Noli Me Tangere Kabanata 47- Ang Dalawang Donya

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 19 ต.ค. 2024
  • #educational
    #educationalpurposeonly
    #lifeandworksofrizal
    #nolimetangere

ความคิดเห็น • 10

  • @riccadonaire
    @riccadonaire  5 หลายเดือนก่อน +3

    Hello! Here's the script, I hope this helps🥰
    Tauhan:
    Ricca - Victorina
    Hansen- Tiburcio
    Aaliyah- Consolacion
    Axel-Alperes
    Citizen- Renz
    Linares- Amor
    Kabanata 47
    Habang isinasabong ni Kapitan Tiyago ang kanyang lasak, si Donya Victorina naman ay naglibot sa bayan upang makita kung ano ang ayos ng mga bahay ng mga tamad na Indio. Matingkad ang sikat ng araw, may mga nagtitinda, may mga batang palakad-lakad. Madumi at maingay ang buong paligid.
    Victorina: Napakapangit naman ng mga bahay ng mga Indio dito. Bukod sa napakarumi ay napakaingay pa. Hindi ko malaman kung paano sila nabubuhay dito. Kailangan talaga maging Indio para mabuhay dito. Mga walang pinag-aralan at di marunong gumalang. Biruin mo? Hindi man lang nagbigay pugay nung tayo’y dumaan. Paluin mo ng ng sombrero mo Tiburcio ng maturuan ng tamang pag-galang.
    Tiburcio: At kung ako’y patulan nila?
    Victorina: Ha! Ba’t diba ikaw’y lalaki?
    Tiburcio: Diba’t ako’y pilay?
    Victorina: Tara na nga’t umuwi.
    Nakasalubong nila ang alperes at dito ay lalong nagpatindi sa sama ng loob ng Donya Victorina. Hindi sya pinuri ng Alperes ngunit halos patutya pa itong tiningnan.
    Alperes: Don Tiburcio (shake hands)
    Victorina:Hindi ka dapat na nakikipag-kamay sa isang Alperes lamang. Bahagya nya nga lamang ginalaw ang kanyang kapresete. Di ka marunong lumagay sa kalagayan mo.
    Tiburcio: Ngunit siya yung pinuno dito
    Victorina: Bakit? Tayo ba’y mga Indio
    Scene 2
    Consolacion: Pweh!
    Victorina: Hoy Senyora! Sa tingin mo ba’y hindi ko narinig yun? Bakit naiinggit ka ba sa aking damit?
    Consolacion: Ako? Maiinggit sa basahang yan? Ah! Oo, inggit ako sa kulot mo
    Victorina: facial expression and gasp
    Tiburcio: Halikana, wag mo na syang patulan
    Victorina: Hayaan mong turuan ko ng leksyon ang walang hiyang ito. Kilalanin mo’ng kinakausap mo. Baka akala mo ako’y probinsyana o kabet ng sundalo. Sa aming bahay sa Maynila, hindi nakakapasok ang mga Alperes. Hanggang pintuan lamang sila.
    Consolacion: Talaga ho? Ang mga gwadya sibil ay hindi nakakapasok pero yung asawa nyong pilay nakakapasok? HA HA HA
    Victorina: Tingnan mo! Ikinababa ng aking karangalan ang pakikipag-usap sa’yo. Ibig mo bang labhan ang aking damit? Mahal ang ibabayad ko sayo. Akala mo ba’y hindi ko alam na ikaw’y labandera?
    Consolacion: Akala ba Ninyo hindi ko alam kung sino kayo? Isang hamak na kabet lamang. Kabet!
    Victorina: Hoy baboy! Bumaba ka rito at dudurugin ko yang marumi mong bunganga!
    Consolacion: Maghintay ka at buburahin ko yang koloretes sa mukha mo!
    Tiburcio: Huminahon nga kayong dalawa
    Consolacion: Wag ka ngang makialam matandang pilay
