"Biyaheng Pag-Ibig"

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 20 ส.ค. 2015
  • Biyaheng Pag-Ibig
    Sa mga labi na rin natin namutawi, hindi tayo panatiko ng magpakailanman. Marahil ‘yung panghabang buhay, pwede pa. Mas posible, mas makatotohanan.
    Hindi uso sa atin ‘yung palitan ng “walang iwanan,” “promise, tayo lang,” “walang sukuan,” at iba-iba pang anyo ng mapanlinlang na mga pangako.
    Marahil marami ang napagtagumpayang panghawakan ang mga bilang na salitang ito, pero mas marami pa rin ang lumuha, lumuluha at patuloy na luluha sa bawat gabing daraan bunsod ng masakit na alaala ng mga pangakong napako.
    Oo, hindi tayo iisang mundo at kahit kailan ay hindi magiging isa.
    Pinagtagpo lamang tayo ng tadhana upang umalalay, gumabay, magmahal, at kung sakali man, ay mahalin din pabalik.
    Masuwerte tayo pero hindi espesyal. Walang sinuman ang pwedeng makaligtas sa sakit na dulot ng matatamis na salita.
    Masyado nang palasak pero totoo, isa itong paglalakbay. Isang biyaheng hindi mo alam kung ano ang nakalagay sa signboard pero sumakay ka na lang nang kusa.
    Walang kasiguruhan kung ika’y magiging ligtas, walang kasiguruhan kung sa’n ka nga ba papara, walang kasiguruhan kung sapat ba ang dala mong pamasahe para makarating sa nais mong tunguhin.
    At higit sa lahat, wala kang ideya kung kailan ito titirik at kakailanganin mong bumaba para humanap ng ibang masasakyan.
    Posibleng maubusan ng gasolina, posibleng pumutok ang gulong. Posible.
    Pero kahit anupaman, alam kong sa mga sandaling ito ay patuloy pa rin akong maglalakbay kasama ka.
    Hindi man natin alam kung kailan ito posibleng huminto, basta’t may pang-gasolina, patuloy nating babaybayin ang lansangan, ang himpapawid at maging ang dagat.
    Hindi na muna mahalaga kung ano ang mayroon sa susunod na araw, ang mahalaga ay kung ano ang ngayon.
    --------
    This poetry video was inspired by Utot Catalog.
    Music: Ikaw at Ako by TJ Monterde / Cover Music by krazyeknine57
    Music video: • Ikaw At Ako By: tj Mon...
    No rights to music used. No copyright infringement intended, solely for non-profit, literary purposes.

ความคิดเห็น • 10

  • @jesussubotite8490
    @jesussubotite8490 2 ปีที่แล้ว

    Nostalgic

  • @ashleyareza2736
    @ashleyareza2736 8 ปีที่แล้ว +2

    more more moreeee!! =)) Sobrang ganda :(

    • @johnpaulpenuliar
      @johnpaulpenuliar  8 ปีที่แล้ว

      +Ashley Areza :) Salamat! I will, soon. GOD bless!

  • @khescia3469
    @khescia3469 8 ปีที่แล้ว +1

    ganda :D gawa pa po kayo

    • @johnpaulpenuliar
      @johnpaulpenuliar  8 ปีที่แล้ว

      Sure, I will. Thank youuu po! 😊

    • @khescia3469
      @khescia3469 8 ปีที่แล้ว +1

      +BOSS JP aabangan po namin :D

  • @chryssalinsmithlastra142
    @chryssalinsmithlastra142 8 ปีที่แล้ว +1

    sobrang ganda.. will let my bf to hear this. ^_^
    just want to ask ano po yung tittle ng background music na ginamit? napakaganda. keep it up! :)

    • @johnpaulpenuliar
      @johnpaulpenuliar  8 ปีที่แล้ว

      Thank youuu! ^_^
      Ikaw at Ako (TJ Monterde) 'yung background music.

  • @jhalishreside7584
    @jhalishreside7584 8 ปีที่แล้ว +1

    swabe (y)