Ito ang isa sa dahilan kung bakit lumipat si atom eh. Ito ang wala sa abs-cbn napaka galing nang GMA pag dating sa ganitong dokomintraryo.. parang dinadala ka nila sa buhay na napapanuod mo
This is the main reason kung bakit gustong gusto tlaga lumipat ni Atom sa GMA. So he can make such documentary. Congrats sa episode na to. Napakahusay Atom. Congrats team!
Naranasan kudin yan dati sa navotas. 10years old palang ako nag kargador na ako sa fish port. Para makatulong sa magulang dahil sa hirap nang buhay. Pero ngayon awa nang dios nasa japan ako ngayon. Nabigyan nang pag kakataon makapag abroad. Kaya sa mga batang child labor ramdam ko ang hirap nyo. Darating yung araw makakaalis din kayo jan sa kahirapan. May awa ang dios. Dasal lang at pananalig sa panginoon dios.
Mad respect to all the documentarists of GMA! They don't just tell the story, they immerse themselves and get firsthand experience to truly become part of the narrative.
Watching Atom and Kara's documentaries is like watching your own childhood,or yung mga kababayan mo sa probinsiya,yung totoong mukha ng lipunan,it moves you and inspire you,or awaken something in you to do more para sa iba,dahil ramdam mo yung realidad.This is a great piece...and Joshua,aw God bless that kid.🤍
Itong documentary na ito ay nagpapa realize sa atin kung gaano tayo ka blessed kung anong meron tayo ngayon. Kaya sa mga bata dapat ito ay dapat mapanood. Kudos to Atom and the team. 😊👍
As a student, I've always asking, 'where do documentaries stand during this pandemic" until I realized, na ito ay para imulat ang buhay ng mga Pilipinong sadlak sa kahirapan at magbigay inspirasyon para satin...kudos Mr.Atom at Ms. Kara, da best ever❣️
Atom's way of opening our eyes to the realities of life especially during these trying times! This documentary deserves another international recognition!!! Kudos Atom and GMA!!
Wow! Nakaka hanga yung ginawa ni Atom dito na nilagay nya yung sarili nya sa sitwasyon. Good job! Sana nman isa ito na bigyan ng pansin ng gobyerno sa Pilipinas. Nakakaawa ang mga bata nato. Sana lagyan ng English subtitle itong mga documentary ng GMA para mapanood ng ibang lahi sayang napaka ganda ng mga documentary nila tungkol sa kahirapan ng bansa.
Mga pulitiko look at these children...naghanap buhay sa maliit na Kita .samantala kayo nakahiga sa salapi.wag namang mangurakot. Atom Aurullo saludo ako sayo..
Bakit sa mga pulitiko nanaman ang sisi? Hindi ba pwedeng magulang muna nila ang sisihin? alam na nga nilang salaat sila sa buhay ayan anak dito anak dun. Isip isip din tayo. At paano yun? pag may pera ang tao gusto niyo pamigay pamigay nalang? puro dole out nalang ba?
Bakit kasali ba ang mga pulitiko ng kumakadyot kadyot ang mga yan kahie wala naman ipapalamon sa agiging anak. Yan ang problema sa mga pinoy na iresponsable, lahat sa gobyerno o sa ibang tao ang sisi.
My fiance always share her story about how she wants to travel poor countries,to see their life,what they eat,where do they sleep. Naluluha siya pag nagkwekwento. Thats why i love her dearly, she have the purest heart,manuod lang ng mmk umiiyak na siya😂 Sana wala nalang mahirap,sana pantay pantay na lang na nakakain ng 3x a day,nakakatulog ng may electricfan,nakakagawa ng assignment na may ilaw,nakakatulog sa maayos na kutson na may unan at kumot.
Ang bait ni joshua at napaka responsabling anak, for sure may magandang bukas na naghihintay sa kanya. At sa lahat ng mga batang nagtatrabaho keep on striving God will always here to reward us
Another eye opener documentary! Thank you, Atom! Sa lahat nang mga bata na nag-aaral at naglalaro ngayon. May mga magulang na kayang magpuno sa mga needs ninyo - napakaswerte ninyo! Be grateful because you are blessed! Joshua, I’m so proud of you! Wag mong kaligtaan ang iyong pag-aaral. Walang impossible. Tuparin mo ang pangarap mo at sa pamilya mo.
Ysn problema daming religious leader sa pilipinas yung utos ng diyos alam naituturo sa salita prro sa gawa hindi. Tulungan ang inaapi pakainin nagugutom damitan walsng dAmit billion ninanajaw sa gobierno tahimik wslang kibo May religious leader bsng mahirap. Madaling purihin ang panginoon bakit napakahirsp mahalin ang kapwa. PGsunod lAng..sa utos ng diyos mkkresolba lahat problema ng bansa.
...iba ka talaga Atom! You are one of the documentarists that I respect so much. Aside from what should be expected of to a professional journalist you have qualities others don't have. Walang arte, or inhibitions, fearless, at grabe when it comes to immersion. Lagi akong nag aabang sa mga istoryang iyong ihahatid. 😍👍
Napakasakit makita ang hirap nila sa pag sisid sa ilalim sa kakarampot lng na halaga buhis buhay silang nag tyatyaga,sana po mapagtuulan ito ng pansin at mabigyan sila tulong🙏🙏🙏 Panginoon ingatan nyo po sila.
Naalala q tuloy pinagdaanan q nung kabataan q.Mag-aaral,tapos ng eskwela punta sa palayan pra mgkapera pangbaon kinabukasan.Walong taon umpisa na aq mgsaka,mgtanim at mag-ani ng palay.Kng wlang panggatong,punta kami sa tubohan na nagapas na pra ipunin ang mga tuyo or pwede igatong na tubo.Kahit sinasabing child labor mn to.Pero ito ay marangal ky sa mgnakaw.Pinatatag aq ng mga karanasan q at natapos aq sa pag-aaral.Determinasyon at lagi my pangarap na hindi habang buhay ganito ka na lng.Salamat sa Diyos sa lahat nga guidance at katibayan.Sa gabay na rin ng aking mga magulang.
Ang ganda ng storya ni Kuya Atom. Salute to Joshua Agapito, sana lahat bata kagaya nya... gayundin sa iba pang bata.. Sana wag ka magbabago patuloy mong mahalin family mo at sana makatapos ka ng pag aaral... God bless!
the best reporter ever, atom & kara david...eye opener ang mga documentaries nila,nagbubulag bulagang mayyaman, sibilyan man o politiko...napahirap maging mahirap😥😥😥
Sana Sir Atom, bigyan mo ng scholarship si Joshua. Grabe potential ng bata. Napaka sipag, mapagmahal sa pamilya. Napaka responsable kahit na napaka bata palang nya. 🥺❤️
Sana nga po kc hirap po talaga ng buhay nila lalo ngayon pandimic halos araw araw nasa lansangan papa nila kaya sana sir atom tulungan niyo po c josua apo ko po siya hindi nmn namin sila matulungan kc po may sakit din ako at ang lolo nila 67na po wala narin maayos na trabaho sana po maunawaan ninyo c joshua
Ito yung life na ayaw kung maranasan ng anak ko kaya nagsisikap ako sa ibang bansa para. Mabigay ang maayos na buhay para sa kanila.. Sana matulungan ang mga batang tulad nila, mag aral nalang sana sila 🙏
Super bait ni joshua.. makikita mo sa mga mata nya n talagang pursigudo syang makatulong sa pamilya.. malayo mararating ng batang ito.. Go joshua.. mabait at magalang na bata. GODBLESS
Sana makaranas din cla ng kaginhawahan sa buhay sa mga ibang panahon...at mamuhay din cla ng tahimik at mapayapang pamumuhay ....mabuhay ka Sir Atom A.
