PASENXA
ฝัง
- เผยแพร่เมื่อ 2 ก.พ. 2025
- PASENXA
GANO KAHABA ANG PASENXA MO?
isa yan sa kelangan nating pinapahaba sa pang araw araw na laban sa buhay.
ngayon ko na realize na ang pagiging magulan pala ay hindi biro, kelangan mo nang mahabang pasenxa at hindi basta habang pasenxa lang kelangan mo itong lagyan nang pangunawa at pag mamahal. From the day you were born nakita namin lahat nang development nang anak namin. ung 1st word, ung 1st walk, ung 1st crawl, ung sa madaling araw gigisingin ka at halos wala kang tulog dahil every hour need nya dumede, tapos samahan pa nang pagod sa pang araw araw na ginagawa natin dumadating sa point na nag brebreakdown ka, umiiyak ka kase ilang buwan kanang walang tulog dahil kelangan mong bantayan baka mapano ang baby, tapos lahat nang mamahalin bagay binibigay natin, lahat bago dahil 1st baby gusto natin maganda lahat nang gamit then na realize mo nung 1 year old na sya di naman pala kelangan bago lahat kasi matulin lumaki ang bata, tapos lahat nang saksakan nang kuryente at edges nang mga lamesa at barya kelangan mong bantayan kasi baka mapano baka matama sa lamesa, baka ma kuryente, baka makalunok nang barya, salamat sa dyos at tapos na kame sa ganyang stage.
kaya hanga ako sa mga magulang lalong lalo na sa mga nanay na fulltime na nag aalaga nang kanilang mga anak. pano pa kaya kung 2, 3 , 4 or more ang anak mo grabe ung pagod sa 1 palang pagod kana ung 4 pa anak mo o mas madami. ngaun 4 years old kana para na akong may kausap na batang matanda kasi ang dami mo nang nalalaman, ang dami mo nang gustong subukan, hindi na nag papa kiss at hindi na nag kikiss, at may mga oras na kelangan nang disciplina upang mag karoon nang bounderies na hindi dapat ginagawa. gustong gusto ko na ako ang mag hahatid sa school at mag susundo sa kanya at maririnig ko ung sigaw nya pag katapos nang school na "PAPA" pag nakita nya ako sa labas. dahil alam ko dadating ung panahon pag matanda na kami pareparehas kahit gusto ko syang ihatid sa kanyang trabaho hindi ko na magagawa. aslong as baby ka pa din at hinahanap mo ko at kahit di mo ko hanapin andito kame para sayo.
ngaun ko na realize ang haba nang pasenxa nang magulang ko, kaya mami at dadi SALAMAT. kasi minahal nyo ko nang tama pinahaba nyo ang pasenxa nyo sakin kaya ngayon naipapasa ko sa apo nyo. ung hirap, pagod, nakikita ko ngaun 4 yrs old palang, ung gusto mong mag trabaho pero gusto mo kasama mo din sya. ung gusto mong syang paluin pero ang sakit pag ginagawa mong disciplinahin, pano pa kaya nung lumaki ako? e ang dami kong katarantaduhan sa buhay na nagawa pano nyo pinahaba ang pasenxa nyo sakin at hangang ngaun nararamdaman ko ung pag mamahal na kahit kelan hindi nyo sakin pinag kait. hangang ngayon ung supporta nyo sakin kahit may pamilya na ako ay hindi nyo pinag kait. SALAMAT sa mga magulang ko na hangang ngayon hindi ako pinapabayaan at ginagabayan ako.
kaya sa mga anak dyan. totoo nga ung sinsabi nang mga magulang natin na ma realize mo lahat nang ginagawa nila pag ka may anak kana.
hindi pera ang dapat mong iiwan sa anak natin sabi nga sa vlog nila cong tv, ung VALUES ang dapat mong maituro sa kanila habang lumalaki sila.
Thank you for the music @musicfreenocopyright-music6182