salamat po ng marami sa mga kinds words niyo sa mother ko at sa patuloy na pagsuporta sa aming palamig.. naway di po kayo magsawa.. ipagpapatuloy pa namin na marami pang makainom at maibsan ang uhaw sa mga bumibili at mga bibili pa sa aming munting gulaman.. kung wala kayo mga masusugid namin mga suki hindi kami makakapgtapos ng mga kapatid ko. maraming salamat uli at kudos sa inyo Tikim TV sa napakagandang pagbahagi ng kwento ng aming buhay... MABUHAY KAYONG LAHAT 👊❤️❤️❤️
Nakaka-inspire po si Nanay ❤️ siya po talaga ang masasabing dakilang ina.. lagi po kita Nanay Bebe ipagdarasal kasama po ang asawa at mga anak mo na lagi kayo maging healthy at maging matagumpay.. God bless you po.. 🙏❤️
Nanay, hindi kamo kayo pinag aral? Sa prinsipyo ninyo ay daig pa ninyo ang nakapag aral. Sana lahat ng ina ay tulad ninyo na pantay pantay minahal ang mga anak. SALUDO PO AKO SAINYO!
i teared up when she said that she already paid for her and her husband’s memorial plans so her children won’t have any problems when she passes away. she’s used to not causing people around her problems, so she finds every way she can. i hope she earns enough for her and her husband to take a break and still enjoy what life has to offer. she deserves success
For them they already succeeded, taking a break is like a side quest. They reached contentment which you can't see often. They're happy and seem fulfilled.
Ang sarap maging nanay nitong si Nanay Bebe. Ang lawak ng isip. Ang laki ng pagmamahal sa pamilya lalo sa mga anak. Grabe magpahalaga sa customers nya. Mahal nya din product nya! 😍👏
Ang galing naman ni aling bebe very inspiring nakaka bilib ndi kagaya ng ibang tao na umaasa sa limos umaasa sa gobyerno saludo po ako sa inyo aling bebe naway bigyan kapa ng pangginoong dyos ng mahabang buhay at lakas ng pangangatawan Aling bebe Godbless po ingat po kayo palagi😊😊
Ang dami kong natutunan ka Aling Bebe 1. Magdasal at magtiwala sa Diyos. Give offerings to God. 2. Maging matiyaga at wag maging tamad. 3. Ngumiti at kaibiganin ang mga customers. 4. Kilalanin mo ang iyong mga customers. 5. Maging mapagbigay. 6. Mag-ipon para sa kinabukasan (Bahay, edukasyon, Kabaong at libingan. 7. Bilhin mo kung anong magpapasaya sa iyo (Aling Bebe: masarap na ulam Sinigang na Baka, Nilagang Baka at Caldereta). Maraming salamat Aling Bebe. Mabuhay po kayo!
oh no, this "god" again. It's just hardwork, hardwork isn't from faith. Hardwork is from "OUR" strength, not from a magical person or something that were wasting our time.
@@veen2024 Believing in something gives them strength. So let people believe what they want to believe. You have your opinions, they have theirs. Dont insist your ideas are better because frankly, no one cares.
@@veen2024 oh no, this "hate speech"again , get lost!2022na hinde Mo parin ba alam ang salitang respeto sa paniniwala ng tao? kung merong atheist katulad mo meron ding Believer duh! evolution kapang nalalaman tapos hinde mo alam ang evolution ng paniniwala ng tao tampalin kita Jan heh!😆
17:08 "Parang tubig lang ang buhay. Kung tamad ka di na sa ilalim ka, if masipag ka lagi ka na sa ibabaw. Kailangan masipag ka. Kahit ganito tinda ko, nakaka raos naman." Aling Bebe inspirational life lesson.
Natikman ko ung palamig ni Nanay, sobrang simple nya lang kasi nga puti lang sya 😅 napakasarap nya guys ialng balik nga kami kasi nung time na un ang init 😅 maraming salamat po Nanay God bless po
Noong napunta ako sa Maynila sa Binondo sya pala yan bumili ako sa kanya dahil ang dami bumibili my hwak ako mineral water noon pero naakit ako sa mga ice na nakalutang akala ko tubig lang pero napansin ko mga edukada mga bumibili at tinawag pa ako ninay na tikman ko napakasarap ang pagkatimpla tinapon ko laman ng mineral ko at nagparefil ako sa kanya super bait ni nanay dahil naligaw pa ako noon tinuro ang daan.
Ang ganda ng disposisyon ni nanay sa buhay. Si nanay dapat kunin na speaker para sa customer relation services para turuan ang mga masusungit na humaharap sa tao mapa govt or private. Marami siya maituturo sa mga masusungit na iyon.
Legit asukal nya hibdi magic sugar, tapos instead na brown sugar, white gamit nya kasi white palamig,tapos naglagay sya white vanilla or banana essence , bat ko alam minsan din kaming nagtinda ng nanay ko nyan, at yung tita ko din ganun gamit sa paggawa ng ice candy....ingat Aling Bebe saludo ko sayo napag aral mo mga anak mo dahil sa sipag at tyaga♥️🙏😊
Tama ka, madaming naglabasang hindi nakakaintindi. Magic water ang tawag pero walang magic sugar. Si nanay yung tinatwag na matiyaga sa buhay, sila dapat ang tinutulungan ng husto ng gobyerno para lumago sila at maisabay sila sa paglago nila
Suki ako ni Nanay nung kabataan ko. Kakamiss lalo ngayon dito nako tumanda sa Dubai halos pero pagbisita ko ulit sa pinas siguradong babalikan ko si Nanay. Maraming salamat Sir Sherwin at Tikim TV sa napakagandang videong ito. Dahil sa inyo ginanahan akong makita ulit ang lupang sinilangan ko sa mahigit 15yrs kong tinalikuran at hindi na nilingon pa muli. Mabuhay po kayo
Hindi ko alam na mapapaiyak ako dahil lang sa palamig. Moms like Aling Bebe will always have a special place in my heart, palaging may kaunting kurot. Mabuhay po kayo!
She has such an impeccable vibe grabe. She's living proof that happiness is a state of mind, rarely a destination. She makes the most out of what she has. I hope this clip will get her even more customers. Iba talaga resiliency ng mga pinay women!
Naiyak ako sa kwento at pg share ni nanay. Saludo po sa lahat ng masisipag na ina na gagawin ang lahat para sa mga anak. Hindi iniisip ang sarili nya, inuuna ang pamilya. Laban lang! Happy Mother’s day po nay Bebe! 🥰
habang pinapanuod ko po yung vid, napapansing kong parang may bukol sa may bandang leeg si nanay. sana po may makatulong na maipasuri sya sa doctor. Bilib po ako sa sipag at tiyaga nyo nanay bebe, nakaka-inspire po kayo sa mga katulad kong kabataan. sana po biyayaan pa kayo ng lubos ni Lord!