I'm crying while watching..goodbless po sa lahat ng mga batang hard working ..the best ka po talaga sir atom and goodbless you ren po and to your show..
Kawawa naman ang mga batang ito.. Pag aralin ninyo sila dahil education lamang ang mag aahon sa inyo sa kahirapan.. At magplano ng familia. Mahirap ang maraming anak.. Paano mo sila pakakainin at paaralin kung walang maayos na trabaho. Laging magdasal.
Yung bata na nagtitinda ng turon, naniniwala ako na magtatagumpay ka sa buhay. Nawa'y makaalis lahat ng bata sa kaparehas na sitwasyon. Nakakakonsensya😔❤️
Isa naman ako nkaranas ng ganito,8 yrs.old pa lng ako nung pinagteabaho na kami ng ama namin,14 lahat kaming magkkapatid kaya nga sabi ng ama namin,magtrabaho kayo pra mkabayad kami sa pag papalaki nla sa amin,sa gabi dagat sa araw tubohan kahit may sakit ako hindi ko ipaalam sa magulang ko kasi takot ako sa ama ko,kaya ngayon ng nagka pamilya na ako hndi ko ginawa yan sa mga anak pero sa panahon ngayon ang mga bata matitigas ang ulo,kaya nga karamihan walang alam sa buhay,online games lng natutonan,masakit isipin na kahit hndi ako nkapag aral dahil sa hirap ng buhay noon pero sinikap kong maging maayos ang buhay ng pamilya ko,god bless po sa inyo sir Atom,sana mapulutan to ng aral sa iba,bingyan tayo ng dyos ng kompleto sa pangangatawan at kompletong pag iisip sana gawin natin hanggat ano ang mkkaya.
Naiyak ako last part 😭 bait naman ni Joshua sana lahat ng bata may ganyang pagiisip na makatulong sa magulang🙏 Godbless sa mga Batang maagang nagbabanat ng buto para mabuhay🙏
Hindi lang nmn si Joshua ang nagpakabait at nagsasakripisyo sa mga kagagawan ng mga magulang nila. pati rin sina Judy, Biboy, Pancho at marami pang iba nagsasakripisyo ng karumal dumal.
masmabait si tita Leni pangalawa pala sila sa pinakamahirap pagdating sa child Labor.Ang Galing mismong kababayan nya Hindi nya marisolba pilipinas pa kaya😂😂😂😂👏👏👏👏👏
Watching them you will see how privileged and how lucky you are, dahil may mga bata na kahit gustong mag aral hindi nila kaya, dahil walang kakayahan ang mga magulang nila na pag aralin sila dahil walang trabaho. Or kung meron man na trabaho hindi sapat yung kita, kailangan sila mismo na mga bata yung mag trabaho . Maraming bagay na pinag kait sa kanila sa murang edad, kaya sana if mababasa mo to sana maintindihan mo na sobrang swerte mo.
Napaka-hirap ng bansa natin, nkakalungkot isipin na minsang tayo ay naging isa sa mga pinaka-mayamang bansa sa Asya. Maraming kabataan ang napipilitang mag-trabaho ng trabahong delikado at di pang karaniwan. Nakakatawa man pero, isa sa mga pangarap ko ay umangat sa buhay at mabigay ng scholarships sa deserving na kabataan. Napaka-halaga nito 😔🙏
😢😢😢 God Bless po sa mga batang namulat na sa murang edad para mag trabaho sa kanilang pamilya, naalala ko ang aking kabataan, pasalamat pa rin tayo....may mga dahilan ang mga bagay bagay...kudos sir Atom sa docu...
huhuhu pinaiyak mo ako Sir Atom 😢😍 10 years old pa lng dn po kasi ako nagtrabaho na para makatulong sa pamilya,nag sasanggot po kmi ng Tuba umaakyat sa 20 puno ng niyog o higit pa umaga at hapon/gabi para lng makakuha ng Tuba wine, hanggang ngaun marami parin child labor sa Bato Leyte, dami mga murang edad umaakyat ng matatayog na niyog para kumita at makatulong sa pamilya at pag aaral. Doon po kasi yan po pangunahing hanapbuhay maliban po sa pagsasaka🥰😢🙏Godbless your program po.Keep safe po palagi❤️🙏
Bravo Sir Atom for re open the eye of the word..Dami pa rin ang mga batang nagwowork sa murang idad, sana maging mapagmatyag tayong lahat hindi lang sa mga media kundi lahat tayo para mabigyan pansin nman ang mga katulaf ng mga katulad ni Josua at sa mga iba pa.Godbless GMA for mega good documentary na ito. Mabuhay poh kayong lahat
Nakakalungkot at masakit sa damdamin na makita ang mga batang nagtatrabaho dahil iniisip na nila ang hirap na dinadanas ng pamilya nila. Ngunit sa kabilang banda ay nakaka-inspire dahil makikita sa kanila na talagang may sipag at pagpupursige. Ang domentaryong ito ay talagang tagos sa puso. Malaman at mapamukaw damdamin at isipan! Kudos to you Sir Atom and to the rest of your team! More documentaries to come, GMA!
Ako 14 palang nagtatrabaho na din. Hanggang ngayon kumakayod parin para sa pamilya. Kinalimutan kona pansarili kong kaligayahan. Mga magulang ko muna unahin ko bago ako. Halos lahat sa pamilya ko napupunta. 31 na ako ngayon, pero diko pa naranasan magkaroon ng Cake sa birthday simula bata. Pero pag may mga birthday sa pamilya binilhan ko sila. Mas MASAYA ako kapag nakakatulong at nakakapagpasaya ng iba 😍
Mga ganitong bata masarap tulungan. Sila dapat binibigyan ng mga scholarships. Sana talaga maging successful ako soon para makatulong ako sa ibang tao. ❤️
Sir atom Napakaganda po ng docomentaryo nio nakaka iyak sana po matulungan cla Kung mayaman lang ako madami akong matulungan god bless po sir atom from uae
Hands up to Atom and to these young ones. Life is tough but we must go with it, lagi lang isipin na meron tayong kasama sa lahat na dinaranas natin at Siya ang pumapasan ng mas mabigat na parte. God is always with us, lahat po tayo ibat iba ang dinadaranas huwag lng po tayong mawala ng tiwala at pag asa sa ating Ama.
