Bubuyog: Sa isang malungkot at ulilang hardin Ang binhi ng isang halama’y sumupling, Sa butas ng bakod ng tahanan namin Ay kasabay akong isinisilang din. Nang iyang halama’y lumaki, umunlad, Lumaki rin ako at tumibay ang pakpak, At nang sa butas ko ako’y makalipad Ang unang hinagka’y katabing bulaklak. Luksang Paruparo, kampupot na iyan, Iyan ang langit ko, pag-asa at buhay, Ang unang halik kong katamis-tamisan Sa talulot niya ay nakalarawan. Paruparo: Hindi mangyayaring sa isang bulaklak Kapwa mapaloob ang dalawang palad. Kung ikaw at ako’y kanyang tinatangap Nagkasagi sana ang kanilang pakpak. Sa kanyang talulo’t kung may dumadaloy Na patak ng hamog, aking iniinom; At sa dahon ding iyon ako nagkakanlong Sa init ng araw sa buong mag hapon. Paano ngang siya ay pagkakamalan Sa kami’y lumaki sa i-isang tangkay, Kaya nga kung ako’y sa kanya nabuhay Ibig ko rin namang sa kanya mamatay. Bubuyog: Huwag kang matuwa sapagka’t kanaig Niyaring bulaklak na inaaring langit, Pangka’t tantuin mo sa ngalang pag-ibig Malayo ma’t ibig, daig ang malapit. Saka ang sabi mo sa mutyang kampupot Nakikiinom ka ng patak ng hamog, Kaunting biyaya na bigay ng Diyos, Tapang ng hiya mong ikaw ang lumagok. Ikaw’y isang uod, may bulo kang taglay; Sa isang bulaklak laso’t kamatayan, At akong bubuyog ang dala ko’y buhay Bulong ng hiningang katamis-tamisan. Paruparo: Akong malapit na’y napipintasan mo, Ikaw na malayo naman kaya’y pa’ano? Dalaw ka ng dalaw, di mo naiino, Ay ubos na pala ang tamis sa bao. Di ka humahalik sa mga bulaklak, Talbos ng kamote ang siya mong liyag, Ang mga bintana’y iyong binubutas, Doon ang bahay mo, bubuyog na sukab. Rap: Ikaw, ikaw ay bubuyog, ako’y paruparo, Iyong mga bulong ay naririnig ko; Kung dinig ng lahat ang panambitan mo Hiya ni Kampupot, ayaw na sa iyo. Bubuyog: Lilipad-lipad ka na payao’t dito Pasagilang-bingit, at patanaw-tao, Pag ligaw-matanda sa panahong ito Pagtatawanan ka ng nililigawan mo. Rap: Ikaw’y paruparo, ako ay bubuyog Nilang ka sa tangkay, ako ay sa bakod, Nguni’t saang panig nitong sansinukob Nakakatuwaan ang paris mong uod? Paruparo: Rap: Sa taglay kong bulo nilason na kita. Bubuyog: Rap: Pangka’t ikaw’y taksil, akin si Kampupot. Siya’y bulaklak ko sa tabi ng bakod. Paruparo: Rap: Bulaklak nga siya’t ako’y kanyang uod. Lakandiwa: Tigil na Bbuyog, tigil Paruparo, Inyo ng wakasan iyang pagtatalo; Yamang di-malaman ang may-ari nito, Kampupot na iya’y paghatian ninyo. Bubuyog: Kapag hahatiin ang aking bulaklak Sa kay paruparo’y ibigay na lahat; Ibig ko pang ako’y mag tiis ng hirap Kaysa ang talulot niya ang malagas. Paruparo: Kung hahatiin po’y ayoko rin naman Pagka’t pati ako’y kusang mamamatay; Kabyak na kampupot, aanhin ko iyan Kung buo wala nguni’t akin lamang. Lakandiwa: Maging si Solomong kilabot sa