ANG MAG-IINGAT SA TUNAY NA KRISTIANO HANGGANG KATAPUSAN Marami ang nag-aakala at nagsasabi na kailangan daw ingatan ang kaligtasan upang hindi mawala o maiwala, subalit ang totoo, "Ang Diyos ay makapangyarihan at may kakayahang ingatan ang tunay Kristiano upang hindi siya bumagsak o tumalikod sa Kanya. Nakadepende ang ating kaligtasan sa Diyos na nagbigay nito, hindi sa atin. Kaya Siya rin ang magpapatibay sa atin hanggang katapusan dahil alam Niya na wala tayong kakayahan at kapangyarihang ingatan ito. Kapag ihaharap Niya tayo sa Kanyang maluwalhating presensiya, masusumpangan Niya tayo na walang kapintasan dahil Siya mismo ang nag-iingat sa atin at ang Panginoong Jesus naman ang namamagitan para sa atin. Ngunit kung iniisip mo na ikaw ang kailangang mag-ingat ng iyong kaligtasan, nagkakamali ka at maari ngang mawala ang iniakala mong taglay na kaligtasan dahil sa iyong mga gawa, paglilingkod at pagsunod sa kautusan. Roma 4:5-8; 9:16 Ang ating walang hanggang seguridad ay resulta ng pag-iingat sa atin ng Diyos, at hindi tayo sa ating sarili ang nagpapanatili at nangangalaga sa ating sariling kaligtasan kundi ang Diyos." Ganito ang sinabi sa Salita ng Diyos: "Na Siya namang magpapatibay (Strengthen, confirm) sa inyo hanggang sa katapusan, upang matagpuan kayong walang kapintasan (blameless) sa kaarawan (In the day) ng ating Panginoong Jesucristo." 1 Corinto 1:8 "Ngayon doon sa makapag-iingat sa inyo mula sa pagkatisod, at sa inyo'y makapag- haharap na walang kapintasan na may malaking galak, sa harapan ng kaniyang kaluwalhatian." Judas 1:24 "Nguni't tapat ang Panginoon na magpapatibay sa inyo, at sa inyo'y mag-iingat sa masama." 2 Tesalonica 3:3 MGA TANONG: 1. Sino ang nagkakaloob ng kaligtasan sa mga sumampalataya sa Panginoong Jesus? 2. Sino ang mag-iingat sa kanya hanggang katapusan? Ikaw ba o ang Diyos?
Tingnan mo to mali ka kung nawawala ang kaligtasan wala na talagang maliligtas bakit? Ang tao laging nag kakasala. Yung sinasabi mo di judas nawala ang kaligtasan bago pa naging apostol nasa hula na yan ngayon kung binasa mo hindi lahat ng tumatawag sa akin panginoon panginoon ay papasok sa kahiraan ng langit ang ibig sabihin hindi tslaga maliligtas sa mabuting gawa
@@ferdinandsustento4800 mayroon din po kasi aq nabasa na ang gumawa ng masama ay parurusahan,at ang gumawa ng mabuti ay may buhay na walang hanggan.ibig po bang sabihin na sa pagbabalik ni Cristo ay hahatulan nya ang tao ayon sa gawa?
ANG MAG-IINGAT SA TUNAY NA KRISTIANO HANGGANG KATAPUSAN
Marami ang nag-aakala at nagsasabi na kailangan daw ingatan ang kaligtasan upang hindi mawala o maiwala, subalit ang totoo, "Ang Diyos ay makapangyarihan at may kakayahang ingatan ang tunay Kristiano upang hindi siya bumagsak o tumalikod sa Kanya. Nakadepende ang ating kaligtasan sa Diyos na nagbigay nito, hindi sa atin. Kaya Siya rin ang magpapatibay sa atin hanggang katapusan dahil alam Niya na wala tayong kakayahan at kapangyarihang ingatan ito. Kapag ihaharap Niya tayo sa Kanyang maluwalhating presensiya, masusumpangan Niya tayo na walang kapintasan dahil Siya mismo ang nag-iingat sa atin at ang Panginoong Jesus naman ang namamagitan para sa atin. Ngunit kung iniisip mo na ikaw ang kailangang mag-ingat ng iyong kaligtasan, nagkakamali ka at maari ngang mawala ang iniakala mong taglay na kaligtasan dahil sa iyong mga gawa, paglilingkod at pagsunod sa kautusan. Roma 4:5-8; 9:16
Ang ating walang hanggang seguridad ay resulta ng pag-iingat sa atin ng Diyos, at hindi tayo sa ating sarili ang nagpapanatili at nangangalaga sa ating sariling kaligtasan kundi ang Diyos."