Idol. Hangar ako sa mga documentary mo. . Pero Sana. Ang actionan. Mo. Pano msulotionan. Ang kahirapn. KC hanggat. Anjan Ang khitapan. Hnd mo masosulotionan ang mga gnyang kabataan.
Okay lang na mag trabaho sila ( wag lang yung delikado at mabigat)para habang bata sila matutunan nila ang pag hahanap buhay para hindi sila matutong mag nakaw at maging inspirasyon sakanila para mangarap. madalas sinasabi natin na bawal yan sa batas, pero kung pipigilan sila kaya ba ng gobyerno na bigyan sila ng suporta, diba nga sinasabi natin minsan na mag banat kayo ng buto at wag umasa sa gobyerno, malinaw na yun ang ginagawa nila. galing din ako sa ganyang sitwasyon aral sa weekdays trabaho sa bukid pag weekend, naranasan ko ang hirap sa gitna ng bukid kaya ginawa ko yun na inspirasyon na wag umasa sa bigay kailangan kumita ka ng pera sa sarili mong pamamaraan.
Anak ko at pamangkin ko hinahayaan namin mag work kong gusto nila ang pera sa kanila lang napupunta minsan iniipon nila. Kasi para sa akin mas ok yong ramdam na ng bata kong gaano ka hirap yong buhay para mag sumikap sila at hindi sasayangin yong perang ginagasto sa kanila sa pag aaral nila. Nag tratrabaho lang sila pag walang pasok at di naman mabibigat na work ayaw din namin. Pero yong dito sa dokyo mostly work nila mabibigat at piligroso nakakatakot pangmatandang work na. Sana sa mga ganitong mga magulang alam ng mahirap ang buhay wag naman sana anak ng anak ang labas tuloy mga bata ang nag titiis at nag pakahirap. Baliktad din kasi s atin kong sino pa yong walang wala sila pa yong maraming anak
Naging child laborer din ako noong araw. 16 years old, ako naging manlalako ako ng monay at pandesal, naging mambobote, tapos construction worker. Wala eh, mahirap ang buhay need tulungan ang magulang wag muna mag-bilangan. Kailangan maging responsable. Ang masasabi ko lang sa mga batang nagtratrabaho na ngayon, walang masama sa pagtulong sa magulang, kahanga-hanga ang kasipagan, katatagan, at pagmamahal niyo sa pamilya. Pero wag na wag niyong kakalimutang mag-aral kahit mahirap pilitin niyong makatapos. Kahit maging working student kayo tiyagain niyo lang. Dahil tanging edukasyon lang mag-aangat sa atin sa labis na kahirapan. Kapag nakatapos ka malawak ang iyong kinabukasan..
Touching documentary! Atom you once again put our lives in proper perspective. Definitely an award-winning piece, but most importantly, I hope it moves many of us into action to help those who are less well off.
Hindi lang nmn si Joshua ang nagpakabait at nagsasakripisyo sa mga kagagawan ng mga magulang nila. pati rin sina Judy, Biboy, Pancho at marami pang iba nagsasakripisyo ng karumal dumal.
Napaiyak nmn po ako sa dokumentaryong ito. Naalala ko tuloy ang pinagdaanan ko noon. Bilib po ako sa mga batang nagbabanat ng buto dahil sa pagmamahal sa pamilya. Pagpalain po kayo ng Diyos. Saludo din po ako sa teacher ma may passion para maipaabot ang tulong sa mga rural areas. God bless you all, handog ko po ang aking panalangin para po sa inyo. Salamat po sir atom, mag ingat po kayo lagi. God bless din po sa inyo.
Di ko maiwasan maiyak kay joshua at dun sa tatlong magkakapatid nagbubuhat ng mga bato. Ramdam ko yung bigat ng trabaho nila 😔😔 sana darating ang araw na makaahon kayo sa kahirapan 🙏☝️ Godbless sa inyo 😇❤
Ang ganda ng programang ito sir, atom. Kc ramdam ko ang kahirapan nila dahil ganyan ako noon. Kahit tatlo o dalawang besis lang sa isang linggo akong papasok sa school magtiis po ako. Para makatulong sa magulang sa araw2 na pangangailan, pinipilit ko talagang makapag-aral kc sa isip ko ayaw kong maranasan ng magiging anak ko ang napagdaanan kong hirap at pagod. At sinabi ko rin sa sarili ko na kailangan isa o dalawa lang ang magiging anak ko. Para hindi sila makapag-absent sa school dahil kailangan mag-alaga ng mga kapatid. Kapag nakakakita ako ng ganito, ang sakit sa dibdib. Lalo na ang mga bata sa murang edad kumakayod na upang makatulong sa magulang.😢😢😢 Ang hirap talaga. Sana maabot ng goberno ang mga nasa bundok nakatira. Kc kadalasan hnd na pinupuntahan ng mga nagtatrabaho sa goberno eh. Kc malayo. Kaya hnd nila nakikita ang sitwasyon. At sa mga nakatira sa bundok, kahit hirap sa pagkain, sila pa ang mayrong maraming mga anak. Katulad namin 14 lang naman kami.☺️😁 Kaya kayod kalabaw talaga ako noon 😭. At salamat sa Diyos nakaraos na kahit papaano. Sipag, tyaga at pagpupursigi at pag-aaral ang kailangan para malampasan lahat ng pagsubok sa buhay.💪💪💪 at pangarap na makaahon. Kaya natin basta manalig tayo sa Diyos.
Salamat Sir Atom Araullo sa mga ganitong documentario napapanahong maiimumulat ang mga mamamayang pilipino sa totoong lagay ng mundo na mahirap mabuhay sa mundong ibababaw.
Iba talaga mga bata sa pilipinas❤❤❤❤❤ walang kapares sa mga bata dito sa america. Mapag mahal sa pamilya, may malasakit sa magulang, magalang, may prinsipyo….iilan lang yan sa mga bagay hindi kayang tumbasan ng karamihan sa mga bata dito.

Sana kung gaano kagaling magpasikat, ganoon din kagaling magbayad ng tax. #JustSaying😂🤣 **ikaw lang ang nabasa kong nega comment dito. sigurado ganyan k din sa personal😁
Kakalungkot ng dahil sa hirap gagawin ang lahat para makakain at makatulong sa ating pamilya 😢 kaya pasalamat tayo kung anong Meron tayo dahil hindi lahat ay nakakaranas ng sarap sa buhay! Every little thing we have to thank to our almighty God 🙏
First of all, hindi ako fan ng government. May gusto at ayaw din ako sa kasalukuyang administration. But it is unfair to blame the government why many of us become poor. I'm 29 years old today and still single. May maayos na work naman ako and may girlfriend. Pero d ko kayang mag build ng sarili kong pamilya kasi alam kong d pa sapat yung kinikita ko. Parents ko din late ng nag pamilya kasi gusto daw Nila secured na yung future Nila before mag raise ng anak. Pagiging responsableng magulang ang sagot para matigil o masugpo ang pagtatatrabaho ng kanilang mumunting bisig.
