kaya maayos to?
Adjust nyo po ang nut #1..clockwise or pahigpit para tumaas ang psi😊
@@stayhumbleph1261 sira yung adjustment switch namin boss bale bibili pa lang kami ng switch para maitaas yung psi kahit hanggang 40psi.
Kua pano ba malaman Ang mga sukat ng pipe para maka Pag asseble dn ako. Salamat
Pag bibili naman po kayo sa hardware is open naman po mag inquire sa mga sizes at use ng mga pipe na pvc or GI😊
15/40 ang set up ko ngayon boss, pwede ba na taasan ung cut-off pressure? kunwari 25/40 or 20/40 kasi mahina angtagal bago umandar tapos mahina pressure
Pwede po taasan ang kanyang cut off😊
9 na apartment sir anu po kaya ang tamang presure na iseset konpara iwas tagas ang tangke
Usually kasi kapag mga building eh high pressure ang water system..para sakin pwede mo set ng 50 - 60psi ang kanyang cut on at 70 - 80 psi ang kanyang cut off..😊
Salamay dol
Welcome lods😊
Sir nka adjust npo yung samin pero bkt sa 4rtfloor wlang tulo pero sa baba hangang 3rd meron at mlkas
Try nyo sir pataasin ang kanyang cut off kahit 60 psi lang.mahirapan talaga yan lalo na pag 4th floor.
Thank you
Bakit ung sa amin asa 40 psi siya tapos kunting gamit lng, mga 3 timba lng asa 19 psi na then mgkakarga ulit, eh yung tank namin 82 gallon connected sa deep well na may 1 at 1/2 na tubo. tapos mgkakarga siya mga 3-4 minutes lng. Normal ba ito?
Basically sir mas marami ang kargang hangin kesa tubig ng inyong tank kapag ganun..pwede nyo naman po kayo mag decrease ng cut in kahit 15 psi lang tas increase kayo ng cut out 45-50 psi depende na lang din po sa inyo kung satisfied na kayo sa 45psi.😊
Lakasan mo boses mo para masarap manood may impasis😁
Sir kaya b ng 80 psi yung stainless tank? Mataas po kasi yung susuplayan
Kaya nya po as long as 82 gallon above ang size ng inyong pressure tank..required po tlaga ang mataas na psi lalo na kapag sa mga commercial building😊
@@stayhumbleph1261 salamat po. Alanganin po kasi ako e bka pumutok
boss ung water pump namin pag pina andar mag on saglit mga 5-10 seconds then mamatay na. ano po problema doon?
@@manhanbanquet7530 adjust nyo po clockwise ang inyong pressure switch.
sir yung sa min nka set 20/50 ok lng po b un?
Ok lang po yun.kapag sa mga 42 gallons pressure tank😊
Sir tanong lang po pag ung line 1 napunta sa mutor tas ung sa gitna sa breaker ,ano po magiging cause sir ?
2phase po ang linya papuntang breaker, line ng pressure switch papuntang motor bago po sa breaker..kapag po isa lang papuntang breaker di po gagana breaker.it means walang papasok na kuryente kapag.
Sir anu maganda sa pressure switch 1.5hp ung motor pump
You mean sir magandang brand ng pressure switch?..syempre yung heavy duty.. Square D na brand😊
Thanks for sharing your ideas 👍
Sir gud pm po.. Sir ask ko lng po s ngyn kc un cut on ng pressure tank nmin is 28 psi the cut off nmn is 40 psi.. Kng g2win kong 20 psi un cut on at 40 p dn un cut off nya..ang ibig po bang sabihin po madadagdagan po b ng hangin s loob ng pressure at konti lng un tubig sa loob ng tangke? Pki explain po kng ano mngyayari sa loob ng tangke kng may adjustment ng pressure sa pressure switch po... Baguhan po ako.. Salamat po sir god bless po..
