HIMNO OFICIAL: Maria, Ina at Reyna.

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 6 ต.ค. 2024
  • OPISYAL NA HIMNO para sa Coronacion Canonica at Pagpapahayag sa Pang-Diyosesanong Dambana ng Mahal na Birhen ng Soledad ng Porta Vaga.
    “INA AT REYNA”
    Titik ni: Reb. P. Randy S. De Jesus
    Isinaayos at Nilapatan ng Musika ni: Reb. P. Manoling Francisco, SJ
    I.
    Doon sa Porta Vaga
    Ikaw ay nagpakita
    Nabanaag ang ‘yong ganda
    Sa gitna ng pagdurusa
    II.
    Sa’yo ay sumasamo
    Sa tanglaw ng abang puso
    Ilapit aming dasal
    Kay Hesus aming mahal
    Refrain:
    O Maria, Ina at Reyna
    Kalingain mo sa tuwina
    Sa’yong bayan na umaasa
    Pag-ibig mo’y ipadama
    III.
    Doon sa Porta Vaga
    Ikaw ay nagpakita
    Liwanag ang iyong taglay
    Sa landas ng aming buhay
    IV.
    Kami ay ‘yong samahan
    Sa gitna ng kadiliman
    Magpatuloy sa aming buhay
    Na ikaw ang kaagapay
    Refrain:
    O Maria, Ina at Reyna
    Kalingain mo sa tuwina
    Sa’yong bayan na umaasa
    Pag-ibig mo’y ipadama (Ulitin)
    #SantuarioDiocesanoDeLaReina
    #ReinaDeCaviteCoronada
    #FiestaDeLaReina2018
    #Soledad350Ph
    #PortaVaga350Ph

ความคิดเห็น • 3