Tama to. Isa sa may pinakamalaking pagkakamali dito ay mga magulang nila sa di pagpplano sa buhay. Yung iba pa nagaanak ng marami kahitwalang maayos na trabaho o income. Di masisisi ang gobyerno dito dahil nasa tao/magulang din ang ugat ng problema nito.
Gobyerno pa den ung magdadala at magdidikta, as what the the word defines; it is a group of people governing an organized community. Kahit gaano ka pa kasipag or ka-madiskarte sa buhay kung bagsak ung ekonomiya, mahal ung bilihin, mababa ung pasahod, andaming utang na binabayaran hindi makakarating kay Juan ung kaginhawaan. Ung trabaho natin, ung negosyo meron tayo. nakadikta ung gobyerno jan mapa private ka man or public na institusyon napabilang. Isang example. ung mga magsasaka natin, bakit hanggang ngayon hirap pa den sila? dahil ba sa tamad sila? Kung nakaalalay ung gobyerno sa presyo at programa para sa kanila aangat at aangat buhay nila. Ngayon mo sabihin bakit unfair iblame sa govt. ung kahirapan? tignan mo sa mata ng magsasakta o mangingisda or ung nasa laylayan at sabihin ....(tamad ka, madami ka kasi mag-anak at hindi ka kasi nag aral ng mabuti dati bilang magulang)
Agree ako jan.Nasa disiplina din ng mamayan sa isang bansa para umunlad ang bansa pagkakaisa ng bawat mamayan.Akoy ofw dito sa taiwan for 9years at the age of 37 at di oa din nagaasawa kasi naranasan ko ng bata pa ako isang kahig isang tuka ayaw ko maranasan sa magiging anak ko ang kahiraoan na naranasan ko noon.Ibat iba nga ang pananaw ng bawat tao mapalad na lang ang may ganitong kaisipan para sa bayan at sa pagbuo ng isang pamilya.
isa sa mga proyekto ng gobyerno ay ang 4Ps Ips at ibp. matagal ng proyekto na pinapakibangan ng maraming pilipinong kapos, nakaka lungkot lang dahil hindi nagagamit ng maayos ang suportang ito. na hindi natatanggap ng mga nag sumikap at medyo sapat lang ang istado ng buhay. (unfair hindi ba? kung iisipin?)
Ito ang isa sa dahilan kung bakit lumipat si atom eh. Ito ang wala sa abs-cbn napaka galing nang GMA pag dating sa ganitong dokomintraryo.. parang dinadala ka nila sa buhay na napapanuod mo
Dto malaking lamang ng GMA sa documentaries
MISMO!
I agree, gusto ko lahat ng mga documentaries dito sa gma🥰🥰
gusto rin ni atom may sarili syang documentary na mag aaventure talaga sya
Ryt on Atom...you have done a good job!
This is the main reason kung bakit gustong gusto tlaga lumipat ni Atom sa GMA. So he can make such documentary. Congrats sa episode na to. Napakahusay Atom. Congrats team!
We yodel
Naranasan kudin yan dati sa navotas. 10years old palang ako nag kargador na ako sa fish port. Para makatulong sa magulang dahil sa hirap nang buhay. Pero ngayon awa nang dios nasa japan ako ngayon. Nabigyan nang pag kakataon makapag abroad. Kaya sa mga batang child labor ramdam ko ang hirap nyo. Darating yung araw makakaalis din kayo jan sa kahirapan. May awa ang dios. Dasal lang at pananalig sa panginoon dios.
Mapalad ka brother d ka nakakalimot sa diyos Godbless you bro🙏☺️
Yes brother. Hnding hindi natin makakalimutan ang panginoon diyos. Dahil siya lang ang nag bigay sa lahat kung anung mayron tayo ngayon.
CONGRATULATIONS TO THE WHOLE TEAM ESPECIALLY MR. ATOM, THIS DOCUMENTARY WON GOLD MEDAL TO THE NEW YORK FESTIVAL AWARDS
Uu
Nanalo ulit ngayon. That's why I'm here. Cannes yata
Mad respect to all the documentarists of GMA! They don't just tell the story, they immerse themselves and get firsthand experience to truly become part of the narrative.
Potanginaninyu.. Tama na kayo.. danas ko Yan lahat. Wala kayo naitutulong.
Watching Atom and Kara's documentaries is like watching your own childhood,or yung mga kababayan mo sa probinsiya,yung totoong mukha ng lipunan,it moves you and inspire you,or awaken something in you to do more para sa iba,dahil ramdam mo yung realidad.This is a great piece...and Joshua,aw God bless that kid.🤍
@Dan Dan G. Q. ggkk
Hoo
Itong documentary na ito ay nagpapa realize sa atin kung gaano tayo ka blessed kung anong meron tayo ngayon. Kaya sa mga bata dapat ito ay dapat mapanood. Kudos to Atom and the team. 😊👍
Ang sarap maging bata at inosenteng muli. Iba ang buhay kapag malaki kana, mulat kana sa Hierarchy at Discrimination.
Korek, kasama ko mga anak ko while watching this para marealized nila how lucky they are kht nd kami ganun ka filthy rich
As a student, I've always asking, 'where do documentaries stand during this pandemic" until I realized, na ito ay para imulat ang buhay ng mga Pilipinong sadlak sa kahirapan at magbigay inspirasyon para satin...kudos Mr.Atom at Ms. Kara, da best ever❣️
Atom and Kara ☺️☺️☺️ pinaka dabest sa lahat ng reporter
Tama.Yong documentaries nilang dalawa ni Kara lagi kong pinapanood.
Dont forget pati yung mga effort ng camera man nila.
They're all the best! People's fav lang talaga si Kara and Atom.
Trueeeee.
Karen Davila left the group 😂😂😂
Atom's way of opening our eyes to the realities of life especially during these trying times! This documentary deserves another international recognition!!! Kudos Atom and GMA!!
He just won Gold award for this!
Ngayon naman eh Best Asian Documentary sa Asian Content Awards nong Oct 8 2022
Wow! Nakaka hanga yung ginawa ni Atom dito na nilagay nya yung sarili nya sa sitwasyon. Good job! Sana nman isa ito na bigyan ng pansin ng gobyerno sa Pilipinas. Nakakaawa ang mga bata nato. Sana lagyan ng English subtitle itong mga documentary ng GMA para mapanood ng ibang lahi sayang napaka ganda ng mga documentary nila tungkol sa kahirapan ng bansa.
isa sa pinakamahusay at tumatak na documentary kay Sir Atom 💖 kudos Sir.
Mga pulitiko look at these children...naghanap buhay sa maliit na Kita .samantala kayo nakahiga sa salapi.wag namang mangurakot. Atom Aurullo saludo ako sayo..
Bakit sa mga pulitiko nanaman ang sisi? Hindi ba pwedeng magulang muna nila ang sisihin? alam na nga nilang salaat sila sa buhay ayan anak dito anak dun. Isip isip din tayo. At paano yun? pag may pera ang tao gusto niyo pamigay pamigay nalang? puro dole out nalang ba?
Yong iba nga nka gold naka porma pero andon s Daan nag rarally at NG hihingi NG 10k ayuda kada buwan, di na hiya sa katawan Nila.
