LIGAW NA PANA | SPOKEN WORD POETRY TAGALOG HUGOT | MERCY BLESS

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 19 พ.ย. 2024
  • LIGAW NA PANA
    By: Plen Rotao
    Siguro tumatanda na rin si Kupido
    Malabo narin Ang mga mata nito
    Kasi ng minsang pinana nya Ang ating mga puso
    Tila bang ako Yung napuruhan ng Todo
    Malalim Ang sugat na idinulot nito
    Abot Hanggang sa kaibuturan ng aking puso
    Ang Pana na syang magbubuklod sana sa ating dalawa.
    Ay Ang syang dahilan kung bakit napunta ka sa iba.
    Labing Isang taon Ang inilaan
    Walang Araw o buwan na Hindi kita pinahalagahan
    Minahal at iningatan
    Bawat Segundo na Kasama ka
    Ay naging totoo, tapat at Hindi sayang.
    Walang panghihinayang.
    Mula ng tayoy pinagtagpo
    Ng Pana na binitawan ni Kupido
    Mistulang Ang lahat ay planado
    Lahat na yata ng mga bituin ay nagkasundo
    Dahilan kung bakit tayong dalaway pinagtagpo.
    Ngunit nagkamali ako.
    Sa tagal na Ang Pana ay naririto
    Hindi na ito tulad ng dati na pinag isa Tayo
    Unti unting lumalalim Ang sugat na nilikha nito.
    Na dating walang bahid at babala
    Na darating Ang Araw na ako'y masasaktan pala.
    At aking napagtanto
    Kaya pala lumalim Ang pagkakabaon ng Panang ito
    Kaya pala nagdulot ng sugat at sakit
    Hindi na pala nakakabit sa Pana na nasa Sayo
    Naputol Ang koneksyon nating dalawa
    Na minsang tayo'y pinag isa.
    Ngunit Ikaw rin dapat ay nasasaktan
    Pareho sana Tayo ng nararamdaman
    Ang hindi ko lang maunawaan
    Bakit ako lang Yung napuruhan?
    Sa pagbitaw mo
    Bakit mistulang ako lang Yung nahihirapan?
    Hanggang aking nasulyapan
    Ang sagot sa lahat ng katanungan
    Meron palang nakapitan
    Ang Pana na sayo'y nakalaan
    Naikabit sa Isang Pana
    Na Hindi ko pa maaninagan
    Hindi ko sya Kilala ng lubusan
    Ngunit sabi ng puso ko
    Sya Ang dahilan
    Kung bakit ako Ngayo'y nasasaktan
    Sya Ang dahilan kung bakit unti-unting naglaho
    Ang matagal kong iningatan.
    Kaya Ang susunod na Pana
    Ay iiwasan ko na
    Nang Hindi na muling mabiktima
    Ng ligaw na pana
    Maging tiwala kasi kay Kupido
    Ay unti-unting nawala.
    Paano kung muli syang magkamali.
    Paano kung Ang susunod nyang papanain ay Hindi kayang manatili.
    Hindi ko na kayang makampante.
    Sa susunod, sana Tama na Ang mapili.
    Sa susunod, Wala na sanang hangganan Ang huli.

ความคิดเห็น • 4