I feel her so much. - We have a small eatery in our house. And everytime na maraming customers yung tipong sabay sabay na bumibili ng ulam at nag-da dine-in ang sarap sa feeling ako yung nag-sasandok ng mga ulam namin! & the feeling is priceless kahit napapawisan sobrang sarap sa pakiramdam na nakikita mong marami kang customers. Sila mama at papa yung nagluluto ako yung cashier at taga serve at yung uncle ko naman ang taga hugas ng mga pinggan. At di ko kinakahiya ang buhay namin! :) I LOVE YOU MAMA AND PAPA. ❤️❤️❤️ - Since then & now eto na hanap buhay ng parents ko dahil dito nabigay nila needs namin ng mga kapatid ko. Lahat ng kapatid ko nakapag-tapos now in 22 dapat graduating na ako sa college I’m in 2nd year college palipat lipat kase ako ng school dati at nahinto nung nagka-pandemic dahil ako na yung tumutulong kela mama sa gawain sa paninda namin. They’re not forcing me to stay ako yung nag insist at wala akong pinag-sisihan! Yung mga ka batch ko sa 1st batch of kto12 mauuna lang kayong gagraduate. :) - At totoo yung sinabi ni nanay na kapag mabilis kang kumilos mabilis pumasok ang pera. 🙏🏻🙏🏻🙏🏻
Sige lang nay, tuloy lang ang saya at sikap. God bless you and your family. Kahit po hindi kayo nakapag-aral ang importante, busilak naman po ang kalooban mo. Keep healthy. 🙏🏼
This series, with it's style and seriously great documentary chops, imbues its subjects with the pride, dignity and honor that a simple honest-days-work deserves. Mabuhay ang mangagawang Pinoy.
Halata sa mukha ni nanay na masayahin siyang tao. Halos wala nga siyang wrinkles. Thank you for sharing her story. Sobrang nakakainspire po siya. Swerte ng mga anak niya na nagkaroon sila ng inang napakasipag. May God bless her good health and long life. Happy Mother's po sa'yo nanay.
True yan, actually nung pumunta kami may magtotropa na bata at bumili ng gulaman kay nanay, but yung isang bata walang pera pambili kaya nakikihingi lang sa barkada and ayaw bigyan. Kaya ang ginawa ni nanay tinawag nya at binigyan nalang ng clear gulaman😍♥️. Nakakataba ng puso si nanay and napaka bait.
napaka underated ng TH-cam Channel na to.. 105k subs, napaka ganda ng cinematography ng vlogs at kwento ng buhay na nffeature sa kada episode.. nakaka tuwa isipin sa gnagawa ng Tikim TV thousand folds ang binabalik neto sa featured content.. sobrang hype sa tindahan after ng vlog, abangan mo nanay dahil sikap at tiyaga mo yang dame ng tropa mo dodoble pa.. stay healthy nanay
The story of Aling Bebe has all the elements of how life should be. The way it was portrayed and in a way narrated is perfect! I live life simply and a day at a time. I like her story, I take pride in what she is selling and her life's approach to it. I will visit her one of these days in 2022. Live on, thread on Aling Bebe. Stay full of life like your water, a God given talent to you. 💞
Sa lhat ng nkpnood...maging malaking realization sna ito sa lhat stin...ang estado at magiging estado ng buhay ntin at pamilya ay wla sa presidenteng nkaupo o uupo...nsa disposition ntin ito sa buhay tulad ni aling bebe, wla ciang Sinisi sa gobyerno o sa paligid nia,maski nga ang srili niang ina, Bagkus, hinarap Nia ang buhay ng me tiwala sa itaas, at positibong ugali.. I pray n ipagpray ninyo ang leader na iboboto nio on Monday...wag magalit pg Natalo ang gusto,wag ring manginsulto kpg nanalo ang manok mu... Happy disposition and be Faithful to God at all times... Happy mothers day nanay bebe and to all nanay, mama, inay, Ina, mommy out there... SALAMAT TIKIM TV!!!!GODBLESS!!!
Ito yung magulang na may pangarap sa mga anak. Ayaw niya maranasan ng mga anak niya yung hirap na naranasan niya nuong bata siya. Hay, nakakainspire, nakakatouch. Sana lahat ng magulang ganto, hindi idinadahilan ang kahirapan para hindi mapag aral ang anak. The best talaga yung mga gantong magulang. ❤️
Very timely naman neto sakto malapit na ang Mother's Day! Saludo ako kay Nanay sa kabila ng mga hirap na pinagdaanan niya never sya sumuko. Nakaka inspire kwento ni Nanay. Sana matikman ko din Soon yang tinda mo Nanay. Godbless po sayo! 😊🙏🏼
Nay bebe isa kang legendary nag aaral palang ako sa Abad nabili nako sa iyo tuwing uuwi galing school. More power God bless. P.s marami po kami natutunan sa inyo.
She's so inspirational. She's blessed because she has a big heart. She could be bitter because of what her mom did to her, but she challenged that by being a great person & a mother. She even prepared her future, ilang tao ang kakilala mong ni-ready ang burial niya? she was ahead of the game, if she pass on someday, she won't leave a burden to her family. She also has great work ethic, malinis, sociable & a wonderful person. Kudos to you Aling Bebe!
Naalala ko, kaladkad ako ng Lola ko namimili sa Ylaya at Juan Luna. Kapag nagawi kami sa kanya bibili at bibili kami kasi kahit ang simple ng tinda nya sobrang refreshing at masarap talaga, alam nya ang ratio ng tubig at asukal kahit mapapansin nyo madaming yelo sya hindi nagbabago ang lasa nya. Hanggang sa pati yungg Anak ko naging suki na din nya. kung mapapansin nyo sa mga testimonials nung mga bumibili pati mga anak anak na nila naging suki na din hehehe! Hindi pa nagpapabayad yan minsan. Nay more power po sa inyo, pagpalain pa po kayo ng marami!
Nakakatouch sobra yung words of wisdom ni nanay, lalo na mga experiences nya in life na hindi niya pinaranas sa mga anak nya at sobrang saya niya sa narating nya sa buhay. Salamat nanay sa mabuting puso niyo, more blessings to come nay
A truely heart of a mother❤❤❤ mismo plano sa pagkamatay nya sya ang nag aakikaso ayaw nya mamoblema ang mga anak nya... Salute to you nanay god bless to ur family
Batang Divisoria and Batang Jose Abad HS will relate to this. Aling Bebe is already part of our childhood and the magic water will be always part of our comfort food.
It feels like nanay bebe is continueng this because she really enjoys selling this magic water and cannot let go of the good memories she made in this street and with other people.Lovelots Nay!😊❤
Its 4:30am. Im watching this video of nanay. Ang aga-aga umiiyak ako, tulo pa sipon ko, hahaha! Very touching buhay niya at inspiring too. Legit na sipag at tyaga ang puhunan sa pag asenso sa buhay. Napaka positive nya. Sana ganyan ang mind set. Hanga ako sa kanyang pakikipagkapwa tao kaya nàman positive ang returns sa kanya. Mabuhay kà nanay. May you live longer para marami kapang mapapawi ang uhaw sa araw-araw na laban ng buhay. God bless you po.
