@@ikeboyplayboy planning to buy this year 2020 glx MT Sir kaya thank you sa honest review nagkaroon ako knowledge at ideas. God bless po. More videos pa Idol!
Mirage g4 owner here. Love this car po. Nkpgdrive ako ng celerio, vios at honda city pti dn starex pero mas the best to kung i average mo s apat n ndrive ko. Super sulit tlga. Tipid tlga s gas
Ang dami kong nadisliked na pinoy reviewer dahil awkard na nga yung itsura, bali-baliktad pa yung taglish tapos mali mali pa sinasabi. Dito lang ako pinaka natuwa, Unang pasok palang nya sa side ng car, pumapalakpak nako. All goods, new subs.
Baka bumili na kami nyan sir next month. Ano po ang advise niyo? Tatagal kaya siya? Hehehe first time car owner lang ako and di pa maalam sa mga technical stuff
hi Mia, pag new car wala naman po kayong babantayan na maintenance ng ilang years. Change oil lang. Pag umabot na mga 50k mileage ayun pwede na icheck yung spark plug para linisin, air filter, etc. Marami po akong friends na matagal ng may mirage ok naman wala pa silang problems.
Well kapag uphill hnd dya hirap meron syang B mode pra dun gamitin ung iba hnd ginagamit ito kaya sabi hirap sa uphill. Salamat anyway godbless sir and more videos to come..
sir. napansin ko lang yung speaker dalawa sa likod parang hindi naandar. sa arapan lang nagana brandnew mirage ko g4. first time ko lang kc kaya wala pako alam. pakituro nman kung may gagalawin ako sa monitor tnx.
Almera owner po ako na 1.5 mt nsport, kung bkit ko po pinili ang almera ay dahil sa space for a family of 5 member. Super luwang sa leg, headroom, cabin at trunk. Masikip po kc para skin ang vios at mirage for that purpose. Sakto din sa power at fuel consumption, khit puno ang karga, easy lang sknya kc mataas ang torque mg makina nya. Kung everyday use at ikaw lang lagi gumagamit, go for mirage for fuel economy, dami comments na magastos sa fuel pag vios esp. pag mag isa ka lng lagi gumagamit.
Hi LC, lamang po sa availablity of accessories and parts yung dalawang japanese brand (vios and mirage). Kung priority po yung budget, pinakamura ang maintenance ng mirage, followed by vios, then accent pinakamagastos pero sya rin kasi yung largest engine. Mirage 1.2, Vios 1.3, Accent 1.4. The accent will probably be the best for expressway driving. Mirage pinakatipid, and the vios in between nila.
Suzuki dzire is modern looking, mas newer design. Engine nila almost same naman, maintenance cost almost same din. For me sir Brett eh mas pogi yung dzire. Ireview ko nga rin itong dzire para maganda comparison 👍
Hi angelica. Kung pang araw araw po na gamit, mirage glx po most economical sa fuel. Mas malaki engine ni almera at reina, lugi sila pag traffic. Meron pong 1.2L engine yung almera pero manual sya. Yung automatic nila ay malaki masyado engine for traffic, mas ok sila sa highway
Gud pm sir pwedeng magtanong about ac sir yang aircon mo sir pag swiitch mo ng fan sabay ba ng comfressor agad . Parehas kasi tayo ng unit sir un lang ang tanong ko sir sana masagot mo tano g ko sir. Maraming salamat.
Medyo malaki na power difference nung 1.4 na accent kay mirage sir. Kung mahilig kayo tumakbo ng 100+ mas ok si accent di kayo mabibitin dyan. Pag city traffic mas ok mirage.
Hi kath, mirage ako for city drive lalo na kung mag-isa lang ako. Sya pinakatipid sa nabanggit. Accent and Almera kung may sakay na passengers kasi mas bigger engine sila.👍
hi randolf, automatic po itong nasa video, pero wala pa naman akong nabalitaan sa mga kilala kong naka manual G4 na nagpalit nyan. Siguro kung lagi nasa traffic baka maaga palit tipong 80k palang mileage.
Hi maam Kristine. Recommended ko po sya for student drivers dahil sa: 1. Magaan po manibela pwede kong iliko gamit isang daliri. 2. Wide ang view ko sa daan dahil malaki ang windows at mataas ang seat position. Mas kita yung part ng road na malapit sa front bumper kaya madali tumancha compared sa ibang new cars na masyadong malaki ang dashboard at nakakablock ng view. Pag tumitingin po kayo ng brand new cars, upuan nyo po driver seat at checkin yung view nyo sa paligid kung alin ang mas marami kayong nakikita. Yung iba kasi medyo lubog yung seat at natatakpan ng dashboard yung view ng driver.