Bakit kasali ba ang mga pulitiko ng kumakadyot kadyot ang mga yan kahie wala naman ipapalamon sa agiging anak. Yan ang problema sa mga pinoy na iresponsable, lahat sa gobyerno o sa ibang tao ang sisi.
Nakoo..sisihin mong mga NPA nagpapahirap sa bansa,tanong ko kay atom kilala nya yan
Anak ng npa yan. C atom..kya dumami ang mahirap d2 s pilipinas.dahil s cpp. Npa at ndf..
My fiance always share her story about how she wants to travel poor countries,to see their life,what they eat,where do they sleep.
Naluluha siya pag nagkwekwento.
Thats why i love her dearly, she have the purest heart,manuod lang ng mmk umiiyak na siya😂
Sana wala nalang mahirap,sana pantay pantay na lang na nakakain ng 3x a day,nakakatulog ng may electricfan,nakakagawa ng assignment na may ilaw,nakakatulog sa maayos na kutson na may unan at kumot.
Ang bait ni joshua at napaka responsabling anak, for sure may magandang bukas na naghihintay sa kanya. At sa lahat ng mga batang nagtatrabaho keep on striving God will always here to reward us
Naalala ko noong bata pa aq sakin nmn gulay tinda ko...ayun sa awa ng Diyos naka graduate din ako at ngayon din na aq sa Riyad City...
@@juanitocortez4362 Woow GodBless
May tumulong na vlogger sa kanila taga daet...si tatay alexander at nanay aning ang mga magulang ni pancho..
May contact or pwede po bang macontact para mareach si Joshua? Thanks po
Yong ganitong mindset ng bata(joshua) ay subrang napakaganda at nakakatuwa. 😍
Yung gustong gawin ni Atom na documentaries, nagawa niya sa Gma. Kudos sa lahat ng Reporters ng Gma. Ang gagaling. 🙂
Another eye opener documentary! Thank you, Atom!
Sa lahat nang mga bata na nag-aaral at naglalaro ngayon. May mga magulang na kayang magpuno sa mga needs ninyo - napakaswerte ninyo! Be grateful because you are blessed!
Joshua, I’m so proud of you! Wag mong kaligtaan ang iyong pag-aaral. Walang impossible. Tuparin mo ang pangarap mo at sa pamilya mo.
🗻`
Cw@@gloriatarnate4128 z mo
Ysn problema daming religious leader sa pilipinas yung utos ng diyos alam naituturo sa salita prro sa gawa hindi. Tulungan ang inaapi pakainin nagugutom damitan walsng dAmit billion ninanajaw sa gobierno tahimik wslang kibo
May religious leader bsng mahirap. Madaling purihin ang panginoon bakit napakahirsp mahalin ang kapwa.
PGsunod lAng..sa utos ng diyos mkkresolba lahat problema ng bansa.
...iba ka talaga Atom! You are one of the documentarists that I respect so much. Aside from what should be expected of to a professional journalist you have qualities others don't have. Walang arte, or inhibitions, fearless, at grabe when it comes to immersion.
Lagi akong nag aabang sa mga istoryang iyong ihahatid. 😍👍
gwapo pa😁😁
Napakasakit makita ang hirap nila sa pag sisid sa ilalim sa kakarampot lng na halaga buhis buhay silang nag tyatyaga,sana po mapagtuulan ito ng pansin at mabigyan sila tulong🙏🙏🙏 Panginoon ingatan nyo po sila.
in lord jesus name Amen🙏
Naalala q tuloy pinagdaanan q nung kabataan q.Mag-aaral,tapos ng eskwela punta sa palayan pra mgkapera pangbaon kinabukasan.Walong taon umpisa na aq mgsaka,mgtanim at mag-ani ng palay.Kng wlang panggatong,punta kami sa tubohan na nagapas na pra ipunin ang mga tuyo or pwede igatong na tubo.Kahit sinasabing child labor mn to.Pero ito ay marangal ky sa mgnakaw.Pinatatag aq ng mga karanasan q at natapos aq sa pag-aaral.Determinasyon at lagi my pangarap na hindi habang buhay ganito ka na lng.Salamat sa Diyos sa lahat nga guidance at katibayan.Sa gabay na rin ng aking mga magulang.
Sana ganito mga reporter lahat....
So much respect to ATOM and GMA for doing this kind of documentary.
Im crying for these children..they should be playing and studying...salute atom..grabe dedication mo..napasigaw ako nong lumusong ka..
Ang ganda ng storya ni Kuya Atom. Salute to Joshua Agapito, sana lahat bata kagaya nya... gayundin sa iba pang bata.. Sana wag ka magbabago patuloy mong mahalin family mo at sana makatapos ka ng pag aaral... God bless!
Salute Atom, di ko na nmn maiwasan na mapaluha.. Mga documentary nyo Ms Kara. Congrats GMA,
Congratulations for bagging the Gold Medal in New York Festival 2022. Kudos to the team and also to Mr. Atom Araullo
the best reporter ever, atom & kara david...eye opener ang mga documentaries nila,nagbubulag bulagang mayyaman, sibilyan man o politiko...napahirap maging mahirap😥😥😥
Sana Sir Atom, bigyan mo ng scholarship si Joshua. Grabe potential ng bata. Napaka sipag, mapagmahal sa pamilya. Napaka responsable kahit na napaka bata palang nya. 🥺❤️
Sana nga po kc hirap po talaga ng buhay nila lalo ngayon pandimic halos araw araw nasa lansangan papa nila kaya sana sir atom tulungan niyo po c josua apo ko po siya hindi nmn namin sila matulungan kc po may sakit din ako at ang lolo nila 67na po wala narin maayos na trabaho sana po maunawaan ninyo c joshua
Mula sa Balik-Loob ni Kara at saka ito, napakagaling! Magkakaaward talaga ito.
After balik loob kay kara ,,sunod naman ito
Try mo din po noodin gintong putik ni ms kara
Dayum! Kaya maganda at heartfelt ang delivery ni Atom. Talagang lumubog sya para maranasan ung hirap...
Ito yung life na ayaw kung maranasan ng anak ko kaya nagsisikap ako sa ibang bansa para. Mabigay ang maayos na buhay para sa kanila.. Sana matulungan ang mga batang tulad nila, mag aral nalang sana sila 🙏
salute sau bro
Ingat palagi sir.. God bless po sayo at sa family mo
Super bait ni joshua.. makikita mo sa mga mata nya n talagang pursigudo syang makatulong sa pamilya.. malayo mararating ng batang ito.. Go joshua.. mabait at magalang na bata. GODBLESS
Atom and kara is one of the best tv reporters and journalist .. salute to both of you 😍😍
Napaka optimistic na bata itong si Joshua. Nakaka inspire. Salamat Atom at sa buong team. God bless you. Be safe always.
Saludo kay Ate profiler. Isa rin to sa mga pangarap kong trabaho. God bless Ate ❤️
Kudos to atom!!! Grabe yung tinary niya talaga naalala ko yung episode ni kara david na ganto! 🙌🏻🙌🏻🙌🏻🙌🏻
hi kuya grae p noticeeeeeeeeeee
\
Rr taz f.?!😅😅😅😅😅😅😅
.. Mo
😅
B.