Napaka galing naman na nanay nito. Yung iilan sinasabi pag masama ka, siguro pinag malupitan yan nung araw kaya masama ugali. Pero siya pinalitan niya ng sobrang gandang pag uugali yung naranasan niya sa nanay niya. God bless you po at more kita♥️
Sobrang INSPIRATIONAL! . . . Pupuntahan kita Nanay Bebe dyan sa pwesto mo sa Juan Luna (sana bago matapos ang taong ito) para matikman ang sikat mong Magic Water!! . . . 😄😄😄
We listen to her valuable story but are we really hearing her. I've seen people especially in the Philippines that goes to church and listen to the sermon of the priest and pray but once they're out of the building their continues illegal activities goes on. Her stories are mind opener for us. It's up to us to learn from it. Thank you nanay for sharing your stories to us.
Sarap naman ng kwento ni Nanay. Sana naman, wish ko lang, may malaking makuhang share si Nanay from TIKIMTV kapag na-monetize na nila ang dami ng views. Mabuhay ka nanay!
Very inspiring story.. Sana ma feature din sya sa KMJS. Yan ang nagsusumikap talaga kahit mahirap makikita mo yun contentment nya sa buhay at pagsusumikap para sa pamilya nya.
Good job TikimTV for showing this story. Nakaka inspire. Hindi biro ang magpaaral ng 3 anak at 2 eternal plan para sa 5 - 10 pesos na palamig. Napakahusay ni nanay makisama sa mga customer niya. Nawa'y maabot mo pa ang gusto mo sa business mo, Nay! Taga hanga mo ako. Sana pagpunta ko sa Divisoria matikman ko ang Magic Water mo. ♥
Ganitong mga gawa ang kailangan sa social media ngayon. Ang husay, TikimTV! From the content to the video technicals - nothing not to be impressed with! Ultimately, napaka-inspiring ng kwento mo Aling Bebe. Mabuhay ka!
Sobrang napakaSwerte ng mga anak ni Nanay❤️ Ang swerte nila nagkaroon sila ng nanay na masipag,madiskarte at Mabait. Ganyan ba pag Bebe ang pangalan?😅Kasi mama ko si Bebe din eh. Same sila masisipag❤️ NakakaProud lang ☺️
That's a real definition of a Mother. She's selfless and will do everything in her power for her children. To make sure they don't endure the same hardships she has seen as a child
Grabe, nung elementary up to high school sa knya kmi bumibili ng mga classmates ko....ganyan na ganyan ang mukha ni nanay nuon...hndi nagbago kya nakilala ko cya... masarap kse gulaman nya... Hello nanay, good to see you here... i speak life to you in Jesus Mighty Name. May God protect you and shield you with His precious blood... Ingatz nanay... 50yrs old n ako, ganyan pa din ang face nyo.. Stay safe po...
Napakagandang Modelo ni Nanay. Progresibong pag-iisip, pagkalinga, at ibang klaseng pagmamahal. Ang sakit ng kahapon ang nagsisilbing binhi ng mas magandang bukas. Mas marami pang maliligayang taon para sa iyo at iyong pamilya Nanay.
Nakaka proud si Nanay.... " nag papasalamat ako sa mga customer ko... Kung wala sila wala din ako" Hindi tulad ng mga artista nakakalimut... Kung hindi dahil sa mga Fans nila wala sila sa kinalalagyan nila
Another inspiring story from this channel. Napaparealize kaming mga millenials sa videos nyo na ang pera di basta basta napupulot lang. Kailangan paghirapan. Kung may trabaho man, maging masinop sa paghawak nito. Para makita mo rin ang bunga ng mga pinaghirapan mo. I love your videos, Tikim!
1980 pa nya tinda pero 2022 na di ko pa natitikman, lagi ako dumadaan dyan pero never ko nakita to. But this time dahil sa Tikim TV pupuntahan ko sya someday. Keep it up quality and one of a kind channel. Proud kababayan ni tikim. Mahilig kumain kaya ako andito, plus support na din. Kahit magkaiba ng content. Relate ko sa content un bangs ni Nanay ang solid mula noon gang ngayon nka bangs. Bait ni nanay halata the way she make kwento.
Nakakatuwa si nanay, napaka positive sa buhay. Makikita mo sa mga mata niya ang kasiyahan sa pagtitinda. God bless nay!!! Na inspired ako sa kwento mo😍👍 Keep it up TIKIM tv, 👍👍👍
I LOVE this episode. Nay BeBe, salamat sa pag-bahagi mo ng kwento ng buhay mo. SALAMAT din sa TikimTV, dahil kung hindi dahil sa inyo puro buhay lang ng artista ang maririnig namin. Interesting din ang buhay ng mga hindi artista.
Nakikita ko sa kanya ang mga pinangarap ko rin sa buhay ko noong araw at awa ng Diyos ay napag aral ko din ang 3 anak ko... Sipag at Tyaga, at paniniwala sa Poong Maykapal na darating ang araw na giginhawa din Mabuhay po Aling Bebe at nawa'y palagi kang healthy upang maipagpatuloy mo pa ang iyong mga adhikain sa buhay God bless you always ... 🙏❤
Galing kami dito kanina, ansarap at anlamig ng palamig ni Nanay sulit talag... thank you nga pala aling bebe at binigyan nyo pa kami ng Face Mask....😊❤️❤️
Patulog na 'ko nung makita ko 'tong video sa recommendations ko. Nahiwagaan ako sa "Magic Water" na title ng dokumentaryo na 'to. Nung una, akala ko makakatulugan ko, pero natapos ko. Natapos din nang may kasamang luha, pagpapasalamat sa Panginoon, at mga aral. 'Di ko akalain na ito 'yung video na magpapaalala sa akin ano rin mga mayroon sa akin at mga kaya kong gawin sa buhay. Bawat pangaral ni nanay, "Opo, 'nay." Sabay iyak. Nanaaay, mas pagpapalain kayo nawa. Sobra po kayong nakakahanga!!! Ang tunay na mahika ay nasa pananaw niyo po sa buhay. 🤍 Mabuhay po kayo, nanay! P.S. Sa buong team na nag-cover ng kwentong ito, maraming salamat po! Marami po kayong na-inspire! Keep up the good work! Mag-ingat po ang lahat palagi! God bless po! 🤍
Taray ni Aling Bebe mula noon hanggang ngayon may bangs 🤘🏻 Kidding aside! Na inspire ako sa mga words of wisdom ni Aling Bebe, muka syang mabait no no wonder madami bumibili sa kanya. Madalas kase hindi lng dahil sa paninda kaya tayo bumabalik balik kundi dahil narin sa personalidad ng nagbebenta.