dunong Dito’y masisira sa gawang paghatol; Kapwa nagnanasa, kapwa naghahabol, Nguni’t kung hatii’y kapwa tumututol. Ipahintulot pong sa mutyang narito Na siyang kampupot sabihin kung sino Kung sino ang kanyang binigyan ng oo’ O kung si Bubuyog ba, o kung si Paruparo. Kampupot: Ang kasintahan ko'y ang luha ng langit, Ang Araw, ang Buwan sa gabing tahimik, At si Bubuyog po't paruparong bukid, Ay kapwa hindi ko sila iniibig. Paruparo: Matanong nga kita, sinta kong bulaklak, Limot mo na baga ang aking pagliyag? Limot mo na bagang sa buong magdamag Pinapayungan ka ng dalawang pakpak? Kampupot: Tila nga, tila nga sa aki'y mayroong Sa hamog ng gabi ay may nagkakanlong, Ngunit akala ko'y dahon lang ng kahoy At di inakala na sinuman yaon. Bubuyog: At ako ba, Mutya, hindi mo na batid Ang mga bulong ko't daing ng pag-ibig. Rap: Ang akin bang samo at mga paghibik Na bulong sa iyo'y 'di mo ba narinig? Kampupot: Rap: Tila nga, tila nga ako'y may napansing Daing at panaghoy na kung saan galing. Ngunit akala ko'y paspas lang ng hangin At di inakala na sinuma't alin. Bubuyog: Rap: Ang isang ligaya’y tali ang kasunod, Makapitong lumbay o hanggang matapos. Paruparo: Rap: Dito napatunayan yaong kawikaan Na ang paglililo’y nasa kagandahan. Bubuyog: Rap: Ang isang sanglang naiwan sa akin Paruparo: Rap: Ay di, ay di mananakaw magpahanggang libing. Lakandiwa: Rap: Ang hatol ko'y ito sa dalawang hibang Nabaliw nang hindi kinababaliwan; Yamang ang panahon ay inyo ng sinayang Kaya't nararapat na maparusahan. Mga Minamahal nami't sinisintang bayan, Sa ngayo'y tapos na itong Balagtasan; At kung ibig ninyong sila ay hatulan, Hatulan na ninyo pagdating ng bahay.
Ako'y lubhang naaaliw sa kanilang pagtatalumpati, napakahusay 👏
Bubuyog:
Sa isang malungkot at ulilang hardin
Ang binhi ng isang halama’y sumupling,
Sa butas ng bakod ng tahanan namin
Ay kasabay akong isinisilang din.
Nang iyang halama’y lumaki, umunlad,
Lumaki rin ako at tumibay ang pakpak,
At nang sa butas ko ako’y makalipad
Ang unang hinagka’y katabing bulaklak.
Luksang Paruparo, kampupot na iyan,
Iyan ang langit ko, pag-asa at buhay,
Ang unang halik kong katamis-tamisan
Sa talulot niya ay nakalarawan.
Paruparo:
Hindi mangyayaring sa isang bulaklak
Kapwa mapaloob ang dalawang palad.
Kung ikaw at ako’y kanyang tinatangap
Nagkasagi sana ang kanilang pakpak.
Sa kanyang talulo’t kung may dumadaloy
Na patak ng hamog, aking iniinom;
At sa dahon ding iyon ako nagkakanlong
Sa init ng araw sa buong mag hapon.
Paano ngang siya ay pagkakamalan
Sa kami’y lumaki sa i-isang tangkay,
Kaya nga kung ako’y sa kanya nabuhay
Ibig ko rin namang sa kanya mamatay.
Bubuyog:
Huwag kang matuwa sapagka’t kanaig
Niyaring bulaklak na inaaring langit,
Pangka’t tantuin mo sa ngalang pag-ibig
Malayo ma’t ibig, daig ang malapit.