    Tiburcio: Anong sabi mo?
    Victorina: Tumaas ka na lamang pala. Ayokong makita ako ng mga tao na nakikipag-usap sa isang labanderang hindi marunong magsuklay!
    Consolacion: Inuuto mo ba ako? O baka ulyanin ka na. Pinababa mo ako. O baka nakalimutan mo dahil ang tanda-tanda mo na.
    Victorina: Hoy! Trenta y dos pa lamang ako!
    Consolacion: Mangmang ka rin pala? Kwarenta’y singko ka na, kung hindi ako nagkakamali.
    Victorina: Hindi ko kailangan tanggapin ang mga bagay na ito sa isang taong katulad mo.
    (fight)
    Alperes: Mga Senyora, Don Tiburcio
    Victorina: Turuan mo nga ng kaunti yang asawa mo, ibili mo na rin ng magandang damit. At kung wala kayong salapi, magnakaw kayo sa taong bayan.
    Consolacion: Nandito ako Senyora, bakit hindi mo durugin ng laway mo ang aking bibig.
    Alperes: Ale, pasalamat kayo’t ginugunita ko na kayo’y isang babae dahil kung hindi, dinurog na kayo ng aking sipa.
    Tiburcio: Ginoong Alperes
    Alperes: Magtigil kayu medikong Lukas, hindi kayo lalaki!
    Ilang sigawan, murahan at laitan ang nangyari. Lahat ng maruming nakatago ay lumabas, at sa dahilang ang apat ay panabay na nagsalit at ang sinasabi ay maraming bagay na katotohanan.
    Citizen: Mga Ginoo’t Ale anong nangyari dito?
    Consolacion: Wag kang makialam dito hipokritong karnista.
    Citizen: Don Tiburcio, ilayo mo na ang iyong asawa. Ale, itigil mo na ang iyong dila.
    Consolacion: Lumayas na kayo dito! Magnanakaw sa mga mahirap.
    Citizen: Magsitigil na kayo, marami ng nakakakita.
    Unti-unti na ring nauubos ang listahan ng pagmumura, at natapos na rin ang pagtatanghal ng kawalang hiyaan ng bawat mag-asawa.
    Victorina: Babalik tayong Maynila. Kakausapin natin ang Kapitan- Heneral upang mapatalsik ang walang hiyang Alperes na yan at ang kanyang asawa.
    Tiburcio: Paano yung mga su-sundalo
    Victorina: Bakit? Hindi ka ba lalaki? Susmaryusep
    Scene 3
    Victorina: Pikon na pikon na ako sa Consolacion na yan. Linares, hamunin mo ng dwelo ang teniente.
    Linares: Pero Victorina
    Victorina: Sa tingin mo ba hindi ko alam ang mga kasinungalingan na sinasabi mo kay Santiago? Ano kayang mararamdaman nya kung nalaman nya ang mga ito.
    Linares: Opo Senora.

  • @slayed3301
    @slayed3301 5 หลายเดือนก่อน

    ANG GALING PO!!

    • @riccadonaire
      @riccadonaire  5 หลายเดือนก่อน

      thank you♥♥

  • @SherylMercado-wc1pd
    @SherylMercado-wc1pd 5 หลายเดือนก่อน

    Ano po background music neto?

    • @riccadonaire
      @riccadonaire  5 หลายเดือนก่อน

      Panalo by Ez Mil po

  • @NicoleAndres-wl2tn
    @NicoleAndres-wl2tn 5 หลายเดือนก่อน

    pwede pong mahingi yung script hehehhe

  • @chaeryeongstheloml9073
    @chaeryeongstheloml9073 5 หลายเดือนก่อน

    Pahingi po ng script

    • @riccadonaire
      @riccadonaire  5 หลายเดือนก่อน

      yes naman, padrop nalang ng email add, thanks

  • @SherylMercado-wc1pd
    @SherylMercado-wc1pd 5 หลายเดือนก่อน

    Anong po yung background music neto?