Liham ni Remedios Nable kay Del Pilar Recital

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 24 มี.ค. 2021
  • Liham ni Remedios Nable Jose kay Del Pilar🎥💕
    (Hango sa Pelikulang Goyo: Ang Batang Heneral)
    Sa mga huling yugto ng taong 1899, nakilala ng 24 na taong gulang na Heneral Gregorio del Pilar ang 17 taong gulang na si Remedios Nable Jose. Inilarawan niya ang heneral bilang isang romantikong binata. Ayon sa salaysay ni Remedios, siya ay niligawan at inalok ng kasal ni Heneral Goyo. Subalit noong Disyembre ng nabanggit na taon, nang mabalitaan ang kabayanihan ni Gregorio del Pilar sa Tirad Pass, kasama sa mga kinuha ng mga Amerikano sa katawan ng namatay na heneral ang ilang liham ni Remedios.
    🌻❤️🌻
    Ngayong “Buwan ng Pag-ibig”, ating kilalanin ang huling sinisinta ni Goyo at ang kanyang pagtangis sa pag-aalay ng buhay ng batang heneral para sa bayan. Ang pag-ibig na pinili ang pinakamahahalagang bagay sa madilim na panahon: dangal, tungkulin, at sakripisyo.
    Inihahandog ng Tanghalang Makabayan sa selebrasyon ng National Arts Month, ang liham ng kasaysayan at pag-ibig ni Remedios Nable Jose para kay Goyo. Sa gitna ng pagbibigay puri sa inang bayan ay may isang dalagang takot at pangamba ang nararamdaman para sa bayaning kanyang tinatangi. Isang pagmamahalang mananatiling buhay at karapatdapat sa puso ng isa’t isa.🎨🎭
    🎬
    Starring by Allysa Balasbas
    Editing by Louise Soringa
    Music from John Merrill Peña
    Excerpt piece from Goyo: Ang Batang Heneral

ความคิดเห็น • 13

  • @kellyrain6725
    @kellyrain6725 2 ปีที่แล้ว +13

    minahal nya din pala si goyo this gives me goosebumps well I guess they both already in each other's arm in the after life

  • @momay8722
    @momay8722 2 ปีที่แล้ว +21

    Mahal kong remedios, nagbabalik ako sayo bilang marapat na diwa, bilang lalaking pinili ang pinakamahahalang bagay sa madilim na panahon: Dangal, tungkulin, sakripisyo. Hindi mawawalan ng halaga ang kamatayan ko pagka't namatay akong nagbibigay puri sa bayan, at higit sa lahat, sa iyo. Kaylanman ay hindi ako magiging isang bayaning nasa ibabaw ng mga ulap, malayo at hindi maaabot, habang ako'y kinukupkop mo sa iyong puso. at sa puso mo'y mananatili akong buhay at karapat-dapat sa iyong pag ibig. Sumasaiyo, Gregorio.✨

  • @renansolomon214
    @renansolomon214 หลายเดือนก่อน +1

    Ang lalim ng tagalog ng panahon na yun.

  • @nicolecuizon6047
    @nicolecuizon6047 2 ปีที่แล้ว

    Galing👏

  • @romeolesteralcarde5405
    @romeolesteralcarde5405 3 ปีที่แล้ว +1

    So sweet

  • @oskie66skye
    @oskie66skye 3 ปีที่แล้ว

    Beautiful!! MABUHAY ANG MGA PILIPINO!!!

  • @krishnanmanjares832
    @krishnanmanjares832 2 ปีที่แล้ว

    Wow!ang sarap mong pakinggan parang ikaw ang gumawa ng liham..

  • @IamyoursAya
    @IamyoursAya 11 หลายเดือนก่อน

    Matapang si remedios, matalino siya babae ang gusto niya tapat at tunay ang pagmamahal para sakanya maingat siya sa pagpili ng mga lalake

  • @zildbenitez6182
    @zildbenitez6182 3 ปีที่แล้ว

    Ito dapat ang hinahangaan at sinosoportahan

  • @barbs1853
    @barbs1853 2 ปีที่แล้ว

    Hindi ko gaaano madama ang iyong emosyon mula sa pagsambit ng bawat salita mula sa liham. 😁🙂

  • @CamellaHomesBulakan
    @CamellaHomesBulakan 2 ปีที่แล้ว

    Sarap sa puso ng Love letter ni Remedios kay Goyo baka sila nagkatuluyan kung di namatay sa giyera

  • @jolisamaylistan5052
    @jolisamaylistan5052 7 หลายเดือนก่อน

    Hello! Permission to use this scrip po for academic purpose only:>>