Saka ang sabi mo sa mutyang kampupot
Nakikiinom ka ng patak ng hamog,
Kaunting biyaya na bigay ng Diyos,
Tapang ng hiya mong ikaw ang lumagok.
Ikaw’y isang uod, may bulo kang taglay;
Sa isang bulaklak laso’t kamatayan,
At akong bubuyog ang dala ko’y buhay
Bulong ng hiningang katamis-tamisan.
Paruparo:
Akong malapit na’y napipintasan mo,
Ikaw na malayo naman kaya’y pa’ano?
Dalaw ka ng dalaw, di mo naiino,
Ay ubos na pala ang tamis sa bao.
Di ka humahalik sa mga bulaklak,
Talbos ng kamote ang siya mong liyag,
Ang mga bintana’y iyong binubutas,
Doon ang bahay mo, bubuyog na sukab.
Rap: Ikaw, ikaw ay bubuyog, ako’y paruparo,
Iyong mga bulong ay naririnig ko;
Kung dinig ng lahat ang panambitan mo
Hiya ni Kampupot, ayaw na sa iyo.
Bubuyog:
Lilipad-lipad ka na payao’t dito
Pasagilang-bingit, at patanaw-tao,
Pag ligaw-matanda sa panahong ito
Pagtatawanan ka ng nililigawan mo.
Rap: Ikaw’y paruparo, ako ay bubuyog
Nilang ka sa tangkay, ako ay sa bakod,
Nguni’t saang panig nitong sansinukob
Nakakatuwaan ang paris mong uod?
Paruparo:
Rap: Sa taglay kong bulo nilason na kita.
Bubuyog:
Rap: Pangka’t ikaw’y taksil, akin si Kampupot.
Siya’y bulaklak ko sa tabi ng bakod.
Paruparo:
Rap: Bulaklak nga siya’t ako’y kanyang uod.
Lakandiwa:
Tigil na Bbuyog, tigil Paruparo,
Inyo ng wakasan iyang pagtatalo;
Yamang di-malaman ang may-ari nito,
Kampupot na iya’y paghatian ninyo.
Bubuyog:
Kapag hahatiin ang aking bulaklak
Sa kay paruparo’y ibigay na lahat;
Ibig ko pang ako’y mag tiis ng hirap
Kaysa ang talulot niya ang malagas.
Paruparo:
Kung hahatiin po’y ayoko rin naman
Pagka’t pati ako’y kusang mamamatay;
Kabyak na kampupot, aanhin ko iyan
Kung buo wala nguni’t akin lamang.
Lakandiwa:
Maging si Solomong kilabot sa dunong
Dito’y masisira sa gawang paghatol;
Kapwa nagnanasa, kapwa naghahabol,
Nguni’t kung hatii’y kapwa tumututol.
Ipahintulot pong sa mutyang narito
Na siyang kampupot sabihin kung sino
Kung sino ang kanyang binigyan ng oo’
O kung si Bubuyog ba, o kung si Paruparo.
Kampupot:
Ang kasintahan ko'y ang luha ng langit,
Ang Araw, ang Buwan sa gabing tahimik,
At si Bubuyog po't paruparong bukid,
Ay kapwa hindi ko sila iniibig.
Paruparo:
Matanong nga kita, sinta kong bulaklak,
Limot mo na baga ang aking pagliyag?
Limot mo na bagang sa buong magdamag
Pinapayungan ka ng dalawang pakpak?
Kampupot:
Tila nga, tila nga sa aki'y mayroong
Sa hamog ng gabi ay may nagkakanlong,
Ngunit akala ko'y dahon lang ng kahoy
At di inakala na sinuman yaon.
Bubuyog:
At ako ba, Mutya, hindi mo na batid
Ang mga bulong ko't daing ng pag-ibig.
Rap: Ang akin bang samo at mga paghibik
Na bulong sa iyo'y 'di mo ba narinig?