Hi Bhea, newer generation yung Soluto so mas marami syang features, G4 naman ay matagal na sa market kaya marami na yung aftermarket na parts and accessories. I will try to borrow a Soluto so I can make a detailed review for comparison ✌️
Hi Rose, similar naman po sa lahat ng cars pwedeng naka-on ang ilaw kahit nakapatay ang engine. May tutunog naman po na beeping sound pag nag off kayo ng engine at naiwan naka-on yung ilaw para reminder po at hindi makalimutan.
Hi, sobrang important po ba nung ABS? Can't decide po kase kung GLX or GLS. And, okay po ba ang Mirage pag 1st time buyer ka? And if babae yung gagamit?
Hi Liezel, lahat po ng modern cars simula noong 90s ay meron nang ABS. Ang difference po nung GLX sa GLS ay yung GLX ay ABS only to avoid locking the brake sa biglaang preno. Yung GLS ay ABS with EBD extension na dinidistribute yung stopping force sa bawat gulong. Extra feature lang po yung EBD. Ang deciding factor nyo po dyan ay yung better audio system / Infotainment screen nung GLS at yung custom paint colors. Don't worry about ABS, pareho po silang meron nun.
Kung 5 days a week gagamitin pang pasok sa trabaho, mirage siguro ako sir para mas tipid sa fuel. Kung twice a week lang byahe, dun ako sa vios para mas malaki ng konti at may additional horsepower pang expressway. Mas mataas ng konti price ng vios kaya ang palaisipan dyan sir ay base model na vios vs loaded na mirage.
Wala naman po akong napansin na brake noise. Try nyo sir gumamit ng ibang brand na brake pad, yung chamfered or tapered ang lining para mabawasan ang noise. Avoid using performance brake pads na pang racing, maingay po talaga yung ganun.
@@ikeboyplayboy i see. Pero naka stock pads pa po ako. Funny, sabi ng mit service, normal lang yun noise. Tapos po, kung 5 adults ang nakasakay, if d magdahandahan sa humps, tutukod yun coil spring.
Hi Chef Jhaycee, wala po akong nakitang shift lock. Sa may right part nung shifter merong small plastic notch, mukhang override yun pag na stuck yung kambyo sa park, para ma-unstuck sya.
Boss ano naman masasabi mo sa performance niyan? Normal po ba ung parang hirap maghatak kahit isa lang nasa loob, tapos maalog? Mabilis din magpahangin ng gulong. Normal ba to boss? 2months palang ung sakin eh. Salamat po
hi Maria, same naman pakiramdam ko sa G4 parang 1.3 lang rin pag straightway. Sa uphill lang po sya medyo hirap, kelangan mataas rpm para mabilis, mga 3k to 4k rpm nyo maam para umarangkada. Baka po may pako yung gulong nyo pag sumisingaw, pacheck nyo po sa vulcanizing. 100 pesos lang po yung repair kada pako. Di po sumisingaw sakin yung tires kahit 2 months ganun parin pressure.
kaya po sir 1.2 naman engine nya. Yung mga kia dati 1.2 umaakyat baguio yun. Pero for safety po pwedeng sa McArthur kayo dumaan imbes na kenon road, para hindi ganun katarik at mas malapad yung daan paakyat. Daan lang kayo kenon kung mag photo op sa lion ✌️
Hi Jay, baka po may butas yung sound deadening insulation ng dashboard. Para sakin ay same lang naman ang volume ng mirage engine sa ibang modern cars. Marinig lang sya pag high rpm na.
@Jay Chua hmm possible din na may problem yung engine support mount pag maingay sya at nag vibrate. Under warranty pa naman yan sir jay, pwede nyo pa-check anytime kahit wag nyo na antayin yung 1st pms.
@@ikeboyplayboy noted sir playboy. Mapacheck ko na xa sa casa sir last week.. pero ang sinabi lng nila normal lng daw ung ingay.. khit cnbi kong di ganun kaingay nung unang kuha ko sa unit ko ang sabilng nila normal kng daw ung ingay at wala dn dAw nkitang error nung nagcheck sila.. galing nila magcheck saglitnlng tapos na.. "kakaiba... "
Hi Jeffrey, depends sa design nung manufacturer kung ibaba nila ng sagad o medyo angat at may bukol sa passenger seat. Check nyo po yung review ko sa Mazda 2 mas nakabukol yun parang RWD na pero FWD sya. Yung vios ata yung flat talaga yan, sa mirage at almera meron 1 inch na bukol.
