Ngayong Wala Ka Na | (c) Agsunta | Acoustic Version

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 18 มี.ค. 2022
  • KUNG MAY PAGKAKATAON KANG MAKAUSAP NG ONE LAST TIME UNG TAONG NAWALA SAYO, ANO KAYA SASABIHIN MO? 🥺💔🥺💔
    Kame eto…
    Ngayong Wala Ka Na (Stripped Down Version)
    ~ G? Bigay ka na msg sa EX mo sa comment section neto 🤟🏻🥺💔🥺💔🥺💔
    •••PERSONAL ACCOUNTS•••
    Jireh "Jai" Singson
    TWITTER 🐣: @jai_agsunta
    INSTAGRAM 📸: @jai_agsunta
    Mikel "Mik" Arevalo
    TWITTER 🐣: @mikel_agsunta
    INSTAGRAM: @mikel_agsunta
    Josiah "Josh" Planas
    TWITTER 🐣: @josh_agsunta
    INSTAGRAM 📸: @josh_agsunta
    Stephen "Tep" Arevalo
    TWITTER 🐣: @stephen_agsunta
    INSTAGRAM 📸: @stephen_agsunta
    Nasa link yung comment!
    #TeamAgsunta #AgsuntaOriginals #NgayongWalaKaNa #showsomeppllove
  • เพลง

ความคิดเห็น • 449

  • @rgjontilano5327
    @rgjontilano5327 2 ปีที่แล้ว +147

    In life, you're too lucky if you ended up with your greatest love. But most of the time, our greatest love tend to be our greatest lesson. They will mold us to be the best of ourselves not for them, but for someone else. I'm afraid of how painful and unfair it is but I know for real its part of loving and getting love afterall.

    • @maree8648
      @maree8648 2 ปีที่แล้ว +1

      💔🥲

    • @jedsDexplorer
      @jedsDexplorer 2 ปีที่แล้ว +1

      hoy masakit!!!😣

    • @maryroseit8862
      @maryroseit8862 2 ปีที่แล้ว +1

      The greatest love is gone now ...
      But still thinking of him 😢

    • @lycaclerigo8856
      @lycaclerigo8856 2 ปีที่แล้ว +1

      💔

    • @chrollo.lucilfer01
      @chrollo.lucilfer01 2 ปีที่แล้ว +1

      "Our greatest love tends to be our greatest lesson."
      Fvck 💔

  • @rhoslynvillarba7238
    @rhoslynvillarba7238 2 ปีที่แล้ว +86

    “Tandang-tanda ko nung nagdaang taon halos di tayo mapaghiwalay,” My boyfriend passed away last december, for almost 4yrs araw-araw kaming magkasama palagi siyang nasa bahay namin, minsan naman nasa bahay nila ko hanggang ngayon kahit sobrang labo na mangyare umaasa pa din ako na isang-araw makakasama ko ulit siya. Tuwing masama loob ko, gusto ko mag rant o gusto ko umiyak sakanya lang ako pumupunta tapos nandon lang siya nakikinig, yayakapin lang niya ko pagtapos ko mag rant, ngayon wala na yung boyfriend ko, yung bestfriend ko hindi ko alam kung kanino ako tatakbo, kung kanino ako kakapit. He’s my greatest love, pag kasama ko siya feel ko safe ako, sobrang saya ng puso ko pag kasama ko siya, tawanan lang ganon, nag-aaway man pero naaayos. Hi mahal, heaven is so lucky to have you🤍🕊

    • @tagasupportlang4064
      @tagasupportlang4064 2 ปีที่แล้ว +1

      Taga bohol ka gwapa?

    • @yohanjamesbacoro8270
      @yohanjamesbacoro8270 2 ปีที่แล้ว +1

      🫂 ❤️❤️❤️🫂🫂🫂 sasaya ka din po hnd man ngayon pero soon 😊😊😊😊👏👏👏👏

    • @edrinpaulramos5481
      @edrinpaulramos5481 2 ปีที่แล้ว +2

      Always remember God will give again your comfort zone. Katulad ng feeling na nararamdaman mo pag kasama or kausap mo yung boyfriend mo di man katulad mas higit pa trust God promise He will give it again to you

    • @teppieblue3238
      @teppieblue3238 2 ปีที่แล้ว

      😭😭😭

    • @faizahsamson9341
      @faizahsamson9341 2 ปีที่แล้ว +1

      hugs 🫂🤍

  • @ventilacionjayjay
    @ventilacionjayjay 2 ปีที่แล้ว +16

    KUNG HINDI TALAGA KAYO PARA SA ISA'T ISA, WALA KANG DAPAT PANGHINAYANGAN. INSTEAD, BE THANKFUL KASI NARAMDAMAN AT NARANASAN MO YUNG PAGMAMAHAL NA YUN. LETTING GO OF YOUR GREATEST LOVE IS A SELFISH AND A SELFLESS THING TO DO AT THE SAME TIME KAYA BE GRATEFUL KASI NILAYO KA NI LORD SA MALING TAO. KASI KUNG TAMANG TAO YAN DI MAWAWALA YAN.

  • @didigarcia4595
    @didigarcia4595 2 ปีที่แล้ว +7

    Hi Ren. Thankyou for almost 8years. Siguru napagod ka lang din at di mo na kinaya yung set up nating LDR dahil sa pag aaral mo. Masaya ako sa kanya kanya nating buhay ngayon kasi we're both happy lalo kana kasi may baby kana. Natuto ako sa mga naging pagkakamali ko sayo, sana may natutunan ka rin dun sa almost 8 years nating dalawa. You take care always thankyou for everything 💖

  • @jchristine8739
    @jchristine8739 2 ปีที่แล้ว +53

    To my Intoy,
    Kumusta kana, sa tingin ko mas masaya kana ngayon kesa sa akin noon. Isang taon na ang lumipas, pero bakit minumulto padin ako ng mga alaala natin mantalang ikaw masayang-masaya na sa pag buo ng bagong yugto mo ngayon. Masaya ako sayo, sa inyo. Ako eto, nakakulong padin sa mga salitang "Baka babalik kapa." Patawad, kung inaasam padin kita. Inaabangan baka umuwi kapa, ginugunita baka makasalo kapa sa iisang plato at makasabay humigop ng mainit na kape. Pero baka hindi na mangyayare lahat ng sinasabi ko, baka sinubok lang talaga tayo ng panahon kung paano tayo patatatagin. Ipagdarasal ko nalang palagi, ang kaligtasan at kasiyahan mo. Kahit hindi na para sakin, alam ko darating din ang araw na makakalaya din ako sa isang kahapon na kailan-man nagustuhan ko.

    • @jenalynbeltran7101
      @jenalynbeltran7101 2 ปีที่แล้ว +1

      Hugs for you.. Soon matatawa ka nalang sa mga alaala..