Kampupot:
Rap: Tila nga, tila nga ako'y may napansing
Daing at panaghoy na kung saan galing.
Ngunit akala ko'y paspas lang ng hangin
At di inakala na sinuma't alin.
Bubuyog:
Rap: Ang isang ligaya’y tali ang kasunod,
Makapitong lumbay o hanggang matapos.
Paruparo:
Rap: Dito napatunayan yaong kawikaan
Na ang paglililo’y nasa kagandahan.
Bubuyog:
Rap: Ang isang sanglang naiwan sa akin
Paruparo:
Rap: Ay di, ay di mananakaw magpahanggang libing.
Lakandiwa:
Rap: Ang hatol ko'y ito sa dalawang hibang
Nabaliw nang hindi kinababaliwan;
Yamang ang panahon ay inyo ng sinayang
Kaya't nararapat na maparusahan.
Mga Minamahal nami't sinisintang bayan,
Sa ngayo'y tapos na itong Balagtasan;
At kung ibig ninyong sila ay hatulan,
Hatulan na ninyo pagdating ng bahay.
Tagalog is the language of poetry... That's a fact.
Performance namin sa Filipino goodluckkkk g8 students 🙏🏻🙏🏻🙏🏻
Thx
Same
salamat kuya o ate
Masining at nakaaaliw na pagtatanghal na may nakabagong twist. Thanks for sharing!
ang galing po! ito lesson namin sa Filipino
Gr 8? Gl sa performance
same po that's why im here and im actually invested to it its so good😭🤍🤍
Hala same tayo:D
Salamat nadagdagan po activity namin sa filipino
WOWWW super galing po ng performance nyo it's a big help po for our balagtasan sa Filipino thank you po
Superb! Grabeee ang performance.. With a twist!!!
ANG galing niyo po! Ito ang gagawin namin bukas, goodluck samin!
Ang Galing po nila! Naligaya ako sa natutunan ko sa video!
Ganda po performance!! For Filipino 8 lng na Lesson hehe
Napaka galing po, Lesson namin to kanina. 8-Narra
ang giginhawa sa aralin na ito
may balagtasan kame next week sa school may idea na ako pano thankyou po!
Ang galing!!
Napakahusay ❣️
Wow!!galing po!
goodluck nalang talaga satin 😭😭👍👍
Ang ganda po pero may script po ba kayo sa balagtas na niyan
Round 1 kay paro paro ako
Round 2 mas maganda yung flow nung bubuyog, tho maganda yung bars ni paro paro
Ang gagaling. 🤍
galing ito tapic namin
Mas bahay ba po talaga kapag mabagal Ang pagbigkas?
galingg angas
NICE
Its okay lang Po ba may parang rap?
nice
Lesson namin sa Filipino
oo nga samin din hahaha
Lesson namen sa filipino ngayon
Ano kaya yung background music
wow😮😮😮
hello
Kaya hindi na bago sa atin ang rapping dahil ang Balagtasan ay rapping din dahil sa rhyming of words
hahahaha hinanap ko pa sa google 😭
maam amores kaluy i mi
sino ang mga makata?
San po ginanap to? Lesson po nmin sa g8 eh
Casa San Francisco, Pulilan, Bulacan
ano po yung beat sa rap?
Modernized tertulya
@@bosskaloi may link po kayo sa beat? Gagamitin po namin sana sa balagtasan namin
Search in TH-cam lang
Nanalo ng coin toss si bubuyog... Pinili niyang mauna.
Tig dalawang minuto dapat!
Round 1, bubuyog!
San nyo po nakuha ung rap beats?
May sariling production po sila
What do you mean po?
Ok
3:32
Permission to use the video po 😊for school purposes
baliktasan naging rap😂
Rap nga ang balagtasan ih, pero smooth siya at walang malakas na pag trashtalk compara sa Fliptop, at walang away² basta sa balagtasan
Ang galing!!!!