N.
Hugo
Sana makaranas din cla ng kaginhawahan sa buhay sa mga ibang panahon...at mamuhay din cla ng tahimik at mapayapang pamumuhay ....mabuhay ka Sir Atom A.
I'm crying while watching..goodbless po sa lahat ng mga batang hard working ..the best ka po talaga sir atom and goodbless you ren po and to your show..
ang hirap maging mahirap...
naway matulungan sila ng ating gobyerno
Kawawa naman ang mga batang ito.. Pag aralin ninyo sila dahil education lamang ang mag aahon sa inyo sa kahirapan.. At magplano ng familia. Mahirap ang maraming anak.. Paano mo sila pakakainin at paaralin kung walang maayos na trabaho. Laging magdasal.
Yung bata na nagtitinda ng turon, naniniwala ako na magtatagumpay ka sa buhay. Nawa'y makaalis lahat ng bata sa kaparehas na sitwasyon. Nakakakonsensya😔❤️
Congratulations for winning Best Asian Documentary in 4th Asia Contents Awards (ACA) ❤️ Kudos to Mr. Atom and the whole GMA Public Affairs team!
Sana may iba pang ma-offer na trabaho sa kanila at makabalik yung mga bata sa pag aaral. Sana ISA ito s masolusyunan ng gobyerno at pamahalaan 😭🙏😭
lahat ng reporters at anchors ng GMA magaling ❤️❤️❤️☝💪 SAKALAM
Sa teleserye lang tlga hindi😂😂😂
@@Mr.Shelby112 ay GMA pa rin kahit teleserye sa historical drama pa lang walang wala ang abs eh.
Isa naman ako nkaranas ng ganito,8 yrs.old pa lng ako nung pinagteabaho na kami ng ama namin,14 lahat kaming magkkapatid kaya nga sabi ng ama namin,magtrabaho kayo pra mkabayad kami sa pag papalaki nla sa amin,sa gabi dagat sa araw tubohan kahit may sakit ako hindi ko ipaalam sa magulang ko kasi takot ako sa ama ko,kaya ngayon ng nagka pamilya na ako hndi ko ginawa yan sa mga anak pero sa panahon ngayon ang mga bata matitigas ang ulo,kaya nga karamihan walang alam sa buhay,online games lng natutonan,masakit isipin na kahit hndi ako nkapag aral dahil sa hirap ng buhay noon pero sinikap kong maging maayos ang buhay ng pamilya ko,god bless po sa inyo sir Atom,sana mapulutan to ng aral sa iba,bingyan tayo ng dyos ng kompleto sa pangangatawan at kompletong pag iisip sana gawin natin hanggat ano ang mkkaya.
Naiyak ako last part 😭 bait naman ni Joshua sana lahat ng bata may ganyang pagiisip na makatulong sa magulang🙏 Godbless sa mga Batang maagang nagbabanat ng buto para mabuhay🙏
Hindi lang nmn si Joshua ang nagpakabait at nagsasakripisyo sa mga kagagawan ng mga magulang nila. pati rin sina Judy, Biboy, Pancho at marami pang iba nagsasakripisyo ng karumal dumal.
masmabait si tita Leni pangalawa pala sila sa pinakamahirap pagdating sa child Labor.Ang Galing mismong kababayan nya Hindi nya marisolba pilipinas pa kaya😂😂😂😂👏👏👏👏👏
P
Pork
yung kapit bahay namin mahirap din hahahhahaha
😭 sana mabigyan na sila ng pansin ng gobyerno at sana may programa para sa mga batang katulad nila. Kung hindi man ay sana may mga NGO na tutulong.
Children is our future, we must save them from child labour.
Watching them you will see how privileged and how lucky you are, dahil may mga bata na kahit gustong mag aral hindi nila kaya, dahil walang kakayahan ang mga magulang nila na pag aralin sila dahil walang trabaho.
Or kung meron man na trabaho hindi sapat yung kita, kailangan sila mismo na mga bata yung mag trabaho .
Maraming bagay na pinag kait sa kanila sa murang edad, kaya sana if mababasa mo to sana maintindihan mo na sobrang swerte mo.
Atom's documentaries are my inspirations. I hope someday I can do the same. Btw. I learned a lot from your docus.
Di kalibri talaga ang GMA pagdating sa documentaties, iba kayo GMA talagang pinapakita nyu ang totoong sitwasyon ng ating bansa.
Napaka-hirap ng bansa natin, nkakalungkot isipin na minsang tayo ay naging isa sa mga pinaka-mayamang bansa sa Asya. Maraming kabataan ang napipilitang mag-trabaho ng trabahong delikado at di pang karaniwan.
Nakakatawa man pero, isa sa mga pangarap ko ay umangat sa buhay at mabigay ng scholarships sa deserving na kabataan. Napaka-halaga nito 😔🙏
Oo mahirap talaga Kasi may mga taong NPA na katulad ng nanay ni atong hehehe
Puro kasi kurakot ang mga namumuno sa bansa natin kaya ang mga mamamayan ang nagdurusa
@@graceflowers2382 ..
24
Ang magagawa natin mahalin ang sariling atin!!
😢😢😢 God Bless po sa mga batang namulat na sa murang edad para mag trabaho sa kanilang pamilya, naalala ko ang aking kabataan, pasalamat pa rin tayo....may mga dahilan ang mga bagay bagay...kudos sir Atom sa docu...
God bless you, Joshua. Ang bata mo pa matured ka na mag isip. 🙏❤️
Excellent documentary, Mr. Atom Araullo. 👍👏
huhuhu pinaiyak mo ako Sir Atom 😢😍 10 years old pa lng dn po kasi ako nagtrabaho na para makatulong sa pamilya,nag sasanggot po kmi ng Tuba umaakyat sa 20 puno ng niyog o higit pa umaga at hapon/gabi para lng makakuha ng Tuba wine, hanggang ngaun marami parin child labor sa Bato Leyte, dami mga murang edad umaakyat ng matatayog na niyog para kumita at makatulong sa pamilya at pag aaral. Doon po kasi yan po pangunahing hanapbuhay maliban po sa pagsasaka🥰😢🙏Godbless your program po.Keep safe po palagi❤️🙏
Bravo Sir Atom for re open the eye of the word..Dami pa rin ang mga batang nagwowork sa murang idad, sana maging mapagmatyag tayong lahat hindi lang sa mga media kundi lahat tayo para mabigyan pansin nman ang mga katulaf ng mga katulad ni Josua at sa mga iba pa.Godbless GMA for mega good documentary na ito. Mabuhay poh kayong lahat
Nakakalungkot at masakit sa damdamin na makita ang mga batang nagtatrabaho dahil iniisip na nila ang hirap na dinadanas ng pamilya nila. Ngunit sa kabilang banda ay nakaka-inspire dahil makikita sa kanila na talagang may sipag at pagpupursige. Ang domentaryong ito ay talagang tagos sa puso. Malaman at mapamukaw damdamin at isipan! Kudos to you Sir Atom and to the rest of your team! More documentaries to come, GMA!