Pag nag decrease ka po sa cut on mababawasan po ang hangin pero pag sa cut off mababawasan ang tubig.,pero pag nag increase ka ng cut off.magdadagdag ng tubig sir.😊
@@stayhumbleph1261 sir salamat po.. May tanong po ulit ako un set up po b na 28 psi to 40 psi ay recommended po b s establishment na may 2nd flr? Or kelangan po gawin na 20psi to 40 psi? Salamat po god bless sir
@@andreus3577 recommended na yan sir sa mga 2 story na establishment or household
@@stayhumbleph1261 sir salamat po... Sir may idea po kayo kng nkt hnd ma drain un tubig sa bladder tank kht nka fully open n po un gate valve.. Wla nmn po problema s gate valve kc n ncheck nmn po namin.. Ptak patak lng po un lumabas s drain nya eh.. Salamat po sir🙏
@@andreus3577 possible barado yan ng kalawang sir.mas better ipa check nyo sa tubero para sigurado.
Sir anong maganda kong laging umaandar ang makina kahit konte palang ang lumalabas na tubig eh nag autonatic na kaagad
Need lang po ng adjust sa inyong pressure switch or check nyo rin po linya ng pressure switch or baka defective lang..try nyo po palitan ng heavy duty na pressure switch
Ano ang pweding Maximum Pressure sa 82ltrs na stainless pressure tank po sa ngayon 42psi nag off napo okey ba sya hindi sobra sa 42 or pwedi pang taasan
Pwede pa pong taasan yan ang normal po na psi sa household is 40-60 psi depende rin kasi sa klase ng bahay lalo n a kung 2-3 story na bahay ay need talaga ng medyo mataas na pressure
Anong gamit ng pressure ng switch boss nakakalakas ba ng daloy ng tubig boss. Newborn alang alam 🤣
Yes lods.ito rin ang kanyang sensor para mag automatic syang mag switch on at off😊
Boss bakit po pag mag start na motor lumalagapok Bago mag start. Salamat sa reply boss
Possible yung pressure na stock sa suction part ng motor or possible din yung bearing ng shaft seal ng motor😊
Kung magpalit ng pressure meter mag adjust ba?
Yes po😊
@@stayhumbleph1261 dol ang tangke ko ay 52 liters nagpalit ako ng meter gauge ang dati 60psi sa 45 psi naghinto na sya at ngayon ang pinalit ko is 100 na gauge at ng nilagay ko ayaw na nya mag stop sa dati 45psi anu dapat ko gawin kc nasa 100 psi na gauge ko nag leak sya sa sobra preasure 🥺
@@netbagstv9646 need mo I adjust ang kanyang cut off lods.
,sir ano kaya problema hanggang 30 psi lang ang pressure ayaw ng umakyat kaya ayaw mag cut off..ano kaya problema boss?
Try nyo po sir magpalit ng presssure switch,baka yan lang ang defective.
Sir anung mga size ng tubo ung gagamitin pag ngkabit ng presure tank.?
Kapag sa household lang po is pwede na yung 1/2 pvc pipe yung color blue pero kapag pang high pressure tank na pang commercial is yung PPE pipe yung kulay white yun😊
@@stayhumbleph1261 ..salamat sir.. godbless po
@@marvimmacahilo6321 no problem po😊
tanong lang po.,kung malakas po ba ang pressure ng tubig .,malakas din po ba sa kuryente po?? mahina po kasi ang tagas kaya inadjust ko po ang hangin.,
Same lang po ang konsumo nyan. Saka lang po malakas konsumo nyan kapag patay sindi po ang motor.😊
Paano po gagawing adjust kapag kabubukas palang e tutunog na agad.po sya..maliit na planggana palang po ginagamit na tubig tumutunog na sya..normal po ba Yun?
Adjust nyo po ng clockwise or pahigpit yung nut #1 or yung malaking nut para mag increse po ang kanyang cut in.
bro paano kong nagalaw at d natandaan kong ilang ikot, ano ang pwedeng gawin?