First time to find this channel and I’m hooked. This is the 4th video I have watched and thus far my favorite. I’m sure they’ll be other inspiring stories of hardworking people but I don’t know if I’ll be in awe and inspired better than any one than Nanay Bebe. Such an admirable woman. I smiled the entire time I was watching. Her pure joy is contagious and her words of wisdom are so deep and honest. I love her faithfulness to God, I could feel her kind spirit tho I’m thousands of miles away from the Philippines and could only see her thru this medium. May God continue to bless her, keep her safe and healthy and above all, live many more years of the life she enjoys and shares with those blessed to get to know her. 🙏
Saludo po ako sayo nanay... Habang may buhay may Pag asa.. Kaya laban lang po.. kayang Kaya Yan.💪💪 Nandyan po Ang diyos laging nakagabay sa atin..🙏🙏 Kaya magtiwala lang tayo sa kanya...
I'm so proud of you nay 😊 napakapraktikal 😊 napakamapagmahal na nanay 😊 kahit di ka po nakapagtapos ng pag-aaral ,isa ka sa mga pinakamatalinong taong nakilala o nakita ko. 😊 Sana ibless ka pa po ni Lord 😊 Sana makita kita Everytime nauwi ako sa tondo ❤️ ingat po palagi 🥰 God bless ❤️❤️💯
Nanay Bebe is so precious.. sana mabiyayan pa s nanay ... Sabi nga Lahat ng Ina gagawin Ang lahat para sa pamilya at sa mga anak... I hope na mas marami pa ang makanood ng story ni nanay and sa YT Channel nyo . Putting Eng subs will be of great help sa mga international viewers.. lalo na sa mga reactors..
And daming nagmamahal kay nanay , super bait , kita ko na maalaga cya sa costumers nya , Saludo po ako sayo nanay Bebeng , regards sa pamilya mo and Thks bro for sharing this kind of story ,,,watching from Oman , keep safe ♥️🥰
salamat po ng marami sa mga kinds words niyo sa mother ko at sa patuloy na pagsuporta sa aming palamig.. naway di po kayo magsawa.. ipagpapatuloy pa namin na marami pang makainom at maibsan ang uhaw sa mga bumibili at mga bibili pa sa aming munting gulaman.. kung wala kayo mga masusugid namin mga suki hindi kami makakapgtapos ng mga kapatid ko. maraming salamat uli at kudos sa inyo Tikim TV sa napakagandang pagbahagi ng kwento ng aming buhay... MABUHAY KAYONG LAHAT 👊❤️❤️❤️
Suki kami jan dati year 2001 to 2002..jan kami derecho pagkagaling skul...Jose Abad Santos High School..
San po mkikita si Nanay sa divisoria?
@@buboysadventureph8805 sa juan luna po divisoria..
@@dixjambaro4022 thnku p0
Nakaka-inspire po si Nanay ❤️ siya po talaga ang masasabing dakilang ina.. lagi po kita Nanay Bebe ipagdarasal kasama po ang asawa at mga anak mo na lagi kayo maging healthy at maging matagumpay.. God bless you po.. 🙏❤️
“Bata o matanda, ginagalang ko sila” This woman knows the value of respect. Indeed, she is a true queen.
Thanks captain obvious
trueee 😭
Ok
Sana ikaw din ganyan.Hhha pag pogi ginagalang pag pangit dededmahin.Hahaha
True
Nanay, hindi kamo kayo pinag aral? Sa prinsipyo ninyo ay daig pa ninyo ang nakapag aral. Sana lahat ng ina ay tulad ninyo na pantay pantay minahal ang mga anak. SALUDO PO AKO SAINYO!
i teared up when she said that she already paid for her and her husband’s memorial plans so her children won’t have any problems when she passes away. she’s used to not causing people around her problems, so she finds every way she can. i hope she earns enough for her and her husband to take a break and still enjoy what life has to offer. she deserves success
Thank you for translating i was wondering why she was crying.
For them they already succeeded, taking a break is like a side quest. They reached contentment which you can't see often. They're happy and seem fulfilled.
Ang sarap maging nanay nitong si Nanay Bebe. Ang lawak ng isip. Ang laki ng pagmamahal sa pamilya lalo sa mga anak. Grabe magpahalaga sa customers nya. Mahal nya din product nya! 😍👏
Na try ko ns yung palamig ang sarap
Ang galing naman ni aling bebe very inspiring nakaka bilib ndi kagaya ng ibang tao na umaasa sa limos umaasa sa gobyerno saludo po ako sa inyo aling bebe naway bigyan kapa ng pangginoong dyos ng mahabang buhay at lakas ng pangangatawan Aling bebe Godbless po ingat po kayo palagi😊😊
May sarili kang nanay, iappreciate mo.
Paampon ka? Di ka ba masaya sa nanay mo ngayon.
@@NB20079 baka hindi love ng nanay nya
The real Product of Nanay, is not The Magic Water, It's the Magic of her story ❤️
Maiinom ba ung story? The real product is magic water...her story is her journey..
@@edge1648 send Your Gcash number , buy some brain. You really needed that, also add some comprehension.
@@edge1648 Hindi ata masarap ulam mo?
Ul0l
@@edge1648 paano naging magic water yan?clear gulaman yan pati white sugar, kagaya lang dn yan ng samalamig na brown sugar,ayan white sugar.
Ang dami kong natutunan ka Aling Bebe
1. Magdasal at magtiwala sa Diyos.
Give offerings to God.
2. Maging matiyaga at wag maging tamad.
3. Ngumiti at kaibiganin ang mga customers.
4. Kilalanin mo ang iyong mga customers.
5. Maging mapagbigay.
6. Mag-ipon para sa kinabukasan (Bahay, edukasyon, Kabaong at libingan.
7. Bilhin mo kung anong magpapasaya sa iyo (Aling Bebe: masarap na ulam Sinigang na Baka, Nilagang Baka at Caldereta).
Maraming salamat Aling Bebe.
Mabuhay po kayo!
oh no, this "god" again. It's just hardwork, hardwork isn't from faith. Hardwork is from "OUR" strength, not from a magical person or something that were wasting our time.
@@veen2024 Believing in something gives them strength. So let people believe what they want to believe.
You have your opinions, they have theirs.
Dont insist your ideas are better because frankly, no one cares.
@@veen2024 so where did we come from if not thru creation? Big bang? Missing link?
@@CoolNinjaTV evolution, duh
@@veen2024 oh no, this "hate speech"again , get lost!2022na hinde Mo parin ba alam ang salitang respeto sa paniniwala ng tao? kung merong atheist katulad mo meron ding Believer duh! evolution kapang nalalaman tapos hinde mo alam ang evolution ng paniniwala ng tao tampalin kita Jan heh!😆
17:08 "Parang tubig lang ang buhay. Kung tamad ka di na sa ilalim ka, if masipag ka lagi ka na sa ibabaw. Kailangan masipag ka. Kahit ganito tinda ko, nakaka raos naman." Aling Bebe inspirational life lesson.