Hi Ryan, tinanong ko mga kaibigan kong matagal ng may mirage, 70k na mileage pero di pa nagpalit ng shocks ok pa rin. Basta ingat lang sa mga lubak para tumagal tie rod at bushings. 👍
Hi sir Justine, naka power window na rin po ba yung 2017 na glx? Yung natry ko pong 2015 glx naka manual po yung rear windows. Pero mas mabilis talaga engine response ng MT kesa sa automatic CVT. Pag automatic DCT ayun pantay na✌️
ikeboy playboy power window po lahat sa glx 2017, naka touch screen head unit, may ABS, alarm, and 4 speakers, sulit na sulit para kang naka gls na din pero hindi naka push start.
hi ericson, baka yung manual po na G4 yung gamit nyo, mas mataas ng konti consumption nitong automatic. May halong traffic ko rin po sya kinuhaan ng consumption para realistic na city driving ✌️
hi richard, wala pa naman akong nabalitaan na sakit or recurring problem sa mga kaibigan kong may mirage na 100k+ na ang mileage. Ano po ba yung bad experience nyo?
Hi Chanard, for small family na couple or solo lang, mas matipid po yung Wigo sa fuel. Kung meron po kayong passengers sa backseat, mas ok yung space ng Mirage.
alright!
relatable review using simple wording. Good job 👍
Glad you liked it! hoping to do the mirage hatch as well
Auto ko g4 glx manual 2014 pa. Walang sakit sa ulo. Tipid sa gas, mura maintenance, sarap bihisan (lalo na sakin white hehe), dami parts
tsaka maluwag backseat nya kumpara sa ibang sub-compact
nice! gusto ko yung "retouch" sa driver. tsaka yung "may itatapong bangkay!" laptrip! hahaha. ito yung review! hahaha! idol!
ahaha thank you sir Ariel 😅 enjoy rin gamitin yung G4 eh
@@ikeboyplayboy planning to buy this year 2020 glx MT Sir kaya thank you sa honest review nagkaroon ako knowledge at ideas. God bless po. More videos pa Idol!
@@ikeboyplayboy Sir, pahingi naman personal suggestion niyo. Suzuki Dzire or Mirage G4? thank you.
Ganda ng background mo tol..Pag Sauna Bath.
yung alin sir? background music?
galing ang dalin inject sa utak.thanks repa!
New sub here, thank you, informative and enjoyable ang vlog mo sir! Hindi boring..
Hi Bless, thank you po ✌️😅
Sir next time pls add review sa inclined uphill drive power experience.. Thanks
kaya po ng mirage ang hill climb like tanay rizal with full capacity na 5 people
Very simple review sir....nakakatuwa ka. Hehe. Good job, more reviews. Ung 2021 g4 nman sir..tnx
glad you liked it!
Sir tanung ko lng po Kung May whistling noise pg ngreverse kyo tpos tumapak sa break. Salamat
wala naman, baka need lang po palinis yung rear brake baka may konting kalawang
Thank you po sa advice. Ingat po sir
Mirage g4 owner here. Love this car po. Nkpgdrive ako ng celerio, vios at honda city pti dn starex pero mas the best to kung i average mo s apat n ndrive ko. Super sulit tlga. Tipid tlga s gas
Ano pong year na model mirage nyo
oo nga bro matipid talaga sa long drive, at madali pa ang parts 👍
@@farmville978 2018 po
sobrang tipid poh sa gas ng mirage na try ko na poh sya tarlac to bagio
opo sir, isa sya sa pinakamatipid na compact car sa pinas.
Galing explain sir!thank you
Thank you ma'am Kristel, hopefully makatulong po sa mga tumitingin ng cars
May central lock po ba yan?
Ang dami kong nadisliked na pinoy reviewer dahil awkard na nga yung itsura, bali-baliktad pa yung taglish tapos mali mali pa sinasabi. Dito lang ako pinaka natuwa, Unang pasok palang nya sa side ng car, pumapalakpak nako. All goods, new subs.