@@antoninodelosangeles4097 pwede nyo po luwagan ulit at dun kayo mag start mag adjust base sa on off ng motor.😊
May sound kpa in Ang naririnig Hindi na nga Ikaw marinig😂
sir ganyan din yung set up ng motor pump na pinagawa ko kaya lang bakit yung pressure switch at yung pressure gauges nung sa akin sa tank nakalagay? now ayaw nyang mag cut on and off sa main breaker manually ko lang turn off
Hindi po kasi advisable kapag sa tank nakalagay ang pressure switch at gauge.dapat po nasa motor yan kasi yan ang nagbibigay ng sign or signal sa kanyang pressure switch para sa kanyang cut in at off.
Pano po ayaw tumigil Yung motor .NASA 40 ayaw pa mamatay Yung automatic nia
Try nyo na pong palitan ang kanyang pressure switch o di kaya may defective sa kanyang connection wire papuntang motor😊
ano solosyon kpg lagi umaandar motor kahit wala gumagamit ng tubig.
Possible po may singaw or leak sa kanyang pipe lalo na sa mga elbow at union
boss pano kung d tumataas pressure?
Baka may leak po ang kanyang pipe or defective ang pressure switch.
Ilng amper na breaker boss pag 1ph ung pump
@@djrobinatm9427 15 ampere po😊
@@stayhumbleph1261 e boss ok lng ba kung malayo yung setup ng water pump sa gripo or sa main ng tubig?balak ko kc mag install baguhan lng ako at balak ko ilagay ung pump sa gilid ng bahay ko kaya lalayo sya sa gripo ng mga 5miters siguro ok lng ba yun?
@@djrobinatm9427pwede rin po..basta sa ground lang..wag lang pataas medyo mahirapan motor nyo kapag ganung set up.
@@stayhumbleph1261 salamat boss
Boss bakit po pagbukas ng gripo aandar kaagad ang motor, dati po di nman ganyan, anu po ba dapat gawin?
Try nyo po i priming or i drain nyo po ang tank ninyo baka mas marami ang laman na hangin kesa tubig😊
Ok po salamat
pag nut 1 ang gagalawin boss anung mangyayari at pag nut two
Brod, ang andar ng motor ng pressure motor ko e putol2 sa umpisa at di sya magtuloy2, Paano ba magadjust sa pressure switch?
Salamat
Maaaring lost contact ang linya ng pressure switch papunta sa motor or defective na ang kanyang pressure switch sir...sa pag adjust naman kapag nut#1 ang kanyang pahigpit ay tataas ang kanyang cut on kapag sa nut#2 kapag pahigpit tataas ang cut out😊
parekoy san pwedeng mkabili ng pressure switch at magkano kaya halaga nun sensya na dre ikaw lng mkktulong ty
Sa Hardware sir.,i think nag re range sya ng 450 to 650 kanyang price depende rin kasi sa klase kung heavy duty o ordinary.,mas recommend ko heavy duty na bilhin mo para tumagal😊
many2 thanks sir laking tulong ka sa amin husy mo keep it up
@@brayangarote4233 welcome sir😊😇
Boss ano ang dapat gawin pagnaabot na kasi young 40psi bababa sya sa 30psi tapos unti unit sya bababa tapos sa 20psi dapat aandar na uli yung motor ang mangyayari lalagitik lang ang loob ng tangke paulit ulit kahit walang gumagamit ng tubing.
Try nyo po magpalit ng pressure switch,.kapag ganyan po kasing sequence defective na ang kanyang pressure switch.😊
Boss paano pag mag dagdag ng timba kasi unti lang nakakarga e mag automatic na agad
I adjust mo lods ng clockwise ang nut#2 para tumaas ang hangin nya kahit mga 50-60psi cut out nya para matagal bago umandar😊
Paano mag adjust kong dagdagan ang tubig
Yung cut off nya lang po ang i adjust ng pahigpit😊
bos patulong, cut in is 20, cut off is 40, gusto ko sana gawin cut in ay 30, aling nut ang pihitin ko at cw ba o ccw?