Natikman ko ung palamig ni Nanay, sobrang simple nya lang kasi nga puti lang sya 😅 napakasarap nya guys ialng balik nga kami kasi nung time na un ang init 😅 maraming salamat po Nanay God bless po
Puti? Baka clear baka transparent
Talaga ba???
Anong lasa?
@@matthewpalisoc5363 ok po sige.
Noong napunta ako sa Maynila sa Binondo sya pala yan bumili ako sa kanya dahil ang dami bumibili my hwak ako mineral water noon pero naakit ako sa mga ice na nakalutang akala ko tubig lang pero napansin ko mga edukada mga bumibili at tinawag pa ako ninay na tikman ko napakasarap ang pagkatimpla tinapon ko laman ng mineral ko at nagparefil ako sa kanya super bait ni nanay dahil naligaw pa ako noon tinuro ang daan.
Ang bait ni nanay bebe
Ang ganda ng disposisyon ni nanay sa buhay. Si nanay dapat kunin na speaker para sa customer relation services para turuan ang mga masusungit na humaharap sa tao mapa govt or private. Marami siya maituturo sa mga masusungit na iyon.
Ako ayaw korin masungit na kahera or casher , 😂sa nanay mabaet ..
Nanay is full of wisdom…Maraming Salamat po for this beautiful documentary “Tikim” one of the best documentaries🙏
mga nasa govt hospital ang susungit..yung mga doctor mababait yung mga staff grabe akala mo sila may ari ng ospital
Dapat manalo si paquiao pra may DEPARTMENT OF WATER na ang Pilipinas😂
Hahaha,true ka joe🥰😁😁🥰
Legit asukal nya hibdi magic sugar, tapos instead na brown sugar, white gamit nya kasi white palamig,tapos naglagay sya white vanilla or banana essence , bat ko alam minsan din kaming nagtinda ng nanay ko nyan, at yung tita ko din ganun gamit sa paggawa ng ice candy....ingat Aling Bebe saludo ko sayo napag aral mo mga anak mo dahil sa sipag at tyaga♥️🙏😊
Ah k
Tama ka, madaming naglabasang hindi nakakaintindi. Magic water ang tawag pero walang magic sugar. Si nanay yung tinatwag na matiyaga sa buhay, sila dapat ang tinutulungan ng husto ng gobyerno para lumago sila at maisabay sila sa paglago nila
Magic augar na cacancer yan ung kabataan ko naglipana yan sa recto o aquiapo o divisoria yung konting tamis lang nilalagay pera maguc sugar pala
@@waterlily2839_chua lahat nmn ng juice nasa market mga branded pa gumagamit ng magic sugar
Ok lang nmn uminom nun bsta minsanan lang wag araw arawin
@@jahd5790 8
Sana mapaunlakan ng MMK ang kwento ng buhay ni Aling Bebe 😯🥹 so inspiring ♥️
super sarap... walang halong magic sugar kumpara s lhat ng palamig jan s Divisoria... lab u Nanay keep Heathy
I love how great of a mother she is. Kahit anong hirap naranasan niya sa sarili niyang nanay, sinigurqdo niyang di maramansan ng mga anak niya.
Suki ako ni Nanay nung kabataan ko. Kakamiss lalo ngayon dito nako tumanda sa Dubai halos pero pagbisita ko ulit sa pinas siguradong babalikan ko si Nanay. Maraming salamat Sir Sherwin at Tikim TV sa napakagandang videong ito. Dahil sa inyo ginanahan akong makita ulit ang lupang sinilangan ko sa mahigit 15yrs kong tinalikuran at hindi na nilingon pa muli. Mabuhay po kayo
Ingat po kabayan 5 years din po ako abudhabi. God bless
Nakakaawa naman si nanay
Hindi ko alam na mapapaiyak ako dahil lang sa palamig. Moms like Aling Bebe will always have a special place in my heart, palaging may kaunting kurot. Mabuhay po kayo!
She has such an impeccable vibe grabe. She's living proof that happiness is a state of mind, rarely a destination. She makes the most out of what she has. I hope this clip will get her even more customers. Iba talaga resiliency ng mga pinay women!
well put po 🧡
Naiyak ako sa kwento at pg share ni nanay. Saludo po sa lahat ng masisipag na ina na gagawin ang lahat para sa mga anak. Hindi iniisip ang sarili nya, inuuna ang pamilya. Laban lang! Happy Mother’s day po nay Bebe! 🥰
Nanay Bebe is not just a businesswoman, she is a mother and she treats everyone with love that is why she is prospering.
habang pinapanuod ko po yung vid, napapansing kong parang may bukol sa may bandang leeg si nanay. sana po may makatulong na maipasuri sya sa doctor.
Bilib po ako sa sipag at tiyaga nyo nanay bebe, nakaka-inspire po kayo sa mga katulad kong kabataan. sana po biyayaan pa kayo ng lubos ni Lord!
I feel her so much.
-
We have a small eatery in our house. And everytime na maraming customers yung tipong sabay sabay na bumibili ng ulam at nag-da dine-in ang sarap sa feeling ako yung nag-sasandok ng mga ulam namin! & the feeling is priceless kahit napapawisan sobrang sarap sa pakiramdam na nakikita mong marami kang customers. Sila mama at papa yung nagluluto ako yung cashier at taga serve at yung uncle ko naman ang taga hugas ng mga pinggan. At di ko kinakahiya ang buhay namin! :) I LOVE YOU MAMA AND PAPA. ❤️❤️❤️
-
Since then & now eto na hanap buhay ng parents ko dahil dito nabigay nila needs namin ng mga kapatid ko. Lahat ng kapatid ko nakapag-tapos now in 22 dapat graduating na ako sa college I’m in 2nd year college palipat lipat kase ako ng school dati at nahinto nung nagka-pandemic dahil ako na yung tumutulong kela mama sa gawain sa paninda namin. They’re not forcing me to stay ako yung nag insist at wala akong pinag-sisihan! Yung mga ka batch ko sa 1st batch of kto12 mauuna lang kayong gagraduate. :)
-
At totoo yung sinabi ni nanay na kapag mabilis kang kumilos mabilis pumasok ang pera. 🙏🏻🙏🏻🙏🏻
❤️❤️❤️
À
❤️❤️❤️
Pwede ka na mag asawa,, sa tingin ko kaya no na bumuhay ng asawa.
Salute po sayo and to your fam 💕💕💕
Sige lang nay, tuloy lang ang saya at sikap. God bless you and your family. Kahit po hindi kayo nakapag-aral ang importante, busilak naman po ang kalooban mo. Keep healthy. 🙏🏼
Gustong gusto ko ung palamig ni nanay sarap kala ko nga tubig lng 😄😄 suki n kmi ni nanay 😄
@@sarahcalamba9185 p0
This series, with it's style and seriously great documentary chops, imbues its subjects with the pride, dignity and honor that a simple honest-days-work deserves.