Ano po mas ok kia soluto or mirage salamat po sa pagsagot
Torn between kia soluta and mirage g4 glx 2020. Please help!
Hello Kai, Mirage po more economical for daily traffic. Kia Soluto for newer look and if you dont mind paying a bit more gas for the extra power✌️😅
@@ikeboyplayboy thank you, bought the mirage na. thanks!
Wait the u.s model mine has a touchscreen. is this the base?
this is the GLX mid-tier version in philippines. The GLS version has the touch screen now.
ganda ng eksena mo idol hehe
hehehe thank you sir Kunwari101 😅
dami k tawa, enjoy much s panonod. mirage din po un balak k bilhin un G4 gls kuya.
Thank you sir Stephen. Maganda yung GLS may special colors yun, orange and blue ay limited to GLS only 👌
Ayos ah kasya tao pag magtapon bangkay, naka porma ka sana Sir na parang Black Gangster tulad ni Ice cube or John Wick
ahaha pwede sir 😅 pag medyo malamig na pahanon mga december ta-try ko sa ibang car review. Baka himatayin ako ngayon eh mainit pa
Idol seamless ba ang shifting? Same ba sa sya sa mga Honda CVTs na di mo mararamdaman ang shifting?
Boss Ganda nian super tipid tlaga nian
subscribed na ko kasi nakakatawa ka sir, nice review 👍🏻🤣
Maraming salamat Sir Les. Sana mag success rin ang carwash business nyo ✌️
@k
ika
iak
ikeboy
Baka bumili na kami nyan sir next month. Ano po ang advise niyo? Tatagal kaya siya? Hehehe first time car owner lang ako and di pa maalam sa mga technical stuff
hi Mia, pag new car wala naman po kayong babantayan na maintenance ng ilang years. Change oil lang. Pag umabot na mga 50k mileage ayun pwede na icheck yung spark plug para linisin, air filter, etc. Marami po akong friends na matagal ng may mirage ok naman wala pa silang problems.
Pa review mirage hatchback 2020
try ko maghanap sir, para ma-check yung differences nila
put!;./#$%na. . boss maintain ung humor mo sa mga next vids mo. . put!;./#$%na talaga mkapag.subscribe na nga. . . .hehe
hehe salamat sir The Joker at nag enjoy kayo ✌️😅 opo maganda yung meron konting katuwaan sa mga review
slamats,baka ito n nga kukunin ko bos
thank you rin sir inotsej. Congrats sa new car! sana ma-enjoy nyo
based on experience. getting 21 km/L highway 80-100 kmh
Well kapag uphill hnd dya hirap meron syang B mode pra dun gamitin ung iba hnd ginagamit ito kaya sabi hirap sa uphill. Salamat anyway godbless sir and more videos to come..
oo nga sir Arn, pwede pala mag low gear B pag dadaan sa mahabang mountain road, mabilis sya mag adjust ng rpm pang engine break 👍
ikeboy playboy indi napo pala ABS ang 2020 cvt glx sir no?
Pde po b sya pang out of town or long drive, kaya ba umakyat ng baguio nyan sir?
yes maraming beses na po natry ito sa hillclimb like tanay or baguio. Comfortable sya sa long drive
sir. napansin ko lang yung speaker dalawa sa likod parang hindi naandar. sa arapan lang nagana brandnew mirage ko g4. first time ko lang kc kaya wala pako alam. pakituro nman kung may gagalawin ako sa monitor tnx.
hi edward, baka yung speaker balance lang, ma-set nyo sa screen nya 👍
Napadaan lang ako dahil sa Mirage g4 GLX MT discount. Mura naba to sa 520k?
😲 mura yan sir NOJ parang same price ng 5 years ago pa
Ano mas ok boss. Almera o g4?
Almera owner po ako na 1.5 mt nsport, kung bkit ko po pinili ang almera ay dahil sa space for a family of 5 member. Super luwang sa leg, headroom, cabin at trunk. Masikip po kc para skin ang vios at mirage for that purpose. Sakto din sa power at fuel consumption, khit puno ang karga, easy lang sknya kc mataas ang torque mg makina nya. Kung everyday use at ikaw lang lagi gumagamit, go for mirage for fuel economy, dami comments na magastos sa fuel pag vios esp. pag mag isa ka lng lagi gumagamit.