    • @maleficent6007
      @maleficent6007 2 ปีที่แล้ว +1

      Awww ako nga po mag 4 years na parang kahapon lang nangyari ang lahat. God bless po

    • @kardingmax2097
      @kardingmax2097 2 ปีที่แล้ว +1

      Ang alala na kahit kelan d mo maitapon maraming solusyon But the number 1 the best is ang pag Dasal God blessed you 😇

    • @adlawjp9963
      @adlawjp9963 2 ปีที่แล้ว +1

      seending virtual hugs for youuuuu🥺🥺🥺

    • @mjencabo7025
      @mjencabo7025 2 ปีที่แล้ว +1

      Ako to si Intoy. Na mahal na mahal kang Hindot ka. 💗
      Pero joke lang. Meron pang Higit sa kanya na makikilala mo. Keepsafe! 👌

  • @Justin-pu5rt
    @Justin-pu5rt 2 ปีที่แล้ว +11

    Mahal! Alam mo sa tuwing sasapit na ang gabi, ay madalas akong magkunwari na kausap pa kita, na kaharap pa rin kita - kahit wala ka na.
    Nagtatanong kung umiiyak ka rin ba sa t’wing nag-iisa ka at maaalala mo ang bawat sandali nating dalawa. Kung lumilingon ka rin ba sa nakaraan na mapupunta sa puntong may kirot ka pa ring mararamdaman.
    Bumubuo ako sa aking imahinasyon ng isang sitwasyon, na binibigyan pa rin natin ito ng isa pang pagkakataon, na isa pang laban para bumangon.
    Siguro kahit ilang beses ko itong gawin, ay hindi ito mangyayari. Kahit makailang ulit pa akong gumawa ng tanong - ay hindi ko rin ito mabibigyan ng kasagutan. Kahit makailang ulit kong alisin ang palugit ay meron pa ring balakid.
    Dahil may dalawang uri lamang ng lunas para sa sakit na aking nararamdaman.
    Ito’y ang iyong pagbabalik kasabay ng iyong yakap na mahigpit, o ‘di kaya’y pagkalimot sa ating pinagsamahan at iwan na ito sa nakaraan.
    😔😔😔

  • @wendybernabe2636
    @wendybernabe2636 2 ปีที่แล้ว +11

    it's so sad that we already talk about our future together, but little did i know i fixed you just for someone else. You've changed a lot, i get tired of understanding everything about you, but i stayed. I loved you even on ur worst days but when im dying on my knees you can't even turn around for me. Stay happy and healthy my love. ❤️

  • @rosemarielacasandile9689
    @rosemarielacasandile9689 ปีที่แล้ว +4

    IT'S BEEN 7 MONTHS SINCE WE BROKE UP, TAMA NGA SILA. ACCEPTANCE IS THE KEY ☺️ THANKYOU FOR 8 YEARS, MASAYA AKO NA MASAYA KA. ❤️

  • @ricajeninagallevo9599
    @ricajeninagallevo9599 2 ปีที่แล้ว +10

    7years tayong lumaban para sa pangako naten na ikakasal tayo sa huli pero ngayon wala pa tayong 1 taon nagkahiwalay ikakasal kana bukas... Asan na yung pangako naten? Napako nalang 😊

    • @rhedd6888
      @rhedd6888 2 ปีที่แล้ว

      Fckkk sakitt

  • @moonton992
    @moonton992 2 ปีที่แล้ว +3

    For B.
    I remember the time that I prayed for you, kasi ikaw na yun eh, ikaw na talaga, yet, you are also a lesson, a lesson na I will always willing to learn. You're one of a lifetime ride. Honestly, I'm still wondering kung at the end of everything magkikita ulit tayo, sana. Pero kung hindi, I know there is a reason kung bakit. You will always be my favorite lesson B, palagi kitang babalik-balikan. If you feel down or something, pls just always remember na, I am here, you have someone that will always pray for you and will always look at the moon thinking of you. Kung dumating man yung araw na maging okay na ko, I hope lagi mong maalala na, you are a big part of who will I become. You are my greatest love B, mahal kita.

  • @juuubbiiieee
    @juuubbiiieee 2 ปีที่แล้ว +3

    Kahit okay kami ng Asawa ko, nakaka broken yung song.😭
    Sa mga nasasaktan ngayon palagi nyo lang hintayin ang kwento ni lord na ginawa nya para sayo, mas maganda yun kesa sa mga pinapangarap mong relasyon.
    Masasaktan ka ngayon, pero sa mga susunod na bukas hindi na basta maghintay kalang.🥰

  • @SmooPy888
    @SmooPy888 2 ปีที่แล้ว +2

    J maraming salamat😊
    "hindi man ikaw ang huling kapiling sa epilogo ng aking libro, salamat pa rin sa pagsama sa ilang kabanata at pahina neto."

  • @ploooors
    @ploooors 2 ปีที่แล้ว +24

    Ending a no label relationship that you badly want to work and last, will be the most painful. Ngayong wala kana, paalam sa ligaya. Sana masaya kana sa bago mong pinapasaya.

    • @ploooors
      @ploooors 2 ปีที่แล้ว

      "andami daming nagsasabi na sa dulo'y tayo talaga."

    • @pinamchi8779
      @pinamchi8779 2 ปีที่แล้ว

      😢

    • @remaaguirre9654
      @remaaguirre9654 2 ปีที่แล้ว

      Ang sakit because tell now un puso ko mahal ka paren at patuloy kang mamahalin thank u sa kunting oras n nakasama ka My Greatest love at they same tym no label😔😪💔

  • @johnronanterrado6429
    @johnronanterrado6429 2 ปีที่แล้ว +6

    Walang kupas grabe, ito yung gusto kong magconcert sa bayan namin eh

  • @pau986
    @pau986 2 ปีที่แล้ว +2

    Hi agsunta! I've been listening to your songs since 2017 pa :) This is my entry.
    Nakarelate ako sa kanta niyo dahil nagkaroon ako ng ex and nagkaroon kame ng anak and dapat ikakasal na kame but turns out, iniwan niya lang ako sa ere and di na pinakita sakin yung anak ko and I am trying my best to reach out nung nakauwi ako dahil OFW ako, kaso di niya tinanggap yung inooffer kong help. Nakarelate ako dahil sa linyang "ngayong wala kana di alam kung saan pupunta " I mean totoo, pag nawala yung taong mahal mo, minsan clueless ka dahil di mo alam kung pano mag sisimula uli, nakakapagod at nakakalungkot yung paulit ulit kang kikilala ng tao. Pero what happened is, nakatagpo ako nang isang taong tinanggap ako, kahit may anak kame ng ex ko and all the shits na nangyare sa buhay ko, nandun sya at di niyako iniwan at lagi niyang pinaparamdam sakin na enough ako :) PS: di pa kame nung girl pero we are working out sa mga sarili namin bago kame pumasok sa relasyon pero I am proud na kahit ganun, sa kanya ko nakita yung tunay na saya at pagmamahal na never kong naranasan :) Simple reminder lang na kahit gaano pa kasakit o kahirap yung pinagdaanan mo sa buhay, darating din yung taong magpapasaya uli sayo. Yun lang, thankyou and keep up on making great songs! Kudos sa inyo!
    Padayon, agsunta

  • @yuhokitazawa7916
    @yuhokitazawa7916 2 ปีที่แล้ว

    Hi Jea, kung mabasa mo man to i just want to say na I’m so grateful na nakilala kita. Im so thankful kasi pinagtagpo pa din tayo ng tadhana, I guess eto din yung plano ng tadhana para satin to bring out what’s best for us. I hope maintindihan mo lahat ng yon when time comes and if mabasa mo lahat ng yon. Sana maintindihan mo lahat, wala akonh regrets sa ating dalawa, di ako nag sisisi na nakilala kita or minahal kita, nagsisisi ako dahil hinayaan ko lang na mawala ka ng ganon ganon lang, pero ganon pa man naniniwala ako na eto yung best way para satin, para sa ikabubuti mo and for ur growth. Hanggang dito nalang tangi.