Mabuhay ang mangagawang Pinoy.
Aling Bebe's refreshing palamig is reflective of her refreshing attitude!
Halata sa mukha ni nanay na masayahin siyang tao. Halos wala nga siyang wrinkles. Thank you for sharing her story. Sobrang nakakainspire po siya. Swerte ng mga anak niya na nagkaroon sila ng inang napakasipag. May God bless her good health and long life. Happy Mother's po sa'yo nanay.
True yan, actually nung pumunta kami may magtotropa na bata at bumili ng gulaman kay nanay, but yung isang bata walang pera pambili kaya nakikihingi lang sa barkada and ayaw bigyan. Kaya ang ginawa ni nanay tinawag nya at binigyan nalang ng clear gulaman😍♥️. Nakakataba ng puso si nanay and napaka bait.
napaka underated ng TH-cam Channel na to.. 105k subs, napaka ganda ng cinematography ng vlogs at kwento ng buhay na nffeature sa kada episode.. nakaka tuwa isipin sa gnagawa ng Tikim TV thousand folds ang binabalik neto sa featured content.. sobrang hype sa tindahan after ng vlog, abangan mo nanay dahil sikap at tiyaga mo yang dame ng tropa mo dodoble pa.. stay healthy nanay
I legit thought it's from GMA channel's documentary, if I had not look at the owner of the video and your comment
This channel deserving a million subscribers. One of the best YT contents about life and its challenges.
@@hvj6397 oo parang nag karoon na kasi ng dating segment gma ng ganting name, pero kng galing gma to, napaka liit ng subscription..
Agree. Very documentary ang vibes. Kaya ung finifeature, mas nagiging interesting...
hahahhaha tanga Nkakatuwa yung mga Nafefeature hindi yung Tikim TV Dahil Pinagkakakitaan nya kamo yung mga Kinocontent nya
Genuine ang smile ni nanay kapag Naka Punta ko divisoria bibili ko dyan😊
Humble c nanay.napaka positive vibes nya kaya nman ang dami nyang suki❤️Godbless you nanay Bebe
The story of Aling Bebe has all the elements of how life should be. The way it was portrayed and in a way narrated is perfect! I live life simply and a day at a time. I like her story, I take pride in what she is selling and her life's approach to it. I will visit her one of these days in 2022. Live on, thread on Aling Bebe. Stay full of life like your water, a God given talent to you. 💞
Lpp
Lpppl
Pppppp0000pppppp000plppppp0plpppppllpppppp0plppppp
Pppppplplppllpppllppppppplplp pppp 0lppplppppppppp0pp0p
@@jenniferganancial528 ml
"bata matanda kaibigan ginagalang ko sila" ginto po ang puso mo nanay bebe
This was also featured on another channel. Pero grabe, quality talaga laban ng TikimTV! More power po!!! 👌🏻👌🏻👌🏻
Agree po! Daig pa ang mga local channels natin po... Kudos👍
Di nga mukhang 62 si nanay. 🥰🥰🥰
Ang galing pa ni nanay kumuha ng eternal plans. ♥️♥️♥️
Sa lhat ng nkpnood...maging malaking realization sna ito sa lhat stin...ang estado at magiging estado ng buhay ntin at pamilya ay wla sa presidenteng nkaupo o uupo...nsa disposition ntin ito sa buhay tulad ni aling bebe, wla ciang Sinisi sa gobyerno o sa paligid nia,maski nga ang srili niang ina, Bagkus, hinarap Nia ang buhay ng me tiwala sa itaas, at positibong ugali.. I pray n ipagpray ninyo ang leader na iboboto nio on Monday...wag magalit pg Natalo ang gusto,wag ring manginsulto kpg nanalo ang manok mu...
Happy disposition and be Faithful to God at all times...
Happy mothers day nanay bebe and to all nanay, mama, inay, Ina, mommy out there...
SALAMAT TIKIM TV!!!!GODBLESS!!!
Ito yung magulang na may pangarap sa mga anak. Ayaw niya maranasan ng mga anak niya yung hirap na naranasan niya nuong bata siya. Hay, nakakainspire, nakakatouch. Sana lahat ng magulang ganto, hindi idinadahilan ang kahirapan para hindi mapag aral ang anak. The best talaga yung mga gantong magulang. ❤️
Very timely naman neto sakto malapit na ang Mother's Day! Saludo ako kay Nanay sa kabila ng mga hirap na pinagdaanan niya never sya sumuko. Nakaka inspire kwento ni Nanay. Sana matikman ko din Soon yang tinda mo Nanay. Godbless po sayo! 😊🙏🏼
Nay bebe isa kang legendary nag aaral palang ako sa Abad nabili nako sa iyo tuwing uuwi galing school. More power God bless. P.s marami po kami natutunan sa inyo.
She's so inspirational. She's blessed because she has a big heart. She could be bitter because of what her mom did to her, but she challenged that by being a great person & a mother. She even prepared her future, ilang tao ang kakilala mong ni-ready ang burial niya? she was ahead of the game, if she pass on someday, she won't leave a burden to her family. She also has great work ethic, malinis, sociable & a wonderful person. Kudos to you Aling Bebe!
Na touch ako sa sinabi ni Nanay na "ipinagdarasal ko ang mga customer ko"
Napakabuting inspirasyon sa akin .
nakakatuwa nmn sarap mkinig sa ganda ng story may matutunan k nkaka inspired
Naalala ko, kaladkad ako ng Lola ko namimili sa Ylaya at Juan Luna. Kapag nagawi kami sa kanya bibili at bibili kami kasi kahit ang simple ng tinda nya sobrang refreshing at masarap talaga, alam nya ang ratio ng tubig at asukal kahit mapapansin nyo madaming yelo sya hindi nagbabago ang lasa nya. Hanggang sa pati yungg Anak ko naging suki na din nya. kung mapapansin nyo sa mga testimonials nung mga bumibili pati mga anak anak na nila naging suki na din hehehe! Hindi pa nagpapabayad yan minsan. Nay more power po sa inyo, pagpalain pa po kayo ng marami!
grabe naman po Lola nyo kinaladkad kayo pwede naman pong maglakad ng maayos. hindi naman kailangan kaladkarin
@@im_an_introvert0138 Funny Guy keyboard warrior 🤣
@@im_an_introvert0138 hahaha
Nakakatouch sobra yung words of wisdom ni nanay, lalo na mga experiences nya in life na hindi niya pinaranas sa mga anak nya at sobrang saya niya sa narating nya sa buhay. Salamat nanay sa mabuting puso niyo, more blessings to come nay
Ang ganda ng storya ng buhay.ni mother sana lahat puro possitive lng ang thinking.nakaka inspired talaga.minsan puntahan kita.