Adjust nyo po nut # 1..clockwise or pahigpit😊
@@stayhumbleph1261 mga ilang full turn po kaya bos para maging 30-40?
@@masterslave8613 5x above po..tansyahan lang po talaga pag adjust nyan😊
Paano pataasin ang pressure kahit sagad na ia adjust ko ang pressure switch hindi parin sya tataas hangang 10 to 15 psi lang ang lalim ng balum ko at 28 feet at ang lalim ng tubig ay 6 feet . Paano mapataas ng pressure nya. Kahit anong adjust ko ganoon parin sya
Baka defective lang po ang inyong pressure switch or kung di naman hirap lang talaga siguro iangat ang tubig dahil sa lalim ng balon..siguro para sakin need nyo maglagay ng foot valve sa dulo ng pipe sa baba ng balon..
boss bago naman pressure switch ko bakit hindi sya mag off tuloy tuloy lang andar ng motorpump, sana masagot mo boss salamat..
Check nyo po connection nya baka po lost contact lang sya
Hi po. Same po samin. Bago lng din po, 5 hours na lumipas di pa rin naaabot ang 40 psi, tuloy tuloy pa din andar ng motor pump
Boss ayaw mag cutoff sa 40psi ano ang problema?
Baka defective na po ang kanyang pressure switch or kung hindi namn maaring may lost contact ang linya ng pressure switch papuntang motor.
sir pano malalaman kung nasa 20 psi na ung pagkakapihit mo sa may spring papaandarin mo na muna ung motor?
Yes po.need rin po paandarin para makita natin ang difference ng cut on at off nya😊
Ano po Standard PSI Pressure for Galvanized tank..deepwell at 1hp motorwater-pump?
30-40 psi po kapag sa household lang gagamitin😊
@@stayhumbleph1261 sir ung samin household lang 45 psi tapos pag on ko ung gripo pag. nasa 20 na aandar na ang motor ok lang ba un?
@@ralphsembrano8126 normal lang po yun😊
Mukhang di pa kabisado ni sir stay humble..😅 Ang standard recommmended working pressure ng switch ay 20/40 cut in cut off kaya nka factory set na yan at di dapat e adjust unless needed taasan dahil. 2nd floor gamit or more but not to exceed more thsn 60psi.. Marami tanong di nasagot ng tsma. 😅
@@stayhumbleph1261mali po kayo sir. recommended working pressure is 20 psi cut on 40psi cut off. Kaya yan ang pressure setting ng switch.
hi ask lang ano kaya problem nung tank namin, ang bilis bumaba ng psi 35 psi to 20 psi eh wala ang 1 tabo ang gngamit kaya halos mayat maya bukas ang motor eh dati naman hindi ganun yung tank namin thanks you sana mapansin..
Try nyo po i drain ang laman ng tank.siguro marumi or maraming kalawang sa loob kaya hindi ma achieve ang laman na tubig sa kanyang pressure gauge kaya mayat maya umaandar ang motor😊
@@stayhumbleph1261 ayaw umakyat tubig
@@alfredogopez3611 check nyo po ang tubo may tendency na may singaw or spot na butas na maliit kaya hindi makataas ang tubig
Sir ano po sira pg puno na ayaw pa rin mg automatic off ang makina
Pressure switch lang po yan😊
Yung sa amin nasunog yung pressure switch bat po nagkaganun andar ng andar yung motor pag bukas lang ng tubig sa banyo aandar agad tapos bigla hihinto tapos aandar na naman ulit kumbaga mabilis lang siya umandar at mabilis din mag off bat po ganun
Dapat po ina adjust nyo po ang kanyang cut in at off kahit 10-20psi lang ang difference bago mag cut off.para medyo matagal ang andar
Boss may pinagawa sa akin kapitbahay ko,pinapalitan sa akin pressre gauge hanggang 20psi lang sya ayaw na umakyat,pinalitan ko ng bago ,same padin 20psi lang sya,pero nasa 3/4 na laman ng tangke,ano kaya problema nito,
Pero sinubukan nyo po bang inadjust yung bagong pressure gauge? or siguro yung motor lang ang may problema
Salamat po sana next time Lakasan mo Boses mo para marinig namin ng maayos..