  • @ishaboigio0645
    @ishaboigio0645 2 ปีที่แล้ว +2

    May pagmamahal sadyang kailangan mong isuko hindi dahil sa ito ay hindi mo kayang i-workout. Dahil sadyang may pagmamahal na unfair. Yung ikaw lang lagi. Hindi naman sa naghahanap ka pa, pero, wala ka sadyang makita kahit konti sa kanya. Halos ibigay mo na ang sarili mo sa tao pero wala pa din. Hanggang sa dumating sa puntong ma-take for granted ka na nang tuluyan. Dito ako umabot, pero nadito pa din ako lagi. Hindi ko alam kung kailan matututo. Ang lungkot.

  • @johnpastor5726
    @johnpastor5726 2 ปีที่แล้ว +1

    Hi CE. It's been 5 years mula nung naghiwalay tayo. And after ko napakinggan tong kantang to palagi ka ng nasa panaginip ko kahit na idlip lang. I know na imposibleng magkatotoo un dahil alam ko namang hinding hindi ka na babalik and alam ko naman na masaya ka na kung nasaan ka man ngaun. Alam ko na kung bakit hanggang ngaun single padin ako, hindi dahil sa nawalan ako ng gana sa love, kundi dahil may part parin sakin na ikaw ung hinahanap. Alam ko naman di mo mababasa to kasi di ikaw ung tipo ng taong mahilig sa kadramahan na ganito. Sobrang miss na kita and I hope na sana after kong ishare to makawala na ako sa kahapong di ko na mababalikan pa

  • @jrzioncandel1157
    @jrzioncandel1157 ปีที่แล้ว

    Just saw this on FB reels and visit this in YT...
    I can't even stop thinking,it's been 3 months since we're done,just like this song,remembering our last year's like you always mouthing words telling me not to leave you but is just that you're the one who Left me,broke your promises,gave me bruises that I dont even think I can heal it myself,
    If ever you saw this,I'll keep wishing and hoping you're always happy with someone right now😊
    This pain won't take too long,I'm gonna give my heart the peace and healing I want😊thank you for spending 1yr and 8months with me😊

  • @user-ty5ts4tv4j
    @user-ty5ts4tv4j 2 ปีที่แล้ว +1

    Hi almost 1 year na din mahigit Hindi kopa ma isip na niloko moko it's been 3 yrs na tayo pero pinili mo ung isang araw mopa lng nakilala . Sana masaya kana

  • @jayaremontejosaballa399
    @jayaremontejosaballa399 2 ปีที่แล้ว

    Pinaka ganahan nako na mo cover ug kanta, ILOVEYOU agsunta❤

  • @angbatanguena7066
    @angbatanguena7066 2 ปีที่แล้ว +1

    To myself. Kamusta ka na? Kamusta na ang trauma na binigay ng ibang tao sayo na wala kang reklamong hinayaan sila na saktan ka 😢
    Self, wag ka ng babalik ha. Kung nag iba man ang kislap ng mata mo babalik din yan. Ngayong wala ka na ang dating ikaw at hindi mo alam kung san ka pupunta. Naway mapunta ka sa taong matatanggap lahat ng hindi katanggap tanggap sayo.
    Kung puro pasakit at nahihirapang kumapit. Litrato ng nakaraan ang magpapatunay kung gaano ka katatag.
    Malasing ka man self wag mong kakalimutan ang value mo. Self! Hayaan mong matuto at maghilom lahat.
    wala mang magmahal sayo. Mamahalin kita higit pa sa trauma na binigay nila. ❤❤❤❤

  • @MGU0613
    @MGU0613 2 ปีที่แล้ว +1

    Para sa mga naiwan,
    Palagi nila sinasabi "sa una lang yan masaya sa huli iiwan ka lang nyan" 90% posible at 10% imposible. Pero tama diba sa mga naiwan dyan nagagalit at nagtatanong, bakit ba? saan ba ako nagkulang? may mali ba ako? hindi pa ba ako sapat? madami tanong sa sarili. Kasi bakit nga diba masaya naman nung simula pero bakit biglang "wala ka na." hindi naman talaga natin alam kung kailan tayo iiwan, kaya para sa mga taong naiwan siguro ang tapang tapang nyo na ngayon para tanggapin na wala na sya.
    Maganda gawan ng kanta yung mga nag iwan naman para i-explain yung side nila. Kasi palagi nalang yung nangiwan ang masama. 😒
    Galing nyo guys neeeeeext soooong pleaasee!!! ❤️

    • @jhalizavlogs1662
      @jhalizavlogs1662 2 ปีที่แล้ว

      Search mo po, Kung ako ang pumiling tapusin ito by Sponge Cola. Kanta mula sa mga nang iwan

  • @trixiegonzales7429
    @trixiegonzales7429 2 ปีที่แล้ว

    hello, bemz.
    napaka swerte ko na nakilala kita. namimiss na kita pero wala kailangan talaga umiwas ayoko na masaktan tayo parehas. dahil hindi ka pa handa kase ako sure na sure na sayo pero ang hirap pala na ako lang yung lumalaban para saten.. ang hirap na ako lang yung gumagawa nang paraan para sa lahat. ni hindi ko manlang maramdaman yung effort mo siguro nga kase hindi kapa handa, o hindi lang talaga ako yung gusto mo. napilitan ka lang naman eh.. naalala ko yung mga gabing magkasama tayo nung hindi pa ako umaamin... ang saya saya natin non.. ngayon ala alala nalang kahit ganun eh swerte ko pari dahil nakilala kita kahit sa saglit na panahon nayun. madami din akk natutunan. siguro nga hindi tayo para sa isat isa

  • @alexandria2065
    @alexandria2065 2 ปีที่แล้ว +10

    Hindi naman po ako broken but nakagawa ako ng tula dito sa song niyo po.
    Ngayong Wala Ka na
    Sa simula ang gulo
    Yung tipong magkaiba tayo ng gusto
    Gusto kong ipaglaban pa ang salitang "Tayo"
    Pero mas pinili mong lumayo at tumakbo
    Iniwan mo ako at nagmukhang gago
    Di ko alam paano papawiin
    Ang sakit at hapdi nitong damdamin
    Lahat na yata ng alak ay lalagukin
    Mawala ka lang sa aking iisipin
    Hindi ko man gustong gawin, ngunit kailangang pilitin
    Kailangang pilitin ang sariling wag kanang hanapin
    Dahil alam kong sa huli hindi mo rin naman pipiliin
    Ngayong wala kana, may nais lang akong sabihin
    Sana ay alagaan ka niya at pakaka-mahalin
    Wag mo na akong intindihin at alalahanin
    Bukas, makalawa'y ako'y magiging okay narin
    Hahayaan ko muna ang sarili kong damhin
    Damhin ang lahat ng sakit na aking dadanasin
    At ang sarili'y unti-unti kong bubuuin
    Hanggang sa dumating ang tamang tao para sakin.

  • @MJBethany
    @MJBethany 2 ปีที่แล้ว

    Ganda ng acoustic version! Love it ❤️

  • @rjpascua7307
    @rjpascua7307 ปีที่แล้ว

    Ganda Ng pag ka arrange Ng lyrics at songs...