A truely heart of a mother❤❤❤ mismo plano sa pagkamatay nya sya ang nag aakikaso ayaw nya mamoblema ang mga anak nya... Salute to you nanay god bless to ur family
Batang Divisoria and Batang Jose Abad HS will relate to this. Aling Bebe is already part of our childhood and the magic water will be always part of our comfort food.
Yung smile at kislap ng kanyang mga mata at the end of the docu says it all. Learned a lot from nanay. Thank you po at God bless you, nanay!
It feels like nanay bebe is continueng this because she really enjoys selling this magic water and cannot let go of the good memories she made in this street and with other people.Lovelots Nay!😊❤
Godbless nanay busilak tlaga puso mo. Di ka man pinag aral ng nanay mo, atleast pinagtapos mo naman mga anak mo ☺️
Its 4:30am. Im watching this video of nanay. Ang aga-aga umiiyak ako, tulo pa sipon ko, hahaha! Very touching buhay niya at inspiring too. Legit na sipag at tyaga ang puhunan sa pag asenso sa buhay. Napaka positive nya. Sana ganyan ang mind set. Hanga ako sa kanyang pakikipagkapwa tao kaya nàman positive ang returns sa kanya. Mabuhay kà nanay. May you live longer para marami kapang mapapawi ang uhaw sa araw-araw na laban ng buhay. God bless you po.
Kita mo sa mata ni Aling Bebe ung humility nya and contentment sa buhay.
Dami niang Word's of Wisdom, not a single word for negativity.... I salute you po Nanay,May God give you more strength and good good health ❤❤❤
Napaka galing naman na nanay nito. Yung iilan sinasabi pag masama ka, siguro pinag malupitan yan nung araw kaya masama ugali. Pero siya pinalitan niya ng sobrang gandang pag uugali yung naranasan niya sa nanay niya. God bless you po at more kita♥️
Malinis po ang kanyang puso.
Sobrang INSPIRATIONAL! . . . Pupuntahan kita Nanay Bebe dyan sa pwesto mo sa Juan Luna (sana bago matapos ang taong ito) para matikman ang sikat mong Magic Water!! . . . 😄😄😄
She reminds me of my Nanay/Lola, has similar looks. I miss her. I love her story. one of Tikim''s best. All the best to this Channel!
We listen to her valuable story but are we really hearing her. I've seen people especially in the Philippines that goes to church and listen to the sermon of the priest and pray but once they're out of the building their continues illegal activities goes on. Her stories are mind opener for us. It's up to us to learn from it. Thank you nanay for sharing your stories to us.
Sarap naman ng kwento ni Nanay.
Sana naman, wish ko lang, may malaking makuhang share si Nanay from TIKIMTV kapag na-monetize na nila ang dami ng views.
Mabuhay ka nanay!
ang galing ni nanay very positive sa buhay. kung sana lahat ng tao ganyan Advance happy mother's day po
I like the positivity of nanay. Ang ganda manuod pag ganito ang mindset ng tao. Parang ang sarap maging katropa talaga ni nanay 🥺
Very inspiring story.. Sana ma feature din sya sa KMJS. Yan ang nagsusumikap talaga kahit mahirap makikita mo yun contentment nya sa buhay at pagsusumikap para sa pamilya nya.
Good job TikimTV for showing this story. Nakaka inspire. Hindi biro ang magpaaral ng 3 anak at 2 eternal plan para sa 5 - 10 pesos na palamig. Napakahusay ni nanay makisama sa mga customer niya. Nawa'y maabot mo pa ang gusto mo sa business mo, Nay! Taga hanga mo ako. Sana pagpunta ko sa Divisoria matikman ko ang Magic Water mo. ♥
Ganitong mga gawa ang kailangan sa social media ngayon. Ang husay, TikimTV! From the content to the video technicals - nothing not to be impressed with! Ultimately, napaka-inspiring ng kwento mo Aling Bebe. Mabuhay ka!
Sobrang napakaSwerte ng mga anak ni Nanay❤️ Ang swerte nila nagkaroon sila ng nanay na masipag,madiskarte at Mabait. Ganyan ba pag Bebe ang pangalan?😅Kasi mama ko si Bebe din eh. Same sila masisipag❤️ NakakaProud lang ☺️
That's a real definition of a Mother. She's selfless and will do everything in her power for her children. To make sure they don't endure the same hardships she has seen as a child
Galing ni Nanay, Salute! Galing mo idol 1M naah... Congrats
Grabe, nung elementary up to high school sa knya kmi bumibili ng mga classmates ko....ganyan na ganyan ang mukha ni nanay nuon...hndi nagbago kya nakilala ko cya... masarap kse gulaman nya...
Hello nanay, good to see you here... i speak life to you in Jesus Mighty Name. May God protect you and shield you with His precious blood...
Ingatz nanay...
50yrs old n ako, ganyan pa din ang face nyo..
Stay safe po...
Napakagandang Modelo ni Nanay.
Progresibong pag-iisip, pagkalinga, at ibang klaseng pagmamahal. Ang sakit ng kahapon ang nagsisilbing binhi ng mas magandang bukas.
Mas marami pang maliligayang taon para sa iyo at iyong pamilya Nanay.
Ang puro ni nanay. Bait sa mga Tao di Basta Yung makabenta lang. Naway humaba pa po Ang inyong buhay at pagalain Po kayo Ng langit
Nanay "ayoko kng maranasan ng mga anak ko ang hirap na naranasan ko noon,"... god bless u NANAY. We salute u❤❤❤
Watching Master Great sharing your amazing and wonderful content verry entertaining
Nakaka proud si Nanay.... " nag papasalamat ako sa mga customer ko... Kung wala sila wala din ako"
Hindi tulad ng mga artista nakakalimut... Kung hindi dahil sa mga Fans nila wala sila sa kinalalagyan nila
Nakaka aliw ni Nanay pulos positivity. Stay healthy po Nanay. ♥
Another inspiring story from this channel.
Napaparealize kaming mga millenials sa videos nyo na ang pera di basta basta napupulot lang. Kailangan paghirapan. Kung may trabaho man, maging masinop sa paghawak nito. Para makita mo rin ang bunga ng mga pinaghirapan mo.
I love your videos, Tikim!
I want to hug nanay, she's a strong woman. The real life wonder woman. She's so precious. ❤️
1980 pa nya tinda pero 2022 na di ko pa natitikman, lagi ako dumadaan dyan pero never ko nakita to. But this time dahil sa Tikim TV pupuntahan ko sya someday. Keep it up quality and one of a kind channel. Proud kababayan ni tikim. Mahilig kumain kaya ako andito, plus support na din. Kahit magkaiba ng content. Relate ko sa content un bangs ni Nanay ang solid mula noon gang ngayon nka bangs. Bait ni nanay halata the way she make kwento.