Salamat sir😊🙏🏻 that time wala pa po akong vlogging mic..kaya mahina ang voice ng video.
ano pa ma advise nyo na cut in at cut out sa presure pag gamit ay malaking tangke 120 galons at 1 hp ang motor
Kapag 120 gallons po is 40 cut in at 60 cut off depende narin po sa inyo kung household lang or kung building pwede nyo rin dagdagan ang kanyang cut on cut off😊
@@stayhumbleph1261 sslamat
Sir gud am, ok Naman ung start niya sa 20psi at cut off NIYA sa 40 PSI, Ang problima ko sir tumataas ung pressure NIYA
Pwede nyo bawasan cut off nya sir.30 to 35 psi goods na yun..😊
Kapag nag stop na Siya sir sa 40 PSI, Saka Naman tumataas Ang pressure gauge hangang 80 to 90 psi , natatakot kami sir baka pumutok ung calvanize tank Namin sir
@@ruedasjesus1910 pwede po talaga pumutok kapag ganun..ang gawin nyo po i drain nyo po laman ng tangke possible mas maraming laman na hangin,.drain nyo po lahat ng hangin at tubig nya bago ulit i on.😊
Maraming salamat Po sa advice ninyo thanks much
@@ruedasjesus1910 welcome sir😊
Ung pressure tank po namin hirap mag ipon ng tubig kapag nakabukas po ang gripo, hindi po umaakyat ang pressure gauge niya pag naka open ang gripo.. kailangan pa pong i-off para umakyat ang pressure gauge.. ano po kaya problema, sana masagot po❤❤❤
Try nyo pong magpalit ng check valve or di kaya may leak or singaw sa tank line
sir pano palakasin ung labas ng tubig sa gripo?..pag gumamit kami sa cr ng tubig wala na lumalabas na tubig sa lababo..
Mahina po ang pressure ng tank nyo😊adjust nyo po pressure switch kahit 40psi cut off nya malakas na yan
Boss pano pag matagal bago umandar yung motor. Mahina yung daloy ng tubig malakas lang kapag kakatapoos lang umandar ng motor. Sana mapansin po.
Adjust mo lang po clockwise or pahigpit ang kanyang cut in or nut#1 at di po kayo satisfied sa daloy ng gripo adjust nyo rin po clockwise ang cut out or nut#2 recommend ko is 40-50psi para malakas ang pressure pag inopen mo ang gripo😊
Counter clockwisé mu yung differintial pressure, maliit na spring,
Paano naman kong madalas umandar ang motor anong gagawin
Dapat po ba may pressure switch ang water pump?
Yes po required yan lalo kapag may pressure tank sya😊
Sir pano po ang gagawin pag matagal magkarga, tapos po kapag naubusan puro hangin po lumalabas, jetmatic po
Sana po mapansin
Ang disadvantage po kasi kapag may jetmatic sya is madali bumaba yung tubig kaya po siguro matagal magkarga or possible may leak o singaw sa yung tubo na dadaanan ng tubig pataas.,ma better po ipa check nyo sa tubero.mas better pag actual.para malaman ang problema😊
Thankyou po sir. Godbless po
No problem po😊😇 god bless🙏🏻
parekoy ung aking motor ayaw mag automatic kahit anong adjust ko ano kaya ang sira dun
Try nyo po palitan ang inyong pressure switch😊
Bossing tanong kulang po bakit preasure switch ng motor pump ko kahit anong adjust ayaw tumaas,, hangang 10 to 20 lng po, ano kayang sira nito?
baka defective po ang inyong pressure switch try nyo po palitan
Boss bakit yong samin ayaw umakyat sa 40 yong psi nya hanggang 20 lang, di tuloy magcut off yong makina makina kasi di umakyat sa 40psi
Possible po defective ang kanyang pressure switch.
