Rosario Cantada ng Caloocan, Leynes, Talisay, Batangas (with subtitles)

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 6 ก.ย. 2024
  • Rosario Cantada of Caloocan and Leynes, Talisay, Batangas, the Philippines. Padasal sa bahay bago bumalik sa ibang bansa. Ang mga magdadasal ay nanggaling sa dalawang barangay ng Caloocan at Leynes. Mga 26 ang magdadasal na nakilahok sa harap ng mga Poong San Agustin, San Sebastian at Birheng Maria.
    Ang Rosario Cantada ng mga taga-Caloocan at Leynes ay pamana pa ng mga matandang panahon (apprx: late 19th century or early 20th century). Ayon sa kwento, isang nag-ngangalang Pedro Pablo na nanggaling sa Capas, Tarlac ang nagturo sa mga taga-Caloocan na hanggang ngayon ay tradisyonal na inaawit at dinadasal kada Linggo, Fiesta at mga Padasal sa mga pribadong bahay. Mapapansin na Espanyol pa rin ang gamit na dasal tulad ng Padre Nuestro, Dios Te Salve, Gloria Padre at Virgen Divino. Ang dasal ay nagsimula sa Oracion at sinundan ng kantang Santa, Santa, Santa Maria. Sa buong recording, maririnig din ang Salve Regina (Latin), Litanya ng Birheng Maria (Latin) at ang pinaka espesyal na dalit para kay Maria at iba pang mga santos (O Poong Birheng Maria, 31 verses). Ang huling kanta ng rosario ay ang Ave Virgo Rex Mater na pinaghalong Latin at Tagalog. Sa lahat ng mga kanta at dasal, maririnig ang style ng 'sambot' kung saan maririnig ang mga mananagot ay tutugon sa bawat panimula ng namumuno. Maririnig din ang harmony ng 1st (tiple) at 2nd voices sa mga kanta.
    Ikinakatakot nang manganib at mawala ang espesyal na tradisyong ito kung walang magpapatuloy ng mga nakagawian na ng matatanda.
    Kung sino man po ang interesado, just comment your email o kaya naman ay punta po kayo sa Barangay Caloocan, Talisay, Batangas, sa tuklong (chapel) 6:00am ng umaga para sa dasal, kada-Linggo, at siyam na araw bago magfiesta (Agosto 28 at Nobyembre 19). Sa araw ng fiesta naman, kinanta ang 'Santo, Santo, Santo, Señor Dios de los ejércitos' sa pursisyon at 'Trisagio' pagka-urong o tapos ng pursisyon.
    Full length recording is available at: / rosario-cantada-of-cal...
    Sa buong taon sa mga barangay na ito, mayroong ibat-ibang mga tradisyon ang ginagawa. Una na dito ang pagbasa ng Mahal na Pasyon. Meron ding mga kanta para sa Flores de Mayo, ang Dalit kay Maria (sa pag-aalay ng bulaklak sa simbahan) at ang Dios Te Salve sa Pursisyon.
    Download the file here:
    drive.google.c...

ความคิดเห็น • 16

  • @johnmartinrubio6328
    @johnmartinrubio6328 ปีที่แล้ว

    I love the way they continue the tradition ❤

  • @rollandkeldrickarevalo1921
    @rollandkeldrickarevalo1921 3 ปีที่แล้ว +3

    Napaka tandang tradisyon maraming salamat po!

  • @user-rf3bj5kp1j
    @user-rf3bj5kp1j 3 ปีที่แล้ว +2

    Nakakatuwa Naman po ito matutuwa dito Ang diyos

  • @kin072118
    @kin072118 3 ปีที่แล้ว +1

    Masarap sa pakiramdam ang makasama sa ganito

  • @johnmaniego1761
    @johnmaniego1761 3 ปีที่แล้ว +1

    I like the opening song. Napaka solemn! Damang dama mo bawat sinasabi ng kanta.

  • @rsison1534
    @rsison1534 4 ปีที่แล้ว +3

    Its amazing that such customs still live on!

  • @bestfriend.m1926
    @bestfriend.m1926 2 ปีที่แล้ว +1

    NAPAKAGANDA NG ANG TRADISYON DIYAN SA LEYNES

  • @cristvermontsadiwa1670
    @cristvermontsadiwa1670 2 ปีที่แล้ว

    pede po ba sialng mainvite sa Cavite

  • @joannebaja1426
    @joannebaja1426 6 ปีที่แล้ว

    Parang sa bahay ng Nanay Tinay?

  • @kabukidvlogs852
    @kabukidvlogs852 4 ปีที่แล้ว +1

    Si Kakang Diday anjan.

  • @paolomiguelcobangbang9794
    @paolomiguelcobangbang9794 6 ปีที่แล้ว +1

    May piyesa po kaya kayo nito o kaya full text? Pa-email po ako sa paolomiguelcobangbang@gmail.com salamat po :)