Sir ano po pinaka okay for beginner? Accent, Vios or Mirage? Thank you po
Hi LC, lamang po sa availablity of accessories and parts yung dalawang japanese brand (vios and mirage). Kung priority po yung budget, pinakamura ang maintenance ng mirage, followed by vios, then accent pinakamagastos pero sya rin kasi yung largest engine. Mirage 1.2, Vios 1.3, Accent 1.4. The accent will probably be the best for expressway driving. Mirage pinakatipid, and the vios in between nila.
@@ikeboyplayboy Thank you so much po ☺️
Wow.. What language is that 🙏
I like mitsubishi car
Idol, mirage glx at 2020 o suzuki dzire gl+ ags 2020? Anong much better?
Suzuki dzire is modern looking, mas newer design. Engine nila almost same naman, maintenance cost almost same din. For me sir Brett eh mas pogi yung dzire. Ireview ko nga rin itong dzire para maganda comparison 👍
hello po sir ask ko lang po yung seatbelt po nya nag aappear po ba sa dashboard pag hindi nkaseatbelt?
hello mary jane, yes po merong seatbelt warning light tsaka sound pag hindi suot yung seatbelt at umaandar yung engine.
@@ikeboyplayboy hello sir, bkit yung car po dito na mirage glx manual g4 wala po warning sign?
@@maryjanemorales4227 anong year model po sya maam? baka po depende sa year model
@@ikeboyplayboy mirage manual g4 glx model 2020
remote ba ang door for open and close?
yes sir francisco, may remote key fob po sa door
Sir, ano mas recommended nyo, mirage glx, nissan almera or hyundai reina? Salamat!
Hi angelica. Kung pang araw araw po na gamit, mirage glx po most economical sa fuel. Mas malaki engine ni almera at reina, lugi sila pag traffic. Meron pong 1.2L engine yung almera pero manual sya. Yung automatic nila ay malaki masyado engine for traffic, mas ok sila sa highway
T
Gud pm sir pwedeng magtanong about ac sir yang aircon mo sir pag swiitch mo ng fan sabay ba ng comfressor agad . Parehas kasi tayo ng unit sir un lang ang tanong ko sir sana masagot mo tano g ko sir. Maraming salamat.
yes sir Reymart, pag nag switch on ng fan sa 1 ay sabay na agad yung compressor
idol pa help mirage g4 2020 vs accent 2020 manual gas
gagamitin city drive araw araw?
Medyo malaki na power difference nung 1.4 na accent kay mirage sir. Kung mahilig kayo tumakbo ng 100+ mas ok si accent di kayo mabibitin dyan. Pag city traffic mas ok mirage.
@@ikeboyplayboy maraming salamat idol
i go mirage idol thank you ulit
Mirage g4 or honda brio?
medyo malayo maintenance cost nila, mas mahal po slightly yung brio maintenance
sir, mirage g4, hyundai accent or nissan almera?
Hi kath, mirage ako for city drive lalo na kung mag-isa lang ako. Sya pinakatipid sa nabanggit. Accent and Almera kung may sakay na passengers kasi mas bigger engine sila.👍
mas maganda ba sya kesa vios?
hi roxette, mas matipid sya sa fuel consumption for city driving. Vios has slightly bigger 1.3 engine mas ok naman yun for open highway.
Mas madalas masira ba ang clutch nya? Since clutch by wire na.. How many km kailangan ipalit yung clutch wire? Salamat po
hi randolf, automatic po itong nasa video, pero wala pa naman akong nabalitaan sa mga kilala kong naka manual G4 na nagpalit nyan. Siguro kung lagi nasa traffic baka maaga palit tipong 80k palang mileage.
Ok po ba sir ung Mirage na ganyan for first time driver
Hi maam Kristine. Recommended ko po sya for student drivers dahil sa:
1. Magaan po manibela pwede kong iliko gamit isang daliri.
2. Wide ang view ko sa daan dahil malaki ang windows at mataas ang seat position. Mas kita yung part ng road na malapit sa front bumper kaya madali tumancha compared sa ibang new cars na masyadong malaki ang dashboard at nakakablock ng view.
Pag tumitingin po kayo ng brand new cars, upuan nyo po driver seat at checkin yung view nyo sa paligid kung alin ang mas marami kayong nakikita. Yung iba kasi medyo lubog yung seat at natatakpan ng dashboard yung view ng driver.
Hi Sir! We got our Mirage G4 GLX 2020 AT last Sept 29. I would just like to ask wala po ba sya alarm though keyless entry?
hi ma'am Sheldon, yung GLS 2020 lang po yung may alarm. Pwede nyo naman palagyan nalang
parehas na parehas tayo boss payi kulay
congrats sa G4 good choice!