@@stayhumbleph1261 nagpalit po ng pressure switch, ayaw parin boss bago pang din yong makina nya. Ano kaya problema non
@@geraldestayo7208 mas better lods i pa check mo sa electrician ng mga motor pump😊
Good day sir question lang , ano po problema pag matagal mag stop yung presure tapos ang dali lang ma ubos ng tubig?
Possible po over pressure ang laman ng tank or kung di naman may leak sa kanyang pipe.😊
@@stayhumbleph1261 thanks sir
bka sa susunod na vlog lakas lakasan mo nman ang boses mo, ikaw lang ang nakakarinig brother
Noted brother😊👍🏻🙏🏻
Boss bkit kya di gumagalaw yung gauge ng wster pump ko laging nsa 45psi paano pgadjust nito patulong nmn boss.
Try nyo po luwagan I adjust ang range screw o yung malaking screw which is nut#1
Magulo boss ang explanasyon
Ung samin po hndi pa napupuno ang isang timba umaandar na.. ano po dapat gawin kc lagi po umaandar.. ang hirap po saming mga babae kng papanu ang dapat gawin kaya need manood ng ganitong video para magkaroon kmi ng kaalaman
I adjust nyo po yung nut#2 or yung cut out nya.para tumaas ang kanyang psi.dapat po mga 40-50psi ang cut out nya.para matagal ang kanyang pag andar.at saka lang aandar kapag nakapuno na ang isang timba😊
Pag bumababa po Humihinto po sya sa 20 tapos pag umandar na po, umaakyat sya ng 40 ..normal po ba or pwede pa po ilagay sa 50 ung pag akyat nya
Bulbol
Paano po pag nag sstock up hangang 20psi lang pag pinihit naman ayaw na mag shotoff ano po kaya sira nun mahina bunga ng puset
Siguro po need nyo nang palitan ang kanyang pressure gauge gaya nga ng sabi nyo na nag i stuck up na it means may kalawang na spring ng nut adjuster kaya ganyan ayaw tumaas ang pressure kaya mahina buga ng gripo.
Di gaano marinig boses mo boss. Tanggalin mo na yung bg music nakakairita lang
Bakit pala nasa motor ang pressure switch at pressure gauge?ano po binabasa nya na pressure sir sa motor o sa pressure tank?
Ang pressure switch po ay naka connect ang linya sa motor napaka importante po nito para maiwasan masunog ang motor dahil di po pwede continues ang andar..at ang pressure gauge ay hangin na pumapasok sa motor papunta sa tangke.
gudam po. tanung lng po,nagkabit po ako ng pressure switch sa electric water pump ko. pero ayaw po mag automatic on/off..
paano po pwede gawin?
Possible po sa connection ng pressure switch at motor..mas better po pa check nyo sa installer ng mga pressure pump.😊
Paano pag Wala syang tubig
kung may G.I plug ang pipe pwede nyo itong buksan at lagyan ng tubig para mahigop ng motor.
Pano pag umandar tapos namamatay naman ulit tapos umandar ulit pabalik balik lang
Pressure switch po ang problema kapag ganyang case,.maaaring dahil sa pagluwag ng adjuster spring😊
Paano po mag adjust ng water pressure? Mahina ang daloy ng tubig sa 3rd floor. Ang tangke at makina nia po ay nasa ground floor namin
Need nyo po mag dagdag ng pressure..adjust nyo lang ng clockwise or pahigpit yung nut#1 para tumaas ang kanyang cut off..kahit 50 - 60 psi😊
Boss Pano pag ayaw mahinto and nag overflow na ?