Thanks a lot atom for a good documentation, galing lng...
Yung mas maganda pa ang kuha ng camera dito kesa sa mga teleserye. Nakakaawa ang mga batang to pero nakakainspire. 🥺😟💕
ganda ng aura ni joshua...may God bless and the government help him & the other children similarly situated..
Habang umeedad tayo.. mga ganitong real documentary at eye opening stories ang worth panoorin.. kara at atom my top documentarist♥️
Nkakapanindig balahibo ang documentary mo ngaun atom aurollo.galing ng content.the best...god bless you always and keep safe...
Ako 14 palang nagtatrabaho na din. Hanggang ngayon kumakayod parin para sa pamilya. Kinalimutan kona pansarili kong kaligayahan. Mga magulang ko muna unahin ko bago ako. Halos lahat sa pamilya ko napupunta. 31 na ako ngayon, pero diko pa naranasan magkaroon ng Cake sa birthday simula bata. Pero pag may mga birthday sa pamilya binilhan ko sila. Mas MASAYA ako kapag nakakatulong at nakakapagpasaya ng iba 😍
kara and atom your the best talaga...salute po s inu dalawa..
Mga ganitong bata masarap tulungan. Sila dapat binibigyan ng mga scholarships. Sana talaga maging successful ako soon para makatulong ako sa ibang tao. ❤️
nakakaiyak naman to!God almighty pls bless all the children:(
Waia ako say God bless you all
Grabe naiyak ako ..... Sobrang thankful ako kay God ndi man ako ganun kaginhawa sa buhay pero ndi ko naranasan .... Sobrang proud ako senyo
Iba talaga documentaries ng GMA. ♥️
Kaya lumipat si atom sa gma dahil sa ganitong programa. Saludo atom
Sir atom Napakaganda po ng docomentaryo nio nakaka iyak sana po matulungan cla Kung mayaman lang ako madami akong matulungan god bless po sir atom from uae
Hands up to Atom and to these young ones. Life is tough but we must go with it, lagi lang isipin na meron tayong kasama sa lahat na dinaranas natin at Siya ang pumapasan ng mas mabigat na parte. God is always with us, lahat po tayo ibat iba ang dinadaranas huwag lng po tayong mawala ng tiwala at pag asa sa ating Ama.
Ang sipag niya 🥰 Nakaka proud 💖
Kudos to GMA for this kind of documentaries. Napakaraming mamumulat na kabataan pag napanuod nila ito. Applause! 👏🏻
Atom ang galing2 mo talaga❤️❤️❤️
At pogi pa.
Idol. Hangar ako sa mga documentary mo. . Pero Sana. Ang actionan. Mo. Pano msulotionan. Ang kahirapn. KC hanggat. Anjan Ang khitapan. Hnd mo masosulotionan ang mga gnyang kabataan.
Yung mga ganitong bata na lumaki sa hirap, sila yung gustong gusto ng mga Employers dito sa America dahil sobrang masipag.🥰🥰🥰
Okay lang na mag trabaho sila ( wag lang yung delikado at mabigat)para habang bata sila matutunan nila ang pag hahanap buhay para hindi sila matutong mag nakaw at maging inspirasyon sakanila para mangarap. madalas sinasabi natin na bawal yan sa batas, pero kung pipigilan sila kaya ba ng gobyerno na bigyan sila ng suporta, diba nga sinasabi natin minsan na mag banat kayo ng buto at wag umasa sa gobyerno, malinaw na yun ang ginagawa nila. galing din ako sa ganyang sitwasyon aral sa weekdays trabaho sa bukid pag weekend, naranasan ko ang hirap sa gitna ng bukid kaya ginawa ko yun na inspirasyon na wag umasa sa bigay kailangan kumita ka ng pera sa sarili mong pamamaraan.
Anak ko at pamangkin ko hinahayaan namin mag work kong gusto nila ang pera sa kanila lang napupunta minsan iniipon nila. Kasi para sa akin mas ok yong ramdam na ng bata kong gaano ka hirap yong buhay para mag sumikap sila at hindi sasayangin yong perang ginagasto sa kanila sa pag aaral nila. Nag tratrabaho lang sila pag walang pasok at di naman mabibigat na work ayaw din namin. Pero yong dito sa dokyo mostly work nila mabibigat at piligroso nakakatakot pangmatandang work na. Sana sa mga ganitong mga magulang alam ng mahirap ang buhay wag naman sana anak ng anak ang labas tuloy mga bata ang nag titiis at nag pakahirap. Baliktad din kasi s atin kong sino pa yong walang wala sila pa yong maraming anak
Naging child laborer din ako noong araw. 16 years old, ako naging manlalako ako ng monay at pandesal, naging mambobote, tapos construction worker. Wala eh, mahirap ang buhay need tulungan ang magulang wag muna mag-bilangan. Kailangan maging responsable.
Ang masasabi ko lang sa mga batang nagtratrabaho na ngayon, walang masama sa pagtulong sa magulang, kahanga-hanga ang kasipagan, katatagan, at pagmamahal niyo sa pamilya. Pero wag na wag niyong kakalimutang mag-aral kahit mahirap pilitin niyong makatapos. Kahit maging working student kayo tiyagain niyo lang. Dahil tanging edukasyon lang mag-aangat sa atin sa labis na kahirapan. Kapag nakatapos ka malawak ang iyong kinabukasan..
So sad but this is the reality of life. And BIG SALUTE to ATOM ARAULLO.
Sobrang galing ni Joshua. Ang taas ng energy nya
Nakaka inspire. Malayo ang matarating nya.
Nice documentary,❤️ at the same time nakakalungkot lang talaga,
Lalo na dumating ang pandemya.
Keep safe everyone.
Grabe ka sir Atom!!!! You deserve all the praises in the world. Topnotch Documentary!!
Touching documentary! Atom you once again put our lives in proper perspective. Definitely an award-winning piece, but most importantly, I hope it moves many of us into action to help those who are less well off.
Joshua sollar na lang bilhin mo para wang gastos sa kuryente
Congratulations Atom and GMA for this award winning docu. Naway people will open their eyes and heart about child labor 🙏
Joshua will soon be a millionaire businessman! ❤️
all of them
Hindi lang nmn si Joshua ang nagpakabait at nagsasakripisyo sa mga kagagawan ng mga magulang nila. pati rin sina Judy, Biboy, Pancho at marami pang iba nagsasakripisyo ng karumal dumal.
Diko talaga maiwasan umiyak sa mga documentaries ng GMA sobrang tusok na tusok sa PUSO ❤💙💛😭
I remember my chilhood life, my dad died when I was just 9 and we had no choice but to work like an adult to survive. 🥲
Napaiyak nmn po ako sa dokumentaryong ito. Naalala ko tuloy ang pinagdaanan ko noon. Bilib po ako sa mga batang nagbabanat ng buto dahil sa pagmamahal sa pamilya. Pagpalain po kayo ng Diyos. Saludo din po ako sa teacher ma may passion para maipaabot ang tulong sa mga rural areas. God bless you all, handog ko po ang aking panalangin para po sa inyo. Salamat po sir atom, mag ingat po kayo lagi. God bless din po sa inyo.
