High tech J and E Rice Mill, matatagpuan sa Bayan ng Cabiao

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 28 ส.ค. 2024
  • Ang pagsasaka ng palay ang pangunahing kabuhayan sa Lalawigan ng Nueva Ecija, kaya nga ito binansagang Rice Granary ng Pilipinas.
    Kaugnay nito, ay patok din na kabuhayan ang mga negosyo na may kinalaman sa agrikultura.
    Kagaya na lamang ng kiskisan ng palay o rice mill.
    Sa Bayan ng Cabiao, matatagpuan ang high tech na rice mill sa buong probinsiya na J and E.
    Sa pamamagitan ng mga naglalakihang makabagong makina na nagmula pa sa ibang bansa ay mas pinadali at mas pinamoderno ang paggigiling ng mga palay.
    Halimbawa na lamang ang makina na tinatawag na Big Rice Mill, na may kakayahang magkiskis ng palay ng 120 tons a day o katumbas ng dalawang libong kaban kada isang araw.
    Mula sa sako-sakong palay, ay hihigupin ang mga butil nito ng isang tubo, dadalin sa tinatawang na Stoner upang maihiwalay ang mga piraso ng bato sa mga butil ng palay. Sa Paddy Separator Machine naman, unti-unting binabalatan ang mga palay upang maging ganap na bigas.
    Mayroong tatlong makina sa Whitener na maaaring pamilian ng mga customer, kung gaano karaming beses nila gugustuhing mapaputi ang kanilang bigas.
    Habang ang Rice Grader Machine naman, ang naghihiwalay sa mga butil ng bigas na buo, kalahati ang buo, medyo durog at binlid.
    Sa Water Polisher, dito na ginagawang makintab at maganda ang mga finished product na bigas.
    At pagkatapos ng ilang minuto ay babagsak na ang bigas sa tubo sabay isisilid sa sako at tatahiin gamit pa rin ang modernong makina.
    Ayon kay Christian Uvas, Marketing Personnel ng J and E Rice Mill, bukod sa mga miller na maramihan kung magpakiskis ng palay ay tinatanggap din nila ang mga maliliit na magsasaka na nagnanais na magpagiling ng kanilang mga inaning palay ng paisa-isa sa murang halaga dahil sa makina na Small Rice Mill.
    Bukod sa mga rice mill, kaya rin ng J and E na magpatuyo ng mga basang palay, mais, soybean at iba pa sa pamamagitan ng Grain Dryer.
    Ayon kay William Macatula, HR at Marketing Head, ng Rice Mill, ang J and E ay nagbukas noong September 8, 2018 na pagmamay-ari ng mag-asawang Jennefer at Erik Braanen na nagnanais na matulungan ang mga mamamayan ng Cabiao na magkaroon ng maayos na trabaho at dekalikidad na produkto sa mga Novo Ecijano.
    Ang kanilang serbisyo sa Big Rice Mill ay nagkakahalaga lamang ng P45 kada kaban, P2 kada kilo naman sa Small Rice Mill at P1 kada kilo sa Dryer.
    Ang J and E ay matatagpuan sa Brgy Sta. Ines, Cabiao, Nueva Ecija. -Ulat ni Danira Gabriel

ความคิดเห็น • 32

  • @earnestbryanescubin1304
    @earnestbryanescubin1304 10 หลายเดือนก่อน

    Watching from PALAWAN 26 YRS.OLD GOD BLESS boss madam J E RM

  • @sabahlife3211
    @sabahlife3211 2 ปีที่แล้ว +1

    Sana magkaruon ng ganyan ang ating gobyerno!!

  • @earnestbryanescubin1304
    @earnestbryanescubin1304 10 หลายเดือนก่อน

    Wow❤😊

  • @migop.carlson5146
    @migop.carlson5146 5 ปีที่แล้ว +2

    salamat po at welcome ang mga small client...