Off nyo po ang breaker or tanggalin ang male plug para di na umanda ang motor😊
para saan ang pagadjust ng pressure switch?panu kapag nasa mas mataas ang tangke tpos hindi umaakyat ang tubig mkakatulong b ang pgadjust ng pressure switch pra umakyat ang water s mataas na tangke?
Yes po kapag nasa taas ang tank need po ng mataas ang psi or pressure
@@stayhumbleph1261 ilan b ang limit ng pressure ng isang pressure tank?
@@stayhumbleph1261 bka kase maover pressure ang tangke kpg ngadjust,anu b maximun limit ng pressure dapat?
@@iggyignacio5896 para sa commercial tank po is 60psi pero kapag sa household po is normal lang yung 40psi. Wag nyo po i set ng 60 psi kapag sa bahay lang po.maaring bumigay ang pipe at fittings ng pump kapag.dahil malakas na po ang pressure ng 60 psi na ginagamit lamang sa mga building o carwash
boss thank you sa video. paano po kung 0-40psi takbo ng motor, alin po sa dalawa pipihitin ko kung gusto kong maging 20-40psi.
thanks boss
Yung nut#1 sir o yung mas malaki😊
Boss pano kapag may pressure controll tapos naingay parang naubo ubo tapos namamatay ang pressure pump ano problema non
@@christianreyes1986 possible sir may shortage ang inyong pressure switch maaaring may lose contact papunta sa motor o sa main supply.😊
hello sir,ano problema p pag sa cut-on di umaandar ang motor or di ngestart
@@melopitstv1633 possible po may loss contact na ang connection ng pressure switch.try nyo po palitan ang kanyang pressure switch para iwas abala narin😊
Boss patulong well mate po tangke ko pagmagoff ns cya nag on off cya mabilis, pag d mo pinatay masunog ang sw.
Check nyo po yung linyang wire ng pressure swicth baka kasi may tendency na nagdidikit sila kapag umaandar ang motor lalo nat malakas vibrate nito kapag umaandar.yung wire po na nakakabit sa pressure switch
@@stayhumbleph1261 salamat po sa reply..
Welcome po😊
sir yung sa amin wala pang isang balde yung nilalabas ba tubig naandar agad
Adjust nyo po clockwise ang kanyang cut in at cut off.😊
bos pano puba kung umaandar yung makina tapos ayaw kumarga hindi makasipsip ng tubig
Siguro po may leak ang kanyang tubo sa ilalim or kung hindi naman po may shortage po sa supply ng tubig sa ilalim😊
ok salamat po
@@ashleyruiz1156 no problem po😊
Sir,pwede 21gallons Ang pressure tank ko tapos 41 psi thank you
Pwede rin sir..ang disadvantage lang kasi nyan eh mabilis lang pag andar ng motor kasi mas maraming karga na hangin ang tangke kesa sa tubig.
Magandang araw boss.... pano naman pag may gumagamit , ayaw mamatay ng motor.. laging andar at ayaw umakyat ang pressure. Pano ayusin?
Ganyan tlaga lods mahirapan tumaas pressure nya lalot nasasabayang gamitin well recommend ko lang is dapat malaki ang tangke para mas marami ang stock na tubig or kung di naman para mabilis tumaas pressure,off mo muna gate valve ng tank kapg umaandar.😊
@@stayhumbleph1261 ok boss.. thank you.
Ayus
inadjust po nmin yung samin pero d parin umaangat , nasa 10 psi lang po , ano po cause nun?
Inobserve nyo po sana if talagang wala syang pagbabago kasi pag ganyang mga case lods maaring defective ang thread ng mga nut so if ganyang wala paring pagbabago kapag inadjust siguro palitan nyo na lang ng heavy duty na pressure switch o yung original brand po😊
mahina po ang boses mo, natatalo ka ng background audio, mas magandang lakasan ang boses para mas maintindihan.
Panu po pag ayaw ng mag automatic switch on tapos automatic switch off? Anu pong problema
Pressure switch po😊