  • @NoName-nm3yx
    @NoName-nm3yx 2 ปีที่แล้ว +1

    Ngayong wala kana, natagpuan ko sya. Salamat sa pag bitaw dahil mas masaya na ako sa taong hindi nagsasawang mahalin ako at araw araw pinaparamdam kung gaano ako kahalaga.

  • @asce3695
    @asce3695 2 ปีที่แล้ว

    Rhaa sa tingin ko masaya ka na ngayon kasi may nakatagpo ka na mas mamahalin ka na ng tapat. its been a months simula nung nag cool off tayo sabi mo hahanapin mo lang sarili mo para naman pagbumalik ka mas better ka sa tingin ng iba kasi na iinsecure ka pero bat ganun yung pagbabalik mo mukhang malabo na dahil may nahanap ka ng iba🥲. Ang unfair lang dahil ako naghintay nanaman ako sa wala pero wala ganun talaga ikaw ang tahanan ko pero sa iba mo nahanap ang saya at ligaya sana maging masaya kayo kahit na sobrang sakit kailangan kong tanggapin dahil may pagkukulang din naman ako at ako rin naman ang may kasalanan I deserve this pain. Don't worry kung kaya mo kakayanin ko rin salamat sa mga masasayang alala salamat sa mga pangarap na hanggang alala nalang I hope na mahalin ka nya higit pa sa pagmamahal ko sayo at pagmamahal mo sa kanya. I love you my home. Thank you and Good bye😄

  • @britneyjoyce1145
    @britneyjoyce1145 2 ปีที่แล้ว

    Thank you so much for being there with me in times na maski ako, wala akong tiwala sa sarili ko. Thank you so much for picking me up when i am so down and on bended knees. Thank you for giving me a hug in times na sobrang lungkot ko. You've been great. You did great. You became my pillow, my blanket, my shoulder to cry on, my bestfriend, my buddy and all. You are my totga. And you will always be. And i will always be thankful coz you brought light into my life. We both shed tears, shared some jokes, laugh together and dream together. We never miss a day without fighting, arguing in a small arguments and still end up fixing things. Thank you for giving spark in my life that changes me in a good way. You bring out the best in me. Thank you for making me better. I'll treasure everything i swear. In the difficult moments of being with you, pinaramdam mo sakin na madali lang kase anjan ka. Pero tama ka. Hindi lahat ng gusto mo, makukuha mo. Pasensya ka na ha? Kung napagod ako sayo. Kung napagod ako sa paghihintay. Kung napagod akong umasa. Pasensya na ha? Kung pinipili ko naman ngayon yung sarili ko. Masaya ako sa kung ano ka man ngayon. Alagaan mo siya ha? Gaya ng kung pano mo ako inalagaan at inaalala. Mas mahalin mo siya kesa sa kung paano moko mahalin. Sorry kung napagod ako. Pinagod mo ako e. Mag-iingat ka ha? Mahal parin kita. Balik ka lang sakin pag nasaktan ka niya ha?

  • @ChristianAvenilla
    @ChristianAvenilla ปีที่แล้ว

    ...tambay sa Baguio, bahay at Tagaytay hahahaha daming nakaranas neto ...... umuwing wasak HAHAHAHA

  • @anamaecanoy9314
    @anamaecanoy9314 2 ปีที่แล้ว

    tagos puso yung lyrics lalo na yung the way he sung, huhu it made me 😭

  • @cherubinedee9861
    @cherubinedee9861 2 ปีที่แล้ว

    Ikaw, oo ikaw, K. Mahigit isang dekada na ang nakakalipas. Okay naman ako, may kanya-kanya na tayong mahal. Pero di ko alam kung bakit sinusulat ko to. Siguro dahil naalala na naman kita at napakinggan ko tong mapanakit na kanta ng Agsunta.
    Grabe naman, Agsunta, you are a decade too late. Ito yung kanta ko dapat sa kanya noon.
    Iba ang iniwan mong lamat sa puso ko. Andami kong tanong sa isip ko, panget ba ako? Kulang pa ba yung binigay ko? Mas mahal ka ba nya kesa sa akin? Di ko malilimutan yung sakit na dinulot mo at mga huling salitang sinabi mo.
    "Kung tayo, tayo talaga".
    Talaga ba? Kung tayo talaga, ipaglalaban mo! Eh kaso, sumuko ka, pinagpalit mo ko sa iba. Sabi ko napatawad na kita. Pero kada maaalala kita, binabalik ako dun sa panahon na para bang kahapon lang.
    Pero sa huling banda, nagpapasalamat ako. Kasi kung hindi nangyari yun, di ko sya makikilala. Hindi ako matututong magmahal muli ng iba. Hindi ako matututong maging matibay, bumangon sa araw-araw at tumakbo palayo sayo mula nung tinalikuran mo.

  • @gwynethadiahcueno2723
    @gwynethadiahcueno2723 2 ปีที่แล้ว

    Walang kupas❤️🔥

  • @timztv2118
    @timztv2118 2 ปีที่แล้ว

    the best !

  • @missmaligalig8520
    @missmaligalig8520 2 ปีที่แล้ว

    Shems!!! Lodicakes 😍😍

  • @iammanilyn3645
    @iammanilyn3645 2 ปีที่แล้ว

    Agsunta! Ang galing nyoooooo

  • @jeanjovellano4318
    @jeanjovellano4318 2 ปีที่แล้ว

    tama ka, no need for testing. mahal kita. mahal pa rin kita. kahit isang taon ko ng sinasabi sa sarili ko na hindi na. yung love, andun pdn. buo pdn. ni hindi man lang nabawasan. ang hirap pala nu. para kong tanga. 😅 it's been 13 years. pero hindi pdn nagbago. matagal ng tapos pero nananariwa pdn. palagi ko iniisip na baka someday may magbago. na may kelangan ka lng patunayan sa sarili mo at sa mundo para maging capable ka dn na magmahal ng ibang tao. palagi ako umaasa na baka someday may magsabi sayo na ako ang piliin mo. na piliin mo yung taong minahal ka ng pagkatagal tagal, through ups and downs, andyan. yung taong pinipili muna na maging masaya ka bago sarili nya. kaso ikaw nga pala yan. yung pinipili mo yung taong mahal mo. at hindi ako yun. i was hoping na sana someday maging ako yun. kaso mukang dna talaga. tama ka ulit, hindi closure ang kelangan ko. kelangan ko lng matanggap sa sarili ko na hindi ako worth it sa ganung klase ng pagmamahal. na hindi ako magiging enough sayo. pero malay natin db? kung sa iba pala, maging ok na yung best ko. na baka naman may tumanggap saken kahit ganto ko. ikaw eh, sabi mo saken, "pag mahal mo, tanggap mo lahat ng gusto at ayaw nya. lahat ng mabuti at masama." yan tuloy, pinanghawakan ko.
    sana bukas paggising mo, wala na tong nararamdaman ko. salamat ulit na nasabi ko sayo tong mga bagay na to. sana someday makita mo yung mga hinahanap mo. sana matupad mo mga pangarap mo.
    mahal na mahal kita.