Ano pong mas maganda sila sa Almera poh?
mas matipid po mirage, pero mas maluwag yung almera
Thank you.. GOD Bless
welcome!
Okay po ba yan pang grab?
ok po sya pang pasahero sir matt, maluwag kasi ang leg room sa likod pareho kay almera. Tsaka matipid talaga sya kahit heavy traffic.
Kia Soluto or Mitsubishi Mirage G4?
Hi Bhea, newer generation yung Soluto so mas marami syang features, G4 naman ay matagal na sa market kaya marami na yung aftermarket na parts and accessories. I will try to borrow a Soluto so I can make a detailed review for comparison ✌️
@@ikeboyplayboy Thank you sirrr 😊💪
More review pa idol.
Thank you sir Xylander sa support, more car and motor reviews coming ✌️
ano pong mas okay sa kanila ni suzuki dzire?
hi maria, mas malaki slightly yung engine ng dzire. 4 cylinder sya na 1.2L compared to mirage na 3 cylinder 1.2L
Sir, okay pba siya kpg Ppnta Baguio or long drive probinsya
ok po sir Jay Aldrin, marami po akong kaibigan na naka G4 na madalas nag roadtrip up to vigan pa sir 👍 matipid sya lalo pag ganun kalayo na roadtrip
Thanks po. Hindi po ba siya sirain sir or depende nlng tlga sa gngamit?? Thanks po pgsagot inquiries.
Hello po question. About mirage g4 2020 . Normal po ba na kahit naka off na ung car as in nalock na normal po b na nbbuksan prin ung mga light switch?
Hi Rose, similar naman po sa lahat ng cars pwedeng naka-on ang ilaw kahit nakapatay ang engine. May tutunog naman po na beeping sound pag nag off kayo ng engine at naiwan naka-on yung ilaw para reminder po at hindi makalimutan.
Hello sir may bluetooth b xa?
meron po bluetooth for phone sir andrew
Hi, sobrang important po ba nung ABS? Can't decide po kase kung GLX or GLS. And, okay po ba ang Mirage pag 1st time buyer ka? And if babae yung gagamit?
Hi Liezel, lahat po ng modern cars simula noong 90s ay meron nang ABS. Ang difference po nung GLX sa GLS ay yung GLX ay ABS only to avoid locking the brake sa biglaang preno. Yung GLS ay ABS with EBD extension na dinidistribute yung stopping force sa bawat gulong. Extra feature lang po yung EBD. Ang deciding factor nyo po dyan ay yung better audio system / Infotainment screen nung GLS at yung custom paint colors. Don't worry about ABS, pareho po silang meron nun.
anong ppiliin mo sir. vios or or mirage po
Kung 5 days a week gagamitin pang pasok sa trabaho, mirage siguro ako sir para mas tipid sa fuel.
Kung twice a week lang byahe, dun ako sa vios para mas malaki ng konti at may additional horsepower pang expressway. Mas mataas ng konti price ng vios kaya ang palaisipan dyan sir ay base model na vios vs loaded na mirage.
Wise fuel economy mirage
sir pag puno ang car ng passenger sa paangat na hill kaya ba?
Hi Bokimon, wala naman po problem yung uphill pag puno ng pasahero. Mga 4500 RPM pag talagang mabigat at matarik tapos walang bwelo.
Did mit. fixed their soft suspension and squeaking front disk brakes? Yan kasi ang sakit ng mirage.
Wala naman po akong napansin na brake noise. Try nyo sir gumamit ng ibang brand na brake pad, yung chamfered or tapered ang lining para mabawasan ang noise. Avoid using performance brake pads na pang racing, maingay po talaga yung ganun.
@@ikeboyplayboy i see. Pero naka stock pads pa po ako. Funny, sabi ng mit service, normal lang yun noise.
Tapos po, kung 5 adults ang nakasakay, if d magdahandahan sa humps, tutukod yun coil spring.
You deserve my subscribe. Hope you could do more videos!
Thank you sir Val. More motor and car reviews coming
Hyundai accent at nman s sunod boss..
oo nga sir Randy, kia and hyundai naman itry ko. Salamat po sa suggestion
Hi boss. Ask ko lang boss kung may shift lock po ba mirage?
Hi Chef Jhaycee, wala po akong nakitang shift lock.