VERY HUMBLE AND INDUSTRIOUS WOMAN. ALL THE BEST LADY. YOU ARE SUCH A WONDERFUL WOMAN. GOD BLESS YOU. FR LONDON UK.
Nakakatuwa si nanay, napaka positive sa buhay. Makikita mo sa mga mata niya ang kasiyahan sa pagtitinda. God bless nay!!! Na inspired ako sa kwento mo😍👍
Keep it up TIKIM tv, 👍👍👍
I LOVE this episode.
Nay BeBe, salamat sa pag-bahagi mo ng kwento ng buhay mo.
SALAMAT din sa TikimTV, dahil kung hindi dahil sa inyo puro buhay lang ng artista ang maririnig namin.
Interesting din ang buhay ng mga hindi artista.
Long life and Good Health nanay bebe🙏🙏🙏 God bless you po.
The sweetest thing on Nanays Palamig is her Smile and Pure ♥️
Nakaka- inspired si Nanay.. daming lesson ang makukuha sa Isang Tulad ni nanay. God bless you nanay!!!
Sana po lahat ng magulang kagaya nyo po nanay 🥺 Godbless po.
Maganda ang mindset ni Nanay towards sa mga anak nya. Sana lahat, godbless your business nanay❤️❤️
Nakikita ko sa kanya ang mga pinangarap ko rin sa buhay ko noong araw at awa ng Diyos ay napag aral ko din ang 3 anak ko... Sipag at Tyaga, at paniniwala sa Poong Maykapal na darating ang araw na giginhawa din Mabuhay po Aling Bebe at nawa'y palagi kang healthy upang maipagpatuloy mo pa ang iyong mga adhikain sa buhay
God bless you always ... 🙏❤
On a scale from 1 to 10, you're an 11 , and everything would be better if more people were like you. ✔️✔️
today, i found another gem here in youtube PH
sarap manuod ng mga ganto salamat sa mga tao sa likod ng camera another channel to be watch for ♥️
salamat po🥰
you can tell that she really loves her product and is proud of it. she also values friendship while earning. true Filipino trait
Galing kami dito kanina, ansarap at anlamig ng palamig ni Nanay sulit talag... thank you nga pala aling bebe at binigyan nyo pa kami ng Face Mask....😊❤️❤️
ang lupet ng production ng Video na ito @TikimTV ngayon ko lang nakita channel nyo and all I can say is, this is Quality content! thank you!
salamat po🥰
Patulog na 'ko nung makita ko 'tong video sa recommendations ko. Nahiwagaan ako sa "Magic Water" na title ng dokumentaryo na 'to. Nung una, akala ko makakatulugan ko, pero natapos ko. Natapos din nang may kasamang luha, pagpapasalamat sa Panginoon, at mga aral. 'Di ko akalain na ito 'yung video na magpapaalala sa akin ano rin mga mayroon sa akin at mga kaya kong gawin sa buhay. Bawat pangaral ni nanay, "Opo, 'nay." Sabay iyak.
Nanaaay, mas pagpapalain kayo nawa. Sobra po kayong nakakahanga!!! Ang tunay na mahika ay nasa pananaw niyo po sa buhay. 🤍 Mabuhay po kayo, nanay!
P.S. Sa buong team na nag-cover ng kwentong ito, maraming salamat po! Marami po kayong na-inspire! Keep up the good work! Mag-ingat po ang lahat palagi! God bless po! 🤍
Taray ni Aling Bebe mula noon hanggang ngayon may bangs 🤘🏻
Kidding aside! Na inspire ako sa mga words of wisdom ni Aling Bebe, muka syang mabait no no wonder madami bumibili sa kanya. Madalas kase hindi lng dahil sa paninda kaya tayo bumabalik balik kundi dahil narin sa personalidad ng nagbebenta.
Ang ganda ng interview kay nanay para akong nanonood ng documentary na pang world class
Salute ako s vlogger n to.. lagi kong inaabangan ang mga vlog nyo po 🥰🥰🥰
salamat po🥰
First time to find this channel and I’m hooked. This is the 4th video I have watched and thus far my favorite. I’m sure they’ll be other inspiring stories of hardworking people but I don’t know if I’ll be in awe and inspired better than any one than Nanay Bebe. Such an admirable woman. I smiled the entire time I was watching. Her pure joy is contagious and her words of wisdom are so deep and honest. I love her faithfulness to God, I could feel her kind spirit tho I’m thousands of miles away from the Philippines and could only see her thru this medium. May God continue to bless her, keep her safe and healthy and above all, live many more years of the life she enjoys and shares with those blessed to get to know her. 🙏
Saludo po ako sayo nanay... Habang may buhay may Pag asa.. Kaya laban lang po.. kayang Kaya Yan.💪💪 Nandyan po Ang diyos laging nakagabay sa atin..🙏🙏 Kaya magtiwala lang tayo sa kanya...
"Kaya nga tayo naghahanapbuhay para sa mga anak natin eh." - Nanay Bebe
Naiyak ako, hindi ko kasi to narinig o naranasan sa magulang ko. 🥺
bakit, ginutom ka ba ng magulang mo, dami mo ata hangad ha
xadnaman pala
I feel you.. Yung ibang magulang anak ang pinagtrabaho at ginatasan☹
Sna lhat ng magulang gnyan..nanay q pera lng alam😭. ❤❤
@@jpr1815 wag ka sana mag-ka anak
baka isipin mo pang utang na loob nila sayo
kahit maging pabaya ka
I'm so proud of you nay 😊 napakapraktikal 😊 napakamapagmahal na nanay 😊 kahit di ka po nakapagtapos ng pag-aaral ,isa ka sa mga pinakamatalinong taong nakilala o nakita ko. 😊 Sana ibless ka pa po ni Lord 😊 Sana makita kita Everytime nauwi ako sa tondo ❤️ ingat po palagi 🥰 God bless ❤️❤️💯
Nanay Bebe is so precious.. sana mabiyayan pa s nanay ...
Sabi nga Lahat ng Ina gagawin Ang lahat para sa pamilya at sa mga anak...
I hope na mas marami pa ang makanood ng story ni nanay and sa YT Channel nyo .
Putting Eng subs will be of great help sa mga international viewers.. lalo na sa mga reactors..
Nakakawala ng pagod ang smile ni nanay sa huli. Halatang mabuti ang puso nilang mag-asawa. God bless po. Pray ko po na lagi kayong malusog at masaya.💗
The wisdom in Her 🥺 thank u Aling bebe 🥰 may God Bless you more 💖
17:40 ganda ng smile ni nanay, ngiti ng pag asa ❤️
And daming nagmamahal kay nanay , super bait , kita ko na maalaga cya sa costumers nya , Saludo po ako sayo nanay Bebeng , regards sa pamilya mo and Thks bro for sharing this kind of story ,,,watching from Oman , keep safe ♥️🥰
Akala ko ako lang nakapansin, pero dama ko nga kabaitan ni nanay.