  • @remgsgamedogs6015
    @remgsgamedogs6015 2 ปีที่แล้ว +2

    3year din yon ang akala ko tayo na hanggang dulo ang dami nating pangako at ang dami nating sinakripisyo para sa pagmamahalan natin at sa isang iglap nagbago ang ihip ng panahon nasa kaibigan na kita ngayon🥲
    But one day i will forgive you but i will not forget you☺️

  • @Jo-ne7jc
    @Jo-ne7jc 2 ปีที่แล้ว +2

    Please be on spotify.

  • @kirsteinangle3539
    @kirsteinangle3539 2 ปีที่แล้ว +1

    I still remember the first time I fell in love, pagkalipas ng 7 years ikaw padin ang pumapasok sa isipan. Maybe I do still love you, sobrang saya natin nung mga taon na magkasama tayo. You've been my strength, my inspiration, and my hope. Pinilit natin ilaban pero maraming may ayaw. After all these years here I am still thinking of you Jam, still loving you after all these years.

  • @eyc23
    @eyc23 2 ปีที่แล้ว

    Ping, tayong tayo to. Lahat plinano natin. Kasal....lahat lahat. Dumalas nalang ang problema, pagtatalo parang minsan ma'y parang nawawalan na ng gana pero walang minuto na hindi kita mahal. Isang buwan na mahigit pero mahal na mahal parin kita. Hindi ako yung pala labas ng bahay sabi ng mga kaibigan ko magdate naman daw ako. Online games, trabaho at libro lang inaatupag ko pero nung nakilala kita sinubukan kong magmahal ulit. Ngayon wala ka na eto na yung sinasabi nilang "saan ako magsisimula?" Hindi ko alam mahal ko. Kahit anong gawin ko pilit na umaasa yung puso ko na baka sakali isang araw mamiss mo ako...maalala mo manlang ako. I know there's a lot of things na nangyayari sa buhay mo ngayon at nakikita kong masaya ka. Pero pano mo nagagawa yan? Bakit parang ang dali sa'yo. Ako yung naiwan. Ako yung mas nasasaktan. Hindi ko na alam mahal ko. Pero susubukan ko na kalimutan ka. Gusto ko lang alam ko at nakikita ko na masaya ka. Palagi kitang mahal.

  • @Aceeeey
    @Aceeeey 2 ปีที่แล้ว

    Hi, Teiy. I'm so thankful and lucky to have you in my life even for a short while. I still remember the moments when you smile at me and made me feel special, loved. Ikaw ung reason kung bat ako natutong magmahal ulit, magbago and most of all to be alive. Our relationship went through a very rocky road, we hid things from each other, say things we didn't mean and broke each others heart. Maraming nagsasabi na mag move on na ako and let go but I know deep inside di pa natin nabibigay lahat. I'll take all their criticism about our love. Pag dumating ung panahon na you wanna try again andito pa rin ako.
    I'll wait for you. No matter how long it takes. Kahit walang assurance na babalik ka. Aantayin kita.
    Til End I'm Yours.

  • @jstnbgnt8781
    @jstnbgnt8781 2 ปีที่แล้ว

    Ang galing!!!!

  • @perthungab9952
    @perthungab9952 2 ปีที่แล้ว

    Hi mang! Kabalo ko di nimo ni mabasa kay di man ata ka fan sa agsunta pero kaning kantaha ni kay astang sakita. Mu tug an ko sa tinuod na love pa tika hantod karon ug kabalo ko wala nay pag asa na mag balik pa ta kay grabe ko ka gago saimo dati ug kabalo ko di na nako deserve imong another chance kay lagi na trauma naka pero unta puhon kung mag cross usab atong landas kay unta pwede pa. Kay seriously way tumong akong kalibutan run sukad tong nag bulag ta ug masking ika pila pako mag mahay kay wa japoy padulngan:( Pasimple ko ga stalk saimo kay miss na kay tika ug makita nako na happy na kaayo ka. Ingat always my sunshine! Proud kaayo ko sa imong naabot karon ug kabalo ko daghan pakag maabot. Laban always my sunhee! Iloveyouuu!

  • @lorddanieldelatorrecampos6709
    @lorddanieldelatorrecampos6709 2 ปีที่แล้ว

    Goosebump😍

  • @jimquintero7022
    @jimquintero7022 2 ปีที่แล้ว

    Goosebumps talaga lahat ng kanta mo

  • @mariannelouise280
    @mariannelouise280 2 ปีที่แล้ว +1

    Kaming-kami noon 🥺

  • @thisisromeo8021
    @thisisromeo8021 2 ปีที่แล้ว

    1sf view. 1st like. ❤️

  • @ricobabac794
    @ricobabac794 2 ปีที่แล้ว

    Grabe Solid neto🔥

  • @trixiasalen2704
    @trixiasalen2704 2 ปีที่แล้ว

    Happy birthday my the one that got away. ❤

  • @gianfuevos4929
    @gianfuevos4929 2 ปีที่แล้ว

    Galing talaga iiidolo

  • @ZentrixHermosa
    @ZentrixHermosa 2 ปีที่แล้ว

    Okay nmn ako knina eh wla nmn ako pinag daraanan pero ramdam ko ung mensahe ng kanta 💕💕💕

  • @JakeSantosMusicOfficial
    @JakeSantosMusicOfficial 2 ปีที่แล้ว

    The best talaga mga idol ko. salamat mga idol, Damang dama ko lyrics :'(

  • @joannamaealcantara8497
    @joannamaealcantara8497 2 ปีที่แล้ว

    9 years ago… pinaglaban ang taong walang ginawa kung di ipaglaban ang pagmamahal sa taong paulit ulit sinasaktan ang puso ko. Paulit ulit nahuhuli na may mga babaeng pinopormahan. Kapag naaalala ko, sobrang naaawa ako sa sarili ko. Gabi-gabi pinagdarasal ko noon na sana kami na lang. na sana ibigay siya sakin ni God. Pero paulit ulit lang akong nasasaktan at nagpupumilit. Mabuti nalang inalis siya ni God sa buhay ko. Ngayon may sarili na akong pamilya. Binigyan ako ni God ng lalaking ako lang ang babae sa buhay nya. Binigyan pa kami ng super cute na baby girl na napakabibo at mapagmahal. Salamat po, God. Dininig nyo po ang aking gabi-gabing panalangin na magkaroon ng sariling pamilya at lalaking tatanggap sa akin. ❤️

  • @maricrisdevilla639
    @maricrisdevilla639 2 ปีที่แล้ว

    Ngayong wala ka na di alam san pupunta kung maiiba lang ang tadhana ikaw at ikaw padin ang pupuntahan 🥺 1year and 7 months simula nung iwan moko at parang kahapon parin ung sakit ang alam ko lang puntahan araw araw ay ang puntod mo, di alam san maguumpisa umaasa na panaginip lang lahat ng to. "matutulog ng umaasa at gigising ng bigo" pero sa kabila ng lahat ng sakit naniniwala ako na may lugar din ako sa mundong to para sumaya kailangan ko lng ito hanapin. hanggang sa muli mahal naniniwala akong magtatagpo tayo at kapag nangyare yun isang mahigpit na yakap ang ibibigay ko sau. Pipilitin ko tanggapin pipilitin ko maging masaya dahil alam ko yun lang din ang nais mo para sakin. Iloveyou cydel araw araw kita miss. Salamat at naging parte ka ng buhay ko.