Sa may right part nung shifter merong small plastic notch, mukhang override yun pag na stuck yung kambyo sa park, para ma-unstuck sya.
Malakas ba hatak nya kapag 4 pasahero mo or 3?
hi gutadin5, same lang sa straight way, pero pag uphill mahirapan po sya pag mabigat ang weight.
@@ikeboyplayboy naibyahe m n b sya sa malayo with 3 adults ?
@@gutadin5 mirage hatchback nakapag tagaytay. 3 sakay. ang smooth kahit paakyat
Boss ano naman masasabi mo sa performance niyan? Normal po ba ung parang hirap maghatak kahit isa lang nasa loob, tapos maalog? Mabilis din magpahangin ng gulong. Normal ba to boss? 2months palang ung sakin eh. Salamat po
hi Maria, same naman pakiramdam ko sa G4 parang 1.3 lang rin pag straightway. Sa uphill lang po sya medyo hirap, kelangan mataas rpm para mabilis, mga 3k to 4k rpm nyo maam para umarangkada. Baka po may pako yung gulong nyo pag sumisingaw, pacheck nyo po sa vulcanizing. 100 pesos lang po yung repair kada pako. Di po sumisingaw sakin yung tires kahit 2 months ganun parin pressure.
Sir suzuki ertiga naman..
hello, ta-try ko po kung meron available na ertiga for review. TY 👍
Mas ok ba to kesa Toyota wigo?
mas matipid yung wigo sa fuel pero mas marami po kayo makakarga sa mirage.
Ano height mo? Para matantsa ko gano kahaba legroom
hi vien, 5'6 po ang height ko
Okay bagay nga sa akin 5'6 din ako haha. Thanks
May usb po ba yan lods?
Hi Jason, meron po usb port para sa music
Sir di po ba mahina yung AC?
Hi ying05, malamig po AC nya, naka 1 lang ako pag walang pasahero sa likod.
Thank you sir!👍
Sir how long driving po?
Pwede po ba sya sa provincial tour.. Halimbawa po Pangasinan.
Idol kaya kayang umakyat sa baguio pg complete passenger....
Same question
kaya po sir 1.2 naman engine nya. Yung mga kia dati 1.2 umaakyat baguio yun. Pero for safety po pwedeng sa McArthur kayo dumaan imbes na kenon road, para hindi ganun katarik at mas malapad yung daan paakyat. Daan lang kayo kenon kung mag photo op sa lion ✌️
Sir maingay po ba talaga ung makina ng g4? Ung kahit nasa loob ka rinig mo ung makina na parang truck ung makina mo? Hehe
Hi Jay, baka po may butas yung sound deadening insulation ng dashboard. Para sakin ay same lang naman ang volume ng mirage engine sa ibang modern cars. Marinig lang sya pag high rpm na.
@@ikeboyplayboy cge po take note ko po yan. Ipacheck ko din po sa casa sa 1st pms ng unit ko. Bagong bago palang po kc ito eh
@Jay Chua hmm possible din na may problem yung engine support mount pag maingay sya at nag vibrate. Under warranty pa naman yan sir jay, pwede nyo pa-check anytime kahit wag nyo na antayin yung 1st pms.
@@ikeboyplayboy noted sir playboy. Mapacheck ko na xa sa casa sir last week.. pero ang sinabi lng nila normal lng daw ung ingay.. khit cnbi kong di ganun kaingay nung unang kuha ko sa unit ko ang sabilng nila normal kng daw ung ingay at wala dn dAw nkitang error nung nagcheck sila.. galing nila magcheck saglitnlng tapos na.. "kakaiba... "
Ina antay ko yung aircon kung malakas ba?😂
yes malamig naman po yung aircon at enough sa cabin size nya
Diba front wheel drive to bakit may transmission tunnel sa gitna ng passenger seat?
Hi Jeffrey, depends sa design nung manufacturer kung ibaba nila ng sagad o medyo angat at may bukol sa passenger seat. Check nyo po yung review ko sa Mazda 2 mas nakabukol yun parang RWD na pero FWD sya. Yung vios ata yung flat talaga yan, sa mirage at almera meron 1 inch na bukol.
May bukol talaga sadya yan para medyo maitago ang exhaust pipe para maiwasan ang pagsayad nito sa ground.