Ganito ang sinabi sa Salita ng Diyos:
"Na Siya namang magpapatibay (Strengthen, confirm) sa inyo hanggang sa katapusan, upang matagpuan kayong walang kapintasan (blameless) sa kaarawan (In the day) ng ating Panginoong Jesucristo."
1 Corinto 1:8
"Ngayon doon sa makapag-iingat sa inyo mula sa pagkatisod, at sa inyo'y makapag-
haharap na walang kapintasan na may malaking galak, sa harapan ng kaniyang kaluwalhatian."
Judas 1:24
"Nguni't tapat ang Panginoon na magpapatibay sa inyo, at sa inyo'y mag-iingat sa masama."
2 Tesalonica 3:3
MGA TANONG:
1. Sino ang nagkakaloob ng kaligtasan sa mga sumampalataya sa Panginoong Jesus?
2. Sino ang mag-iingat sa kanya hanggang katapusan?
Ikaw ba o ang Diyos?
Tama po nawawala ang kaligtasan pag ang tao po ay nagpapabya sa paglilingkod
Ano kinalaman ng paglilingkod sa kaligtasan? ang kaligtasan ang regalo. Basahin mo Efeso 2:8-9.
PAANO MAWAWALA ANG KALIGTASAN, EH REGALO YAN? ANO ANG DIYOS, BIGAY BAWE? NAGREGALO PA SIYA...
Tingnan mo to mali ka kung nawawala ang kaligtasan wala na talagang maliligtas bakit? Ang tao laging nag kakasala. Yung sinasabi mo di judas nawala ang kaligtasan bago pa naging apostol nasa hula na yan ngayon kung binasa mo hindi lahat ng tumatawag sa akin panginoon panginoon ay papasok sa kahiraan ng langit ang ibig sabihin hindi tslaga maliligtas sa mabuting gawa
@@leonardotingzon732 Oo nga pareho tayo ng pananaw, bat tayo nagaaway? Di nawawala ang kaligtasan! punta ka sa channel ko. Yan din tunuturo ko.
Hello po kahit naligtas na po ba,may free will pa rin ba ang nailigtas na?
@@GodTubeTv1714 opo Meron parin. Katunayan Po si Cristo ipinasakop niya Ang Freewill niya sa Ama eh Hindi naman Siya makasalanan
Parang mas maganda ata pagusapan kung anoano ang gagawin ni Cristo pagbalik nya.
Ano ano po ba ang gagawin ni Cristo pagbalik nya?
Maraming bagay kapatid. Sa Rapture, kukunin niya Ang Iglesiya niya. Sa 2nd Coming niya, huhusgahan niya Ang Mundo.
@@ferdinandsustento4800 mayroon din po kasi aq nabasa na ang gumawa ng masama ay parurusahan,at ang gumawa ng mabuti ay may buhay na walang hanggan.ibig po bang sabihin na sa pagbabalik ni Cristo ay hahatulan nya ang tao ayon sa gawa?
@@markdelliro5571 opo Tama po
Saan po napunta ang regalo kay evat adan?saan po napunta ang pangako ng Dios sa israelita?bakit?
Salamat Po sa comments, sasagutin ko Po sa video na susunod.
More Bible study pa po,wag tayong padaya sa dyablo,debate is sin