Mga Mag-aaral na may Kapansanan: Pagdagdag ng Atensyon at Pakikilahok sa mga Gawain

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 12 ธ.ค. 2024
  • Dahil ang pag-aaral ay maililipat na sa bahay, dapat matulungang mag-focus ang isang mag-aaral na may kapansanan (Learner with Disabilities). Isang hamon para sa mga guro, pati na rin sa mga magulang, na gawing epektibo ang proseso ng pagtuturo sa isang mag-aaral. Kaya naman, mainam na gumamit ng mga paraan o stratehiya para makuha at mapahaba ang atensyon ng isang LWD sa kanyang inaaral.
    Una, dapat malaman ng nagtuturo kung gaano katagal nakaka-focus ang isang bata sa isang aralin. Kapag napapansin na tumatagal ang focus ng isang bata, doon lang magdagdag ng oras sa kanyang mga aralin.
    Pangalawa, isama ang gawaing pang-akademiko sa pang-araw-araw na gawain ng bata. Kapag tinanggal ang pressure sa mag-aral, mas natural na matututo ang isang bata.
    Pangatlo, pagsalit-salitin ang mga mahihirap at madadaling gawain. Kapag hirap ang isang bata na mag-focus sa itinuturo sa kanya, mas madaling mabaling ang kanyang atensyon sa ibang bagay. Kasabay ng mahirap na aralin, magbigay rin ng gawain na madali lang tapusin ng bata. Kung ang gawaing pang-akademiko ay kaabang-abang, mas gaganahan ang mag-aaral.
    Para mas madaling maturuan, at matuto ang mag-aaral, mahalagang magtulungan ang guro, mga magulang at ang iba pang support person nito. Sa ganitong paraan, lubos na makikilala ang isang mag-aaral na may kapansanan.

ความคิดเห็น •