  • @francisaballes8742
    @francisaballes8742 2 ปีที่แล้ว

    So someone i love the most.
    How are you? I hope you're happy with your new guy. I miss you☺️

  • @johnbenedictguzman1366
    @johnbenedictguzman1366 2 ปีที่แล้ว

    It's been almost 3 years we were together. Suddenly hindi na sya yung kasama ko. Nagising na lang ako one day iba na yung hinahanap nya. One day hindi na ako yung hinahanap nya. Pero despite that siya pa rin hinahanap ko. Ngayong wala na siya di ko alam kung ako pupunta. Its hard and painful i hope makaget over na rin ako.
    Thanks agsunta. Another great song

  • @celestetanamor4793
    @celestetanamor4793 2 ปีที่แล้ว

    6 years naging magpartner. At ng dahil sa pandemic nabalewala nia aq. Binasura lahat ng pinagsamahan. 6 na taon na saya, lungkot at nagkaproblema pero nalampasan na magkasama pero bigla nabago ang lahat. Hnd na pede magsama dhil pandemic. Naghigpit dhil lumala ang virus. Hnggang sa nalaman q nlng na nagkaroon xa ng bago kahit kami pa. Sobra aq nadurog kc kala q gusto lng nia mag ingat dhil s virus pero nakahanap pla xa ng iba. Na nakasama nia nung panahon na hnd kami pede magsama. 6 na taon. At hnd q nakita na mangyayari eto at magagawa nia aq lokohin. Dhil alm nia ang pinagdaanan bago ko xa nkilala. Nkakalungkot na naulit n nmn ang nakaraan. At naramdaman q n nmn ang sakit ng nakaraan. Na kala q hnd n mauulit kc kala q iba xa. Sana masaya ka ngaun kasama nia. At wag mo aq alalahanin. Mgging okay din aq. Gaya mo magging masaya din aq😢😭💔

  • @arlyn3072
    @arlyn3072 2 ปีที่แล้ว

    Last week nagbabasa lang ako dito ng mga comments habang nakikinig sa kanta niyo. I never except na babalik ako dito while broken hearted. I never expect na ang bf ko ay mag che-cheat saakin. Alam niya na may trust issue ako pero heto ako mas nasasaktan sa ginawa niya. I'm crying kasi I don't know kung paano simulan ulit. Paano maging buo ulit.

  • @jarroldangyab8032
    @jarroldangyab8032 ปีที่แล้ว

    Those drunk nights, inuman spree every night and chance you get, cause you feel so lost and lonely. All those questions in ur head you're battling pag gising sa umaga habang masakit ulo sa hangover. That 'hindi ba ako sapat' shit na ulit ulit kang guguluhin. Sa mga nakaranas at nakakaranas pa lng. Godbless your hearts dude. Kaya yan.

  • @abakadaigaha6865
    @abakadaigaha6865 2 ปีที่แล้ว

    Lagi ko nakikita mga post ng Agsunta about sa mga comments dito. Gusto ko lang rin itry baka sakaling makarating to sayo kasi hanggang ngayon I'm clueless.
    To my totga - Toasted Siopao,
    Hello. I'm happy that you're doing good, may Kaw. 19:14 na rin. Gusto ko lang magsorry sa mga bagay na nagawa ko na posibleng naging dahilan kung bakit ka lumayo. Hanggang ngayon sinisisi ko ang sarili ko kung bakit nangyari yun. Pero salamat ng marami sayo kasi naiparamdam mo sa akin kung paano ang mahalin, kahit hindi naging "tayo". Naiinis ako sa sarili ko kasi naging duwag ako sa ilang mga bagay, pero naging sigurado ako sayo hindi ko lang talaga alam kung ano pang iniintay ko noon. Akala ko kaya mo pa maghintay, nainip ka na rin siguro. Aaminin ko na kahit ilang taon na ang lumipas pag naiisip kita sumasakit pa rin puso ko, lakas pa rin ng epekto. Nawala ka na lang kasing bigla tapos nagparamdam ulit, pero walang paliwanag. Kay tagal kitang hinintay, kay tagal ng iyong sagot.

  • @elles2777
    @elles2777 2 ปีที่แล้ว +1

    Kamusta kana?
    Siguro masaya kana ngayon..ewan ko kung nasaan ka na bata pa tayo pero alam kong mahal kita.Hindi tayo pwede kaya hindi kita nabigyan ng label pero mahal na mahal kita kaso mukang wala na...dalawang taon na din simula ng mawalan na tayo ng komunikasyon sa isat isa alam mo bang miss na miss na kita.Hindi ko alam pero sa twing naiisip kita nagsisisi ako kahit hindi ko alam kung ako ba talaga ang may kasalanan dahil sinukuan kita.Pasensya na kung ganon pinasuko mo kasi ako akala ko pareho pa tayong lumalaban pero ako na lang pala.Dalawang taon na kitang hinihintay pero ngayon mukang dapat ko ng itigil ang paghihintay sa taong wala ng pag asang bumalik pa.Aayusin ko muna ang sarili ko at sana pag dumating ang tamang panahon kahit di na ako makahanap ka ng taong magmamahal sayo ng tunay.Patawad paalam mahal kita.

  • @senseicatalan8044
    @senseicatalan8044 2 ปีที่แล้ว

    Ayaan ! Jowa pa

  • @mozerou
    @mozerou 2 ปีที่แล้ว

    diz iz lit, man! ♥️🔥

  • @Kathching_99
    @Kathching_99 2 ปีที่แล้ว +1

    Ayaw kong umabot sa point na masasanay akong wala ka, ayaw kong dumating yung panahon na halos sanay na akong hindi ka kausapin. Napapagod ako pero ayaw kong sumuko pero sana nandyan ka handang pawiin yung pagod ko sana may kasama akong mapagod at magpahinga sana ikaw din yun at hindi ako lang. Bakit pagwala ako dun mo lang naiisip na kailangan moko bakit pag tuwing nandyan ako para sayo para lang akong hangin na dadaan dyan sa balat mo, bakit hindi na kita maintindihan at the same time di narin kita maramdaman. Pero hindi ako susuko ilalaban kita mapapagod man ako magpapahinga ako mamahalin kita ng walang kahit anong kapalit at yung luha na tutulo sa mata ko rerefillan ko nlng ulit

  • @roelynnealamar6901
    @roelynnealamar6901 2 ปีที่แล้ว

    Love, sooner or later alam ko mawawala ka na saken.. not because hindi na kita mahal, pero it's because pagod na ako.. sabi nila kpg mahal mo kakayanin mo lahat, pero hindi pla lalo na kpg ang sakit sakit na..I loved you for whoever or whatever you are, I've accepted everything about you without any judgement or doubts.. despite all the things i heard i didn't believe them, i wanted to believe what i was feeling... sabi nga to see is to believe.. I prayed kay God na sana ikaw na, na willing ako na kht ako lng mag aadjust at mag eefort.. pero hindi pla... madali magmahal oo pero may point din pla na mapapagod at mapapagod ka.. i think loving you from a distance would be better and if time comes that you'd realize na I am someone that you'd want to be with, sana sana andto pa ako waiting....

