Pagsisisyam sa Karangalan ni San Agustin ng Tanza - Ikawalong Araw sa Unang Yugto 🙏 ⛪️

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 8 ก.ย. 2024
  • PANALANGIN SA IKAWALONG ARAW (Agosto 8)
    LIDER: (Ilagay natin ang ating sarili sa karanasan ni San
    Agustin at dasalin ang kanyang panalangin.)
    O Diyos, itulot Mong makilala at ibigin Kita upang matagpuan ko ang aking kaligayahan sa Iyo. Dahil sa hindi ko ito lubusan matatamo sa mundong ito, tulungan Mo akong lumago araw-araw hanggang ito ay maging ganap. Loobin Mong makilala kita ng lubos sa daigdig na ito, upang ganap kitang makilala sa kalangitan. Itulot Mong lalo kitang mahalin dito sa lupang ibabaw upang ganap kitang mahalin sa langit. Sa gayong paraan magigigng dakila ang aking kaligayahan sa daigdig na ito at magkakaroon ito ng kaganapan sa piling Mo sa kalangitan.
    O Diyos ng katotohanan, ipagkaloob Mo sa akin ang kalangitan upang ako ay mapuspos ng kagalakan tulad ng ipinangako Mo sa akin. Sa ngayon hayaan mo ang aking diwa ay manatili sa kaligayahang ito at ito’y ipahayag ng aking dila.
    LAHAT: Siya nawa.
    #sanagustindetanza #tatausteng #nobenaryo #pagsisiyam #tanza #tanzacavite #sanagustin #novenaprayer #novena #novenatosaints #novenamass

ความคิดเห็น • 2

  • @raldaman382
    @raldaman382 หลายเดือนก่อน +1

    Ipanalangin mo kami Tata Usteng 🙏