  • @castanaresalex3966
    @castanaresalex3966 2 ปีที่แล้ว

    Salamat ..... Hope rame pah ng nigosyo sa bansa

  • @LianMarieabalayan
    @LianMarieabalayan 6 หลายเดือนก่อน

    Ahionte,Aviock

  • @vincentoro5008
    @vincentoro5008 4 ปีที่แล้ว +2

    Malulugi mga small time rice millers neto sa kanila

  • @ma.azucenadelosreyes1331
    @ma.azucenadelosreyes1331 3 ปีที่แล้ว +1

    where did u buy that machine sir?

  • @ronjesnierhermano9045
    @ronjesnierhermano9045 2 ปีที่แล้ว +2

    Konting research pa po. Hindi sa separator binabalatan ang palay.

    • @richardolama5833
      @richardolama5833 10 หลายเดือนก่อน

      Pag aralan mong mabuti Ang mga function Ng makina ...dahi Hindi stoner Ang unang dadaanan Ng palay at Hindi sa separator binabalatan Ang palay...

  • @yl_009
    @yl_009 ปีที่แล้ว

    Magkano ang ganitong machine at set up nya?

  • @anahhaboc4018
    @anahhaboc4018 4 ปีที่แล้ว +3

    mag kano kaya 25kg nila benibenta ang bigas kung madami kukunin?

    • @emelynzamora8296
      @emelynzamora8296 4 ปีที่แล้ว

      Pwede po ba,,balsk ko rin po magbusiness ng bigas

  • @amorromero6040
    @amorromero6040 ปีที่แล้ว

    Magkano naman po ang 25 kls diyan?

  • @omarlacanilao8039
    @omarlacanilao8039 3 ปีที่แล้ว

    intercity ako pumipick up. mas mura po ba kayo

  • @ma.azucenadelosreyes1331
    @ma.azucenadelosreyes1331 3 ปีที่แล้ว

    how much is the total cost

  • @sageofsixpathobito2498
    @sageofsixpathobito2498 4 ปีที่แล้ว

    pwde kya bumili ng maramihan dyn at magkano kya

  • @princesstimbang5239
    @princesstimbang5239 ปีที่แล้ว

    sir mgkano nman yan rice mill

  • @maribethcruzcruz2902
    @maribethcruzcruz2902 4 ปีที่แล้ว

    Pwedi Po Kaya mag pasupply Ng bigAs sainyo.

  • @marahansah1137
    @marahansah1137 ปีที่แล้ว

    Hi po pwede po pa mag pa delivery?

  • @rogeliodelacruzjr8421
    @rogeliodelacruzjr8421 4 ปีที่แล้ว

    magkano ang pagiling sa palay

  • @vernagonzales8227
    @vernagonzales8227 3 ปีที่แล้ว

    Mgkno po ang bigas s inyo f sa inyo kmi ppdealiver

  • @senseiquickbooks4588
    @senseiquickbooks4588 ปีที่แล้ว +1

    Mas modern ang rice mill sa leyte... Foriegner may ari wala.pa sa 1/4 ang rice mill na to sa leyte..

    • @user-cs8hx3dc9v
      @user-cs8hx3dc9v 5 หลายเดือนก่อน

      Anong pangalan ng rice mill na yun boss?

  • @nouraalqhtani5856
    @nouraalqhtani5856 2 ปีที่แล้ว

    nagdedeliver Po b kau in manila pm Po first time business sale

  • @LianMarieabalayan
    @LianMarieabalayan 6 หลายเดือนก่อน

    Aviock

  • @marytano674
    @marytano674 ปีที่แล้ว

    Magkano po

  • @omarlacanilao8039
    @omarlacanilao8039 3 ปีที่แล้ว

    san po exact address?

  • @pobretvblackandwhite5791
    @pobretvblackandwhite5791 2 ปีที่แล้ว +1

    Checkwa nanmn Ang nagmamayri Nyan 😂😂😂 rice mill plant nayan

  • @alvinabubo7493
    @alvinabubo7493 3 ปีที่แล้ว

    Complete address ang contact info plz

  • @vernagonzales8227
    @vernagonzales8227 3 ปีที่แล้ว

    Pm