  • @jamicajoyaboga4666
    @jamicajoyaboga4666 2 ปีที่แล้ว +1

    3am Ng madaling araw nagising akong iyak Ng iyak at binabanggit Ang pangalan mo at sinasabing miss na kita sobra. Hndi ko makontrol Yung sarili ko nung mga oras na yun maya't Maya ang patak Ng mga luha , kahit anong sbhn Ng utak ko na kalimutan na kita , pero Yung katawan ko Yung puso ko sumabog na , sguro nga'y napagod kna , napagod ka Ng intindihin ako , sa mga insecurities ko , sa bawat pag overthink ko pasensya kna kung napagod ka, gusto ko lg Malaman mo , miss na kita , sobra

  • @tzy5224
    @tzy5224 2 ปีที่แล้ว +2

    To my Beb:
    Ramdam kong may kulang sa aking puso.
    Ramdam ko ang espasyong iniwan mo. Saksi ang tahimik na gabi sa bawat hikbi ng aking puso. Ngunit kahit halos patayin na ako ng mga alaala mo, ikaw pa rin ang hinahanap ko.
    Ikaw ang dahilan kung bakit hindi ko magawang makalimot. Ikaw ang rason kung bakit hindi ako maging handa na bumitaw sa mga alaala - o tumingin sa iba. Panay pa rin ang lingon ko sa bawat daan - sa pag-asa na baka sakali muli kitang makita. Kapag tinatanong ako, pinipili pa rin kita.
    Pinipili ko pa rin ang mahalin ka. Pinipili pa rin kita kahit matagal ka nang nagpaalam. Pinipili pa rin kita kahit magkaiba na tayo ng daan. Pinipili ko pa rin ang bumalik sa’yo kahit pinili mong lumisan.
    Pinipili kita kahit wala ka sa pagpipilian. Pinipili pa rin kita - kahit wala ka na.

  • @remaaguirre9654
    @remaaguirre9654 2 ปีที่แล้ว

    Andito na naman ako😭 puso tama na 💔

  • @princessmayauxtero5475
    @princessmayauxtero5475 2 ปีที่แล้ว +3

    Its been 8 months na pala since pinagpalit mo kami nang mga bata sa walang kwentang dahilan 🤕😩 and feels like yesterday kasi the pain, andito parin pala 😥 gusto kona tumawa ulit, makatulog nang maaga at mahimbing 😭😭 kailan ko kaya ulit mararamdaman ang buhay, kasi hanggang ngayon nakaratay parin ako sa sakit na dulot mo.. 😰

    • @marvinalcantara1243
      @marvinalcantara1243 2 ปีที่แล้ว

      🥺🥺

    • @marvinalcantara1243
      @marvinalcantara1243 2 ปีที่แล้ว

      kaya yan 🥺🥺 darating din ang umaga na pag mulat mu okay kana . pakatatag kalang .namnamin mu ang sakit iiyak mu lahat .. hanggang mapagod ka masanay ka hanggang matanggang mung "wala na sya" . sariwa pa tlga ang 8mons. pero matatapos din yan :)

  • @slow-mo8043
    @slow-mo8043 2 ปีที่แล้ว

    First Lodi 🥰

  • @neighlabnerfuerzas2349
    @neighlabnerfuerzas2349 2 ปีที่แล้ว

    nasaktan ba kayo lods? lupit ng awitin lods 🙏🙏 sana ma heart man lang, AGSUNTA💪

  • @jhaysondeluna7652
    @jhaysondeluna7652 2 ปีที่แล้ว +1

    Alam mo ba yung umabot kna sa puntong tinanggap muna sya hanggang sa pinaka masakit na sitwasyon. Pero wala pa din. Abby hanggang ngayon ikaw pa din kahit wala na kahit hindi na pwede.

  • @maizyperez8105
    @maizyperez8105 2 ปีที่แล้ว

    hahayaan ko ang tadhana pag tagpuin tayo ulit.. pero kung hnd man dumating yun sana maging masaya ka sa tinadhana sayo😊

  • @nicoleedades8023
    @nicoleedades8023 2 ปีที่แล้ว

    While listening to this, I realized na I’m willing to commit basta para sa kanya lang. Nagawa ko yung mga bagay na hindi ko naman talaga ginagawa like mag first move, maging sweet, mag effort, at marami pang iba. Willing akong hintayin at samahan ka L**** hanggang sa bumalik yung saya mo ulit kaso hindi ko alam kung tama pa ba tong ginagawa ko kasi as much as I want to help you na bumalik ka sa dati, hindi ko feel na nag eeffort ka rin sa sarili mo na bumalik yung dating ikaw, mahal na kita pero hindi ako rehab center na mag aayos sa taong ayaw naman tulungan yung sarili. Hindi rin naman niya ata ako gusto haha, puro mixed signals lang binibigay niya sakin.

  • @rizalynnbona7884
    @rizalynnbona7884 2 ปีที่แล้ว

    Ndi namn ako heart broken pero gstong gsto k yong song damangdama mo. 🙃😉Godbless guys 😉

  • @mirandajoven6464
    @mirandajoven6464 2 ปีที่แล้ว +1

    Instead of saying “masaya na ako ngayong wala kana”
    I would say “kaya na kitang titigan, ng walang pag aalinlangan at sakit na nararamdaman.”

  • @antoniavancio9080
    @antoniavancio9080 ปีที่แล้ว

    Wla namang iba.pero isang iglap lang nag iba na lahat.ung gusto mo ng mag settle,ung makasama mo na sya.ung bubuo kayo ng pamilya.tapos biglang “2yrs pa lang natin kasal na agad gusto mo,may mga pangarap din ako” awwts 🥲masakit pero ok na lang 🙂

  • @yang4770
    @yang4770 2 ปีที่แล้ว +1

    Tandang-tanda ko
    Nung nagdaan taon
    Halos 'di tayo
    Mapaghiwalay
    Magkasama sa lahat
    Ng okasyon
    Tambay s baguio
    Bahay o tagaytay
    Ng dami-daming
    Nagsasabi na sa atin
    Na sa dulo ay tayo
    Talaga
    Balak natin na
    Habang buhay na sana
    Tayong magsasama
    Bigla na lang
    May nag-iba
    Sa kislap ng
    Iyong mata
    At dahil sa kaliwa't-
    Kanang problema
    Sa relasyon
    Unti-unti ka na
    Palang nawala
    [Chorus]
    Ngayong wala ka na
    'Di alan san pupunta
    Kung maiiba lang
    Ang tadhana
    Sayo lang pupunta
    Sayo lang pupunta
    [Bridge]
    At ngunit bakit
    Puro pasakit
    Hirap kumapit
    Ikaw lang sa'kin
    Litrato natin
    Nilipad ng hangin
    Iba pa ang nagsabing
    Ayaw mo na sa akin
    Umuwi ako ngg
    Wasak at luhaan
    Kahit ilang tagaypang
    Inumin, di maiwasan
    Naisipi ka,ibigin ka
    At tuluyang ng
    Nalimutan ng lahat
    'Di napansin ako'y
    Kulang pala
    [Chorus]
    Ngayong wala ka na
    'Di alan san pupunta
    Kung maiiba lang
    Ang tadhana
    Sayo lang pupunta
    Sayo lang pupunta
    Ngayong wala ka na
    Ngayong wala ka na

  • @mariannelouise280
    @mariannelouise280 2 ปีที่แล้ว

    Baguio bahay tagaytay lahat yan napuntahan. Ang galing yung unang mga lyrics papunta sa chorus. Kaming kami talaga. 🥺

  • @pobrensyano7839
    @pobrensyano7839 2 ปีที่แล้ว

    i love you cheska❤

  • @eliseodelosreyes4066
    @eliseodelosreyes4066 2 ปีที่แล้ว

    Viewer from saudi

  • @myk-hellpadernos1026
    @myk-hellpadernos1026 2 ปีที่แล้ว

    nandto ako pra mag basa ng comment,

  • @rodriguezjosephg.4028
    @rodriguezjosephg.4028 2 ปีที่แล้ว +1

    Maraming salamat sa 4 na taon, sa lahat ng ala-alang binuo natin ng mag kasama, sobrang thankful ako na nakilala kita, ikaw yung greatest love ko at sana mahanap mo Yung taong karapat dapat para sayo, Masaya akong nakikita kang Masaya, Yung storya ng pag mamahalan natin, ikukwento ko sa future na magiging anak ko, na may Isang taong bumuo at nag paramdam sakin Kung gaano ako kahalaga, Palagi ka sanang mag iingat hanggang sa muling pag kikita natin.