@@jeffreygarcia145 Tama po sa FWD daanan ng fuel line at exhaust pipe yung transmission tunnel sa backseat. Usually mga 1 to 2 inches lang naman.
kakaiba,!!!!
at kahindik-hindik ✌️😅
Matipid ba sa gas boss
14 to 15km per liter itong automatic, balikan Quezon City to Tagaytay. Mas matipid pa siguro ng konti yung manual sir Roy.
Matic bayan sir
Hi Eriz, yes automatic 1.2L version po yung nasa video
lodi bibili ako nito
maganda pang daily matipid talaga eh
gusto ko yung mga piyok
thanks for watching 👍 madalas talaga napipiyok ang boses pag nilalakasan para sa mic 😅
Automatic po ba?
yes sir carambeast, automatic na 1.2L po itong nasa review
Kamusta pang ilalim sir?
Hi Ryan, tinanong ko mga kaibigan kong matagal ng may mirage, 70k na mileage pero di pa nagpalit ng shocks ok pa rin. Basta ingat lang sa mga lubak para tumagal tie rod at bushings. 👍
@@ikeboyplayboy ok po. kasi sir my naririnig ako na makalampag daw ang pang ilalim ng mirage.
unleaded po ang glx???
yes ma'am marlyn, ang suggested po ay 91 octane unleaded
2017 glx mt mas may power ang MT tapos sulit na sulit sa features, nag downgrade kasi sila 2018-present model kaya maraming features ang nawala.
Hi sir Justine, naka power window na rin po ba yung 2017 na glx? Yung natry ko pong 2015 glx naka manual po yung rear windows. Pero mas mabilis talaga engine response ng MT kesa sa automatic CVT. Pag automatic DCT ayun pantay na✌️
ikeboy playboy power window po lahat sa glx 2017, naka touch screen head unit, may ABS, alarm, and 4 speakers, sulit na sulit para kang naka gls na din pero hindi naka push start.
Kayanin kaya sir umakyat ng bitukang manok na lima ang laman
hi alfred, kaya po yun sir, shift nyo lang sa low gear B para mag hold sya nung high rpm pang engine break nyo sa pababa.
Indiano taga india ka bro?
hehe hindi po sir raymar, sadyang malalim lang talaga mata ko 😅 Mahirap mag drive sa india, sobrang gulo ng traffic dun
Ang tanong how much po yan?
hi Claire, nasa 700k to 800k po depende dun sa version ng mirage. Yung GLS po ang top of the line 800k+
@@ikeboyplayboy pag monthly installment.. ilang years po yun?
Natutuwa ako sau kuya. Hahaha nakakatawa ka mag review. Natawa ko sa kasya bangkay, pag me itatapon kang tao
hehe thank you keith, hopefully makatulong po sa decision nyo sa paghanap ng car
sir mali poh reading nyo ng gas per liter
hi ericson, baka yung manual po na G4 yung gamit nyo, mas mataas ng konti consumption nitong automatic. May halong traffic ko rin po sya kinuhaan ng consumption para realistic na city driving ✌️
cvt yan kaya may delay.
👍
may salamin sa driver sun shade ibig sabihin babae ang driver at passenger lang yung lalaki.
Ahaha pwede para señorito yung lalaki.
Sir toyota vios 2020 🙏🏻
hi Rodgie, thank you sa suggestion sir. Next review po honda civic and vios 2020✌️
boss ung g4 namin naabot kami ng 32-34km/L
hi Russel, parang fuel consumption po ng motor yung 32 km/L. Try nyo po ulit sukatin sir.
Sirain daw g4
hi richard, wala pa naman akong nabalitaan na sakit or recurring problem sa mga kaibigan kong may mirage na 100k+ na ang mileage. Ano po ba yung bad experience nyo?
mga ilan kasya na tao diyan
4 people po pinaka comfortable pag long roadtrip para nakaka stretch ng todo ang mga passenger. Although 5 is ok pero may katabi sya sa likod
If cvt sya, medyo may delay talaga alam ko
yes sir lorenzo may konting delay sya pag finloor mo yung acceleration
1:28 eto yung highlight ng video
Sir Mirage o wigo G 2020?
Hi Chanard, for small family na couple or solo lang, mas matipid po yung Wigo sa fuel. Kung meron po kayong passengers sa backseat, mas ok yung space ng Mirage.
Thanks sir
Kung kukuha kayo ng mirage go for glx.. maraming reklamo sa push start nya at head unit ng gls. Glx owner ako one year na wala namang issue
LIKE