Di ko maiwasan maiyak kay joshua at dun sa tatlong magkakapatid nagbubuhat ng mga bato. Ramdam ko yung bigat ng trabaho nila 😔😔 sana darating ang araw na makaahon kayo sa kahirapan 🙏☝️ Godbless sa inyo 😇❤
Ang ganda ng programang ito sir, atom. Kc ramdam ko ang kahirapan nila dahil ganyan ako noon. Kahit tatlo o dalawang besis lang sa isang linggo akong papasok sa school magtiis po ako. Para makatulong sa magulang sa araw2 na pangangailan, pinipilit ko talagang makapag-aral kc sa isip ko ayaw kong maranasan ng magiging anak ko ang napagdaanan kong hirap at pagod. At sinabi ko rin sa sarili ko na kailangan isa o dalawa lang ang magiging anak ko. Para hindi sila makapag-absent sa school dahil kailangan mag-alaga ng mga kapatid. Kapag nakakakita ako ng ganito, ang sakit sa dibdib. Lalo na ang mga bata sa murang edad kumakayod na upang makatulong sa magulang.😢😢😢 Ang hirap talaga. Sana maabot ng goberno ang mga nasa bundok nakatira. Kc kadalasan hnd na pinupuntahan ng mga nagtatrabaho sa goberno eh. Kc malayo. Kaya hnd nila nakikita ang sitwasyon. At sa mga nakatira sa bundok, kahit hirap sa pagkain, sila pa ang mayrong maraming mga anak. Katulad namin 14 lang naman kami.☺️😁 Kaya kayod kalabaw talaga ako noon 😭. At salamat sa Diyos nakaraos na kahit papaano. Sipag, tyaga at pagpupursigi at pag-aaral ang kailangan para malampasan lahat ng pagsubok sa buhay.💪💪💪 at pangarap na makaahon. Kaya natin basta manalig tayo sa Diyos.
Galing talaga ng GMA ,sa mga documentary
Salamat Sir Atom Araullo sa mga ganitong documentario napapanahong maiimumulat ang mga mamamayang pilipino sa totoong lagay ng mundo na mahirap mabuhay sa mundong ibababaw.
BEST ASIAN DOCUMENTARY!!!!
27th BUSAN International Film Fest 😍
Congratulations Sir Atom and to the whole team! of course, to the GMA Public Affairs.
Iba talaga mga bata sa pilipinas❤❤❤❤❤ walang kapares sa mga bata dito sa america. Mapag mahal sa pamilya, may malasakit sa magulang, magalang, may prinsipyo….iilan lang yan sa mga bagay hindi kayang tumbasan ng karamihan sa mga bata dito.
Indeed another eye opener show, hope our government will do something about it, thank you Atom.
i'm so moved with this docu, and saludo ako sa mga bata dito, napaka matured ng pag iisip
ang bait naman ni joshua kaka proud na anak
Hindi lang nmn si Joshua ang nagpakabait at nagsasakripisyo sa mga kagagawan ng mga magulang nila. pati rin sina Judy, Biboy, Pancho at marami pang iba nagsasakripisyo ng karumal dumal.
Sana kung gaano kagaling ang GMA sa documentary ganon din Sana sa teleserye. #justsaying #nohate
Sana kung gaano kagaling magpasikat, ganoon din kagaling magbayad ng tax. #JustSaying😂🤣
**ikaw lang ang nabasa kong nega comment dito. sigurado ganyan k din sa personal😁
dapat siguro ipagbawal ang pagbuo ng pamilya kung ang mag asawa ay walang kakayahang mag palaki ng anak....
Kakalungkot ng dahil sa hirap gagawin ang lahat para makakain at makatulong sa ating pamilya 😢 kaya pasalamat tayo kung anong Meron tayo dahil hindi lahat ay nakakaranas ng sarap sa buhay! Every little thing we have to thank to our almighty God 🙏
First of all, hindi ako fan ng government. May gusto at ayaw din ako sa kasalukuyang administration. But it is unfair to blame the government why many of us become poor. I'm 29 years old today and still single. May maayos na work naman ako and may girlfriend. Pero d ko kayang mag build ng sarili kong pamilya kasi alam kong d pa sapat yung kinikita ko. Parents ko din late ng nag pamilya kasi gusto daw Nila secured na yung future Nila before mag raise ng anak. Pagiging responsableng magulang ang sagot para matigil o masugpo ang pagtatatrabaho ng kanilang mumunting bisig.
Tama to. Isa sa may pinakamalaking pagkakamali dito ay mga magulang nila sa di pagpplano sa buhay. Yung iba pa nagaanak ng marami kahitwalang maayos na trabaho o income. Di masisisi ang gobyerno dito dahil nasa tao/magulang din ang ugat ng problema nito.
kaya nga ayaw ko ng ibang docu ni Atom kasi ito yung point ng mga docu nya. Just saying, the best si Ms Kara
Gobyerno pa den ung magdadala at magdidikta, as what the the word defines; it is a group of people governing an organized community. Kahit gaano ka pa kasipag or ka-madiskarte sa buhay kung bagsak ung ekonomiya, mahal ung bilihin, mababa ung pasahod, andaming utang na binabayaran hindi makakarating kay Juan ung kaginhawaan. Ung trabaho natin, ung negosyo meron tayo. nakadikta ung gobyerno jan mapa private ka man or public na institusyon napabilang. Isang example. ung mga magsasaka natin, bakit hanggang ngayon hirap pa den sila? dahil ba sa tamad sila? Kung nakaalalay ung gobyerno sa presyo at programa para sa kanila aangat at aangat buhay nila. Ngayon mo sabihin bakit unfair iblame sa govt. ung kahirapan? tignan mo sa mata ng magsasakta o mangingisda or ung nasa laylayan at sabihin ....(tamad ka, madami ka kasi mag-anak at hindi ka kasi nag aral ng mabuti dati bilang magulang)
Agree ako jan.Nasa disiplina din ng mamayan sa isang bansa para umunlad ang bansa pagkakaisa ng bawat mamayan.Akoy ofw dito sa taiwan for 9years at the age of 37 at di oa din nagaasawa kasi naranasan ko ng bata pa ako isang kahig isang tuka ayaw ko maranasan sa magiging anak ko ang kahiraoan na naranasan ko noon.Ibat iba nga ang pananaw ng bawat tao mapalad na lang ang may ganitong kaisipan para sa bayan at sa pagbuo ng isang pamilya.
isa sa mga proyekto ng gobyerno ay ang 4Ps Ips at ibp. matagal ng proyekto na pinapakibangan ng maraming pilipinong kapos, nakaka lungkot lang dahil hindi nagagamit ng maayos ang suportang ito.
na hindi natatanggap ng mga nag sumikap at medyo sapat lang ang istado ng buhay. (unfair hindi ba? kung iisipin?)
Nandito ako dahil sa 24Hrs. Salamat idol atom and gma.