  • @eliseodelosreyes4066
    @eliseodelosreyes4066 2 ปีที่แล้ว

    Mga idol

  • @florinelpido4899
    @florinelpido4899 2 ปีที่แล้ว

    First viewer here.

  • @reydantepanal2086
    @reydantepanal2086 2 ปีที่แล้ว +1

    inakala ko na magbubunga ang nasimulan pero talagang kapag hindi para sayo ang isang tao papadayhin ka lang pero kapag naging handa at sigurado ka na sa lahat biglang may magbabago at yun ay yung mawawala sya sayo 💔🙃

  • @benjoartemyo3955
    @benjoartemyo3955 2 ปีที่แล้ว

    galing talga ni vandolf

  • @zeckmaquincio4064
    @zeckmaquincio4064 2 ปีที่แล้ว

    boss grabe naman toh ilang araw nako nakikinig sa kantang toh pero naiiyak paden ako kase naaalala ko siya HAHHA

  • @pineappleee6754
    @pineappleee6754 ปีที่แล้ว

    Mahal mag sasama pa ren tayo kahit wala ka na 💔

  • @jupiterjrmartos3006
    @jupiterjrmartos3006 2 ปีที่แล้ว

    Naksss

  • @mariannelouise280
    @mariannelouise280 2 ปีที่แล้ว +1

    Minumulto parin ng kahapon 🌫️

  • @careless478
    @careless478 2 ปีที่แล้ว

    Tandang tanda kupa nung sinabi mo na hinding hindi mu ko papakawalan parang kailan lang ang bilis ng panahon dati ako ang dahilan ng pagngiti mo pero ngayun iba na ang nagpapangiti sayo nilisan mo yung mundo na ikaw at ako ang bumuo squro nga hindi tayo walang nakakaalam pero sana kung may para sakin lagi kung ipapanalangin at hihilingin na ikaw yun nandito lang ako palagi laging nag aabang sa labas ng pintuan na baka isang araw muli kang magbalik muli kang ibalik sakin ng tadhana at wag ng umalis Pa palagi lang akong nakaalalay san kaman magpunta kahit hindi na ako ang kasama dalangin ko padin ay ang ikabubuti mo paalam sa mga kahapung hindi na muli maibabalik nakakalungkot lang na isipin na kayo yung magkasamang nangarap tapus sa iba nya gusto matupad mahal kita Krisette hanngang sa dulo ng ating walang hanggang 💓

  • @twtwpwpw620
    @twtwpwpw620 2 ปีที่แล้ว +1

    Ako ang ginawang pansamantalang silungan habang hinihintay nyang tumila ang ulan para makauwi sa tunay nyang tahanan. 🍀.
    Alam kong hindi muna ako kelangan tew, Kasi alam kong natutupad muna yung pangarap mong andoon ako nung naguumpisa ka. Mahal kita, Hanggang sa muli, Mahal kong asawa. 🥺

  • @deguzmanjudeamaep.8727
    @deguzmanjudeamaep.8727 2 ปีที่แล้ว

    imysm niegs, take good care of urself iloveyou always.

  • @elizabethjulianoreyes4088
    @elizabethjulianoreyes4088 2 ปีที่แล้ว

    ikaw agad naaalala ko sijeeeey! mula umpisa ng lyrics na binalak naten na tayo ang magsasama at dahil sa mga problema natapos tayo HAHAHAHA grabe! alam kong mababasa mo to dahil pareho nating iniidolo ang agsunta. grabe tama saken ng kantang to. sa haba ng panahon at ilang taon na paputol putol nating komyunikasyon at kahit alam kong hanggang dun na lang yon. hanggang ngayon mahal parin kita, siguro nga hindi talaga tayo at yun nga hindi talaga HAHAHAHA, wala tayong dapat sisihin dahil minahal natin ang isa't isa,naiintindihan ko lahat kung bakit at dahil sinabi mo narin na huli na yon at alam kong masaya ka ngayon sa mga ginagawa mo, tuloy lang ng tuloy. suporta ko palagi sayo, patuloy lang akong nakatanaw sayo kahit wala na, at ngayong kailangan ko ng tanggapin ang lahat pero di mo maaalis saken yung nararamdaman ko sayo, yun lang HAHAHAHA ingat palagi ipagdadasal ko na maachive mo mga pangarap mo lalo na yung maging ganap na flight attendant ka.
    Susundin ko mga bilin mo di dahil sinabi mo,
    Gagawin ko yon dahil yun ang tama at natutunan ko yon sayo.
    Thankyousomuch💖

  • @rose-jenshimiyukimoises6198
    @rose-jenshimiyukimoises6198 2 ปีที่แล้ว

    hoy domingo kahit napaka toxic mo, sayo padin ako mag papakatanga. niligtas ko yung sarili ko sayo pero araw araw padin kitang namimiss, balik kana oh : ((

  • @chefkyles4099
    @chefkyles4099 2 ปีที่แล้ว

    Nakakaiyak na nga kanta puro ganto pa comment huhu

  • @sagapmv433
    @sagapmv433 2 ปีที่แล้ว +1

    To my almost, muntik na. Muntik na sigurong maging tayo pero iba pala ang hanap mo. Naging sigurado ako sayo, pero hindi kapala sigurado saakin. Hinintay kita ng limang taon, akala ko magiging okay tayo, akala ko merong tayo sa dulo pero hindi din pala. Nanjan kasi tayo noon lagi para sa isa't isa. Hiniling mo kung pwedeng maging bestfriends nalang tayo pero hindi ko maibibigay yun sayo, sobra akong nasasaktan ngayon. Ang hirap gumising sa umaga na sobrang bigat ng pakiramdam mo sa dibdib mo, na tila hinahabol ko araw araw ang bawat paghinga ko. Nasambit mong may gusto kang kilalanin na babae, at ayun yung pinagaawayan natin dati pa, yung babaeng sinabi mong hindi ko dapat ikabahala kasi mas better naman ako sakanya. Pero tingnan mo naman tayo ngayon, tila biglang bumaliktad ang mundo, sya ngayon ang gusto mong kilalanin at mas masaya na kayo ngayon. Bakit pa natin pinatagal ng ganito, sana noon palang nagsabi kana. Hindi ko tuloy alam kung kailan ako makakaahon kung gabi gabi akong nalulunod sa aking sariling mga luha. Pero, humahawak pa din ako sa pagasang baka nga, meron pa ding tayo sa dulo.